BUENOS MAFIOS OPERATIONS
BUENOS MAFIOS-- Itinatag ang samahan na ang layunin ay magbigay proteksyon sa mga miyembro at kliyente nito.
Sinimulan ang organisasyon sa taong 1929, sa kalagitnaan ng laganap na gulo at diskriminasyon sa mga migranteng Pilipino na napadpad noon sa Estados Unidos.
Ang utak sa likod ng samahan ay ang founder nito na si Zamora Buenavista.
Maingat at mabusising pinagplanuhan ni Zamora kasama ang tatlo pang Pilipino kung paano ang magiging kalakaran sa kanilang samahan. Napagkasunduan ng mga ito na ihalintulad sa isang mafia ang organisasyon.
Masama man kanilang ang pamamaraan mabuting hangarin lamang ang katanggap-tanggap na mag-udyok niyon. Para itimo ang kaisipang ito sa mga kliyente at kasamahan, binansagan ang organisasyon na Buenos Mafios (Good Mafia).
Lumawig ang samahan hanggang sa ilipat ito sa Pilipinas sa taong 1958.
Lumawig ang samahan. Mula taon hanggang dekada. Hanggang sentenaryo. Kaya naman mahaba na ang listahan ng mga taong natulungan ng organisasyon. Ang bawat file ng mga ito ay binansagang operations.
Maingat na nakakubli ang mga files ng bawat operations sa isang malaking walk-in safe na may dalawang palapag sa loob niyon. Ang dalawang palapag ay napapaderan ng mga shelf na puno ng nagsisiksikang folders at envelopes na naglalaman ng hard copies ng mga tala ukol sa mga operasyong hinawakan ng Buenos Mafios.
At ang mga iyon ay ilang taon na prinoseso para magawan ng soft copy na siyang nilaman sa tatlong hard disks. Mga hard disks na nakakubli sa lugar na tanging mga Buenavista lamang ang nakakaalam.
Ang isa sa mga operasyong hinawakan ng Buenos Mafios ay may kinalaman sa dalawang pinakakilalang personalidad sa bansa.
Ang kwentong ito ay tungkol sa Buenos Mafios Operations File #: 5327
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro