Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19: The Worst Date

"SINASABI KO NA!" Bree blurted as she got inside the house.

Nakasunod sa kanya si Manager Ken at ang nobyo nito. Umupo ang nobyo sa isa sa mga upuan, tahimik at palipat-lipat ang tingin mula sa kanya at sa manager niya.

"Bree," kalmado lang ito habang humahanap ng tiyempo na mahawakan siya sa mga braso para pakalmahin siya.

Hinarap niya ito. "Nananadya talaga iyang babaeng iyan, eh!"

"Bree," matatag ang tinig nito, "huminahon ka muna, pwede? Ang dapat mong bigyan ng focus ngayon, ay iyang script na hawak mo."

Inangat ni Bree ang hawak na script, tinitigan bago iyon nilapag sa coffee table. She flipped back her hair and resumed with confronting her manager.

"Paano nalaman ni Krista na in-offer ni Direk Karlos sa akin ang role na iyon?" tumataas na naman ang tono niya.

"Aba, hindi ko alam!" depensa nito. "But remember, siya ang unang inalukan ng role, Bree."

It made her angrier. What could be more upsetting than be seen as a starlet, but be always that second option. Nakakainis! Lahat naman sila pare-parehong aktres, ah? Bakit hindi pantay ang trato sa kanila?

"Baka bigla siyang naging available, tinawagan si Direk Karlos kung available pa ba 'yung role, tapos nabanggit ni Direk na sa iyo na niya iyon ino-offer."

"Exactly! So bakit kailangan ko pa mag-audition para sa role na ibibigay na dapat sa akin?"

"That's what Krista is going to do too," Manager Ken shrugged. "So anong pinagkaiba ninyo? I think nagiging patas lang si Direk Karlos, na-sense niya yata 'yung ano niyo—"

She groaned and plopped down an empty sofa. Nasapo ni Bree ang noo na kanina pa nananakit sa sobrang stress na binibigay sa kanya ni Krista.

"Hahayaan mo ba na maagaw ni Krista ang role para sa movie na iyon?"

It's going to be my very first lead role...

Bumalik ang determinasyon sa mga mata niya. Pagod na pagod na talaga si Bree sa kakapilit na mapansin siya ng mga tao, na may maka-appreciate sa galing niya sa pag-arte. Pagod na rin siya sa pagpapamukha sa kanya ni Krista na naagaw nito ang mga bagay na dapat ay sa kanya.

"Hindi," matapang na sagot niya pagka-angat ng tingin sa manager. "Hindi ako papayag."

"Then," dampot nito sa script at maingat na initsa iyon sa kandungan niya, "get yourself together, Bree. Take a break first and enjoy, tapos pag-aralan mo at paghandaan ang magiging audition mo sa Wednesday. Okay?"

Sumusukong napabuntong-hininga na lamang siya. "Fine."

Pero sa loob-loob niya, hindi sapat para kay Bree na makuha ang role para sa Forbidden.

This time, she was determined to find a way to get Krista out of her way.

For good.

.

.

.

***

.

.

.

SINILIP NI VIRGO ang kanyang smartphone.

Not replying, eh? ngisi ni Virgo pagkabulsa ulit niyon.

Nag-angat siya ng tingin kay Greg na nasa driver's seat.

"How far?"

"Tanaw ko na 'yung entrance ng villa, Sir."

"No one is following us?"

"All clear, Sir," sigurado nitong saad.

Tinanaw niya ang side mirror ng kotse. Wala namang nakasunod na kotse sa kanila. Kapag ganitong ala-una na ng madaling-araw, mangilan-ngilan na lang ang sasakyan sa daan.

"Kung sakaling abutin ako ng alas-singko, umuwi ka na muna."

Kakaiba iyon, kaya napatanong ang bodyguard niya. "Sigurado kayo, Sir?"

"I would not want someone to see you waiting for me there."

"Pero paanong aabutin kayo ng—"

"I think, I am entitled to a day off on a Sunday," he replied sternly. "A day off wherever I want to spend that day off."

"Yes, Sir," suko na nito.

.

.

SINUBASOB NI BREE ang mukha sa binabasang script. Sa totoo lang, isa ito sa mga kinatatamaran niyang gawin minsan— ang magbasa ng magbasa. It was easier for her to read one scene at a time, instead of reading the whole thing at one sitting. Pero kailangan niya ngayong gawin ito dahil sila mismo ni Krista ang personal na pipili ng mga dialogues o scenes na ipo-portray sa magiging audition nila.

Wala na siyang pakialam kung nag-aalangan siyang makatrabaho ang Direk Karlos na iyon. Inaagawan na naman siya ni Krista kaya hindi pwedeng umatras dito si Bree. If this role was so important to Krista, she was going to have her first revenge. Para patas na sila sa pang-aagaw nito sa role niya noon bilang Divinagracia.

May panibago na namang lakas ng loob na sumibol sa kanyang dibdib nang maalala ang pinaggagagawa sa kanyang pantatraydor ng dating kaibigan. Nag-angat siya ng ulo, umayos ng pagkakadapa sa kama at pinagpatuloy ang pagbabasa script.

She was not yet feeling sleepy since she slept the whole morning. Nagbawi siya ng tulog at pagabi na nang magising.

To make sure she could focus on the script, she silenced her smartphone and disconnected the landline phone cord in her living room.

Nakailang lipat siya ng pahina bago nakahanap ng ikaapat na scene na natitipuhan niyang gamitin sa audition. Binilugan niya iyon gamit ang hawak na pulang ballpen.

She bit her lower lip, lifted her legs and kept of swinging them.

Napaangat muli si Bree ng ulo nang makarinig ng doorbell.

Nagsalubong ang mga kilay niya.

Alanganing oras na— The immediate realization made her heart stood still. Naibaba niya ang hawak na ballpen at wala sa loob na napatanaw sa pinto ng kwarto niya.

No way, paniningkit ng mga mata niya.

Muling tumunog ang doorbell. Halos kaladkarin niya ang sarili paalis ng kama. Hinagilap niya ang silk robe para takpan ang katawan na tanging itim na lace lingerie lang ang suot.

Pagkabukas ng pinto, natanaw na agad ni Bree sa gate ang bisita.

Sabi na nga ba, higpit niya sa pagkakayakap ng roba sa sariling katawan bago nilisan ang pinto. But why come unannounced? Wala kaming usapan. This man needs a little reminder about valuing my precious time.

Mabibilis ang mga hakbang ni Bree patungo sa gate. Kailangan dahil baka may mga kapitbahay na makatiyempo at mahuli ang pagtatagpo nila. Hindi na niya nakuhang batiin pa si Virgo. Yumuko siya at nagmamadalin binuksan ang lock ng gate.

"Bree," bati nito.

Hindi man sumasayad ngayon ang tingin niya sa binata, alam niyang may kalakip na ngiti sa tinig nito.

"Pasok. Dali," sulyap niya habang pinagbubuksan ang lalaki ng gate.

Kampante ang mga hakbang nito. She internally groaned. Mukhang taliwas kasi sa sinabi niyang magmadali ang ginagawa nito. Maagap na sinara niya at ni-lock ang gate nang makatuloy si Virgo.

Muling inayos ni Bree ang pagkakabalot ng roba sa kanyang katawan at nagpatiuna.

"Halika," aniya at nasa kalagitnaan na ng pagtawid sa walkway pabalik ng bahay.

Pumuwesto siya sa pinto para isara iyon agad, pero inagaw ni Virgo ang seradura pagkaabot sa kanya ng wine bottle bag na gawa sa canvas at isang paperbag na may kabigatan. Kunot ang noo na pinanood niya ito. Muling humarap ang binata.

He was on his most casual attire, a pair of dark jeans and a black t-shirt that hugged his ripped physique. Yumayakap ang sleeves niyon sa biceps ng lalaki na muling kinuha sa kanya ang may kabigatan na paper bag.

Napalabi siya nang tunguhin nito ang kusina.

Akala mo sarili niyang bahay, sunod ni Bree sa lalaki at nilapag na rin sa counter ang dala niya.

Nilabas ni Virgo ang laman ng paper bag. It was a box of cake.

Napaawang tuloy ang mga labi niya.

"Bakit may cake?" tingala niya sa katabi.

Hindi ito lumingon. Tipid ang lalaki habang maingat na nilalabas mula sa kahon ang chocolate chiffon cake. It had four squeeze of swirled icing, a sharp of a glassy candied sugar, and three red cherries on top.

Mahinang natawa si Bree habang nilalapag na iyon ng binata sa counter.

"It is not my birthday," iling-iling niya.

"I know," abot na nito sa wine bottle bag para ilabas ang itim na bote ng isang Cabernet.

Oh, wow. Ilang araw na yata siyang nakakainom ng alak. Mula sa after-party ng movie premiere hanggang kagabi nung makasama niya sa dinner si Jordan. Kaya lang, hindi naman niya pwedeng i-inform kay Virgo na nakipagkita siya sa pinsan nito.

Although there were chances that Jordan would let Virgo know about that, she would still be able to deny it. Walang ebidensya kaya sigurado si Bree na makakalagpas siya kung sakaling tanungin ng binata.

"Nag-blockbuster ang movie niyo, just for one night," he turned to her while uncapping the bottle. "Can you imagine that?" a charming smile brimmed on his sexy lips.

Ewan kung bakit awtomatikong nakopya ng mga labi ni Bree ang ngiti na iyon ng lalaki.

"Oh, come on," she sighed. Then, she rushed to the kitchen drawer. Kumuha siya ng panghiwa sa cake at mga platito. Then some wine glasses. "Hindi lang naman ako ang dapat na bilhan mo ng mga iyan. It's not like, my own movie or leading ako d'un."

"Everyone, big or small roles, or behind the cameras, are essential to a movie, Bree," salin nito ng alak nang makalapit siya sa lalaki at iangat ang isa sa mga wine glass na hawak niya.

The red wine crisply slid inside the glass. Napabungisngis si Bree nang akalain na muntikan na siyang matalsikan niya. Virgo just smiled wider. Nilapag niya ang baso at ang isa naman ang pinalagyan sa lalaki.

"Wala ba kayong Victory Party?" tanong nito.

"Ang sabi ni Manager Ken," sagot niya habang nilalapag na ni Virgo ang bote, "next week ko pa raw dapat iyon i-expect." Wala na itong hawak kaya inabot na niya ang wine glass sa lalaki. "Siyempre, may mga preparations daw para sa mga ganoon."

"I see. I'm glad I was the first to celebrate with you," his hip pressed against the side of the counter, lifting his wine glass as an invitation for a toast. "Cheers?"

Nadampot na ni Bree ang wine glass niya, kaya tumugon agad sa imbitasyon ni Virgo.

"Cheers," she smiled.

Their glasses touched and tinked. Nakatutok pa rin ang mga mata ni Bree sa lalaki habang sumisimsim. Hindi naman siya binigo ng binata, sinalo nito ang kanyang titig, may bahid ng ngiti sa sulok ng labi nito bago uminom.

Binaba agad ni Bree ang baso at hinarap ang cake. She began slicing.

"I appreciate this, Mr. President," aniya, "pero sana may pasabi ka man lang kung makikipagkita ka sa akin, pwede? Busy rin ako, no," may pagtataray sa kanyang boses. "Ikaw nga, hindi kita inaabala kahapon nung wala ka man lang pagpaparamdam."

She heard his low chuckle. "Does that heart grown fonder of me, miss?"

Napalingon siya rito. Her eyes narrowed. "Excuse me?"

He tugged a loose grin. "Missed me?"

Bree threw her head back a little and laughed. Umiling siya at natatawa pa rin habang nakatitig sa gwapo nitong mukha.

"As if!" Tumigil na rin ito sa pagtawa. "And please, magsuot ka man lang sana ng hoodie. Mas safe iyon."

"Oh, maybe, not," there was a hint of knowing in his eyes, as he pulled the rim of his wine glass close to his moist lips, "you're one busy woman, right? Saan ka ba naging abala kahapon?"

Umiwas na siya ng tingin para ituloy ang paglalagay ng hiwa ng cake sa bawat platito.

"I just sleep and sleep and sleep... and had a dinner outside."

"Alone?"

Bree shrugged.

"Alone," sagot niya.

"Isn't that a little sad? Going out all on your own. No company... no one to talk to..." At sumisim ng kaunting alak si Virgo habang tutok ang mga mata sa kanya. Napalis saglit ang ngiti nito para patuluyin ang alak sa pagitan ng mga labi.

"I've been alone my whole life, what's so sad about being alone for one night?" natatawa niyang sagot bago nilagyan ng tinidor sa gilid ang platito at hinarap si Virgo. Inabot niya iyon sa binata.

Virgo put down his glass and took the plate.

Dinampot na rin ni Bree ang platito niya, hinarap ang lalaki at nginitian ito.

"Bon appetit?" amba niya sa tinidor para kainin ang cake.

Pailalim lang ang titig ng binata sa kanya. "Bon appetit," ngisi nito.

Kapwa sila kumain, nagnanakawan ng sulyap. Niyaya niya itong maupo pero mapilit ang lalaki na manatiling nakatayo kaya nanatili na lang din si Bree sa ganoong posisyon.

"Miss Bree," hindi nakatiis ang binata.

"Yes, Mr. President?" sinadya niyang pa-seksihin ang boses sa huling mga kataga at natawa si Bree sa sarili nang tila hindi iyon tumalab sa seryosong mukha ng lalaki. "Yes?"

"You've had dates before?" tanong nito at napansin ni Bree ang paghilig ng lalaki. Damn, his fine ass was now pressed against the side of the counter table.

"Dates?" Bree cocked her head, putting down her fork on the side of the plate.

"Yeah, like dinner dates."

Saglit na naningkit ang mga mata ni Bree, matamang inoobserbahan si Virgo.

May nabanggit ba si Jordan sa kanya tungkol sa dinner namin kagabi?

"Well, yes," sagot na lang niya, maingat at pinag-iisipan ang bawat bibitawang salita. "Marami-rami rin. 18 pa lang ako... nasa movie industry na ako... kaya, around that time... may mga nagyayaya na sa akin magdinner sa labas. Minsan by group, minsan naman... parang ganyang klase ng dinner... mga dinner dates, gan'on."

"Me too," he grinned.

"Of course," she rolled her eyes and laughed.

Walang buhay ang tawa ng lalaki. Kumain muna ito saglit bago nagpatuloy.

"You want to know the worst date I had?"

"Kung gusto mo i-share, Mr. President, then tell me. Promise, wala akong friend na reporters or columnist," ngiti niya. "Walang makakaalam!" tawa niya.

"This girl and I," pihit nito paharap ulit sa kanya, "strolled around Hong Kong, and she decided to invite me to this restaurant."

Nanatili siyang nakikinig.

"And she ordered these... these dishes with edible condoms on them."

Namilog ang mga mata ni Bree. "Condoms?" bulalas niya.

"But edible," paglilinaw ng binata sa kanya.

"No way," ewan ni Bree kung matatawa o mawiwirduhan.

"True story," he grinned.

"Did you eat it?"

"Awkward, right? Me... a man... eating something that looks like a condom... I mean, women, you know... they... they sometimes eat the D so... it's not weird to look at, but a straight man like me—" pigil nito ang matawa.

"My God!" mapang-akusa niyang tawa. "You ate it!"

"For your information, Miss Bree," irap nito. "It's delicious. And that Alvin Leung dish is for a cause regarding HIV awareness."

Bumubungisngis pa rin siya. "I salute that girl!"

"Nagpapahiwatig 'yun," he shrugged.

Bahagyang nawala ang sigla sa kanyang katawan. "And you gave it to her?"

"Of course, someone who makes me eat something that looks like a condom should reward me for it," his grin was devilish at the recollection of the moment he shared. Virgo threw a side glance at her. "How about you, Miss Bree? What's your worst date?"

"Oh..." lingid kay Bree na kapwa bagsak na ang kanyang mga balikat, "well..." nasa kalagitnaan siya ng mahahalungkat na unang alaala ng worst date na mayroon siya. She could not mention the one she had with Jordan, just to be safe, so she had to think of another.

Tinuloy ng lalaki ang pagkain ng cake habang nakaabang ang mga mata sa kanyang isasagot.

"Sorry, there's been a lot of worst dates," alanganin niyang tawa. "But I think the worst one is with this movie crew," salubong niya sa titig ng binata, "I mean... ang boring niya talaga, and it made sense to me, na hindi naman siya interesado sa date per se, pero gusto lang niya makipag-sex at ginamit lang ang dinner date as a way para makuha ang gusto niya."

His eyes narrowed. "And you gave it to him?"

Tension filled her she tried to conceal it with a chuckle.

"Oh, Mr. President, that's all the information I am willing to tell!"

Hechuckled a little, smiled and slightly shook his head before resuming witheating his slice of the cake.

.

.

***

AN

Good evening everyone!!! <3 <3 <3

May susubukan ako na panibagong UD schedule for my stories! 

For #Slide, try ko na mag-update ng one chapter per day BUT only every Fridays, Saturdays and Sundays!  (a.k.a 3 chapters per week!)

Hopefully, pabor sa inyo itong ita-try ko na new UD schedule since karaniwang free time ito ng lahat para magbasa. <3  I know, I need more balance on how I manage my updates, there's just a lot of things going on kaya sinisikap ko kahit papaano na makahanap ng maganda-gandang sched para sa pagsusulat at pagpo-post ng UD.

I hope you enjoyed this new chapter! Kitakits bukas para sa Chapter 20!

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro