Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1. pilot

Isinara ko ang aking laptop sabay pinikit ang aking mga mata. Alas dos na pala ng madaling araw. Hindi ko namalayan ang oras dahil sobra akong nalula sa pinanood kong Kdrama na series.

Pano ba naman kasi, instead na matutulog na sana ako pagkatapos ng isang episode, tila may sariling utak ang mga kamay ko at kusa nilang inenext episode.

Siguro makaka-relate ang karamihan sa bisyong to. Pero kahit naabutan na ako ng madaling umaga, kahit marami nang beses na naabutan na ako ng sikat ng araw dahil sa kakanood ko ng mga Korean drama, wala parin akong natapos ni isang series.

Kasi ako yung tipong magsisimula manood ng series kung nagustuhan ko yung plot kahit may isa pa akong pending na pinapanood.

Kumbaga, di ako makokontento kung isa lang pinapanood ko. Polygamous medyo.

Kahit sa pagbabasa ng mga books. Hindi ko kayang magbasa ng isa kung wala akong katabi na ibang books. Para bang gusto kong may ibang pagbalingan ng atensyon if ever maumay ako sa binabasa o pinapanood ko.

Its funny how ganyan ang ugali ko sa mga books at series pero hinding-hindi ko kayang ipagsabay ang dalawang tao sa puso ko.

Dapat isa lang diba? Pero, ako yung babaeng madaling ma-fall, dahil madali akong makaka-appreciate ng detalye sa mga tao.

Yung mga details na hindi napapansin ng iba. I dig deep into the person's soul. Kaya nga, everyone I meet, every guy I meet (syempre yung ka-edad-edad ko lang) ay possible na prospect ko para sa feelings kong madaling kumawala at matapon sa iba.

Siguro ganito ako kasi alam ko ang feeling na hindi ma appreciate ng wasto. Yun bang, nakikita ka lang ng mga tao ayon sa gusto nilang makita, hindi dahil sa totoo mong pagkatao.

Nagunat-unat ako at kinuha ang aking cellphone na nilagay ko sa gilid ng aking unan. Nagscroll-scroll ako ng kaunti. The asual Twitter-Insta-Facebook trio check-up.

Matutulog na sana ako nang bigla kong napag-isipan na icheck yung Messenger ko.

Butch Perez
Uy Layla, wag mong kalimutan na dalhin yung anaphysio mong book bukas ha? Thanks!

● Kath Ruiz
Finals na bukas! Pero heto ako at nanonood ng the Crown. Tama ba tong ginagawa ko, Lay?!

Napatawa ako sa mga nabasa ko. Akala ko ako lang ang nagchi-chill dito kahit simula na nang finals week namin bukas.

● Layla Dionzon
Sure Butch. 🙂

● Layla Dionzon
You have no idea! Ako nga dito nagbi-binge watch ng kdrama! Wala na bang mas lalala sa atin? We need help!

Hays. Napatawa ako ulit. Ugali namin ni Kath na magkasabay magrebelde sa tuwing maraming gawain o sa tuwing nagiging demanding ang acads.

Hindi namin pinaplanuhan pero kusa lang na mangyayari na magkakasabay kami sa pag-chill. Inappropriately pa.

Napangisi ako ulit sabay in-off ko ang mobile data ng aking phone. Si-net ko ang aking alarm for 9 am and 9:30 kasi 10 am yung exam ko bukas.

Isinantabi ko ang aking phone at pinikit ko ang aking mga mata. Ilang minuto akong walang narinig kundi ang tahimik na awit ng mga insekto at ang pagdikit ng mga branches ng kahoy sa aking bintana.

Dumaan ang ilang minuto at hinay-hinay akong dinadalaw ng antok.

Nang may biglang dumaglis na sangkatutak na mga ala-ala sa aking utak.

Yung mga katangahan ko this semester, bumalik lahat. Yung mga bagay na hindi ko sana ginawa kasi hindi sana ako masasaktan ng husto.

Nung nagconfess ako sa aking blockmate na si Walter last August. Nung reckless kong pag-send ng letter sa crush kong si Zian last 2017.

Nung nagdedicate ako ng poem para kay Enzo at ipinublish ko sa university paper namin.

Siguro masasabi ng iba na napaka-feeling kong tao at napaka-atat ko.

Siguro masasabi ng iba na ang desperada ko o di kaya masasabi nila na ang lungkot-lungkot ng buhay ko kasi pawang ako ang nauunang gumawa ng move sa mga lalake imbes na baliktad.

Pero in anyway, isa lang akong deep girl who lives in the moment. Na kaya kong magmukhang timang dahil I tend to break the norms when it comes to love. Na ako ang unang nagcoconfess sa lalaki.

Wala kasi akong pakialam, for I live in the moment at gusto ko lang sabihin kaagad if may gusto akong tao kasi they deserve to know that they are appreciated. Na kahit gaano kaliit o insecure sila, may munting tao na nagngangalang Layla na nagkagusto sa kanila because they deserve to be liked.

Hindi to biro. Sa dami-dami ng lalake na nabangit ko, ni isa walang nag-reciprocate ng feelings ko. Masakit. Oo. Pero, I haven't lost anything.

I just loved. Walang masama dun.

I tend to overthink naman as to why. Panay na sabi ko sa sarili ko na baka ang panget ko. O maybe I was too forward, too honest eith my feelings.

O baka hindi lang siguro sakto yung timing ko. I was rushing things siguro. I have beaten myself up into millions of shards everytime I get rejected.

Pero hindi nawala ang kakayahan kong magmahal. Kumbaga, palagi akong nasasaktan pero patuloy parin kong nagmamahal.

My thoughts are really weird after 2 am.

Napatawa nalang ako silently at sabay dun ang pagpikit ng aking mga mata.

Matutulog na ako. Aasa pa ako mamaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro