Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: The Devil That Works Harder

NAPAMAANG SI DIREK KARLOS nang matanaw ang hindi inaasahang bisita. He could not contain himself, watching the actual Krista striding within the condominium unit where he lives. Matapos pagbuksan ng pinto ang dalaga, walang anu-anong dumeretso na ito sa solohang sofa ng salas. He had to admit, Bree was a few notches hotter than Krista, but looked more sinful than the classiness in the woman in front of him. She was sexy in her white tight, spaghetti strapped dress with a tube neck line. Umaabot hanggang sa kalahati ng mga hita nito ang tabas ng palda niyon. Her sleek hair was hanging on her shoulders.

Medyo nag-aalangan ang direktor sa sariling hitsura. Hindi naman kasi nito napaghandaan ang pagbisita ng dalaga ng ganitong kaaga sa araw ng Linggo, kaya pagkaligo, basta suot na lang ng t-shirt at boxers. Basang-basa pa ang buhok at magulo.

"Good morning," angat ni Krista ng tingin habang papalapit ang lalaki rito.

Nilihim ng direktor ang nararamdamang awkwardness.

"Morning," kampante ang rehistro ng tinig nito. "Is there anything I can help you with, Miss Krista? I believe tapos na ang discussion natin kahapon tungkol sa movie role."

"Yes, Direk Karlos. I know," she projected a sultry voice and crossed her legs. The illusion of her ass peeping in that position was beginning to bother him. "And unlike Bree Capri, I give my hundred percent dedication to getting what I want... like..." pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ng lalaki bago bumalik ang tingin sa mga mata nito, "...a movie role."

"You should be rehearsing for the audition," pamewang ni Direk Karlos. "Want some coffee?"

"No, Direk Karlos," she switched which leg goes on top with her crossed leg position. "I think I already gave you a hint. 'Yung movie role ang gusto ko."

Naihilg ng lalaki ang ulo. Medyo hanga rin si Direk Karlos a sa lakas ng loob ng babae para mag-utos na ibigay dito ang lead role para sa Forbidden. Sumilay ang napapantastikuhang ngisi sa sulok ng labi ng binata.

"Then, good luck sa audition," tutunguhin na nito ang kusina. "Ipagtitimpla lang kita ng kape."

Baka sakaling mahimasmasan ka, dugtong ng direktor sa sariling isip.

"Hindi. Ko. Kailangan. Ng. Ka. Pe." Lumingon si Krista sa direktor. "Direk Karlos."

She gave him a threatening gaze, intensified by the kind of smile that went with it.

Tumayo na ito para lapitan ang lalaki.

"Direk Karlos," she had the walk of a horny cat on the spine of a roof, "gustong-gusto kong makuha ang role lalo na nang malaman ko na inaalok mo iyon kay Bree."

"Ilabas mo ako sa rivalry ninyo, Miss Krista," harap ng direktor para tapusin na ang diskusyon. "Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko."

Humawak ang babae sa braso nito. Maingat na pumiga.

How that easily disarmed and silence Direk Karlos? He could not tell as well.

"Come on, Direk Karlos. It's not about the rivalry. You don't know how much I admire you..." nakaw nito ng tingin sa mga labi ng lalaki, tapos sa mga mata, "your movies... your creativity and passion and courage to break free from the norms of the movie industry. Your movies are daring... kumakalikot sa imahinasyon..."

Hindi na nito namalayan na nakapatong na ang isang kamay ni Krista sa balikat nito, nakalapat ang braso niyon sa dibdib ng direktor matapos matawid ng babae ang distansya sa pagitan ng mga katawan nila.

"Kilalanin mo ng mabuti si Bree Capri," bulong nito habang naglalapit ang mga mukha nila. "Dahil ayoko na maging sakit siya ng ulo para sa iyo at makasira sa bago mong movie. Halos lahat ng nakatrabaho niyang direktor, ang daming reklamo sa kanya."

Naguguluhang napatitig si Direk Karlos sa mga mata ni Krista.

She spread a wicked smile on him.

"At ayoko na gamitan ka ng babaeng iyon ng katawan niya, just to get away from all the trouble she will cause you... because..." her fingers, delicately traced his lower lip. "You're too good just to be used by that slut."

Kalkulado ni Krista ang mga kilos. Nang mapagtanto na nagtagumpay sa misyon, nakangising diniin nito ang mga labi kay Direk Karlos. His baffled mind took a few seconds before he hungrily grabbed her closer to him. Hayok na tumugon ito sa halik ni Krista. Bumaba ang mga labi ng lalaki pakaladkad sa leeg nito, kaya lumantad ang mukha nito. Mulat ang patay na mga mata ni Krista, nakaunat ang maruming ngisi sa kanyang mga labi.

.

.

.

***

.

.

.

BREE WOKE UP, naked and alone in her bed. She immediately washed her face in the bathroom. Inisip niya na baka napahimbing siya ng tulog kaya hindi na inabala pang gisingin ni Virgo nung umalis ito.

Nang makapagsuot ng bath robe, dumeretso si Bree sa kusina para maghanda ng tsaa. Pero kalalabas pa lang ng kwarto, natanaw na niya ang lalaki na tila ginagawa iyon para sa kanya.

"I apologize," bungad ng maaliwalas nitong mukha sa kanya nang malapitan niya. "I know, hindi ako dapat nakialam sa kusina ng walang paalam."

"You must be hungry," she just answered, rushed and dazed at the same time at the topless demigod in her kitchen. Suot na muli ni Virgo ang pantalon nito, hinahaplos ng liwanag ng araw na sumirit mula sa window blinds ang balat sa dibdib, mga braso at matigas nitong tiyan. "Dapat ginising mo ako," halungkat ni Bree sa ref kung ano ang pwedeng iluto.

What would anyone cook for the future president of the Philippines?

Nasapo niya ang noo sa dinaranas na indecision.

He chuckled lowly. "Should I believe you'll have the energy to cook after all that I did to you last night?"

Napalunok si Bree. She composed herself and sexily turned around to face Virgo. Nakapatong sa ibabaw ng pinto ng ref ang isa niyang kamay.

"Why, Mr. President?" she huskily responded with a seductive gaze. "Ano ba ang ginawa mo sa akin kagabi? You just helped me rehearse some lines for a movie..."

He sexily grinned, drop dead gorgeous with his tousled dark hair as their eyes locked.

"Well, yes, rehearse some lines and..." his eyes wandered heatedly on the shape of her body, on her breasts slowly peeking between the slit of her bathrobe, "...actually acted some of the scenes." He tugged a malicious grin at her. "How many sex scenes did we rehearse again, Miss Bree?"

The nerve of this man to tempt her like this so early in the morning!

"I hardly remember," taray-tarayan niya sabay talikod agad sa lalaki.

"I think I blew your mind that much last night," he proudly scoffed, then lowly chuckled. "Or perhaps, it's too many to count."

Napatingala na lang si Bree, tumatawa ngunit walang boses na lumabas mula sa kanyang mga labi. The thrill fluttered along her insides, she mindlessly pressed her legs tightly, slightly rubbing her thighs against each other before bending to check the lower part of the refrigerator. Binalik niya ang atensyon sa pamimili ng iluluto. Maybe, she should cook some omelette to keep things simple. Para makakain na sila agad.

Virgo slyly checked her out, admired and lusted over seeing her with back turned on him and bent on that position. He clenched his hand that rested against the counter to the point his veins bulged. The desire to smack her ass was strong, but the urge was fizzled when she called him back to reality.

"Mr. President?"

"Hmm?" wika ng lalaki na nagsasalin na ng tsaa sa nakahandang mga mug, ewan niya kung bakit mug ang kinuha ni Virgo para lagyan niyon.

"Is it okay to ask kung ano ang ginawa mo nung isang araw?"

"Friday?"

"Yes."

Saglit na natigilan ang lalaki, gumusot ang mukha. May namumuong mga konklusyon sa isip nito bago nakapagsalita. "You did not watch TV?"

"Nope," harap niya sa counter para ilapag ang tray ng itlog.

Sumulyap ang binata sa kanya. Bahagyang pinag-aralan siya ng mga mata nito bago seryosong sumagot.

"I went to a debate. Pinalabas iyon sa TV."

"Oh, really?" she was filled with excitement, her beaming could not hide it. "May video ba n'un sa internet? I want to watch it," nanunukso na ang tingin niya rito. "Oooh, let's see kung magaling bang sumagot si Mr. President."

He scoffed and grinned. "Come on, Miss Bree, you know I am good."

Masiglang sumayaw-sayaw lang siya habang naghahanda na ng mga gagamitin sa pagluluto.

"You want egg omelettes?"

"Yes, please," narinig niyang sagot ng lalaki habang abala sa mga kitchen drawer.

"Then, we'll watch that debate," dagdag niya.

"Interested now in politics, hmm?"

Tumabi siya rito at nilapag ang isang bowl. Dumampot siya ng itlog na babasagin. Pasimpleng nilapit nito ang mug ng tsaa sa kanya para uminom siya ng kaunti. Bree ignored it and cracked an egg.

"Syempre naman," wika ng dalaga, "tapos magshe-share ako ng mga opinions ko. Imagine, people have a hard time to reach out to the president personally. So, ako ang gagawa, ha-ha!" patuloy si Bree sa pagkilos.

"Let's see if your opinions will influence me," mahina nitong tawa. Nahihimigan niya ang disapproval sa tunog ng tawang iyon kaya naisipan ni Bree na pagaanin ang scenario.

"Afraid of a woman who can speak out about her opinions? Huh?" pabirong siko niya rito.

"Uminom ka muna niyang tsaa para mainitan ang sikmura mo," paalala nito bago siya iniwanan sa counter.

"Saan ka pupunta?"

He turned to her and smiled mysteriously. "Kukunin ko lang ang cellphone ko para mahanap 'yung video nung debate. Para papanoorin na lang natin pagkatapos mo magluto."

Bree smiled wider. "Great."

.

.

.

***

.

.

.

IT WAS ALREADY 12 MIDNIGHT. Nasa kalagitnaan pa rin ng biyahe si Virgo pauwi ng Ferdinand Mansion. Nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap ng driver at body guard na si Greg.

"Himala at hindi ka nasundan ng mga in-assign ni Jordan na gugwardiya sa akin," wika niya rito.

"Hindi naman ako ang minamanmanan nila, Boss. Ikaw."

Totoo. Sa tinitirahang bahay ni Greg kasi nito pinaparada ang personal na sasakyan ni Virgo, at dahil si Virgo ang binabantayan ng mga tauhan ni Jordan na napagkasunduan nilang magiging parte ng convoy niya, tiyak ng senador na hindi naantabayanan ng mga ito ang pag-alis ni Greg mula sa sarili nitong bahay para sunduin siya.

At kampate si Virgo na napalabas ni Greg na wala siyang naging lakad nung Sabado at hindi lumisan ng Ferdinand Mansion. Walang lakas ng loob na pumasok doon ang mga tauhan ni Jordan dahil na rin sa presensya ng ina ni Virgo at ilan sa mga nakababatang kapatid na hindi pa bumubukod ng bahay.

"Good," sulyap niya sa bintana.

"Kamusta naman ang day-off niyo, Sir?"

"Have you double checked the car? Are we not bugged in here?"

"Yes, Sir. At huwag kang mag-alala, wala akong nakitang kaduda-dudang in-install dito sa kotse," anito habang nasa kalsada pa rin ang tingin.

"My day-off is great," he sighed. "That Bree... she told me to buy a hoodie. Remind me about that on Tuesday."

Tumango lang si Greg.

"At may ipapagawa ako sa iyo."

"Ano iyon, Sir?"

"Kaibiganin mo 'yung mga tauhang in-assign ni Jordan na magbantay sa akin. Mag-gather ka ng mag-gather ng impormasyon."

Greg glanced for a short while at the mirror over the dashboard to see if he was serious. "Tungkol saan, Sir?" his eyes were on the road again.

"Kahit anong mahalagang info. Pero sana, mas lalo na tungkol sa kung may binabalak ba si Jordan na gawin sa akin."

Naintriga ito, pero piniling huwag nang maging matanong.

"Sige, Sir."

"At ako na ang bahala kay Bree," pagdidilim ng kanyang anyo. "Jordan... my critics... them... they may work hard, but I am the devil that works harder, Greg, so hard I become one step ahead."

And Virgo was hoping that Bree wasn't a devil of his kind too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro