Chapter 18: It's On
"I JUST NEED TO KNOW where he is getting that audacity," madilim na saad ni Virgo habang pinapanood ang pagpapabalik-balik ni Jordan ng lakad sa harapan niya. "Kung may kakutsaba ba siya, o may mga organisasyong buma-back up kay Zamora."
Kasalukuyan silang nasa vacation house ng mga Ferdinand sa Tagaytay.
Nasa likuran ni Jordan ang tanawin na pinapasilip ng glass wall sa malawak na salas. Siya naman ay prenteng nakaupo sa mahabang sofa, nakapanlalaking de-kwatro habang naka-ekis ang mga braso.
Sinuksok ni Jordan ang mga kamay sa bulsa bago huminto at tinapunan siya ng tingin.
"That's it?" he laughed a little. "Iyon lang ang ipagagawa mo sa mga tauhan ko?"
"What else do you expect?" anas niya sa pinsan.
"Akala ko, makakalasap na ang mga bata ko ng adrenaline rush," pagak nitong tawa.
His eyes just narrowed at Jordan.
"Hindi ko na uulitin pa ito sa iyo, Jordan," mariin niyang wika. "Walang dadanak na dugo ngayon, maliwanag? Gusto kong makasigurado na walang magiging isyu sa pagkapanalo ko sa eleksyon."
Napailing-iling ito. "Let my people take care of it, Virgo," his eyes stared into his, as if trying to pore within his very soul to persuade him. "Alam mo namang malinis silang magtrabaho."
"Kapag namatay si Zamora," dampot niya sa kaha ng sigarilyo na nakalapag sa sofa bago tumindig dahil hindi niya gusto na mababa ang tingin ng pinsan sa kanya dahil nakaupo siya, "ako ang unang-unang pagbabagsakan ng pamimintang. At ako ang ituturo ng gagong iyon kung pumalpak ang mga tao mo na maligpit siya at nabuhay siya."
"Come on," lahad nito ng mga kamay.
"Kung hindi ka susunod sa specific instructions ko," lapit niya rito, "sa Buenos Mafios ko ipapaubaya ang pagmanman kay Zamora."
Jordan let out a groan. "Damn, bakit ba kasi nakipag-associate ka sa mga iyon?" Sinuklay nito paitaas ang buhok. "Mas malaki ang risk niyon para sa iyo."
"I have to," lagpas ni Virgo sa pinsan para tumanaw sa glass wall. "Or else, they might expose my father's association with them. Sa akin ang magiging bagsak niyon, panigurado. Maaapektuhan ang candidacy ko."
"Okay," tabi ni Jordan sa kanya. "So, gusto mo na manmanan lang namin si Zamora? Ngayon na isang linggo na lang at magbobotohan na?"
"Oo," walang lingon na sagot ni Virgo dito habang naglalabas ng stick mula sa dalang kaha ng sigarilyo. Alertong naglabas ng lighter si Jordan para sindihan ang nakaipit na stick sa pagitan ng kanyang mga labi. Binigay niya rito ang kaha para malayang makahithit bago nagbuga ng usok.
At nagpaliwanag si Virgo sa pinsan. "Dahil kapag nanalo ako, baka mas lalong ma-motivate ang hayop na iyon na siraan ako... tayong mga Ferdinand."
Ngumisi si Jordan, nakatitig ang mga mata sa kanya habang binubulsa ang lighter nito.
"At tulad nga ng sinabi ko sa inyo," patuloy ni Virgo, "sa oras na maging pangulo ako, walang sinuman ang muling mang-aapi, mang-aalipusta at maninira sa ating mga Ferdinand."
"Huwag kang mag-alala," pangako ni Jordan, "hindi ko hahayaan ang kahit sino na makasira sa mga plano natin."
Binalik ni Virgo ang sigarilyo sa kanyang bibig. His cheeks hollowed while smoking it to fill his lungs. Wala sa mga mata ng ginoo ang pag-aalala. Tiwala siya na walang makakaligtas sa mga taong kumakalaban sa kanya.
.
.
.
***
.
.
.
HUMIHIKAB PA RIN SI BREE nang marating ang dressing room kasama si Manager Ken. Kagabi, pagkauwi galing sa dinner nila ni Jordan, saka lang siya na-inform nito na tinanggap nito ang offer na mag-guesting siya sa isang morning news program. Paano kasi, alanganing oras na nakumpirma na pumatok sa box office ang nationwide release ng The Rightful One.
Gusto niya sanang pakiusapan si Manager Ken na bawiin ang pagtanggap sa offer, pero ayon dito, pagkakataon na nila iyon, lalo na at nauna nang tumanggi sila Leticia at JD sa guesting na tinutukoy nito.
The pang of being the second choice still hurt Bree as she sat in front of a vanity mirror. Kinamusta siya ng mga stylist bago siya mabilis na inayusan ng buhok at nilagyan ng make-up.
Paalis-alis naman si Manager Ken. Nakikipag-coordinate ito sa mga staff ng programa kung hindi sumasaglit para i-check kung ayos lang ba siya.
"Pretty!" layo ng make-up artist ng kaunti para titigan siya ng mabuti.
Pinilit ni Bree ang sarili na ngumiti, kahit wala siya sa mood lalo na at iilang oras lang ang naging tulog niya.
"Thank you," she murmured before checking herself in the mirror.
Hindi kayang pasiglahin ng make-up ang kanyang napipikit na mga mata. Mahina siyang natawa para tuyain ang sarili dahil sa maliit na bagay na iyon. Nang umalis na ang mga taga-ayos, she began widening her eyes open, practicing how to make herself look more awake and lively. She also practiced how she'll smile and how to angle her face. Tumayo siya para sipatin ang kabuuan sa suot na makintab na pulang tube dress. Her dark hair fell in loose curls that bounced against her arms. Nagtaas-noo siya, patuloy na sinisipat ang sarili nang mapapitlag ng kaunti.
She turned to the door that opened after two knocks.
Sumilip ang isa sa mga babaeng hosts ng morning news program. Adoration immediately reflected in her eyes.
"Okay lang ba na pumasok?" nagtatalo ang hiya at lakas ng loob sa tinig nito.
"Sure," her smile and enthusiastic voice was encouraging. "Ready na naman ako."
"Oh, wow," lapit nito agad sa kanya, may tensyon na kalakip ang tawa. "Is this for real? Medyo kinakabahan ako, Miss Bree!"
"Bakit naman?" natatawa niyang tanong habang nakikipagbeso-beso rito.
"Oh well," she shrugged her shoulders. "Hindi naman lingid sa amin na...ano ka raw... mahirap katrabaho, gan'un... may attitude..."
Nawala ang sincerity sa ngiti niya. Mabilis na nakaramdam ang host at natatawang kinaway ang mga kamay.
"Naku, naku, of course, hindi ako naniniwala ngayon na... na alam mo na... personal na kitang na-meet."
Her low chuckle lacked luster. "It's alright, I get that kind of impression all the time."
Siyang singit ng crew ng tv program kasama si Manager Ken. Tinawag ng crew ang host na kausap niya, lumapit naman sa kanya si Manager Ken.
"Gorgeous," maikli nitong pasada ng tingin sa kanya, ngumiti pa bago nagseryoso muli ang mukha. His eyes stared directly into hers. "Get ready," tapik nito sa bandang likuran niya, "you'll be on air in fifteen minutes."
Tinanaw ni Bree ang host na kinakausap na ng crew tungkol sa pagsisimula ng morning news program. She nodded and glanced at her manager.
"I'm ready."
"Great," agapay nito sa kanya palabas ng dressing room. "Take note too, that you have to thank everyone who watched The Rightful One. Purihin mo ang mga co-actors mo. Keep your answers short and simple when you are asked about yourself or your personal life."
"Kopya," sagot niya habang nagmamadali silang lisanin ang dressing room.
"Be on your best behavior. Huwag mo nang pahabain kapag may nagtanong sa iyo tungkol kay Krista."
Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Hindi mo naman siguro nabanggit sa kanila na ayaw na ayaw kong tinatanong ako tungkol kay Krista."
"Bree," may pagsaway sa tinig nito.
She let out a tired groan. "Diyos ko."
"I told you, kung may respeto sila, susundin nila ang instructions ko na huwag magtatanong ng kahit ano na related kay Krista."
Napailing na lang siya. Naririnig na nila ang ingay ng audience. Nagsimula na kasing mag-roll ang camera. Habang papalapit sila sa mismong pinagshu-shooting-an ng programa, lumalakas na rin ang ingay ng mga ito. Maging ang boses ng mga hosts na masiglang-masigla sa pagsasalita ay abot-pandinig na nila.
Sinalubong sila ng isa sa mga crew na may suot na headset at dalang clipboard. Sumesenyas ang kilos ng kamay at mga mata nito na on cue, kailangan niyang samahan ang mga hosts. Naging abala naman ang nagsulputang mga staff para kabitan siya ng lapel.
"And!" masiglang wika ng host na bumisita sa kanya, si Jellie Quintos, "Today, papainitin ng guest natin ang inyong umaga, because here she is, a breakout star. Pinag-init niya kayo at ginalit, pero minahal niyo rin siya sa latest movie niya kasama si JD at Leticia. Let's all give a warm welcome to Josephine from The Righful One—" sinadya nitong bitinin ang pagpapakilala sa kanya para iparinig ang sigawan mula sa audience, "—Miss Bree Capri!"
She turned to Manager Ken, who gave her an encouraging smile. A crew gently tapped on her shoulder, which made Bree step forward to join Jellie and her co-host, Sebastian.
Lalong naging nakakabingi ang sigawan ng mga tao. Nawala ang sigla sa ngiti niya nang mahagip ng paningin ang pagsenyas ng isa sa mga crew para tumigil ang mga ito mula sa tila scripted na pag-cheer sa kanya.
Her attention immediately shifted to Jellie. Lumapit ito agad para makipagbeso sa kanya. Si Sebastian naman ay nag-aalangan na lumapit para makipagkamay sa kanya.
Bree gave her best smile to get his favor, pero tila may pangingilag ang lalaki sa pakikitungo sa kanya. Nauna rin itong bumitaw sa kamay niya.
In a twinkling, his facial expression shifted from that into a charming man expertly smiling at them, facing at his best angle for the camera.
"Welcome sa Magandang Umaga," bati nito habang hawak ang mikropono.
"Thank you," sagot niya at nilingon si Jellie. "Thank you."
.
.
"HINDI BA AKO PWEDENG UMIDLIP SAGLIT?" busangot ng mukha ni Bree habang halos nakalubog na sa pagkakaupo sa backseat ng kotse. Nasa harapan si Manager Ken, katabi ang pinagmamaneho nitong boyfriend.
"Bree," lingon nito sa kanya, "sasaglit lang naman tayo. Pagkatapos nito, pwede ka nang matulog for the rest of the day. So, please, girl," nagtitimping pakiusap nito.
Alam niya na rasonableng mainis ito. She was already thirty-six for Pete's sake, pero kung mag-inarte ngayon ay daig pa ang bata. Yet, for Bree, she was only being honest with Manager Ken. Wala siya sa kondisyon ngayon. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? If she wanted to be recognized, then she should work extra hard for it.
Napapikit na lang siya. "Pakigising na lang ako, Manager Ken."
"Bree!" nagtitimping lingon na naman nito sa kanya. "Ayokong magpahirapan na naman tayo sa paggising sa iyo!"
Napipilitang tumuwid siya ng upo at kinurap-kurap ang mga mata. As if that would help her feel more awake.
"Can I have coffee?"
"You already had one," sagot nito habang abala na sa pag-swipe sa cellphone nito. "Babaho ang hininga mo kapag ngayon ka pa sumobra sa kape."
She let out a sigh. Binagsak niyang muli ang likod sa backrest.
"Ano'ng oras ka na ba kasi natulog?" tanong nito habang nagre-reply sa ka-text nito. "Anong oras na kayo inabot nung ka-dinner mo?"
"Oh, please," she rolled her eyes. "Maaga kaming umuwi, okay?"
"'Yung Jordan na iyon," anito, "Kanina nung iniinterview ka, tumawag iyon sa akin. Nag-o-offer na kung kailangan mo raw ng bodyguard, may mga tao raw sa security agency niya na pwede raw nating ma-hire. Mura ang offer niya."
"Don't tell me, tinanggap mo?" silip niya kay Manager Ken kaya gulat na napalingon ito sa kanya at tinago ang screen ng hawak na cellphone.
"Aber, hindi no? Siyempre, kailangan muna kitang tanungin kung okay ba iyon sa iyo."
Nawala na ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib. Umayos si Bree ng upo.
Hindi ako pwedeng magpa-bodyguard... May makakaalam sa affair namin ni Mr. President kapag nagkataon...
"Hindi ko kailangan ng bodyguard," aniya. "Nagsisimula pa lang akong sumikat. Paalis pa lang ako sa indie industry," she crossed her legs. "Mas mabuti pa na mag-save muna ako ng pera bago mag-hire ng mga bodyguard na iyan."
"Noted," balik ng mga mata ni Manager Ken sa smartphone nito.
Lumingon si Bree sa bintana, hinayaan ang mabilis na paglagpas ng mga tanawing nadadaanan nila sa kanyang paningin. Her thoughts went to Virgo.
Kagabi pa kasi hindi nagpaparamdam ang lalaki sa kanya.
.
.
ILANG MINUTO LANG, nakasunod na si Bree kay Manager Ken. Naglalakad na sila patungo sa isa sa mga conference room ng gusali ng movie company na pinuntahan nila. Doon daw gustong makipag-meet ni Direk Karlos para kausapin siya ukol sa movie role na io-offer nito.
"Remember," panay ang lingon sa kanya ni Manager Ken para i-briefing siya, "hindi mo kailangang mag-finalize ngayon ng decision, alright?" Inayos nito saglit ang sleeve ng suot na long-sleeved shirt na pink. "We both wanted more opportunities for you, pero dapat na maging mapili rin tayo, alright?"
Bree nodded. Deretso lang ang kanyang tingin, mas komportable na dahil hindi na niya suot ang pulang tube dress na pinasuot sa kanya kanina sa morning show. She was now slaying in her pair of tattered jeans and white tank top. Hindi na sila nag-abala pa na baguhin ang pagkakakulot ng kanyang buhok.
"Alamin lang natin kung ano itong offer ni Direk Karlos, tapos pag-usapan natin mamayang gabi o bukas, bago natin siya i-inform."
Oh, please, Manager Ken, alam ko na ang gagawin. Ilang taon na ako sa industriya... isip niya habang bahagyang napapayuko para lang i-check ang nilalakaran. She wanted to walk fast, yet be careful. Tiled ang sahig at mataas ang takong ng suot niyang heels.
"Good," anito at sa wakas ay natahimik na.
They arrived at the receptionist area of that floor.
"Oh," angat ng tingin ng staff matapos nito i-check ang log book. "You have an appointment with Direk Karlos?"
"Yes, darling," pabakla na ang tono ni Manager Ken. Natural na lumalabas iyon kapag relaxed ang lalaki... o gustong palabasin na chill lang ito.
Biglang nag-alala ang receptionist, pero nag-effort na ngitian pa rin sila.
"Well... you can take your seats by the waiting area," lahad nito ng kamay sa mga upuan na katapat ng receptionist counter. "Itse-check ko lang po saglit kung available na si Direk Karlos."
"Bakit?" kunot-noo ng kanyang manager. "Hindi ba dapat na available siya ngayon? May appointment kami. Malinaw ang usapan namin na by 8 AM, magmi-meeting kami."
Nakalabas na ito ng counter, pormal na pormal sa suot na pencil-skirt uniform na dark blue.
"Yes po," malumanay na nagpaliwanag ang dalaga. "Nabigyan naman po kami ng instructions. Nagpaalam nga rin po si Direk sa management kung pwedeng gamitin 'yung conference room para sa meeting ninyo. Pero bigla pong dumating si Miss Krista at ang manager niya. Sandali lang naman daw po sila mag-uusap ni Direk." Kabadong tumanaw ito sa hallway patungo sa conference room. "Sige po, take your seat muna. Ii-inform ko na rin kay Direk na nandito na kayo."
"Okay," Manager Ken sighed. "Thank you."
At umalis na ang receptionist. Nilingon siya nito, mas lalong nag-alala dahil sa hitsura niya.
"Bree, upo muna tayo," anyaya nito.
"No," mariin niyang saad habang tinatanaw pa rin ang receptionist.
Nilapit nito ang mukha para bulungan siya. "Bree, huwag ngayon," babala nito.
"Sinasabotahe na naman ako ng babaeng iyon!" nangigigil na salubong ng matalim niyang mga mata sa tingin ng manager. She tried her best to keep her voice down.
"They might be here for another reason."
"No," she hissed. "Sobrang coincidence naman, 'di ba? Na ngayon pa talaga nila naisipang pumunta rito at kausapin ang mismong direktor na may movie offer para sa akin!"
Naguguluhan ito, pero pinatatag ang sarili.
"Bree—"
Hahawakan pa lang siya nito nang umatras si Bree. She marched toward that hallway. Abot-tanaw pa niya ang receptionist at nakita kung saang pinto ito kumatok.
Nag-aalalang sinundan siya ni Manager Ken kaya mas binilisan pa ni Bree ang paglakad.
Binuksan na ng receptionist ang pinto. Bumungad dito ang nakaabang na tingin nila Direk Karlos, Krista at ang manager nito na si Melody.
"Direk," magalang na ngiti ng dalaga, "nandito na po sila Miss Bree—" naputol ang sasabihin nito ng pagsinghap.
Shock writ all over the director's face upon seeing her appear beside the receptionist.
"Hi," malapad niyang ngiti bago nilipat ang tingin kay Krista at sa manager nito. "Oh," kunwari nagulat pa siya, "Krista, darling!"
Okay, that was unoriginal. Pero manghihiram muna siya ng terms mula sa palaging ginagamit ni Manager Ken.
Krista grinned. Bree knows it. She knew there was something sarcastic when Krista grins at her. So she smiled as sweetly as she could. Bree knew there was nothing genuine with that.
Kaya tinapatan niya iyon ng mas malapad na pag ngiti.
Napatayo kaagad si Direk Karlos mula sa kinauupuan nito para lapitan siya sa pinto. He was not really that tall, or it must be Bree wearing these high heels. Medyo patpatin din ito at kulot-kulot ang buhok. Hindi maitatago ng direktor na nagbunga ang madalas na pagpupuyat nito sa pamimilog ng eyebags. Bahagya nga lang ang pangingitim dahil kayumanggi ang balat nito. He looked like someone nice and easy to push around. Pero hindi naniniwala roon si Bree. The looks of Direk Karlos would not fool her. She worked with a lot of directors. Wala sa nature ng mga ito na hahayaang magpadikta sa ibang tao.
Wala namang masabi si Manager Ken na kakarating lang at napagtantong huli na ang pagresponde nito para pigilan siya.
"Miss Bree," tango sa kanya ni Direk Karlos, "you're here."
Yeah, duh.
Her eyes slightly crinkled in her effort to add more charm and enthusiasm in her smile.
"Of course!" masigla niyang sagot. "I mean, I'm meeting you, Direk Karlos, I am grateful for the opportunity na makita ka."
He smiled, flattered but slightly worried with Krista and her manager's presence. It was an awkward moment for him, an internal argument was conflicting him with what he should do.
Kaya para mailigtas ang sarili, pinanlakihan nito ng mga mata ang receptionist. Ang kawawang receptionist naman, sinalo ang lahat ng sisi.
"S-Sorry, Direk—"
Tumayo na si Krista at ang manager nito mula sa kinauupuan. Nahuli niya ang saglit na pagbulong ni Melody sa talent nito. Pero deretso lang ang tingin ni Krista sa kanya, pinapalabas sa kabilang tainga anuman ang sinusuhestiyon ng manager nito.
Krista slowly catwalked towards them, taunting her by showing off her sexiness in those killer high heels and a black spaghetti striped dress that hugged every curve of her body. Maikli ang tabas niyon at may kababaan ang neckline. Nagtaas-noo lang si Bree.
"Miss Krista," lingon ni Direk Karlos dito nang mapansin na parang aalis na ang mga ito.
Ma-ereng nilingon ni Krista ang direktor.
"Think about what I said," ngiti nito. Then she gave her a sidelong glance. A very annoying one.
"About what?" nakangising tanong ni Bree rito.
"Oh, about the movie role he offered to me," maarteng taas nito sa branded na leather shoulder bag. "I thought I'll have no time for it," Krista, for being a good actress, talked to her as if they were still friends, "but then, magically, my schedule cleared up for this movie."
"Well, guess what? I'm here for Direk Karlos' movie offer for me too," malumanay niyang sagot bago sumimple ng sulyap at ngiti sa direktor na hindi mapakali sa hindi maikakailang tensyon sa pagitan nila. "Right, Direk Karlos?"
At binalik na niya ang tingin kay Krista. None of them were willing to back down from their staring match.
Because no matter how Bree and Krista faked it, the tension between them was electrifying the place, making the people around them feel uneasy with the weight of their rivalry.
Nerbyos na tawa ang namutawi sa mga labi ng direktor.
"Pwede ba nating pag-usapan ito sa loob?" anyaya nito sa kanilang apat papasok sa conference room.
Nagkalingunan sila ni Krista, pareho na silang seryoso at hindi tinatago ang disgusto sa isa't isa.
"Sure!" pakikisakay ni Manager Ken sa effort ng naguguluhang direktor na pagaanin ang vibe para talunin ang namumuong kompetisyon sa pagitan nila ni Krista.
Naramdaman ni Bree ang pag-akay ni Manager Ken sa kanyang siko papasok sa conference room. Mataray na sumunod sa kanila si Krista na binuntutan ng manager nito.
Nahihiyang tinanguan naman ng receptionist si Direk Karlos nang malingunan ito ng direktor, pagkatapos, pininid na nito ang pinto.
Once they were seated, Direk Karlos started with his agenda.
"Ladies, managers," he clasped his hands. "I apologize for the mix-up we're having right now." Paling ang ngiti nito. "This movie that I want to discuss with you," gawi ng paningin nito sa kanila ni Manager Ken, "is entitled Forbidden. It's a breakthrough kind of movie, controversial... Lead role itong gusto kong i-offer sana. Angeline ang pangalan ng bida, she's on her way to becoming a nun, under novitiate phase. But it turns out that she had a one night stand, na nasundan ng nasundan—"
"So, it is erotic in genre," pagka-klaro ni Manager Ken.
"And controversial. We might face some... criticism too."
Sumandal si Bree sa kinauupuan, nagnakaw ng sulyap kay Krista na nahuli niyang nakatingin sa kanya. Nag-iwas ito ng tingin nang mahuli niya. Ngumiti kay Direk Karlos.
Binalik ni Bree ang tingin sa direktor.
"Una kong inalok 'yung movie kay Krista," patuloy ni Direk Karlos. "Pero hindi niya tinanggap nung una. Conflict of sched." Nilingon nito ang dalawang babae para kumpirmahin ang sinabi. Tumango ang manager ni Krista. "Kaya naman," lingon nito sa kanila, "nung napanood ko si Bree sa The Rightful One, I thought she can give justice to the role."
"So..." wika ni Bree, "what's the verdict now, Direk Karlos?" she slightly slouched on her seat, cross-legged. Nakapatong sa arm rest ang siko habang nakatuon ang mga daliri sa gilid ng kanyang labi at pisngi. "Because, I don't want to waste my time if I am not needed anymore."
Palihim na pinanlakihan siya ng mga mata ni Manager Ken. She saw him in her peripheral vision and ignored him.
"Ganito," he clasped his hands again. Napaisip bago dinampot ang kopya ng mga scripts. "Let's do an audition," abot nito ng script kay Manager Ken. At inabot naman nito ang isa pang kopya kay Krista.
Walang buhay na tinanggap na lang niya ang script na inabot na sa kanya ni Manager Ken. She pulled a weak smile.
Tinaasan naman siya ni Krista ng kilay nang matanggap na nito ang kopya nito ng script. Nasa ngisi ng babae ang kumpiyansa na malalampaso siya nito sa audition.
.
.
.
***
.
.
.
SABADO, ngunit trabaho pa rin ang inaatupag ni Virgo. Kasalukuyang nasa veranda siya ng mansyon ng mga Ferdinand kasama ang kanyang campaign manager. Umagang-umaga kaya mainit-init na kape at tinapay ang nakahain sa glass table habang nagre-report ito tungkol sa pinakalat na mga posters ni Virgo. Gayundin ang status ng boosted posts na pinakalat ng PR team nito sa internet para marami ang makumbinsi na bumoto sa kanya.
Pinasilip din ng kanyang campaign manager ang laptop nito para ma-double check na nagsasabi ito ng totoo. Malaki ang engagement ng online community sa mga posts sa kanyang Facebook page, at na-maximize ang pinaprint na mga posters, kita iyon sa litrato ng mga iyon na nakapaskil sa mga lokasyon na pinuntahan nitong nakaraan ng ilang mga volunteers at supporters ni Virgo.
"I'm thankful," maaliwalas niyang ngiti sa katabi na campaign manager. Gayak na gayak ito sa suot na plaid blazer na gray na katerno ang slacks na pantalon. Kulay puti ang panloob nitong polo. "You did a great job, Ryan."
Nakahinga na ito ng maluwag. "Thank you, Senator."
Inayos niya saglit ang pagkakasuot sa reading glasses. Humigop na siya ng kape. Kasabay ng pagsimsim ang pananainga niya sa huni ng mga ibon. Mayo na pero mainit-init pa rin ang umaga kahit makapal ang dahon ng mga puno sa paligid.
"Now," baba niya sa tasa ng kape at nilingon ito, "I need your analysis about the debate last night."
"Honestly, Senator, you did very well."
"Really?" kunot-noo niya. "Even on the part about my father?"
"They never expected how composed you'll handle that one," ngisi nito. "Doon pa lang, dalang-dala mo na ang buong program."
Tumango-tango lang siya at wala sa loob na nagscroll sa newsfeed ng Facebook na nakadisplay sa screen ng laptop.
"Buti na lang at hindi ka madaling magpaapekto sa mga kalaban mo sa posisyon."
"I'm used to it, Ryan," mahina niyang tawa. Huminto siya sa pagscroll.
Nakakita siya ng post mula sa isang showbiz entertainment Facebook page. Link iyon na may thumbnail ng portrait photo ni Bree. Katabi ng litrato na iyon ang may kadilimang litrato ng babae na may hinahalikang lalaki sa tapat ng bahay nito. His eyes narrowed to read the headline well.
"You can go now," tayo niya mula sa kinauupuan.
Nagtaka ang lalaki sa biglang paglamig ng mood ni Virgo.
"Wala po ba kayong instructions, Senator?"
"Just keep doing your job," walang lingon niyang saad habang papasok na ng mansyon.
.
.
.
***
AN
Yeeey! Hanggang dito muna! Feel free to comment how the latest chapters made you feel! Or your questions too! I reply sa bawat comments sa latest chapters ng ongoing stories ko...
And hey, if ever hindi niyo pa knows at gusto niyong i-try, you can also read the other two ongoing stories I have here on Wattpad-- Sir Sparks at A Man of His Words ang title nila. Sir Sparks is a Paranormal Mystery with a slight, slight touch of romance, at BXB (MXM) Romance, Erotic, Action and Thriller (?) naman ang A Man of His Word a.k.a Boris' stand-alone story! (Si Boris ang isa sa mga tauhan ni Sloven sa Attention at Peak, in case nalimutan niyo na siya :') ). <3 <3 <3
Maraming salamat sa pagsubaybay sa Slide ;* Kitakits sa susunod na UD next week! ;) <3 <3 <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro