Chapter 21: Why?
"BREE," habol sa kanya ni Manager Ken.
Nang matanaw siya ng manager sa gusali ng film company na pinagta-trabahuan ni Direk Karlos, panay usal ito ng Thank God hanggang sa makalapit ito sa kanya. Nang maramdaman ang presensya nito, mabilis na lumayo si Bree. She was in the middle of having second thoughts, but the sight of her manager going to stop her pushed Bree to just go for it.
Malalaki ang mga hakbang niya. Sigurado si Bree na nasa conference room na ang direktor at kinakausap si Krista, nagpipirmahan na ng kontrata, nagbi-briefing na ukol sa pelikula.
Oh no, she was not really sure.
But the height of her emotions were making her impulsive right now.
She could not believe it.
She was fuming mad on how she was blindsided by Krista.
Paano?
Paano nito nasulot ang role niya?
Ni hindi pa nga sila nago-audition!
Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay.
Ano ngayon ang ginawa mo, Krista? Ano ang ginawa mo para makuha itong role na ito. Napalunok siya. Ano ang ginawa ko? Ano ang ginawa ko, Krista, noon para ganituhin mo ako ng paulit-ulit?
"Ma'am!" narinig niyang tawag ng receptionist. Nilagpasan lang kasi nila Bree at Manager Ken ang desk nito. Hindi malaman ng babae ang gagawin. "Ma'am, sandal lang po, bawal po kayong basta-basta pumasok sa mga conference rooms!"
"Bree!" hablot ni Manager Ken na kung hindi pa tumakbo, hindi siya maaabutan. Pinihit siya nito paharap dito. Kita niya na hindi handa ang lalaki kaya naman tanging jeans at t-shirt na asul lang ang suot. "Maghunos-dili ka! Hayaan mo nang ako ang mag-handle nito. Ako na ang maga-arrange ng meeting ninyo ni Direk para personal mo siyang makausap!"
Bree kept tugging her arm away, but Manager Ken just gripped it firmly.
"Pakiusap," mariin nitong saad.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakakausap si Direk Karlos Dimalansan!" matapang niyang saad na dinig ng ilang mga staff na napapadaan doon, kasama na roon ang receptionist na naka-high heels kaya malayo-layo pa nung hinabol sila.
"Bree, tama na," hila sa kanya ni Manager Ken.
"Ano'ng tama na?" panlalaki niya ng mga mata rito. "Hindi pwedeng ganito! Kausapin niya ako ng personal! Hindi iyong ikaw lang ang pinag-effort-an niyang kausapin ng personal!"
"Bree," bulong nito sa kanya, natampal pa siya dahil ayaw niyang makipag-eye contact dito. Now her glaring eyes locked gazes with his'. "Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito!"
Natigilan siya at ginalaw ang mga mata para lang makumpirma na tama ang sinabi ng manager. She heard herself panting, felt her chest rise and fall faster than normal. Parang manginig-nginig pa rin ang buong katawan niya sa galit.
"Bree," frustration ang nasa tinig ng pagod na manager, "umalis na tayo."
Binigyan niya ito ng nagpoprotestang tingin. Naiinis na naman siya dahil parang kumikirot ang mga mata niya, nag-aamba ang mga luha. Umiling siya.
"H-Hindi! Hindi-"
"Shh!" saway nito.
"Ano ba ang problema?" hilig niya ng ulo. "Kakausapin ko lang naman siya, dahil baka may kung anu-anong sinabi iyang Krista na iyan para masulot ang role ko!"
"What are you talking about?" narinig nila ang tila iritadong tinig kaya napukol ang paningin nila roon.
Nakita nilang may kasamang security ang receptionist.
At kasama rin nito si Direk Karlos.
Napatiim-bagang si Bree. She clenched her fists and breathed in deeply. Unti-unti siyang kumalma nang makita ang tila pagkabahag sa mga mata nito. Humalo ang pag-aalala sa ekspresyon ng direktor bago pinaalis ang mga staff na nakikiusyoso, ang dalawang security guards at ang receptionist.
Lumapit ito sa kanila.
"Follow me," patiuna ng direktor sa kanila patungo sa isang bakanteng conference room.
Sinara nito ang pinto at pinaupo sila. Manager Ken immediately sat.
"I won't sit," she hissed.
"Ken," baling ng direktor sa manager niya habang iniikot ang mesa, huminto ito sa tapat ng kausap, "ganyan ba talaga ka-eskandalosa iyang alaga mo?"
"Direk Karlos," Manager Ken softened, "please, pagpasensyahan niyo na kung naabala namin kayo-"
"I am processing some important papers right now," pagod nitong saad bago siya nilingon habang umuupo sa upuang katapat ng pwesto ni Manager Ken, "Miss Bree, what are you here for?"
She, on the other hand, was unapologetic. Deretso ang tingin niya kay Direk Karlos.
"I want to know why I didn't get the role," yuko niya para maitukod ang kamay sa desk. Tinapatan niya ng titig ang mga mata nito. "Yung totoong dahilan," aniya para hindi na siya nito masabihan pa na sinabi na nito kay Manager Ken ang rason.
Because Bree was obviously not buying it.
Was she supposed to believe that she didn't get the role because of her past records?
"Iyon ang totoong dahilan, Bree," diretso ang tingin ng lalaki sa kanya. "Hindi ko gusto ang past records mo."
"What is it about the past that you keep judging me for it? Bakit hindi mo tingnan ang latest record ko?"
"Look, Bree," tumindig na ito para hindi tumitingala sa kanya, tumuwid na rin siya ng tayo, "notorious ka pagdating sa work ethics. Lagi kang late. Marami kang absences. Nananakit ka ng mga co-actors. Paulit-ulit ang mga takes mo kapag shinu-shoot na ang eksena mo. You also display idecency for flinging with every man you work with. Kung hindi naman ganoon, napakailap mo sa mga katrabaho mo. Hindi ka nakikisama, nakikipag-usap. Sa record mong gan'un, dapat naiisip mo nang hindi kita tatanggapin dahil ayoko ng sakit sa ulo sa trabaho."
Sinalo niya ang lahat ng iyon. Tinanggap. Bakit hindi? Totoo naman ang mga iyon. Hindi naman paratang ang mga iyon. Mga pagkakamali niya iyon, mga pagkakamaling humubog sa kanya at mas nagpatatag. Mas nagpatatag kaya ngayon heto siya at hindi man lang nanlalambot ang mga tuhod sa harap-harapang paggamit ng direktor sa kanyang nakaraan para itaboy siya.
Ganoon nga siguro kapag walang mahanap ang mga tao na ipipintas sa iyon, gagamitin nila ang iyong nakaraan para ipahamak ka. Uungkatin nila ang mga naging pagkakamali mo, na para bang hindi ka nagbago para itama ang mga iyon.
"Tinanong mo man lang ba 'yung mga naging ka-trabaho ko sa The Rightful One? Idi-discredit mo ba ang success ng pinaka-recent kong pelikula?"
Tinitigan lang siya nito.
"Ni hindi mo pa nga ako nakitang mag-audition!" labas niya sa laha-lahat ng pinipigilan niyang emosyon kanina pa. "You did not give me a chance to prove myself! And you're judging me based on my past! And not just judge, Direk Karlos," she spat in a lower tone, "you are also exaggerating your claim that I fling with every man I work with."
Dahan-dahan siyang humakbang paatras, palayo dito pero hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa mga mata nito.
"Alam mo, may balik din naman sa iyo itong ginawa mo sa akin," kuyom niya ng palad habang pakalma na ulit siya. "Ninyo ni Krista," diin niya. "I don't get problems like this before, pero kapag si Krista ang kaagaw ko sa role, heto, nangyayari itong ganito. I'm smart enough to know. Unlike other people na paulit-ulit nang ginagago, hindi pa rin nakakahalata."
Siyang talikod niya para iwanan ang mga ito. Tumayo si Manager Ken, tinanguan ang direktor bago siya mabilis na sinundan.
"Bree," tawag nito pero hindi niya nilingon.
Dumere-deretso siya hanggang sa masolo nilang dalawa ang isa't isa sa elevator na sinakyan.
"Hindi maganda itong ginawa mo."
"Ano'ng hindi maganda?" sipat niya sa sariling repleksyon sa salamin. "Gusto ko lang ng honest na usapan. Ayaw niyang magpakatotoo, kaya wala na akong respeto sa kanya."
"I could have still arranged a proper meeting! Hindi itong ganito! Naiintindihan mo ba ako? Alam mo naman ang consequences nitong ginawa mo! Mai-issue ka!"
"Eh 'di mai-issue!" suklay niya sa unat na buhok para maayos iyon. "Ako ba ang nagsimula?"
"Hindi mo rin pwedeng kwestiyunin ang desisyon niya, Bree. Respetadong direktor iyong sinagot-sagot mo kanina-"
"Hindi ko pa ba nasasabi sa iyo?" baling niya rito. "Wala na akong respeto sa kanya."
"You can't just assume na may ginawa o sinabi sa kanya si Krista para makuha 'yung role mo-"
"You don't know her!" harap niya rito. "Gagawin niya iyon dahil mainit ang dugo niya sa akin!"
"Krista is just an actress!" Manager Ken blurted out. "Just like you! Wala siyang ganoong kataas na otoridad para diktahan si Direk Karlos kung ibibigay ba niya sa iyo 'yung role o babawiin!"
Sumandal na lang siya sa dingding ng elevator. Sinilid ni Bree ang nanginginig na mga kamay sa sariling bulsa.
"Eh, 'di magkakaalaman kung may kinalaman si Krista sa pag-reject sa akin ni Direk Karlos."
"Don't you dare," duro nito sa kanya.
Galit na tinabig niya ang daliri ng manager. She drew her face to him.
"You don't dare," balik niya ng banta nito rito.
Manager Ken was obviously appalled. Hindi makapaniwala sa tapang niya para gawin iyon dito.
Ilang minuto pa silang natahimik bago bumukas ang pinto ng elevator.
Mas kalmado na sila habang sabay na naglalakad. Kapwa walang pagmamadali sa mga hakbang nila.
"Alamin mo kung nasaan ngayon si Krista," walang tingin-tingin na wika niya rito.
"Nasisiraan ka na ng bait," mahina rin ang tinig nito habang sinasagot siya.
"If you won't do it, fine. Magtatanong-tanong ako sa mga posibleng may alam sa showbiz industry."
Tuluyan nang napatid ang pasensya nito. "Gusto mong tuluyan nang sirain ang career mo? Hm?" dukot nito ng cellphone sa back pocket ng pantalon. "Eh, 'di sige. Aalamin ko na ho, madam. Tapos puntahan mo kaagad si Krista, ha? Kalbuhin mo."
Nagbaba na ito ng tingin at naging abala na sa hawak nitong cellphone.
.
.
.
***
.
.
.
WHY. THAT IS THE QUESTION.
Why would Bree deny to him that she went out with Jordan last Friday night? And why would she even go out with him? Go out with just the two of them?
Diniin ni Virgo ang sigarilyo sa ashtray. Wala pa sa kalahati iyon pero naumay na rin siya dahil pang-ilan na niya iyon.
Ano kaya ang posibleng pinag-usapan ng dalawa?
Hindi pa rin maalis-alis ang suspetsa niya na ginagamit yata ni Jordan ang dalaga para espiyahan siya.
Hindi ito maganda.
Kailangan niyang palabasin na wala siyang malay. At the same time, be secretly aware of what was going on.
Sa ngayon, si Greg pa lang ang maaasahan niya na makakaalam sa tunay na motibo ni Jordan sa unti-unti nitong pakikialam sa buhay niya. Ano pa ba ang hindi sapat sa maganda niyang rating ngayon para gumawa pa ng karagdagang aksyon ang pinsan para masigurado ang pagkapanalo niya sa eleksyon?
Kaya lang, sigurado siya na baka wala ring masyadong mapala ang bodyguard niya sa mga tauhan ni Jordan. Eh, parang aso lang naman ang mga iyon. Sunod sa utos ng amo, wala nang tanong-tanong kung para sa anong dahilan.
Nakarinig siya ng katok sa pinto.
"Tuloy."
Ilang minuto pa ang nakalipas bago bumukas ang pinto ng office room. Hindi yata siya narinig ni Greg kaya nakiramdam muna bago sumilip.
"Sir," bati nito.
"Ano? Handa na ba ang convoy?"
"Opo, Sir," anito.
Nilisan na niya ang kinatatayuang pwesto sa tabi ng desk.
"Nakakwentuhan mo ba ang mga tauhan ni Jordan?"
"Wala pa akong nakukuha na impormasyon. Panay ang tanong nila ng mga detalye tungkol sa lakad natin ngayon, kaya naman wala akong maisingit na pwedeng itanong sa kanila."
"Hindi bale," labas niya ng silid kaya sinundan na siya ni Greg. "Tatagalan ko ang stay ko sa hotel mamaya, para matagal-tagal mong makakwentuhan ang makakasama mo mamaya sa pagbabantay sa akin."
"Okay, Sir," anito. "Suot niyo na ba 'yung chip?"
He slightly tilted to show the voice chip on the collar of his black poloshirt, underneath a dark blue suit, tucked in. Katerno ng kanyang blazer ang slacks na kakulay niyon. Virgo lifted his wrist and checked his Zenith wristwatch.
"Okay, Sir," suot na ni Greg sa earpiece nito. "Take note, Sir, na hindi kayo pwedeng magsuot ng earpiece kaya instructions niyo lang ang masusunod. Lalapitan kita kung may emergency man."
"Noted," aniya.
"Lalayo ako saglit, Sir, magsalita kayo sa earpiece kapag nasa hagdan na kayo para ma-test natin."
Nasa hagdan na si Virgo nang sundin ang instruksyon ng bodyguard. Nasa pinto na siya nang mahabol nito.
"All good, Sir," kumpirma nito kaya kampanteng tumuloy-tuloy na sila ng labas.
Nasalubong niya sa paanan ng hagdan sa porch ng mansyon ang inang si Laila. Kakauwi lang ng matanda mula sa pagsha-shopping kasama ang isang katulong at ang dalawang kababatang mga kapatid ni Virgo. Nasa bente-sais anyos na si Libra. Bente-nuwebe naman si Leo na palaging kasama ng ina nila dahil lalaki at mas makakatulong daw sa pag-akay dito.
"Mama," hinto niya para bumeso rito.
"Hindi pa ba tapos ang mga lakad mo?" busangot ng matanda na simple ang gayak sa suot na dress na kulay rose gold. Dalawang pearl drop earring lamang ang accessories at ang wedding ring sa daliri.
Hindi na bago sa kanya ang ganoong reaksyon ng ina. Ayaw na ayaw nito sa pulitik. Kaya naman tuwing nakikitang paalis siya ng bahay, awtomatiko na para rito mag-assume na may kinalaman sa pulitika ang lakad niya. At hindi ito komportable sa ganoon. But at least she was better this way. Nung unang ipaalam niya kasi rito noon na tatakbo siyang senador, iyak ito ng iyak na may halong galit para lang pigilan siya sa gustong gawin. Sa unang panalo niya, ilang linggo rin siya nitong hindi kinausap o pinansin.
"Mama," he smiled gently, "mabuti nga ito na may lakad ako ngayon.Walang manenermon sa inyo sa dami ng pinamili niyo," may himig panunukso iyon sabay sulyap sa mga bitbit na paper bag ng mga kasama ng ina para hindi na sumama pa ang loob nito.
"Saan na naman ang lakad mo?"
"Sa Hyatt Hotel. Doon naisipan ng partylist namin na magpulong."
"Hindi pa rin kita iboboto," mataray nitong saad bago nilingon ang mga kasama para sumenyas na tumuloy na sa bahay.
Napailing na lang si Virgo, napapangiti. Hindi naman lingid sa kanya na ganoon ang ina dahil sa trauma na dinanas nito sa dami noon ng tao na gustog manakit sa pamilya nila o patayin ang tatay niyang si Aries.
"Kuya," hinto ni Libra para kausapin siya saglit, "binili kita nung pipa!"
Tinawanan pa siya ng pilyang kapatid na pinabata ang hitsura ng bob cut nitong itim na buhok na may bangs. Medyo kulot ang dulo ng bawat hibla kaya nagmistulang manika sa ganda.
"Parang chiminea na kasi iyang bibig mo, kakailanganin mo ng malaki-laking pang sigarilyo."
He sarcastically grinned at her while staring daggers.
"Joke lang," bawi agad nito. "Binili kita nung smoking pipe kasi vintage siya. Baka magustuhan mo."
"No, thanks," pang-aalaska na niya rito. "Baka kung kani-kaninong laway na ang dumikit sa vintage na iyan." He patted her shoulder. "Pakilagay na lang sa desk ko," bulong niya.
Of course, gagamitin lang niya iyon na pang-display.
Hindi talaga siya 'yung sweet na tipo ng kapatid, so that was Virgo's way of showing he still appreciates his siblings' efforts.
"Libby!" tawag ni Laila sa dalagang bumubungisngis pa rin kaya nagkukumahog na sumunod ito sa ina.
Siya namang deretso ni Virgo sa sasakyang naghihintay sa kanya. Sumulyap siya saglit sa dalawang kotse na parte ng convoy. Isa sa unahan at isa naman ang nakabuntot sa sasakyan niyang kotse. Nasa loob ng mga iyon panigurado ang mga tauhan ni Jordan.
Nang mapagbuksan ng pinto sa back seat ni Greg, pumasok na roon si Virgo.
.
.
.
***
.
.
.
"HYATT HOTEL..." Bree murmured while looking out the window.
Kasama niya ngayon ang driver nila ni Manager Ken. Ito ang maghahatid sa kanya sa Hyatt Hotel sa Quezon City branch dahil ayon sa manager niya, naroon daw si Krista.
Sana lang totoo ang sinabi nito.
Ano naman kaya ang ginagawa roon ni Krista? sandal niya muli sa kinauupuan.
Nasulyapan ni Bree ang sarili sa salamin sa ibabaw ng dashboard. Ilang hibla ng buhok niya ang tumikwas kaya sinuklay niya ng mga daliri ang parteng iyon ng ulo. Tinitigan pa niya ang sariling repleksyon. Hakab sa magandang hubog ng katawan niya at pagkakabilog ng mga dibdib ang suot na tank top. Her jeans fitted her tightly.
Sa kabila ng mga iyon, bakit hindi yata nakikita ni Direk Karlos kung sino ang pinalagpas nito?
Nababagay naman siya bilang Angeline sa pelikula nito, 'di ba? Kaya naman niyang magpaamo ng mukha. Aminado naman si Bree na minsan parang resting bitch face ang hitsura niya. She let out a sigh. Tinukod niya ang siko sa baba ng bintanang katabi para maitukod doon ang gilid ng ulo.
Mukhang pokpok.
Shrimp.
Malandi.
Puro landi, walang talent.
Papansin.
Sinungaling.
Gumagawa lang ng issue.
Walang manners.
Palaaway.
Sakit sa ulo.
Puro pa-sexy, walang mapupulot na lessons sa movies, puro kalandian lang.
Lahat ng mga masasakit na komento, bumabalik kay Bree sa tuwing nakakatanggap siya ng rejections. Paulit-ulit na pinapaalala iyon ng utak niya para pilitin siya na review-hin ang mga iyon. Baka kasi tama ang mga komentong iyon.
She could not even cry. Ewan. Namanhid na yata siya.
O tumibay.
Kaya hindi magiba ng bagyo sa loob ng kanyang dibdib ang panlabas na anyo.
"Ma'am Bree," wika ng driver na walang kamalay-malay sa kanyang agenda ngayon, "tanaw ko na po ang Hyatt Hotel. Sa basement ako paparada. Ite-text ko na lang sa inyo kung anong number ng lot."
"Okay,"walang buhay niyang tugon kahit ang totoo, alam niyang hindi masasagot ang textng driver mamaya. Naiwanan niya kasi sa bahay ang cellphone sa sobrang galitkanina kaya basta-bastang sinugod si Direk Karlos.
.
.
***
AN
Yeheeeyyy! Updated na rin sa wakas ang Slide. Oh you don't know how many attempts I had dahil sa internet connection XD Btw, huwag na kayong mabitin, one chapter per day na naman ang updates natin (every Fridays to Sundays itong one chapter per day na ito, ha?)
Kitakits bukas para sa Chapter 22! ;*
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro