Chapter 8: Artrarus Village
"Things change. And friends leave. Life doesn't stop for anybody."
-Stephen Chbosky, The Perks of Being a Wallflower
•••
Aloura's POV
"Saan ba tayo paparoon at bakit maaga tayo pinapasok sa Power Academia, Horie?" Tanong ko sa aking gabay na mediocris
Yumukod naman siya sa akin sabay tingin sa bintana ng aming karwahe.
"Pagpaumahin niyo po prinsesa ngunit hindi ko rin po alam kung bakit" sagot niya sa akin.
"Patungkol kaya ito sa prinsesa ng apoy"
"Hindi ko rin po alam prinsesa"
"Alam mo Horie, maganda ang prinsesa ng apoy. Katangi-tangi siyang prinsesa na napakaganda. Nakakabighani. Swerte ang kanyang mapapangasawang prinsipe" ani ko
Tumingin naman siya sa akin ng nagtataka.
"Mas maganda pa kay prinsesa Arrie?"
Tumango ako.
"Mabait pa siya at kahapon lamang ng nagpakilala siya patungkol sa mga mortal ay talagang napatawa niya ko. Kung hindi nga lamang umeksena si Arrie. Hindi ko alam sa babaeng yun ngunit kulang na kulang talaga siya sa pansin. Lagi siyang nangunguna sa lahat at ayaw na ayaw malamangan" pagiling iling ko.
"Dahil sa inyong sinabi, nais ko na ring makita ang prinsesang inyong sinasaad prinsesa Aloura"
Ngumiti ako.
"Subukan natin siyang kausapin maya maya, mukhang hindi naman siya masungit dahil naging kaibigan na niya agad ang prinsesa ng tubig, prinsipe ng hangin at prinsipe ng lupa" ani ko "Nais ko ring maging parte niya. Ang maging kaibigan niya"
Ngumiti naman sa akin si Horie.
"Wag kayong mag-alala, prinsesa Aloura. Sasamahan kita"
Mas lumaki lamang ang ngiti ko dahil dun. Mahiyain kasi akong prinsesa kaya wala akong kaibigan bukod kay Horie. Sana lamang ay tanggapin niya ko.
Arrie's POV
"Prinsesa, kailangan niyo na pong bumangon ng mabihisan at mapaliguan na po namin kayo. Naiintay na po silang lahat" ani ni Kamia, ang aking tagapagsilbi
Inis na inis akong bumangon at pinandilatan siya na ikinayukod niya sa takot.
"Hindi ba't nabanggit kong ayaw ko? Hindi ka ba marunong umintindi, Kamia?"
"Paumanhin prinsesa ngunit kailangan na po ninyo talaga bumangon kung hindi paparoon po dito ang Master Levis at si Ministro Rouel" halos manginig niyang sabi "At tsaka pinasasabi po nang hari ang inyong ama na sumunod na lamang Kayo sa inyong kaparusahan"
"Nakakainis!" Hiyaw ko at padabog na bumangon.
Nagulat naman si Kamia pati na ang mga ibang tagapagsilbi.
"Ano pang tinutunganga niyo riyan?!" Hiyaw ko sa kanila "Paliguan at bihisan niyo na ako!"
"Opo masusunod" ani ni Kamia at inutusan ang mabababang uri ng nga tagapagsilbi na pagsilbihan ako
Mga hangal na nilalang!
•••
"Mga mahal na prinsesa at prinsipe, malapit lapit na po tayo sa baryo ng Artrarus" ani ni Master Levis. "Nais ko ipaalam sa inyo na narito tayo para sa isang bakasyon"
Nakita ko namang tuwang tuwa ang aking kapwa prinsipe at prinsesa. Hmph! Kayo lamang kasi yan.
"Narinig mo yun, Arrie?" ani ni Michiko "Hindi ba't kaya tayo paparoon sa baryo ng Artrarus ay sakadahilanang paparusahan kayong dalawa ni Prinsesa Briana, gaya ng iyong sinaad kahapon"
Inis kong binalingan ng tingin si Michiko.
"Maaaring isinama kayo ni Master Levis upang makita nila ang aking kamiserablehan" ani ko
"Mukhang nais nila ika'y mapahiya."
"Siyang tunay, kasalanan ito ng prinsesa ng apoy"
"P-Pero ano nga bang gagawin niyo sa baryong yon? At kataka-takang magbabakasyon tayo don samantalang mabababang uri lamang ng mga nilalang ang nakatira don at hindi ganon kagandahan ang lugar na yon" ani ni Michiko
Napaisip ako.
"Hindi ko rin alam, ngunit kung ano mang parusa ang pakikibagay na nais mangyari ni Master Levis, sisiguraduhin kong mas mahihirapan sang prinsesa ng apoy" giit ko. "Nais kong gantihan siya"
Nakita ko namang napangisi si Michiko.
"Kaya gusto kita, Arrie. Hinding-hindi ka nagpapatalo. Kaibigan nga talaga kita"
Ngumisi ako pabalik sa kanya at ipinagkibit balikat na lamang ang kanyang sinabi.
"Ako, at ako lamang dapat ang nagwawagi, Michiko"
Timothy's POV
"Bakit nga ba ganyang pa rin ang iyong suot binibining Briana?" Tanong ko "Hindi ka ba magsusuot nang damit pormal?"
Napakamot naman siya ng kanyang batok sabay tawa ng alanganin.
"Eh hindi kasi ako kumportable sa ganyang suot niyo, pasensya na kaya nga maaga akong nagising para suotin tong uniform ko eh dahil sigurado namang papasuotin ako nung mga tagapagsilbi dito ng damit na ganyan" aniya.
Natawa naman kami nila Agua, Adrian at Alivia.
"Prinsesa talaga" ani ni Alivia
"Buti at napayagan ka ng Ministro na magsuot niyan" saad ni Agua
Nakangiti namang tumango tango ang prinsesa ng apoy.
"Oo naman, kinausap naman siya ni Master Levis at Ina pero huling beses na dapat akong magsuot ng ganito dahil hindi daw kaaya-aya"
"Kaaya-aya ka namang tignan kahit ano ang iyong isuot, Briana" ani ko
Hindi nakatakas sa akin ang pagmula ng kanyang pisngi.
Nakakamangha, mas gumaganda pa siya ng dahil don.
"Ne be yen" natatawa niyang sabi
Napakunot naman kami ng noo sa sinaad niya. Anong salita iyon?
"Ano ang iyong sinaad, binibini?" Tanong ni Adrian "Maaari mo bang pakiulit?"
"Wala, wala, wag niyo ng pansinin." Namumulang sabi ni Briana "Hindi yun importante.
Tumango naman kami.
"Maaari ka pa bang mag-talakay ukol sa mundo ng mga mortal?" Singit ni Agua.
Ngumiti naman si Briana.
"Anong itatalakay ko patungkol dun?" Tanong niya
"Kahit ano" sagot ko.
"Okay magumpisa tayo sa lugar namin—"
Nagtalakay ng nagtalakay lamang siya sa mundong kanyang ikalakihan sadyang nakapaganda talaga at kahanga hanga ng mundo iyo dahil lahat don ay mayroong tinatawag na kalayaan, malaya ka sa lahat.
Walang mataas at walang mabababa. Lahat pantay pantay. Sa sobrang kasiyahan niya sa pagtatalakay ay hindi niya namalayang ang ibang prinsipe at prinsesa ay nakikinig na sa kanya.
Pabilog at malaki ang karwaheng sinasakyan namin kaya lahat kita at maririnig lalo pa't may kalakasan ang boses ni prinsesa Briana, at sa nakikita ko bakas sa itsura ng kapwa naming maharlika ang pagkamangha sa pagtalakay ni Briana sa mundo nang mga mortal.
"Grabe nga eh, naaalala ko tuloy nung unang beses ko maglaro ng hulihan palaka, nasubsob pa ko sa putikan mahuli lamang yon, napagalitan pa nga ako nila inay at itay kasi kababae ko daw na tao tas napakapasaway ko pa" aniya at natawa kami
Natawa din siya ng alanganin, ngunit natigil siya at nanlaki ang mga mata ng makita hindi lamang kami ang tumatawa kundi pati na ang ibang kapwa naming prinsipe at prinsesa.
"Hehe, nakikinig pala kayo. Nakakahiya naman" sabi niya kaya muli kaming tumawa lahat.
"Narito na rin naman tayo habang hindi pa lumalapag ang karwahe sa lupain ng Artrarus magpakilala na muna kayo sa prinsesa Beauty mga kamahalan" nakangiting sabi ni Master Levis.
Walang nangahas na tumayo, marahil nahihiya kaya ako na ang nauna.
"Ako ang magiting na anak ni Python ang diyosa ng lupa. Prinsipe Timothy Adam Luis Python. Kinagagalak kong makilala ang magandang prinsesang anak ng diyos ng apoy" ani ko sabay kindat na ikinatili ng ibang prinsesa, natawa naman ang iba pati na si Briana.
Sumunod namang tumayo si Adrian.
"Ako naman ang napakakisig, maginoo at kinakabaliwang prinsipe ng hangin. Anak ng diyos nang hangin na si Dragon, Prinsipe Adrian, binibini" ani ni Adrian na ikinatawa ng lahat.
"Ako naman ang anak ng diyosa ng tubig na si Scorpion. Elle Arralaine Edotheia Agua Scorpion" ani ni Agua sabay yukod sa lahat.
Tumingin naman kami sa tabi nito. Si prinsesa Aloura. Mailap ito sa lahat at sadyang mahiyain kaya nagulat ako ng tumayo iyo at yumukod sa lahat.
"Prinsesa Beauty ang ngalan ko pala ay Maxine Thee Aloura Artemis Freia Luna. Mula sa kaharian ng buwan. Ang kaharian namin ay nakakunekta sa kapangyarihan ng buwan. Isa kami sa nangangalaga nito" nakangiti nitong sabi, pero halatang nahihiya ito.
"Kamusta Maxine! Kinagagalak kong makilala ka, sana maging kaibigan tayo" masayang sabi ni Prinsesa Briana na ikinagulat namin at ni prinsesa Aloura.
"Tinawag mo kong M-Maxine?" Naiiyak na sabi ni Prinsesa Aloura "A-At nais mo kong maging kaibigan?"
Nakangiting tumango naman si Prinsesa Briana at nagulat kami ng bilang tumakbo si Prinsesa Aloura kay prinsesa Briana para yakapin ito.
"Salamat, salamat dahil nais mo kong maging kaibigan" naiiyak nito sabi. "Pinasaya mo ang aking araw"
"Walang anuman, tumayo ka na diyan. Ang ganda ganda mong prinsesa tas niyayakap mo kong nakaupo."
Umiling ang prinsesa Aloura.
"Tatabi na lamang ako ng upuan sayo" sabi nito at bahagyang umusod si Adrian para makatabi niya sa upuan si Prinsesa Briana.
Agad kaming tumitig kay Arrie dahil ito ang katabi ni Aloura. Umikot na lamang ang mata nito sabay krus ng mga braso nito bago tumayo at yumukod sa lahat.
Wala namang siyang magagawa dahil kung aangal siya ay madadagdagan lamang ang kanyang parusa.
"Kilala na ako ng lahat, natatangi ako at maganda. Ang ngalan ko ay Arrie Cassandra Curaline Mavette Sanitatem." Sabi nito sabay upo "Aking kaharian ay pinamumunuan ang kapangyarihan ng paggaling"
Sumunod naman si Michiko. Ang nag-iisang kakampi at kaibigan ni Prinsesa Arrie. Yumukod ito bago umismid sa prinsesa ng apoy.
"Ang ngalan ko'y Summer Michiko Ingenium. Pakiusap, tawagin mo na lamang akong Michiko. Mula sa kaharian ng pinamumunuan ang mahal na kalikasan"
Tumango naman ang prinsesa Briana bago ito umupo, mukhang hindi talaga makikipagkaibigan sila Michiko at Arrie.
Sumunod na tumayo at yumukod si prinsipe Gian.
"Napakaganda mo prinsesa."
"Salamat" saad ni prinsesa Briana na namumula na naman ang pisngi
"Ang ngalan ko'y Gian Silvestre Apollo Solis, mula sa kaharian ng araw. Ang aming kaharian ang nangangalaga sa kapangyarihan ng araw" pakilala nito.
"Kinagagalak kong makilala kita" saad ni prinsesa Briana
Umupo naman si Gian at sumunod si prinsesa Stella tumayo at yumukod.
"Stella Cloe Yvette Figura, isang katiwatiwalang nilalang. Kinagagalak kong makilala ka mahal na prinsesa ng apoy. Pakiusap, Stella na lamang ang itawag mo sa akin. Nagmula ang kaharian ko ang kapangyarihan ng pagpapalit anyo"
Tumango naman si Briana.
"O sige, Stella. Kinagagalak ko ring makilala ka" masayang saad ni prinsesa Briana
Ngumiti ng malaki si prinsesa Stella.
"Napakaganda mong nilalang, prinsesa Beauty. Sana ay maging parte ako ng iyong kaibigan" ani nito kay Briana.
"Huwag ka ng humiling dahil gusto ko talagang maging kaibigan kayong lahat" sabi ni Briana na mukhang ikinatuwa nang lahat. Maliban kila prinsesa Arrie at prinsesa Michiko pati na kay prinsipe Dark na walang pakealam sa paligid.
"Nakakatuwa ka prinsesa, malinis ang iyong puso nararamdaman ko, hindi ka lamang maganda. Pati ang iyong loob sobra sobra sa kagandahan" puri ni Stella.
Ngumiti lang kami sa kanya.
"Salamat, ikaw di— ay hindi! Lahat pala kayo" sabi naman ni Briana.
Ngumiti naman ng malaki si Stella bago yumukod at umupo muli.
Tumango naman si prinsesa Briana. Nang matapos ay tumingin ang lahat kay Prinsipe Dark. Nakapikit ito na parang hindi inaalala ang lahat.
Panigurado ako, hindi magsasalita ang lalaking ito.
"Ang ngalan ng aking master ay Matthew Craigh Dark Imperium. Paumanhin ayaw niya muna maistorbo dahil dinaramdam niya pa ang katahimikan sa kanyang kaisipan." Ani ng kanyang gabay na mediocris na si Hellion. "Pakiusap, tawagin niyo na lamang po siyang prinsipe Dark. Nagmula ang aking prinsipe sa kaharian na nangangalaga sa pagkontrol sa isip o telekinesis kung tawagin"
Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pagngisi ni Prinsesa Arrie.
Briana's POV
Mahaba mahabang katahimikan din ang namutawi dahil sa pagsagot ng mediocris ni prinsipe Matthew. Ayaw ko siyang tawaging Dark, ang creepy na nga yan, creepy pa lalo kapag tinawag ko siyang Dark.
"Okay, ang awkward na nito" sabi ko at napatingin silang lahat sa akin. Nagtataka, binalewala ko na lang yun at tinanong si Lolo "Lolo Levis, malapit na ba talaga tayo? Nangangawit na kasi tong binti ko kakaupo"
Ngumiti naman sa akin si Lolo.
"Ang totoo niyan prinsesa narito na talaga tayo, naghahanap lamang tayo ng paglalapagan sapagka't malaki laki ang ating sinakyang karwahe. Hindi tayo maaaring bumaba sa baryo dahil maaari nating masira ang ilang kabahayan sa lugar na ito"
Tumango tango naman ako.
"Okay sige po Lolo, mga prinsipe at prinsesa gusto niyo bang maglaro ng jackstones?"
Napakunot noo naman sila sa tanong ko. Ngiting ngiti ko namang inilabas ang backpack ko sabay labas nung supot na naglalaman na jackstones.
"A-Ano iyan" tanong naman sa akin ni Maxine.
Ngumiti lamang ako sa kanya.
"Jackstones, magandang laro ito. Kita niyo itong bilog? Yang bolang maliit na bilog na iyan ang tawag diyan ay Jack" sabi ko.
Napatitig naman sila dun. Namamangha.
"Bakit may pusa loob ng bolang iyan? Nasumpa ba siya?" Tanong naman ni Stella "Tulungan natin mabali ang sumpa"
Natatawang umiling iling ako sa kaniya.
"Hindi, ano ka ba? Ano lang yan disenyo. Si Hello Kitty lang yan"
"Hello Kitty?"
Tumango naman ako.
"Hello Kitty ang pangalan niya. Isang cartoon character na pinapanood, kinagigiliwan at ginagawang din disensyo" paliwanag ko.
Manghang mangha naman silang tumango tango.
"At nakikita niyo tong siyam na bituin? Ang tawag diyan ay Stone" sabi ko "Simple lamang ito laruin."
Ipapaliwanag ko na sana ng sumingit si Lolo Levis.
"Paumanhin prinsesa kung aabalahin ko ang inyong paglalaro ngunit lalapag na ang ating karwahe sa baryo"
Napasimangot naman ako sa sinabi ni Lolo.
"Lolo naman eh ang KJ niyo talaga, napaka-wrong timing niyo" atungal ko na ikinatawa ng lahat. Napanguso pa ako.
Feel ko kaya sila natawa dahil sa itsura ko, halata naman kasing hindi nila naiintindihan ang sinabi ko.
"Narito na tayo mga kamahalan." Ani nj Lolo Levis pagkalapag ng aming sinasakyang karwahe. "May mga tagapagsilbi sa inyo dito at ilang mga kawal para sa inyong proteksyon. Prinsesa Arrie at Prinsesa Beauty, sumunod po kayo sa akin"
Tumango naman ako sabay tayo samantalang inis na inis namang sumunod si Arrie.
"San po tayo pupunta, Lolo?"
"Makikita niyo rin po, Prinsesa. Sandali lamang po" sagot sa akin ni Lolo.
"Bakit wala pala tayong tagapagsilbi at mga kawal, master levis?" Gigil na gigil na tanong ni Arrie, mas nanggigil pa siya ng may matapakan na naman siyang putik "Hindi ito makatarungan! Ang aking kasuotan, nasisira na!"
"Paumanhin prinsesa Arrie ngunit wala lamang kayong kahit anong tagapagsilbi at kawal sapagka't narito po kayo para magtrabaho" sagot ni Lolo kay Arrie.
Nakita ko naman nanlalaki ang mata ni Arrie dahil sa narinig.
"Ano?!" Sigaw nito "Hindi ito maaari! Isang akong prinsesa! Hindi ako dapat magtrabaho, dahil iba ang gagawa nun para sa akin!"
Napailing naman ako, tsk! Spoiled brat nga naman.
"Prinsesa, ito ang parte ng inyong parusa. Paumanhin ngunit kailangan mo ng disiplina, hindi kita pinalaki ng ganyan ang pag uugali kaya nais kong matuto ka" mariing saad ni Lolo Levis na ikinatahimik ni Arrie.
Mga ilang minuto pa ang nilakad namin at nasa destinasyon na kami at nagpapasalamat ako dahil hindi na nagrereklamo tong brat na prinsesang ito, pero halata mo sa itsura niya na inis na inis siya sa mga nangyayari.
"Anong lugar ito?" Tanong ni prinsesa Arrie.
"Bukid ang lugar na ito, prinsesa Arrie. Dito nagsasaka ang mga tao para sa kanilang pagkain. Tutulungan niyo ang bawat pamilya. Yan ang inyong parusa" saad ni Lolo.
Napangiti naman ako ng nakapalaki.
"Wow! Gusto ko ng nagtrabaho" pangiti ko "Pinakamasayang parusa sa lahat!"
Nakita ko naman ang ngiti sa labi ni Lolo Levis. Mula sa kinatatayuan ko nakita ko ang ibang kapwa ko prinsipe at prinsesa na nagiikot ikot habang pinapayungan sila. Niyuyukuan naman sila nung nga magsasaka tsaka babalik sa pagsasaka nila. Ang ibang prinsipe at prinsesa naman may upuan at mukhang dinadamdam ang nature.
Ang weird lang na mukhang nageenjoy sila sa ginagawa nilang wala naman talaga.
"Sa tingin ko'y hindi mo na kailangan magpalit ng kasuotan prinsesa Beauty" ani ni Lolo Levis
Tumango naman ako.
"Mukhang ikaw na lamang ang may kailangan magpalit prinsesa Arrie" utos naman ni Lolo kay Arrie
Inis namang nakipagdiskusyon si Arrie kay Lolo pero hindi naman siya manalo-nalo kaya nagpalit na rin siya, isang araw pa lang ako nawala'y sa earth na-miss ko na agad magsaka.
Hindi na ko nagpaalam kay lolo at agad akong sumugod dun sa isang matandang lalaking hirap na hirap sa pagsasaka, may dala din kasi itong sanggol kaya naawa ako. Agad kong inagaw ang pala nito na siyang ikinagulat nito.
"Ako na po dito, Lolo" nakangiti kong paalam sa kanya
Naestatwa naman siya pati na ang ibang magsasaka, nagkibit balikat na lamang ako at nagsaka na, wala akong pakealam kung maputikan ako basta may matulungan lamang sa gawain. Nagpala muna ako ng matataniman.
"Prinsesa B-Beauty?" Natigil ako sa tumawag sa akin, si Lolong magsasaka pala
Tumango naman ako
"Buti kilala niyo po ako"
Naiiyak namang yumuko ang matanda pati na ang ilang magsasaka, nagulat ako.
"Prinsesa Beauty!" Sabay sabay nilang sabi habang nakayuko sa lupa, nataranta naman ako.
"Mga kababayan!" Tama ba yun? "Ano po, wag kayong yumuko narito po ako para tumulong, tara na po at magtrabaho" pagkasabi ko nun ay agad naman silang nagsaka, sasali na sana ulit ako ng kunin sa akin ni lolong magsasaka ang pala niya
"Lolo tulungan ko po kayo" sabi ko
Naiiyak namang tumingin sa akin si Lolong magsasaka.
"Hindi na po prinsesa, ako na po kaya ko naman po at hindi po bagay ang isang magandang prinsesang tulad niyo sa putikan"
Umiling naman ako sabay agaw ng pala.
"Hayy naku po Lolo di na po kailangan at tsaka tungkulin ko pong gawin ito, magpahinga na po muna kayo at hayaan niyo po akong magtrabaho"
Aangal pa sana si Lolo pero di na nito nagawa, magpupumilit pa sana siyang magsaka pero naunahan ko na siya, kitang kita ko sa mukha nito ang hirap kaya dapat magpahinga na muna siya sa pagtatrabaho.
Masayang masaya ako sa ginagawa ko, alam kong marami na kong putik pero ang paggaw pa lamang ng ganitong bagay ay kuntento na ko, sanay na kasi ang katawan kong magbanat ng buto.
"Prinsesa, tama na po yan. Ilang oras na po kayong nagsasaka" pagpapatigil sa akin ni Lolo Hemen, siya yung matandang lalaking may dalang sanggol sa likod. "Lolo ako na po bahala sa mga pananim niyo, magpahinga na muna po kayo o kaya alagaan niyo na lang po muna yang apo niyo."
Tukoy ko kay baby David na isang buwang gulang pa lang. Napag-alaman kong isang kawal ang tatay nito pero namatay na sa isang labanan samantalang ang ina naman nito ay namatay sa panganganak sa bata kaya ang lolo nito ang nag-aalaga, halos maiyak nga ako kanina sa kwinento niya. Kawawa si baby david, ulila na siya.
"Prinsesa, pagod na po kayo" akmang aagawin sa akin ni lolo ang pala ng inilayo ko to.
"Lolo Hemen naman kaya ko po ito, ako pa!"
Natawa naman si Lolo pati na ang ibang mga magsasaka.
Umiling iling pa si Lolo Hemen bago umupo at bigyan ng gatas ang nagugutom na si baby David.
"Mga kasama! Kaya natin to!" Sigaw ko sabay buhat ng sako ng palay.
"Opo!" Sigaw naman ng lahat.
Binuhat ko ang palay malapit sa mga terraces sa balkonahe, nadatnan ko pa si Arrie na malos magtititili sa tumatalsik na putik sa kanya, agaran namang lumapit ang ilang tagapagsilbi ngunit pinigilan ito ni Lolo Levis.
Nadatnan pa nga ako nila Prinsipe Adrian na nagbubuhat ng sako ng palay, akmang lalapitan ako nito ng pigilan ko.
"Hep! Hep! Diyan ka lang!"
Ngumuso naman siya sa akin kaya natawa ako bago ko ilapag ang sako sa balkonahe ng palayan. Bumalik ako sa sakahan at pinagpatuloy ang pagpapalay ng makarinig kami ng isang malakas na tili. Sabay sabay naman kaming lahat na napatingin sa pinanggalingan nun at halos mamutla ako sa nadatnan.
"Prinsesa Arrieeeeeee"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro