Chapter 17: Bad Light
PUMANAOG na si Virgo mula sa hagdan ng entablado nang matapos ang debate. Malapad ang kanyang ngiti habang kumakaway sa mga manonood. Nagkukumahog ang mga reporter at iba pang taga-media para makuhanan sila ng litrato ng malapitan, ma-video-han, o 'di kaya'y makamusta ukol sa naganap na programa.
"Good evening, Senator Virgo!" harang sa kanya ng isa sa mga ito bago pa nakalapit sa nakaabang na si Greg.
Virgo turned to the female reporter. May katabi itong videographer na nakatutok na sa kanya ang camera. Napakurap siya nang tumama ang ilang flash ng camera sa kanyang mukha. Nagsumikap naman si Greg na makisiksik sa mga nagdadaanang kandidato na ina-assist na rin ng guards ng mga ito, at sa mga nagkakagulong reporter.
"Good evening," he greeted back with a warm smile.
"How are you feeling about tonight's debate?" tanong nito bago itapat sa kanya ang dala nitong cellphone na may nakakabit na maliit na mikropono roon.
Sumaglit ang mata niya sa camera. Isa sa mga natutunan ni Virgo mula sa ama ang importansya ng eye contact. Kahit sabihin pa na hindi niya personal na kaharap ang makakapanood, kailangan niyang tumitig na para bang nakikipag-eye contact sa mga ito.
"I am actually feeling great about this," aniya bago ibalik ang tingin sa reporter.
Kumapal na ang mga tao na nakapaligid sa kanya. Nakaabang ang mga recorder at mikropono ng mga ito, nakatutok sa kanyang direksyon para mahagip ang bawat bibitawan niyang kataga.
Mabilis na dinugtungan ni Virgo ang naunang pahayag.
"I know, mas mahalaga ang aksyon kaysa sa puro salita lamang, pero naa-appreciate ko ang ganitong mga debate dahil nagkakakilanlan kami ng kapwa ko mga kandidato sa ganitong paraan. Hindi ko naman maikakaila na may mga plano sila para sa bansa na sa opinion ko ay magandang ideya at pwede kong i-adapt kung ako ang pipiliin ng taumbayan na isa-aksyon ang mga ito."
He had to speak fast to avoid making them feel that he was taking too much of their time.
Sumingit ang isa sa mga reporter.
"Ano naman po ang naramdaman ninyo nang mabanggit ni Senator Zamora ang tungkol sa inyong ama, ang dating pangulo na si Aries Ferdinand?"
"Nauunawaan ko naman kung bakit niya kailangang banggitin iyon," he tried his best to glance at each camera. Binalik niya agad ang tingin sa nagtanong na reporter.
"Ibig sabihin ba nito, sa tingin ninyo, sinisiraan kayo ni Senator Zamora kaya pinaalala niya ang reputasyon ng dating pangulo—"
He chuckled lightly. "Is that how it appears?" painosente niyang saad. "I thought he's just asking that because he has concerns. I'm a public servant, kaya siyempre, conscious din ako pagdating sa ikabubuti ng taumbayan. Kahit sino naman, mapapatanong kung mabuti ba talaga ang intensyon ng isang kandidato sa pulitika."
Kinontrol niya ang mas mapalapad ang pagkakangisi nang makita ang pagtango-tango ng ilang reporter, ang iba naman ay saglit na namilog ang mga mata, umawang ang mga labi sa pagkamangha sa kanyang composure. They seemed to think he was really a nice person for not taking Zamora negatively nor speaking ill about what he did during the debate.
Siyang harang ni Greg kaya humakbang paatras si Virgo. Nilingon siya saglit ng bodyguard at tinanguan niya ito. Greg nodded back before turning to the reporters, murmuring that they have to leave already.
Nginitian ni Virgo ang mga ito at hindi na sinagot pa ang mga naghahabol ng tanong sa kanya. Hinayaan niya na harangin ni Greg ang sinumang nagtatangka na makalapit sa kanya bago ito namataan ng security team ng host ng programa at tinulungan ang bodyguard sa pagpigil sa mga reporter.
Nang marating ang backstage, nagmagandang-loob siya na hanapin ang isa sa mga host ng programa na batikang news anchor. Ang isa kasi ay naiwan sa entablado, nagsasalita at on-air pa.
"Hi," maluwag ang kanyang ngiti.
Bahagyang nagulat ang news anchor bago magiliw na naglahad ng kamay. They had their handshake.
"Maraming salamat sa imbitasyon dito sa programa ninyo, Mr. Litao."
Kita niya ang pag-aalangan sa mata nito, paling ang ngiti na tumango-tango at may nerbyos ang pagtawa.
"M-Maraming salamat sa pagpapaunlak, Senator," sagot nito bago nagbitaw ang mga kamay nila.
Saglit na napalis ang sigla sa kanyang ngiti, ngunit nanatiling ganoon ang porma ng mga labi ni Virgo.
"I hope tonight's debate exceeds your expectations," misteryoso ang kislap sa kanyang mga mata kasabay ng pagkawala ng ngiti niya. "You know, high ratings and more viewer engagement."
Tumango ito. "Sana nga."
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Virgo ang pagsimple nito ng paghugot ng hininga, na para bang kinakalma nito ang sarili.
"I'm honored," taas ng sulok ng kanyang labi. "Thank you again."
At bumalik na si Virgo kay Greg na nakaabang sa exit backstage na iyon patungo sa pinaparadahan ng kanyang sasakyan. Mabilis na pinagbuksan siya nito ng pinto, pinagsarahan, at inokupa ang driver's seat.
Nakapagsindi na siya ng stick ng sigarilyo nang umusad ang kotse.
Nagbuga si Virgo ng usok, at hindi hinayaang manaig ang katahimikan sa pagitan nila ni Greg.
"Those people," he sounded calm, yet Greg knew he was about to rant, "they obviously tried to put me in a bad light back there."
"Paano mo naman nasabi iyon, Sir?" tanong ng lalaki na nasa daan lang nakatutok ang tingin.
Nakatanaw lang siya sa labas ng dark-tinted na bintana. May talim sa mga mata. Wala naman kasi sa kanilang mga nadadaanan ang kanyang atensyon. Nagbabalik-tanaw siya sa mga nangyari kanina.
"Hindi nila ini-cut 'yung pagtatanong ni Zamora tungkol sa tatay ko. Ni hindi nga nila pinigilan si Zamora o binigyan ng warning."
"Eh, nadiskartehan mo naman iyon, Sir. Nagustuhan ng mga tao roon ang sinagot mo. Kahit ako, humanga sa sinagot mo, Sir."
He sighed deeply. Humitihit muna siya bago muling binuga ang usok. Bumaldig iyon sa salamin ng bintana at humaplos sa gwapo niyang mukha na tinatago ang tunay na intensidad ng kanyang saloobin.
"Tanda ko pa ang briefing sa amin," baba ng mga mata niya para sulyapan ang hawak na sigarilyo. "Walang personalan. Dahil ang interes ng mga botante ay sa kung paano namin magagawa ang trabaho namin, hindi ang personal naming buhay."
Natahimik saglit si Greg. Kinakalkula nito kung paano sasabihin ng maayos sa kanya ang opinyon nito.
"Kaya lang, Sir... parte pa rin ng pulitika ang tatay mo. Kahit na personal ang ugnayan ninyo... medyo madadamay siya siguro dahil dati siyang naging presidente ng Pilipinas."
"Is that so?" he mockingly grinned. "Or is that the reason they'll use to justify what happened? Para malaya nila akong masiraan sa mga tao gamit ang personal kong buhay?"
Humithit siyang muli. Pakiramdam niya, nagsisimula nang manginig ang bawat kalamnan niya sa galit.
Hindi na nagawa ni Greg na sagutin ang kanyang tanong.
.
.
HINDI NA HININTAY PA NI BREE na pagbuksan ng pinto. Pagkahinto pa lang ng kotse sa tapat ng bahay niya, bumaba na siya. Pagka-alarma ang gumuhit sa mukha ni Jordan bago nagmamadaling sinundan siya.
Bree stopped on her tracks upon sensing his rush.
She turned around with the very elegance and poise she could portray.
Huminto ang binata sa kanyang harapan. Tila nahihiya ang ngiti.
"About what happened," anito sa mababang tono, tila maamong tupa na nahihirapang makipagtitigan sa kanyang mga mata. "I am really, really sorry."
Saglit na nagbaba siya ng tingin, inaapuhap kung ano ang isasagot bago muling sumulyap sa mga mata nito. She somehow felt bad for slapping Jordan inside the car. Hindi niya masisisi kung biglang tiningnan siya nito ng masama. Natural namang reaksyon iyon para sa lalaki na nagulat at nasaktan sa ginawa niya. Pero mabilis na napalis iyon. Napalitan ng pagkapahiya ang reaksyon nito, kaya buong biyahe sila naging tahimik at nagkaroon ng distansya ang pagkakaupo sa kotse.
"If I ever did something that you misinterpreted," aniya, "I would like to apologize for that too, Jordan. And also clarify that what we had is just a friendly dinner."
Dumungaw ang pag-asa at pagsigla sa mga mata nito. Nanumbalik ang cute at boyish nitong ngiti.
"I understand, Bree."
Ngumiti na rin siya rito. Hindi na niya ipapaalam pa sa sarili na kanina, medyo natakot talaga siya na baka pwersahin nito. Kahit sabihin pa na kung sino-sino nang mga lalaki ang nagpapasa-pasa sa kanya, babae pa rin siya. Kahit na ilang beses na niyang naranasan na pwersahin, hinding-hindi magiging katanggap-tanggap iyon sa kanyang sistema.
Yet, she needed to just smile and act unaffected by her past, nor by what happened tonight.
"Sana, makipagkita ka pa rin sa akin, Bree," nakikiusap ang titig nito habang unti-unting lumalapit sa kanya. He was almost breathless as their distance became intimate, kaunting usog na lang at maglalapat na ang kanilang mga labi. "Let me make it up to you with my misbehavior tonight."
Tumaas ang sulok ng kanyang labi.
Natural na ba sa mga Ferdinand ang ganito? Mga diplomatiko? Magaling makipag-negosasyon?
She chuckled lowly and gazed into Jordan's pleading eyes. Nangungusap ang mga iyon habang unti-unting lumalapit ito sa kanya. Humihingi ng permiso na makahalik sa kanya kahit isa lang.
Napailing si Bree, hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata ng lalaki. She slid her hand on his jaw and taunted him by drawing her lips close to him. But she did not let their lips touch. Sinadya niyang bitinin iyon pag maingat na hinilig ang mukha ng binata para mahalikan ito sa pisngi.
Then, she lifted her lips close to his ear to whisper. "I'll think about it."
Pagkatapos, umatras na siya. Sumayad ang mapang-akit niyang mga mata sa pagkalito na nasa malagkit na titig ng nabiting lalaki habang papalayo na siya. Bree sexily turned away and opened the gate.
Napailing na lang si Jordan, nahihiwagaan sa pagiging mailap niya habang pinapanood nito ang pagpasok niya mula sa gate hanggang sa kanyang mismong bahay.
Bree did not even bother to turn and look back. Sinara niya agad ang pinto.
.
.
SINIGURADO NI JORDAN na nasa loob na ng bahay si Bree bago bumalik sa kotse. His eyes scanned the silent neighborhood of that exclusive villa. Mula sa ilang malalaking bahay na patay ang mga ilaw hanggang sa isang kotse na nakaparada sa tapat ng townhouse na isang tawid lang ang layo mula sa tinitirahan ni Bree.
Pumasok ang binata sa loob ng kotse at inutusan ang driver na ihatid ito pauwi.
Siyang ring ng cellphone nito. Inaasahan ni Jordan ang tawag kaya mabilis nitong sinagot iyon.
Boss, ani boses sa kabilang linya, maraming salamat sa magandang scoop.
Lumuwag ang ngisi ni Jordan. It was playful yet his eyes betrayed the treacherous delight they held. "Good," mabilis nitong sagot. "Makukuha niyo ang kalahati ng bayad kapag nailabas niyo na ang balitang iyan. Make sure it will trend."
He immediately disconnected the call. Sunod na tinawagan ng binata ang pinsan nito.
Jordan let out a bored sigh. Hindi na bago para rito ang tagal ni Virgo sumagot, pero hindi pa rin ito nasasanay doon.
Jordan, bungad ng lalaki sa kabilang linya.
"Hi, how's the debate?" pinasaya niya ang tinig.
Great, may sarkasmo sa tinig nito.
"Will they do a rerun on TV? I definitely want to watch," kampanteng sandal nito sa backrest ng kinauupuan.
Maybe on the internet, nanatiling seryoso ang tono ng pananalita ni Virgo. Ginnie said you're on a date tonight?
"Ah, yeah..." he sighed and grinned wider.
Is it already over? Kailangan kitang makausap.
May nabuhay na interes sa mga mata ni Jordan. His smile transitioned from something rooted from trying hard to sound enthusiastic into his most wicked.
"Personally? About what? May gusto ka na bang ipaasikaso sa amin ng mga tauhan ko?" tuwid nito ng pagkakaupo.
Tila narinig nito ang pagbuga ni Virgo ng usok ng sigarilyo bago ito nasagot.
Tungkol ito kay Senator Zamora, mabigatnitong sambit. Meet me at the vacation house.
.
.
.
***
AN
Hello, mga dear! <3 <3 <3 Halos lahat ng latest UD ko this week, thank God, nalagyan ko na ng AN. I changed a bit of my writing routine, kaya heto, hindi na ako naghahabol na basta post na lang ng UDs, naidadagdag ko na rin ang mga AN na dati ay usual ko naman na ginagawa.
Na-miss ko talaga mag AN hahaha! <3 <3
Thank you so much sa pag-aabang palagi ng susunod na mga chapters ng Slide. Thank you too for loving the story so far! Sobrang nakaka-inspire lalo magsulat dahil pareho tayong nag-eenjoy, which is what's always important. ;)
As usual, there's 2 chapters of UD per story per week (bukod dito kasi ongoing at ina-update ko rin ang A Man of His Word at Sir Sparks ;) ) Magustuhan niyo sana. Thank you, thank you!
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro