Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Red Carpet

Please, enjoy this chapter, hrodheid ! Thank you.<3

---------------------------

BREE SUCKED IN A DEEP BREATH. Huminto na kasi ang sasakyan nila sa basement parking ng mall na iyon. Maga-alas-diyes na. Sinakto kasi i-schedule sa pinakahuling time slot ng cinema na pinuntahan nila ang pagganap sa premiere night ng The Rightful One.

Nasa loob pa ng kotse si Bree, katabi si Manager Ken, pero kitang-kita na niya ang kapal ng mga tao— karamiha'y mga photographer— na nakaabang sa pagbaba nila ng kotse para kuhanan sila ng larawan. Bukod sa kanila, nag-abang talaga roon ang mga ito dahil inaasahan naman na sa ganitong mga premiere, imbitado lahat ng mga kilalang tao. At iyon ang isa sa mga pinakapinag-uusapan— kung sinong mga bigtime na artista o public figures ang pumunta sa movie premiere.

Tinapat ng driver ang kotse sa elevator kung saan nakaabang ang assigned na security team. Naunang bumaba si Manager Ken kaya nagsimula nang kumilos ang security para bakuran ito. Naglahad ng kamay ang kanyang manager na malugod na tinanggap ni Bree.

She sexily put out a leg first. Hita pa lang niya ang nagpapakita pero mabilis kung umasinta ang mga camera at sunod-sunod na ang naging pag-click. Naghalo ang mga fans na nag-abang talaga roon para masulyapan man lang siya, at ilan sa mga usisero lamang na napadaan, na-carried away ng curiosity at nakisiksikan na sa mga photographer para makita ang mga artistang darating.

Then, Bree carefully lowered her head and got out of the car.

Lumakas ang sigawan ng mga tao. Mas bumilis at lumagitik ang bawat pag-click at flash ng mga camera. Nakailang kurap si Bree pagkatuwid ng tayo bago naka-adjust ang kanyang paningin.

She smiled widely at everyone, still fazed with all these attention she was getting now. Meanwhile, on her back, Manager Ken reached for the car door and slammed it close.

Ilang araw na siyang hindi mapakali, ni hindi nga siya pinahintulot ng excitement na makatulog ng maayos. At heto na nga. Mas lalong sumisirko-sirko ang puso niya sa tuwa.

Tuluyan nang lumuwag ang kanyang ngiti. She finally exposed her teeth and lightly laughed.

Napalingon siya sa manager nang ikawit nito sa braso nito ang kanyang braso. Ginabayan siya ni Manager Ken patungo sa elevator habang bahagyang umaatras-abante ang mga naka-itim na uniform na security team dahil sa mga tao na nagpupumilit nakalapit ng kaunti sa kanila para matitigan siya ng mabuti o makuhanan ng litrato ng mas malapitan.

"Ang daming tao!" masayang ngiti niya kay Manager Ken.

Deretso lang ang tingin nito sa elevator. Seryoso at tila mas priority nitong siguraduhing hindi sila madudumog ng mga tao kaysa maki-enjoy kasama niya.

Bumukas din agad ang pinto ng elevator at sumakay silang dalawa roon. Sinamahan sila ng apat na lalaki mula sa security team, at ang mga ito na rin ang pumindot ng buton kung saang floor sila bababa.

As the doors shut, Bree felt like she was instantly transported to a different world.

Nawala na ang mga tao at ang kumikislap na mga flash ng camera.

May tig-isang security man sa bawat sulok ng elevator habang nasa gitna niyon sila Bree at Manager Ken. Seryoso ang mga ito, halos hindi umiimik hanggang sa maulinigan niya ang isa sa bandang likuran niya na may kausap sa walkie talkie nito.

Nag-i-inform ito sa iba pang kasamahan na nasa building na sila, at hinahatid sa cinema.

Bree turned to Manager Ken. She was still smiling like a child filled with wonder.

Tipid ang ngiti na ginanti nito sa kanya.

The security team assisted them once again outside the elevator. Hanggang sa marating na nila ang cinema area. May nakabakod na mga bakal sa vicinity para hindi sila malapitan ng mga shoppers sa mall na iyon na hindi kasama sa mga imbitadong manood para sa premiere night. Still, Bree gave them a glance and happily waved. Nagtilian ang mga ito.

"Don't over do it," mahinang bulong sa kanya ni Manager Ken.

"Come on," ngiti niya rito.

One of the men extended a hand, leading them to the red carpet.

Naramdaman niya ang pagbitaw ni Manager Ken sa kanyang braso. Nagtatakang nilingon tuloy ito ni Bree.

"Own the moment, girl," he smiled as he spoke that in a breathless manner. Pinasadahan siya nito saglit ng tingin mula ulo hanggang paa bago malapad na ngumiti sa kanya. "I'll walk first, then you take your walk at the red carpet."

Napayuko saglit si Bree. All of a sudden, she felt humbled.

Hay, tumitindi na yata itong paghahalo-halo ng feelings niya.

Tumango-tango siya sa manager. He gave her a nod too before walking ahead.

Alertong nagtaas ng camera ang mga photographer, nagsipaglapitan na rin ang ilan sa mga reporter sa dulo ng red carpet para abangan si Manager Ken doon at tanungin.

Huminga si Bree ng malalim at nilingon ang mga tao na nag-aabang sa kanya. Hindi siya masyadong makita ng mga ito dahil nakaharang ang ilang mga taga-security sa kanya mula sa view ng mga ito.

As Manager Ken reached the end of the red carpet, doon na sinimulan ni Bree ang paglalakad. The camera's swung and anticipated for her arrival. They were directed towards her. As Bree's black ankle-strap high heels stepped on the red carpet, she completely got everyone's eyes on her.

Nang masiguradong inaangkin na niya ang pansin ng mga ito, gumuhit ang mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi. She wore a dark shade of a nude lipstick that boldly blended well with her black backless dress with a plunging neckline. Her smokey eyes balanced the sexy playfulness of her attire, making her gaze mysterious yet seductive. Nakaladlad ang itim niyang buhok na unat na unat. Her silver, big hoop earrings hung and gently swung as she walked.

Bitbit ni Bree ang makintab na silver pouch. She began her confident strides. Like what Manager Ken told her, she definitely started owning her night, wowing everyone with her sexiest ramp. Humawi ang palda niya na kabilaan ang front split, nilantad ng mga iyon ang makikinis niyang mga hita. She felt so stokes, catching everyone look at her with awe.

Huminto siya saglit sa gitna ng red carpet nang signal-an ng isa sa mga photographer. Bahagyang tumagilid ng pagkakatayo si Bree para mag-pose. She smiled.

After a few shots, she resumed her walk.

Bago marating ang dulo ng red carpet, she carefully twirled around to give everyone a flying kiss. Then she put down a hand and laughed. Napalis ang tingin niya dahil na-realize ni Bree na bago pa yata niya hinarap muli ang mga ito, kanina pa wala sa kanya ang atensyon ng mga photographer at nakikisilip na mga tao.

Gumawi tuloy sa kabilang dulo ng red carpet ang kanyang mga mata. And she finally saw who stole everyone's attention from her that instant.

Si Virgo.

Nang mapagawi ang mga mata niya rito, mabilis na nasalo ng lalaki ang titig niya.

He did not even smile at her. Iyon ay dahil napukaw na ng katabi nitong si Greg ang atensyon ng presidentiable. Naglahad ito ng braso para ituro sa binata ang direksyon na dapat puntahan. Mukhang hindi ito dadaan sa red carpet dahil para lamang iyon sa mga cast ng movie. Pinadaan ito sa kabilang dulo ng bakod para marating ang entrance ng cinema na tutuluyan. Binalik na ni Bree ang tingin sa harap at lumapit sa mga reporter na masigla siyang tinanong tungkol sa pelikula at kung ano raw ang nararamdaman niya ngayon.

Her eyes could not help stealing glances every now and then to check if Virgo already got in. Nakita niyang dumaan ang lalaki at ang security nito sa likuran ng reporter na nagtatanong sa kanya. Hinarang ito ng iba pang mga reporter. The man politely smiled and answered their questions, while Greg patiently turned to the other security men and took the bouquet of flowers from them.

"Thank you, Miss Bree!" sa wakas ay banggit ng reporter na mukhang nakahalatang nawala na rito ang atensyon niya.

She nervously laughed. "Oh, I'm sorry, I'm... I'm quite excited and tensed... I..."

Mapang-unawang ngumiti lang ito sa kanya.

Nagmamadaling pumasok na si Bree sa sinehan.

Bakit nandito siya?

Tumuloy siya sa pinto ng mismong theater at nagulat nang makitang nakaabang pala sa lobby niyon si Manager Ken. Napasinghap tuloy siya.

Ngumiti lang ito sa kanya, mukhang walang ideya sa presensya ni Virgo.

"Let's go," anyaya nito bago nagpatiuna sa paglakad.

Nag-aalangang ngumiti si Bree bago ito sinundan.

.

.

SAMANTALA, NASA KALAGITNAAN naman ng interview si Virgo.

"Who invited you for this movie premiere, Sir?" excited na tanong ng babaeng reporter. Hindi maikakaila ng enthusiasm nito ang pagka-starstruck sa kanya.

But that was not any of his concern as of the moment.

"My sister, Ginnie, got tickets, for two" he smiled. "I believe she's already inside. I arrived a little late because you know, campaign period."

"And you still have time for movies." Walang bahid ng sarkasmo ang tono ng babae. Mukhang naa-amaze ito na kahit abala siya ay nagagawa pa ring maglibang.

Yet, Virgo aimed to surprise everyone.

He grinned. "Kailangan. Hindi lang naman ako. Lahat tayo sana, magkaroon ng oras para tangkilikin ang mga pelikulang Pinoy, 'di ba? It's been a long time that our movie industry is being quite neglected, when in fact, isa ito sa mga epektibong paraan para ipakilala sa buong mundo kung ano ang kultura natin, kung ano ang lifestyle dito."

"But this isn't a historical kind of movie, Sir. Hindi rin siya Pinoy na Pinoy kapag pinanood 'yung trailer."

"Is that so?" kampanteng ngiti niya.

Obviously, Virgo did not watch the trailer. Hindi rin niya sadya ang pumunta roon para ipakita na suportado niya ang film industry ng Pilipinas. Kinailangan lang niyang idahilan iyon dahil si Bree naman talaga ang pakay niya roon.

"I just want to ask, I hope you don't mind, paano makakatulong sa pag promote ng Philippine culture ang ganitong klase ng pelikula na may sensual at sexual themes? Pinaka-common na ito sa mga pelikula ng starlet na si Ms. Bree Capri, pero dahil mainstream, kaya mga ganitong klase ng pelikula ngayon ang pinapalabas at 'yung mga love stories na kinabibilangan din nila Leticia at JD?"

"Filipinos view sex and sensuality in our own way at some point. We have our own culture and tradition in relation to that," mahina niyang tawa. Hindi na nagtataka si Virgo kung bakit mas malakas na ang loob ng media ngayon na magtanong ng kung ano ang maisipang itanong. Pero nagugulat pa rin siya ng tapang ng mga ito. "So, I believe na anuman ang genre ng pelikula, kahit may sexual at sensual themes pa iyan, masasalamin pa rin ang Filipino culture, and that's what is important, right?"

That made the reporter speechless. Humahangang tumango-tango ito habang nakatitig sa kanya bago naapuhap ang sasabihin.

"T-Tama kayo diyan, Sir."

He smiled and gave her a nod. Hudyat iyon ni Virgo na tinatapos na niya ang interview nito.

"Enjoy the movie, Senator," atras na nito at ng kasamang videographer para padaanin siya.

Nilingon ni Virgo si Greg na inabutan siya ng mga bulaklak.

Binitbit iyon ng binata papasok sa sinehan.

Pagkapasok niya ng sinehan, binaba saglit ni Virgo ang mga bulaklak para tawagan si Ginnie. Hindi pa naman nagsisimula ang pelikula kaya nasagot siya agad ng kapatid.

Nasaan ka na? bungad agad ng ate niya.

"Nandito na ako sa lobby," sagot niya na para bang nag-e-echo sa lugar na iyon ang boses. The dull blue lighting fell on his figure as he stood there looking at the end of the lobby. "Puntahan mo ako rito para masamahan mo ako sa uupuan natin."

Oh, My God... Ginnie groaned. Dinig ni Virgo sa background ang mga boses ng tao roon. Karamihan ay nagbabatian. May ilang nagtatawanan. Kalalaking tao, kailangan pa ng alalay ko.

"I just don't want to waste time, na isa-isahin ang mga upuan para mahanap ka."

Si Jordan dapat ang kasama ni Ginnie sa movie premiere na ito, kaya lang napakiusapan ni Virgo ang pinsan na ibigay sa kanya ang ticket. Ang kapalit ay ang pagpayag niya na kunin ulit ang mga tauhan ng pinsan bilang gwardiya niya. Siyempre, tauhan pa rin niya si Greg. At apat lang sa mga tauhan ni Jordan ang napagkasunduan nila na magta-trabaho sa kanya.

I really wish si Jordan na lang ang kasama ko, mahina nitong tawa. For sure, pagkakaguluhan ka ng mga tao rito. I won't be able to concentrate!

"Nah," ngisi niya. "They won't."

At sumulpot na si Ginnie sa lobby. Binulsa agad ni Virgo ang cellphone sa bulsa sa loob ng kanyang leather jacket na itim at binitbit na ang mga bulaklak.

"Wow, you have flowers!" malayo pa lang ay bulalas na ni Ginnie.

Ginnie was already in her forties, pero dahil sa yaman nila, malayo sa edad ang hitsura nito dahil alaga sa mga treatment at spas. Medyo may katabaan na ito pero dalang-dala anuman ang suotin nito. Ngayong gabi, semi-formal ang dating ng babae sa suot nitong dilaw na v-necked sheath dress.

"Oh, yes," lapit niya sa kapatid. "I figure, I'll give flowers to the lead actresses."

Naningkit ang mga mata nito sa kanya. Sabay na nilang tinahak ang lobby para tunguhin ang mga seats.

"At bakit?" nagdududa nitong tanong.

"Ano'ng bakit?"

Lalong naningkit ang mga mata nito. "Don't tell me, pati ba naman itong panonood mo ng pelikula eh, gagamitin mo sa pangangampanya mo!"

Virgo shrugged. "No one noticed."

"No one?" she exclaimed in disbelief. "Bukas na bukas rin, maraming political analysts at mga blogs at tabloid na magsasabi ng ganoon. You're not as sly as you think you are, little brother."

He groaned. "Stop calling me that."

At nilalagpasan na nila ang ilang mga upuan. Sinundan ni Virgo si Ginnie dahil mas alam ng kapatid kung saan ang seats nila.

"You have to do me a favor too," lingon nito sa kanya.

Dama ni Virgo na nasa kanila na ngayon ang mga mata ng invited guests sa movie premiere na iyon, pero inignora lang niya.

"What?" ngisi niya rito.

Lumapit sa mukha niya ang mukha ni Ginnie para bumulong.

"Tutulungan mo akong makalapit kay Bree."

Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya.

"Kailangan ko magpa-picture!" panlalaki pa nito ng mga mata sa kanya para manakot.

He shrugged. "Sure. No problem."

Lumayo na ito at binigyan siya ng makahulugang titig bago nagpatuloy sa paglakad.

Virgo followed.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro