Chapter 16: The Best Act
TUMULOY SI BREE sa restaurant at sinundan ang waiter na nag-a-assist sa kanya papunta sa mesang pina-reserve ng kanyang makakasama. She was impressed with how posh the restaurant looked. It had a royal-like ambience with soft yellow lights from the hanging chandeliers and a twinkle of little white lights scattered on strategic places in the room. Kita sa puting mga kasangkapan kung gaano ito kamamahalin.
Kaninang hapon, gusto man niyang magkulong sa bahay at magpahinga, parang buhay na buhay ang kanyang pakiramdam. She could not sit still. Kaya naman napagpasyahan niyang tawagan si Manager Ken. Humingi lang naman siya ng tulong dito kung sino ang pwede niyang makasamang mamasyal o mag-dinner. Kung ordinaryo siyang tao, sigurado na hindi na kailangan pa ni Bree ng ganoon kaya lang, artista na siya. Una sa lahat, dapat ay sa pili-piling mga tao lang siya dumidikit. Hindi man mandatory, maganda na informed ukol doon si Manager Ken, kasi ito ang makakatulong sa kanya para malaman kung makakabuti ba sa career niya ang sumama kay ganito o ganyan.
It was the sad reality that you could not really find a true friend in the showbiz industry. Pinalad ang mga artista na nakakahanap ng tunay na kaibigan, kasi sobrang hirap niyon sa mundo nila. Most of the people in there would only befriend you to boost their image...
Something that Bree was guilty of by the way. Pero ano ba ang magagawa niya? It was the only way to survive and make her dreams come true at the same time!
It took him a while before suggesting this guy named Jordan. Matagal na raw ito nangungulit kay Manager Ken na gustong ma-meet siya. She was about to decline, because she was pretty wary when it comes to men claiming they wanted to just get to know her, bond, and be friends. For Pete's sake, Bree knew the truth. No man would be that persistent just to only be your friend. Pero nung sinabi nitong Ferdinand ang apelyido ng binata, pumayag na rin siya.
She figured she would find out something about Virgo from his own cousin. Ewan kung bakit mukhang maganda na ideya iyon. Siguro para hindi nangangapa si Bree kung paano rin haharapin ang binata. Apparently, Virgo had caught her off guard way too many times.
Gusto niya naman ng leverage pagdating sa affair nila.
She didn't know why Manager Ken approved of Jordan more than Virgo too. Marahil dahil hindi ito directly involved sa pulitika.
Bree wore a sleeveless shimmery high-neck champagne dress with a skirt that reached half of her thighs, fittingly hugging them. Maayos na naka-high bun ang kanyang buhok at side swept ang kanyang buhok. Natanaw niya si Jordan na tumayo mula sa kinauupuan nito. His wavy hair had a neat style, a playful smile was on his lips as he walked toward the other chair on their table. Hindi maikakaila ni Bree na dalang-dala ni Jordan ang suot na suit na puti.
It looked semi-formal because within the white blazer was a red polo shirt, open-buttoned and a black striped scarf hanging on his shoulders.
Pinaghila siya nito ng upuan at inalalayan siya sa pag-upo.
Bree smiled graciously as she watched Jordan occupy his seat.
There was no doubt in her mind that this one is a Ferdinand. He had that air of gorgeous looks and leader-like confidence. Iyon nga lang, hindi nito matutumbasan ang dating ni Virgo.
"Hi," tutok ng mga mata nito sa kanya. "You look really stunning."
"Thank you, Jordan," matamis niyang ngiti rito.
"I've been really wanting to meet you. Pasabi pala sa manager mo na pasensya na siya kung nakukulitan siya sa akin."
Mahina siyang tumawa "Come on, it''s part of his job. He's used to it. But yes, you should spare him from all the stress, Jordan, as far as my career is concerned, gusto ko pang manatiling manager ko si Ken."
There was a tinge of shyness in his laugh with what she said. "I'm really sorry for the dude."
Ngumisi lang siya. Manager Ken was never really a dude, pero hindi na niya kailangan pang ipaliwanag iyon kay Jordan.
Sumingit na ang waiter at inabutan sila ng mga menu card. Tinaboy ito ni Jordan at sinabihang tatawagin na lang kapag may order na sila. Dinampot ni Bree ang menu card at pinasadahan na iyon ng tingin.
"So, what are you currently doing in life, Jordan?" aniya habang namimili ng io-order.
Hindi naman maka-focus ang lalaki sa menu card kaya titig na titig sa kanya, hindi mawala-wala ang maluwag na ngiti sa mga labi.
"Let's just say, I am working on establishing a security business."
Interestanteng nag-angat siya ng tingin sa binata sa likod ng hawak na menu card. "A security business?"
"Yes," tila humugot ito ng paghinga para manumbalik ang yabang sa tono nito. "You know, something that has to do with bodyguards and stuff."
"Interesting," ngisi ni Bree habang tinutuloy ang pag-isa-isa sa mga pagkain sa menu card. "Tell me more."
"There's nothing much about it, Bree, just a typical security agency."
Saktong nakahanap na si Bree ng gusto niyang pagkain. At hindi niiya pinalagpas ang obserbasyon na mukhang ayaw nang magkwento pa ni Jordan tungkol sa business venture nito. She had to change the topic, at the same time, lead them close to havng a conversation about Virgo.
"Why not pursue politics?"
Natawa ito at binaba ang hawak na menu card sa mesa. Hindi malaman ni Bree kung para saan ang tila nanunukat na titig sa mga mata nito. There was something devilish with his smile.
"Why? Does a man involved with politics suit your taste?"
"I just think you'll do really well in politics," pambobola niya. She made sure to look into his eyes to be more convincing as she put down her menu card. "You look like a man who has everything together... and smart too. You also have an advantage for being a Ferdinand."
"Oh, stop," flattered nitong ngisi. "Alam mo naman siguro ang reputasyon naming mga Ferdinand..."
"Well... Senator Virgo is running for President. He's your cousin, right?" baba niya sa menu card.
"Yes," his eyes darkened, his smiile still pasted on his lips. "But he has a different case. He wanted to prove something. I don't mean to be offensive, but for me, honestly, what a boring waste of time trying to prove yourself and a boneless cause. Me? I don't need to prove anything."
"Prove something?" kunot-noo niya. She purposely leaned on the table, skillyfully putting her breasts on the table to effectively seduce the truth out of Jordan. Pumalumbaba siya at hinilig ang ulo, nang-aakit na nagpakita ng interes at kuryosidad. "What do you Ferdinands have to prove? You almost made an empire of this country when Aries Ferdinand became the president."
"That's the thing," ngisi ni Jordan sa kanya. "Virgo is so damn self-righteous. He wanted to prove he's different from Tito Aries."
Nawala ang sigla sa mga mata ni Bree.
"Our family..." baba ng tingin ni Jordan, "...we have been receiving too much hate all these years, generations from generations, especially from the media... someone had to have the guts to stand up and stop these people from doing that..."
"And if Virgo becomes a great president, that mission gets accomplished?"
Nagtaas ng tingin si Jordan sa kanya at ngumisi.
.
.
NAKAKABINGI ANG LAKAS ng palakpakan ng mga tao nang makaakyat na sa entablado si Virgo. He waved a hand and smiled at the audience who were well-seated in that big dome. Nagkalat ang mga reporters at photographers, gayundin ang mga naglalakihang camera ng mismong TV network na nagho-host sa event. Nilagpasan niya ang dalawa pang kandidato na kalaban niya sa posisyon bilang pangulo ng Pilipinas.
Matapos ang maiking pagbati, nagsimula na ang debate.
Time passed by for Virgo like a breeze. Sobrang cliché na para sa kanya ang tinapon na mga katanungan na may kinalaman palagi sa mga isyu ng corruption, seguridad ng bansa, o 'di kaya ay kung paano mababago ng pamamahala nila ang kalagayan ng Pilipinas. Minani lang din niya ang pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa current events dahil aware naman siya palagi sa mga nangyayari sa bansa kaya wala siyang maidadahilan na hindi siya maka-relate o hindi niya alam ang isyu.
Until, the host changed the format of the debate.
Pinaliwanag nito na kailangan ng mga kandidato na magpalitan ng tanong sa isa't isa. He did not really expect this one, which made him feel slightly uneasy.
"Senator," tawag ngayon sa kanya ng kalaban na si Mayor Zamora.
Virgo leaned over the podium and viewed Zamora. Nakapagitan kasi sa kanila si Senador Bonifacio. He had to admit, Virgo sees Zamora as a tough competition. Mas lamang ang taon ng karanasan nito sa pulitika. Naging Senate President pa. May respeto siya para sa lalaki dahil sa narating nito, hindi dahil sa budhi nito.
"Yes, Senator?" he replied, slightly laughing in an attempt to give the audience a lighter vibe of the situation.
It was his tactic by the way. So in case Virgo messes up with this one, the audience would not easily be pissed at him. Kasi nga, nakondisyon na niya ang mga ito na maging maganda ang mood.
"Ano ba talaga ang plano mo para sa Pilipinas kapag naging pangulo ka na? Maging diktador nito at subukang gawing imperyo ng mga Ferdinand ang Pilipinas tulad ng binalak ng tatay mo?"
Sinundan iyon ng matabang nitong halakhak.
Nilihim ni Virgo ang pagdidilim ng paningin. He displayed a fouled smile.
Naghahanap yata ng gulo ang hayop na ito.
"Paano makakasigurado ang taumbayan na hindi mo kukurakutin ang pera sa kaban ng bayan tulad ng ginawa ng ama mo?"
Virgo lowered his head. Nahagip ng mikropono sa podium na gamit niya ang mababa niyang pagtawa.
.
.
BREE AND JORDAN WERE FINALLY HAVING THEIR WINE. Ngiting-ngiti si Bree dahil nasarapan siya sa sinerve na mga pagkain. She only ate lightly, to not ruin the perfect figure her sexy dress was giving her body.
"That's one lovely smile," puna sa kanya ni Jordan, angat ang sarili nitong wine glass.
The red wine made Bree's lips more moist and reddish. Even without her manipulation, her body was its own seduction machine.
"Baka masamid ako, ha," mahina niyang tawa.
"Is it by chance that you're seeing anyone?" he asked in his seemingly hazy, hypnotized eyes with his cute boyish smile.
Patay-malisya lang si Bree dahil hindi iyon tumatalab sa kanya.
"No."
"No way," he shook his head, fully engrossed on her. It could be seen in the way Jordan almost sprawled himself over the table with how much he leaned to take a closer look at her. Ni hindi maalis ang mga mata nito sa kanya. "You? Bree Capri? Not seeing any other man? Not dating anyone?"
She rolled her eyes and smiled sarcastically. "Oh, please, you know I am not that type."
Nanunukso ang ngisi nito ngayon sa kanya. "Oh, I see... you're..."
Tinitigan niya ito sa mga mata, nababasa ni Bree ang malisya sa titig sa kanya ni Jordan.
She let out a sigh. "But I am not in the mood for any affair for now," wala nang paligoy-ligoy niyang saad. "It gets tiring too, you know."
Pinigilan niya na masundan ang mga sinabi ng paghikab. Ito ang nakakabagot para kay Bree kapag may kinikitang mga lalaki, puro kalandian ang namumutawi sa mga bibig nila. Akala yata nila madadala sila ng mga ito sa mapang-akit na mga salita. They felt superior thinking that they could get her when most of the time, Bree just wanted sex and not these men's personality or how they flirt. Sinasakyan na lang niya para makuha agad ang gusto, tapos hindi na siya makikipagkita pa sa mga ito.
For tonight, she just wanted someone to hang-out with. But as expected, iba ang agenda ni Jordan.
Was Virgo even aware that Jordan got the hots for her?
Hay, naalala na naman niya ang lalaki.
Ngisi lang ang sinagot sa kanya kanina ni Jordan at hindi na umimik pa nung napunta ang topic kay Virgo. Napilitan tuloy si Bree na ibahin ang topic. Simula noon, hindi na niya nagawan ng paraan kung paano isisingit si Virgo sa usapan. Marahil, gusto talagang iwasan ni Jordan ang anumang usapin tungkol sa pulitika. Nirespeto na lang niya iyon. They were having a friendly dinner, meaning, he was trying to escape from the harsh reality their family was involved in. Makikisakay na lang siya roon. Tutal, nababagot na rin naman siya sa bahay at naghahanap ng makakausap, 'di ba?
Sinipat nito ang relo. "We still have time. Bakit hindi tayo humabol sa last full show ng movie mo? It's showing tonight, right?"
Natagalan si Bree sumagot dahil uminom siya ulit ng alak.
"Oh, yes," aniya. "But... I am not really comfortable watching myself in movies so..."
"But you were at the premiere," he was obviously using a nice approach to persuade her to go to the movies with him.
"I have to," aniya. "Artista ako. I need to be professional and show up there."
He chuckled. "Isn't it hard... to behave differently on how you wanted to live your life?"
"I'm a great actress, Jordan," ngiti niya rito, "so it's easy."
At inubos na niya ang laman ng kopitang hawak. She left her other hand on the table, unattended. Sumimple ang kamay ni Jordan para ipatong ang kamay nito sa kamay niya. She was still drinking as he gently took her hand and held it.
Dahan-dahang nilayo ni Bree ang baso mula sa kanyang mga labi at tinapunan ng sulyap ang pagkakahawak sa kanyang kamay ni Jordan.
.
.
THERE WAS A RISING HUSH from the audience. Dahil sa paglakas ng mga bulung-bulungan, alertong sumenyas ang ilan sa mga staff ng TV network na host ng debate para hinaan ng mga ito ang boses at tumigil ang ilan na kumakantyaw na sa kanila. May mga tao kasi na mukhang nae-enjoy ang posibilidad na magbungangaan sila Virgo at Senator Zamora sa live TV.
His low chuckle took everyone's attention. Napansin iyon ni Virgo kaya wala na siyang dahilan para bitinin ang mga tao sa kung ano ang kanyang isasagot. Tension had already seeped through their system with his threatening laugh. What made them feel that tension was the fact that they were completely clueless why Virgo did that.
Sinagpang niya ngayon ang momentum na iyon.
"Sorry, Senator Zamora. Isang tanong lang daw, 'di ba?" mahina niyang tawa na medyo nagpa-relax sa ibang tao sa audience. Ang iba naman ay kinakabahan pa rin. O 'di kaya ay skeptical sa kinilos niya dahil wala namang nakakatawa sa mga pasaring na kalakip ng tanong ng kalaban niya.
Humawak si Virgo sa hawakan ng mikropono. "It's okay. I'm generous, so I'll answer them." His head tilted to face Senator Zamora's direction.
"To answer your question, I have a lot of plans for the Philippines. Lahat ng makakabuti para rito. At makakaasa roon ang taumbayan dahil hindi ako si Aries Ferdinand. Ako si Virgo Kristoffer Ferdinand. Mula pangalan pa lang, hanggang sa mga intensyon at plano, ibang-iba na sa aking ama." He turned his eyes on the audience with the aim to get their sympathy. "Wala akong dapat na depensahan o ipaliwanag pa. Balewala lang naman kasi ang mga iyon kung ikukumpara sa lahat ng hirap na dinaranas ng mga Pilipino magmula noon hanggang ngayon. Hindi na ako nababahala sa nakaraan, ang mahalaga para sa akin ay ang ngayon at ang hinaharap. Na natuto na ako mula sa dinanas ng aking ama. Na kahit sino ay dapat matakot kapag nagkaisa ang taumbayan na pabagsakin siya dahil kahit ano pa ang posisyon mo, wala ka'ng laban. Kaya ano ang dapat na ikatakot sa akin ng mga Pilipino? Wala. Ako naman, nandito para itama anuman ang pagkakamali ng aking ama at higit pa roon ang kaya kong ibigay. Gusto kong pagsilbihan ang mga tao para kahit sa ganitong paraan man lang ay maibalik sa mga Pilipino anumang mga karapatan o pribilehiyo ang pinagkait ng mga nagdaang administrasyon mula sa kanila."
At bumilang pa ng dalawang segundo ang timer bago tumunog ang buzzer. Hudyat iyon na tapos na ang nilaang minuto para kay Virgo para sagutin ang katanungan.
He proudly smiled upon seeing how he left the audience amazed and speechless with his answer. Sumimple siya ng sulyap kay Zamora. Nagtatalo ang pagkairita at pagkamangha sa mukha nito.
.
.
"THANK YOU," yuko ni Bree para pumasok sa sasakyan ni Jordan.
Tapos na silang mag-dinner at magkwentuhan at natatakot siya na tuluyang malasing kaya nagpahatid na pauwi. Bree really appreciated to be invited in a very high end restaurant. Sigurado siya na hindi niya makikita sa mga tabloid ang litrato nila ni Jordan. What she didn't really like was how boring this man could be.
Iyong sinabi niya na mukhang matalino ang lalaki? Ah, forget it.
All he wanted to do all night was flirting.
Walang permisong hinawakan nito ang kamay niya kanina.
Bree just laughed it off to avoid making an argument out of it. Hindi siya nakakalimot na dapat siya maging mas maingat sa kanyang image at reputasyon bilang aktres. Pagkatapos, sunod-sunod na ang pagpick-up lines nito sa kanya, ang pagpapaligo sa kanya ng mga papuri na halos kapareho lang nung "Ang ganda mo". And she had every right to feel nothing about it. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, natanggap na ni Bree ang papuring iyon at pinagsawaan na rin.
Jordan was not interested to talk about his security agency or politics. Kaya saan pa mapapadpad ang pagkukwentuhan nila?
Wala siyang pakialam kung private person si Jordan. He's boring her, so she had to go home ASAP.
Sumara na ang pinto ng kotse sa tabi ni Jordan na nakaupo na sa kanyang tabi.
"Sa bahay ni Miss Bree," tipid na utos ni Jordan sa driver na nasa harapan nila.
"Yes, Boss," anito bago umusad ang kotse.
Nangibabaw saglit ang katahimikan sa pagitan nila.
"I hope you enjoyed our dinner, Bree," lingon sa kanya ni Jordan.
"I did," she faked an enthusiastic smile. "The food in that place, babalik-balikan ko iyon. I am so glad you brought me to Hanging Gardens," she sighed dramatically. "You've made a really great choice, Jordan."
"I'm glad," pasimpleng pag-akbay nito sa kanya.
Bree chuckled and playfully tapped his hand off her shoulder.
"You seem too glad," alanganin niyang tawa sa lalaki na medyo nakalapit na ang mukha sa kanya.
"Where to," his eyes lingered a bit on her lips before gazing back to her eyes, "on our next meeting, Bree?"
Seriously? He's expecting a next time? was her awkward smile.
"Next meeting?" she smiled, discreetly pulling her face away from him. "I thought you're a busy man, Jordan."
"Not for you," his hand gently took her chin.
He pulled her close for a kiss. Mabilis na lumipad ang kamay ni Bree pasampal sa pisngi nito. Maging siya ay nagulat sa ikinilos. For all she knew, Bree used to just ride along with the men she hang out with. A kiss was not any issue at all. Wala naman kasing halaga iyon sa kanya.
Balewala lang.
Mabilis na nagtapon ng matalim na tingin sa kanya si Jordan. Nabuhusan ng pagkapahiya, gulat at galit sa nagdidilim nitong mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro