Chapter 1: A New Vice
GUMUHIT ANG KIDLAT SA MADILIM NA KALANGITAN. Napatingala na lang si Bree habang yakap ang sarili. Panay ang lingon niya kasi nag-aabang siya ng pwedeng masabayang sasakyan.
As usual, wala man lang humintong kotse para sa kanya. Who would anyways? Ang dami-dami ngang guests sa birthday party ni Senator Pereira, eh kung karamihan naman sa kanila'y may kasamang mga date o asawa, malabo nang makasakay siya.
Bree knew her reputation. Majority of the women despised her.
Malandi raw kasi siya, pa-sexy, at mahilig magsuot ng mga malalaswa.
Ano ba ang ine-expect nila sa sexy star? Laging naka-long sleeves?
Ugh.
Napabuntong-hininga na lang siya. Kailangan niyang makapag-isip ng paraan kung paano makakauwi. Never niyang lalakarin mula sa mansyon ni Senator Pereira hanggang sa labas ng subdivision.
Either na mapudpod ang takong ng suot kong heels, o 'di kaya kalyuhin naman ako sa paa.
Nakarating lang naman kasi siya sa party na iyon dahil kasama niya si Manager Ken. Eh nagkasagutan sila kanina dahil panay daw ang irap at parinigan nila ni Kristi Toletino, na artista rin na tulad niya at invited sa party.
Ako pa. Ako pa talaga ang pinagalitan niya. Never ba siyang aware kung sino ang nauna? I just returned the favor.
Masama pa ang tingin ng Kristi na iyon sa tube dress niyang may sweetheart neckline. Ito 'yung klase ng neckline na paborito ni Bree kasi sumusunod daw sa hulma ng boobs niya. Perfect. Tapos nakakaputi pa lalo 'yung navy blue na kulay. May kasama itong gloves na hanggang siko.
Tuloy-tuloy na ang naging pagpatak ng ulan. Option niya sanang maglakad pero paano kung pouch lang ang dala niya?
Nakakainis talaga ang baklang Manager Ken na iyon!
Fine. I finally made a decision. Maglalakad siya ng paunti-unti. Hanggang sa kung saan may silong, doon siya maglalakad. Kapag tumila ang ulan, maglalakad siya ng mas malayo. Sisilong kapag bumuhos na naman ang ulan.
Biglang kumulog.
Napapiksi si Bree. She hugged herself tighter, squishing her boobs. Napalabi tuloy siya. Kulang na kulang pa ang braso niya para matakpan lahat ng exposed niyang balat. Ang baba rin naman kasi nung pagkaka-backless ng dress niya. Ang ginaw tuloy ng likuran niya.
She walked in a mince along the side of the mansion toward the gate.
Siyang tutok ng headlights ng isang kotse sa kanya.
Bumagal ang andar ng sasakyan at huminto sa tapat ni Bree. Napatigil tuloy siya sa paglalakad. She needed to caress my straight black hair to cover her chest.
Bumukas ang pinto ng kotse.
"Hey, it's raining," silip sa kanya ng isang lalaki. "May hinihintay ka pa ba diyan?"
Bree gave him a bored look. Obvious naman sigurong naglalakad siya. Ibig sabihin, aalis na siya at walang hinihintay. Kung may hinihintay man siya, nakatayo lang siya. Oh, but never mind. Baka sigurista lang ang lalaki. She released a sigh.
"I don't think dadating na ang sundo ko, Mr. President."
Yes, she just called him Mr. President. Hindi dahil sa siya ang bet niyang manalo sa Presidential elections. She just thought that would please him.
At tama nga siya. Sumilay na ang ngisi sa mga labi ng binata.
Bree took that as an opportunity to stare at Virgo Kristofer Ferdinand. Sobrang nakakalalaki ang pangalan. Lalaking-lalaki rin ito sa suot na dark blue suit. Short-trimmed ang itim na buhok. May kakapalan ang mga kilay, may talim kung tumitig. Disiplinado kumilos kanina sa party kaya maginoo tingnan.
Which is far from her type.
Ayaw niya sa gentleman. She thought they would be boring in bed. Halos lahat itatanong pa sa kanya. Hindi tulad nung mga bad-boy types na gugulatin ka na lang sa sobrang aggressiveness. Hindi siya 'yung tipo na gusto kasing mag-effort masyado sa kama. Sa pelikula lang niya kayang mag-effort sa kama, para sa mga bed scene na sanay na siyang i-shoot na ginagawa niya. Sa tunay na buhay, gusto lang niyang lumasap ng sarap nang walang kahirap-hirap.
Go on and preach her. She could care less. Wala sa mga plano niya ngayon na magseryoso sa mga lalaki. It was not about hating. She love men. Lalo na 'yung mga lalaking may pakinabang, 'yung may silbi sa society, but she's smart. Alam niya kung ano ang impresyon ng mga tao sa kanya, alam niya ang pinakahabol ng mga lalaki sa kanya. At bilang artista, lalo na at sexy star pa siya, ang pagpasok sa isang seryosong relasyon ay hindi makakabuti para sa career niya. Mag-uugat pa rin ang trabaho niya ng pagseselos at pag-aaway.
She didn't have time for that hassle, so sex, for her, is an alternative to fill that void.
The void of not having a man making her feel loved.
Inalis niya agad ang tingin kay Mr. President. Bakit ba napapadpad na sa ganoong mga ideya ang isip niya?
"I said, get in," mahigpit nitong wika. Nakakadalawang ulit na yata ito ng yaya sa kanya na sumakay sa kotse nito.
Ngumiti na lang siya. Malamang naisipan lang nitong gawin ito dahil mage-eleksyon na. Siyempre, pa-good boy ang mga tatakbo kapag ganitong season.
Whatever.
Pumasok na lang siya sa back seat at umupo malapit sa binata. Siya na rin ang nagsara ng pinto.
Malamig ang air-conditioning ng sasakyan kaya panay ang hagod ng mga kamay ni Bree sariling mga braso.
May kinuha si Virgo na pack ng sigarilyo sa chest pocket ng suit nito bago iyon hinubad at inalok na gamitin niya.
"Thank you," tanggap na lang ni Bree. She draped his suit's blazer on her shoulder, down to her back.
Pinanood niya ang paghugot nito ng isang stick. No wonder his cool breath was always stained with cigarette smoke. Akalaniya kanina, kumakalat lang ang amoy ng sigarilyo sa paligid kaya nakakaamoysiya niyon, kahit na ang lalaki pa ang nakabatian niya kanina.
"Oh, you smoke, Mr. President?"
He turned to her, gave him a lopsided grin followed by his crisp minty chuckle.
"Yes, to calm my nerves."
Isusubo na nito ang sigarilyo nang pigilan niya.
"You will rule a country. Paano tatagal ang buhay mo niyan kakasigarilyo?"
Nginitian siya ng lalaki. The man was already forty-two, they say, but damn, he looked around mid-thirties. Karismatiko pa kung makangiti.
"Listen,ito na lang ang bisyo ko, alright?" he shoved the cigarette stick between his lips.
So, Mr. President was somehow bad, huh? Pasaway rin pala kahit papaano. Hindiniya alam kung nabasa nito ang pagkatao niya at nadiskbure na appealing sakanya ang bad-boy types. Bukod sa usaping sex kasi, para kay Bree, masmakatotohanan pa ang ganoong klase ng tao. Hindi mga impokrito. If that wouldbe the case, then Virgo would make a threat to the other presidentiables.Maalam itong gumawa ng paraan para mag-appeal sa mga taong gusto nitong makuhaang loob.
"Then you should find another vice."
He displayed a devilish grin. "And what is your suggestion?"
Maingat na umupo siya sa kandungan nito, tinanggal ang stick ng sigarilyo sa mga labi ng lalaki at pinisil-pisil ang mga balikat nito. She gazed into his eyes and he looked at her knowingly. A slight smile etched on his lips, his stare was expectant.
For Bree, that was permission to give him what she got.
"Well..." she trailed off as she leaned down to press her lips against his lips. Ilang saglit lang at parang nakabisado na niya ang hulma niyon. She began to kiss him torridly.
He might do well to keep her warm in this cold, rainy night.
Wala naman sigurong masama sa isang gabi lang.
Besides, he's single. Kaya wala siyang dapat ipag-alala na may magagambalang ibang babae. At aware siya sa reputasyon na iniingatan ng lalaki. Panigurado na kung may mangyayari man ngayong gabi sa kanila,, hindi nito ipagsasabi sa kahit kanino. That would be convenient for Bree. Iwas kontrobersya para sa lalaki, iwas scandal naman para sa kanya na sirang-sira na ang imahe sa showbiz industry.
Walang pinakitang anumang reaksyon ang lalaki. Pumikit lang ito at ninamnam ang galing niya sa paghalik. Their lips smacked and brushed. Kailangan niyang putulin agad ang halikan nila para malaman kung ano ang masasabi ng lalaki roon.
He opened his eyes and gave her a challenging stare. "So, gusto mo na mga labi mo ang hinihithit ko," he said huskily.
Bree smiled knowingly, naughtily. "Bakit, labi ko lang ba ang gusto mong matikman?"
Virgo chuckled. "Oh, you're so demanding. Gusto mo na ngang itigil ko ang bisyo ko, gusto mo pa ng extra serbisyo ko, Miss Bree."
She gave him a sexy under look. So, he remembered her name from the party then.
"What can I say..." she replied seductively, "you have everything I want, Virgo."
Naramdaman niya ang paghapit nito sa kanyang bewang, kaya yumuko siyang muli at sa wakas, nakipaghalikan na sa kanya ang lalaki.
This is how Bree met Virgo. Not very fairytale-like. Hindi tulad ng mga pelikula o nobela na may spark. Hindi ito 'yung tipo na unang tingin niya sa binata ay para itong kumikislap dahil sa sikat ng araw, o nangingintab ang nakalantad na abs, o tila nagi-slow motion ang galaw, o hinahangin ang buhok, o may tumutugtog na romantic background music at nabu-blurred ang mga tao sa paligid...
It felt more like a slideshow— their meeting was simple, fast and quite unappealing.
A slideshow report perhaps— because for sure, this could be a reported scandal or just a controversy on TV...
Whichever comes first.
----------------------------
To Be Continued on June 2019
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro