Chapter 7:The Punishment
"People fall forward to success."
-Mary Kay Ash
•••
Briana's POV
"Kayo po ba ang mahal na prinsesa Beauty?"
Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran namin
Humarap ako. Kasi ako naman talaga yung beauty na tinatawag nila. Hay naku ayaw ko nga tinatawag akong Beauty eh.
Nagulat naman ako ng mapasinghap silang anim. Mukhang mga tagapagsilbi sila.
"A-Ang ganda" ani ng babaeng nasa unahan bago yumukod sa amin, yumukod din ang limang nasa likuran niya.
Agad silang tumayo pagkayukod nila sa amin.
"Mukhang ikaw nga po kamahalan ang prinsesa Beauty" sabi ng nasa unahan.
Lumapit sa akin si Agua at bumulong.
"Mukhang alam ko kung anong pakay nila, Briana" nag-aalalang sabi ni Agua. "Mabuti pa'y sumama ka na lamang sa amin at hayaan silang humayo"
"Prinsesa, nais ng Master Levis na sumama ka sa amin. Ipinapatupad ngayon araw ang iyong ginawad na parusa. Isang linggong parusa dahil nakasaad sa kasulatan na ang inyong ginawa ay hindi maaaring ginagawa ng maharlika na prinsesa." Hayag nito
Nanlaki ang mga mata ko. Humarang na sila prinsipe Adrian at prinsipe Timothy, anong parusa naman kaya iyon? Unang araw ko pa lang ngayon ang dami ng nangyari. Gulo talaga ang abot ko.
"Hindi siya sasama sa inyo kaya hangga't maaari ay humayo na lamang kayo" mariing utos ni Adrian.
"Hindi kami aalis hangga't hindi namin naisasama ang prinsesa Beauty para sa katanggapan niya ng parusa. Isiniwalat na sa amin ng Master na kung hindi siya sasama o kung mayroon man tumangkang pumigil sa amin ay madadagdagan ang parusang ihahayag na pataw sa prinsesa" mariing sabi ng tagapagsilbing nasa unahan. "Paumanhin po mga kamahalan, sumusunod lamang po kami sa utos"
"Hindi niyo maaaring gawin sa aking prinsesa yan" naiiyak naman sigaw ni Alivia bago lumipad at nagtago sa aking buhok. "Umalis na tayo prinsesa, hindi mo kakayanin ang parusa" bulong pa nito sa akin.
"Umalis na lamang kayo!" mariing sigaw ni Timothy "Hindi maaaring gawin ito sa aming kaibigan!"
"Kailangan prinsipe" sabi ng babae sabay baling ng tingin sa akin, agad lumipat ang tingin nito sa mga nakayukong babae sa kanyang likuran "Kunin niyo ang prinsesa"
Agad nagsisunuran ang mga ito. Hindi na ko pumiglas, akmang kukunin nila ako ng pigilan ko sila.
"Sige na, sasama ako sa kanila." Kinuha ko sa nagtatago kong buhok si Alivia, kita sa maliit nitong mukha ang mga luhang pumapatak. "Kayo na muna ang bahala kay Alivia" bilin ko pa at sumama na sa mga babae.
Tumingin lamang ako sa likuran ko at kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito.
Nag-thumbs up lamang ako at ngumiti para ipakitang okay lang ako. Ako pa ba? Tinugunan din nila ako ng ngiti.
"Ahm, Excuse lang po ah? Tanong ko lang kung san tayo papunta?"
Naglalakad kaming lahat ng maitanong ko yun at again! Kumunot na naman ang kanilang noo. Napasapo ako ng noo ko ng maalalang hindi nga pala silang nakakaintindi ng english.
"Hindi po namin nauunawaan ang iyong unang sinaad, mahal na prinsesa beauty ngunit sasagutin ko po ang inyong ikalawang sinaad. Papunta po tayo sa silid vera, ang silid ng kapayapaan" ani ng matandang babae na parang pinuno nila, siya pa rin ang nagsasalita at hindi yung mga kasama niya
"May isa pa kong tanong, ayos lang ba?"
Tumango naman siya.
"Bakit ikaw lang po ang nagsasalita at hindi sila?" Turo ko sa limang kasamahan niya "Wala po ba silang boses?"
"Prinsesa nakalahad sa ating kasulatan na hindi maaaring makipag usap ang mga mababang uri sa matataas at maharlikang uri na tulad niyo, maliban na lamang sa akin na may mataas na ranggo bilang tagapagsilbi ng Power Academia" paliwanag nito
Napataas naman ang kilay ko. So meaning kung sa mundo ng mortal siya pala ang mayordoma?
"Eh, bakit naman bawal? Pare-pareho lamang naman tayo lahat na nagsasalita, humihinga, kumakain, umiinom at nabubuhay ah? Ang unfair naman" ngumuso pa ko.
Bumuntong hininga naman siya.
"Hindi ko naunawaan ang iyong huling saad, prinsesa pero sa unang mong mga sinaad pare-pareho nga natin ginagawa iyon ngunit ang nakalahad ay nakalahad na hindi kailanman mabali sapagka't kapag binali ito ay may karampatan lamang na parusang ipapataw" ani niya, sabay harap sa akin kaya nagulat ako "Narito na po tayo, mahal na prinsesa. Ang silid Vera, ang silid ng kapayapaan" sabay yukod niya kaya nakiyukod na din yung limang nakabuntot dito. "Pumasok na po kayo, mahal na prinsesa nasa loob na po niyan ang Master Levis at prinsesa Arrie. Hindi po kami makakasama sa inyo sapagka't maharlikang mga tulad niyo lamang po ang maaaring pumasok sa silid na iyan" tumango na lamang ako at pumasok sa sinasabi nilang silid vera.
I wonder kung bakit silid Vera ang pangalan nitong silid pero infairness ah ang ganda ng loob. Walang laman. As in wala talaga kundi pader na may magandang desensyo, malawak rin ito.
Naglakad lakad ako at nakita ko sila Lolo Levis at Prinsesa Arrie na nakaupo sa sahig. Napalingon naman sa akin si Lolo Levis kaya agad akong tumango at umupo sa itinuro nito. Sa tabi ng malditang prinsesa.
"Prinsesa Arrie, Prinsesa Beauty" tumayo si Lolo Levis at yumuko sa amin. Pagkatapos ay agad itong umupo sa sahig.
Nagulat naman na ako ng tumayo si prinsesa Arrie at yumukod kay Lolo Levis.
"Master Levis" ani niya pagkatapos yumukod at agad na umupo sa sahig.
Tumingin naman sa akin si Lolo Levis.
"Lolo Levis" ani ko at ginaya ang pagyukod ni prinsesa Arrie kanina at agad na ding umupo sa sahig.
Tama kaya yung ginawa ko?
"Mga prinsesa, narito kayo at pinatawag sa silid Vera upang mapatawan kayo ng parusa" pagsisimula ni Lolo Levis.
Agad kong itinaas ang kamay ko na ikinakunot ng kanilang noo.
"Eh Lolo, alam ko namang pong mali yung pagsampal ko sa kaniya, pero mali rin naman po siya. Hindi po ba pwedeng humingi na lang po siya ng sorr—ay mali! Humingi pala ng paumanhin para okay na?" Ani ko
Umiling iling lamang si Lolo Levis.
"Haaa!" Maarteng bumuga pa ng hangin ang maarteng prinsesa, sabay labas sa magandang pamaypay nito at iwinasiwas ito habang nagmamagtaray. "Mga asal mortal nga naman. Kaya hindi ka natuturaan dahil wala kang disiplina sa inyong sarili. Inutil! Tales ignominiam!"
Talagang hinahamon ako nito ah.
"Ikaw naman walang breeding!" Mariing saad ko "Your being a brat, you bitch!"
Kumunot naman ang noo niya, bala ka kung maintindihan mo o hindi ang sinabi ko, gamitan ba naman ako ng salita hindi ko rin maintindihan.
"Hindi ko alam kung ano ang iyong mga sinaad ngunit mukhang insulto yan sa akin," mariin niyang sabi "At aya—"
"Tama na iyan!" Mariing awat ni Lolo Levis.
Nakakatakot naman. Nanahimik na lamang ako pati na din itong katabi ko.
"... Bilang isa sa pinakamataas na salamangkero sa konseho dito sa Power Academia, aatasan ko ang isa sa inyong parusa. At ang parusa igagawad ko sa inyo ay pakikibagay sa kapwa" ani nito.
Nakita ko namang umangat ang ang isang kilay ni Arrie.
"Master Levis, anong pakikibagay naman nais mong natutunan namin?" Ani niya
"Pakikibagay sa kapwa, mahal na prinsesa Arrie, nais ko kayong pumunta sa baryo ng Artrarus para tumulong sa mga tao dun"
Nakita ko namang nagdilim ang mukha ni prinsesa Arrie. Halata sa mukha nito ang disgusto sa parusa.
"Haaa!" Mataray na pagpaypay muli ni prinsesa Arrie "Nasisiraan ka na ba talaga, Master Levis. Paumanhin sa aking salita pero inilalabas ko lamang ang akin saloobin, hindi maaaring makatapak ako sa baryo ng Artrarus. Mga mabababang uri ng nga nilalang ang naroroon, hindi sila nababagay makisalamuha sa akin"
"Prinsesa Arrie" nakukunsumisyong sabi ni Master Levis "Ginagawa ko ito para malaman mo ang salitang pakikibagay"
Nanggagalaiti naman sa galit si Arrie.
"Pakikibagay? Hindi ko kailangan yun, Master Levis. Sa amin sila dapat makibagay, dahil kaming—hindi! Tayo! Tayong mga matataas na nilalang ang dapat nilang pakibagayan. Nakasaad rin sa kasulatan na hindi tayo maaaring nakipagusap o makisalo sa mga mabababang uring tulad nila" inis pa niyang sabi.
"Prinsesa Arrie, bilang isa sa pinakamataas na salamangkero sa konseho at sa Power Academia bilang parusa ninyong dalawa ni Prinsesa Briana ay dapat ninyo silang pakisamahan. At dahil parusa walang limitasyon ayon sa kasulatan ang babali sa inyong gagawin" mariing sabi ni Lolo Levis "Bukas na bukas na rin ang inyong lakad, mga prinsesa kung kaya't kayo ay humayo na at ng kayo'y makapaghanda na"
"Non possum non credere id" Inis namang nagmartsa paalis si Prinsesa Arrie, halatang ayaw gawin ang parusa.
Tsk! Maldita talaga! Akmang tatayo na din ako para umalis ng pigilan ni Lolo Levis.
"Paumanhin Prinsesa Briana"
Napabuntong hininga naman ako.
"Lolo, wala po kayong kasalanan." Sabi ko "Pasensya na din po kung nasampal ko si Prinsesa Arrie. Hindi ko po yun sinasadya, nadala lang po ako"
"Sa katunayan, hindi na nga dapat ito pinalalaki pa" ani ni Lolo Levis "Ngunit kung hindi ako gagawa ng hakbang, maaaring maparusahan ka ng mas malala kesa sa ipapagawa ko"
Napanguso naman ako.
"Hindi po ba pwede gawin ko o ng ibang prinsipe o prinsesa ang maging bayolente?"
Tumango siya, napanguso ako ulit. War freak pa naman ako, in short basag ulo.
"Bakit naman po, Lolo?"
"Sapagka't ang mga prinsipe ay dapat maging inyong magino at ang prinsesa ay malumanay. Ang pagiging bayolente na ipinapakita ng isang karahasan na dapat ay binabalewala, paano na lamang kapag ika'y namuno na iyong kaharian? Ipinapakita lamang sa iyong kilos na walang disiplina kang haharap at babalewalain ang kasulatan ng iyong kaharian, kung lahat ay kay taludtod na kasulatan na sinusunod mararapat rin na kayong mga prinsipe at prinsesa ay sumunod rin patungkol sa bagay na ito. Hindi sa kinukuha namin ang inyong kalayaan ngunit ito lamang ang mararapat na mangyari sa gayon ay matutunan niyo lahat lahat na bagay" mahabang sabi ni Lolo
Medyo malalim kaya kahit di ko naintindihan ang iba ay tumango tango na lamang ako. Ang hirap kasing i-absorb!
"Naiintindihan ko po, Lolo" sabi ko sabay nguso "Mauna na po ako sa inyo" sabay tayo ko "Mag-iikot ikot pa po kasi ako sa buong Power Academia, di na po ako magiimpake kasi naka-impake naman po lahat eh"
Tumango tango naman si lolo, paalis na ko na makita kong nakatingin si Lolo Levis sa kawalan habang nakaindian seat pa rin sa sahig, napabuntong hininga ako at lumapit ulit sa kanya.
"Lolo, ano pa po bang gagawin niyo diyan? Halika na po" aya ko.
Tumingala naman sa akin si Lolo at ngumiti.
"Mauna ka na mahal na prinsesa, mananatili muna ako dito sa silid Vera para makahanap ng kapayapaan sa aking isipan"
Tumango naman na ako at napanguso.
"Sige po Lolo, babye na po" ani ko at kumaway patakbo sa silid vera.
Nakasalubong ko pa ang ilang prinsipe at prinsesa, ngumiti sila sa akin ng maganda kaya ginantihan ko rin ang mga ito ng ngiti.
"Prinsesa Briana! Prinsesa! Prinsesa namin!" Sigaw ng mumunting tinig
Napalingon naman ako at dun ko nakita sila Vane at Alivia na lumilipad papunta sa akin.
"Prinsesa ko" iyak sa akin ni Alivia, yumakap pa sa gilid nang pisngi ko ang lumuluhang diwata.
"A-Ayos lang po ba kayo mahal kong prinsesa? Sinaktan po ba kayo ni M-Ministro Rouel?"
Kumunot naman ang noo ko.
"Aanuhin naman ako nun? Si Master Levis lang ang nagbigay ng parusa noh"
Tumigil naman siya kakaiyak.
"Kala ko siya lamang po ang nagpatawag?" Tanong niya, this time sumisinok-sinok na lang siya.
"Kanina ko pa kasi sinasabi sayo, Alivia. Hindi ka kasi nakikinig sa akin" nakasimangot namang singit ng lalaking diwata. Si Vane.
"Wala ka namang sinasabi" inis namang sabi ni Alivia
Mukhang namang nainis si Vane.
"Anong wala?! Gusto ko na ngang ipaalam sayo kaso pinangungunahan mo ang aking salita na 'Baka kung anong parusang maipataw sa kanya ni Ministro Rouel'. Sumasakit ang ulo ko sayong mediocris ka" gigil na gigil na sabi ni Vane.
Papatol na sana si Alivia kay Vane kung di ko lang to pinigilan.
"Hep! Hep! Tama na yan baka san pa mag-abot yan" awat ko "Tama na yan ah?"
"Patawad po sa aming inasal, Prinsesa" hingi nila ng dispensa sa akin
"Hayy naku wala yun oo nga pala. Asan nga pala sila Timothy, Adrian at Agua?"
"Prinsesa uuwi na sila sa mga kanya kanya nilang kaharian" paalam sa akin ni Vane
Napanguso ako.
"Hala?! Ibig sabihin ba uuwi din kami ni ina sa palasyo namin?" Masaya kong tanong. Bakit hindi? Uwian na, paaralan nga pala ito, I forgot. "Ano kayang itsura ng palasyo namin?"
Nagkatinginan naman sila Vane at Alivia at tumingin sa akin at bahagyang yumukod.
"Paumanhin kung tatanggalin ko ang ngiti sa iyong mga labi prinsesa ngunit mamaya ka pa makakauwi, May pagpupulong kasi si Reyna Beauty kaya kailangan pa natin siyang antayin, patawad kung kayo ay maiinip"
Napabuntong hininga naman na ako. Kaya pala. Kala ko naman kung ano ang seryoso kasi nila eh.
"Hayy naku! Tama na ang bad vibes, good vibes na muna tayo guys" masayang sabi ko at nakita ko naman silang kumunot ang noo. Di nga pala nila naiintindihan "Alivia, Vane. Maaari bang iikot niyo ko sa buong Power Academia. Para malaman ko ang buong silid and bawat pasilyo sa lugar na ito" sabi ko.
Ano ba naman ito?! Di ko keri ang malalalim na salita. Hindi ako bagay mag-maria clara.
"Kinakagalak po naming sundin ang iyong hiling, kamahalan" sabay na sabi nilang dalawa, natawa ako.
"Ito naman po ang silid aklatan"
Kumunot ang noo ko.
"Anla! Ang cute naman"
Nagningning sa kislap ang mga mata ko nang makita ang malaking library.
"Prinsesa, ang malumanay niyo naman po pagmasdan"
Napanguso ako.
"Basahin trip kayo sa fantasy ko alam niyo yun?"
Nakita ko namang ngumiwi sila. Sabi ko nga di nila ako naiintindihan eh.
"Prinsesa hindi ko man naunawaan ang inyo sinaad ngunit May ideya ako sa iyong sinaad ako, naiinip Kayo hindi po ba?"
Lumipad naman sila at nagpaikot ikot sa akin na parang hindi mapakali.
"Hindi ah! Natutuwa nga ako sa mga Inikot natin dito sa power academia, sana ganito din sa school ko, Hindi kasi ako makes-ikot dun sa totoo lang kasi panget ako at maraming aaway sa akin kasi pagala-gala ako"
"Prinsesa hindi po totoo yan maganda ka po. Sino naman pong nagsabi hindi?" Ani ni Vane habang umiikot ikot palipad sa akin, hindi to mapirmi sa kulit.
"Prinsesa maganda ka wag ka pong mawalan ng tiwala sa sarili mo po kamahalan kasi po maganda ka kaya po dapat tiwala lang po sa sarili mo po kasi maganda ka po kamahalan dapat di ka po aapektado kasi po maganda ka kaya po dapat tiwala lang kasi po maganda kayo" ani ni Alivia, gaya ni Vane aligaga din ito na hindi ko maintindihan.
Medyo parang nahilo pa nga ata ako kasi yun sinabi niya. Paulit-ulit pang niya sinabi. Napatigil naman sa kakaikot si Vane.
"Hindi ko siya naintindihan" nakasimangot na sabi sa akin ni Vane
Natawa lamang ako.
"Hayaan mo na Vane," natatawa kong sabi
Napanguso naman si Vane.
"Eh prinsesa kasi po paulit ulit po siya, nakakahilo na, ang sakit na den po sa tenga"
Napanguso naman si Alivia.
"HINDI NAMAN PAULIT-ULIT YUN AH!" mukhang naasar na si Alivia. "Tama lang ang aking sinabi!"
Akmang sasagot na sana si Vane nang pigilan ko ito.
"Hep! Hep! Tama na yan! Baka san pa mapadpad yan at mag-away kayo, humingin na kayo ng tawad sa isa't isa"
Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay humingi nang tawad.
"Good" pagtango ko "Halika na Alivia at Vane. Inaantok na ko. Malapit na bang matapos ang pagpupulong ni Ina kasama ang konseho?"
"Hindi po ako makakasama sa inyo ni Alivia, prinsesa. Sa silid ni Master Levis po ako natutulog" paalam ni Vane
Tumango naman ako
"Tara na po prinsesa. Tutulog na din po ako. Aawitan ko po kayo para makatulog kayo"
Umiling iling naman ako habang natatawa, tumungo kami sa labas nang Power Academia, Nagyukuan sa akin ang ilang kawal. Lumilipad namang nakasunod sa akin si Alivia.
"Alivia, hindi na kailangan" ani ko "Hindi naman na ako bata para don. Kaya ko nang matulog, kahit di mo ko kantahan, tabihan mo na lamang ako sa aking Kama kapag naron na tayo sa palasyo"
Napanguso naman siya.
"Prinsesa, nais ko pong gawin yun pakiusap" napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nangingilid ang mga luha nito sa mata
Napabuntong hinga na lamang ako bago umupo sa naghihintay na karwahe namin ni Ina.
"Sige na nga, Alivia. Kantahan mo ko" sabi ko na ikinalaki ng ngiti nito.
"Salamat po prinsesa, pangako mapapaligaya ko po ang inyong tulog tuwing gabi sa aking tinig"
Nakangiti naman akong tumango.
"Mabuti pa po prinsesa ay ihanda niyo na po ang inyong tenga sa aking malabing na kanta" ani niya
Tumango naman ako, nang aawit na Sana siya ay siyang pagdating naman ni Ina. Hinalikan niya ako sa noo.
"Patawad sa paghihintay aking anak"
"Wala po yun, Ina"
Nakangusong umupo sa balikat ko si Alivia na ikinataka ni Ina, Natawa naman ako dahil dun.
"May problema ba, Alivia?" Tanong ni Ina sa kanya
Mabilis namang umiling si Alivia kasabay nang pagpula nang kanyang mukha tanda na ito ay nahihiya. Nagkatinginan naman kami ni Ina ay sabay na tumawa.
"Tamang tama nangangati na din kasi ako dito sa suot kong blouse. Lalabhan ko na lang para matuyo bukas" sabi ko.
"Prinsesa, hindi na po kailangan" agad na sabi ni Alivia.
•••
"Wow! Ang gandaaaaa!"
Inalalayan ako ni Ina pagkababa namin nang karwahe, halos bumagsak ang panga ko sa pagkahanga sa palasyo namin.
"Humayo na tayo aking prinsesa" ani ni Ina at tumango naman akong sumunod sa kanya
Nagsiyukuan naman ang mga tauhan namin sa palasyo bilang paggalang sa amin. Hindi sila gaano karami kasi sabi ni Ina gabi na at namamahinga na ang Ilan. Bukas na lamang daw ako Ipapakilala ni Ina sa mga nasasakupan namin at kahit tumanggi ako ay sinabi niya pa rin kaya wala na kong nagawa.
Hindi ko na siya ginambala pa kasi kitang kita ko na pagod na siya, nais pa nga niya akong makatabi pero tumanggi ako para makapagpahinga siya.
"Prinsesa maligo na po kayo" ani ni Alivia
Napakunot ang noo ko.
"Huh?"
Umiling iling si Alivia at lumipad sa taling kulay ginto. Hinila hila niya ito kaya nagulat ako ng may tumunog na parang kampana. Agad akong tumakbo papunta dito, gabi na kasi baka may maistorbo siya.
"Aliv—"
"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo mahal na prinsesa" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may nagsalita, humarap ako at nakita ko yung matandang babae kanina at yung alalay na mga babae sa likod nito.
"Hehe" napa-peace sign na lamang ako sa hiya.
Lumipad naman si Alivia sa kanila.
"Ako ang nagpatunog ng Arana, pakihanda na ang magiging paliguan ng prinsesa at labhan na ang kanyang damit. Tulungan niyo na rin siya dahil bago pa lamang siya rito" utos ni Alivia na ikinatango nang matandang babae.
Pumalakpak ang matandang babae, nagsikilod yung lima pumunta yung dalawa sa paliguan ko, yung isa naman inagaw ang damit na hawak ko at ilang maruruming damit sa bag ko at gumilid na nakayuko sa tabi nung matanda. At ang huling dalawa naman ang mas nagpangimbal sa akin ng ako'y kanilang hinawakan para hubaran. Haru jusko!
"Huy! A-ano ba?! Kaya kong maghubad, lumabas na kayo! Nu ba?!"
"Mahal na prinsesa, hayaan niyo po silang hubaran kayo at hinahanda na ng dalawa pa ang inyong pagliliguan, kailangan na namin kayong linisan" sabi ng matanda na nagpalaki sa mga mata ko.
"Hala lola! Hindi niyo na po ako kailangan linisan. Malaki na po ako, kaya ko na po" sabi ko at pilit nilalabanan ang mga naghuhubad sa akin"
Feeling ko minomolestya nila ako sa ganagawa nila. Mameeeeeh!
"Prinsesa tama na po, sumunod na lamang po kayo dahil ganyan ang alintuntunin" ani naman ni Alivia na nakaupo sa balikat nung matandang babae.
"Nu bang tuntunin yan, kaya ko namang mag-isa to noh, di ko na sila kailangan lola" halos magmakaawa ako dahil undergarments na lang ang suot ko.
Binigay naman ng dalawang naghubad sa akin dun sa babaeng hawak hawak ang maruruming damit ko.
"Hubarin niyo na yan" utos ng matanda babae, tumango naman tong dalawa.
Jusme! Wala na kong magawa ng literal at wala na kong maitago sa katawan ko. Binigyan nila ako ng roba at inalalayan nila ako sa paliguan ko. Pagkarating namin dun ay nadatnan ko ang isang malaking pilak na bathtub, kasya pa nga ang ilang tao dyan pero mukhang para sa akin lang yan.
Nadatnan ko pa yung dalawang babaeng pumarito, mukhang sila ang naghanda nung scented candles, scented na sabon ko at yung tubig kong maligamgan. Wow may petals pa! Bango!
"Lumusob na po kayo prinsesa" ani ng matanda at yumukod, nagsiyukod din ang mga babaeng kasama nito kasama si Alivia.
Bumuntong hininga naman na ako sabay tanggal ng roba ko bago lumusong sa tubig na paliguang hinanda nila, mukhang hindi sila aalis kahit paalisin ko sila kaya hinayaan ko na lamang.
Kaso nakakahiya pa rin may tumitingin sayong naliligo kahit pa babae din silang gaya ko.
"Paliguan niyo na ang prinsesa" utos nung matandang babae na ikinalaki ng mata ko, nagsiyukod naman yung apat na babaeng tauhan niya sabay lapit sa akin. Noooooooooo
"Hehe. W-Wag na, kaya ko na to"
Hindi naman sila sumagot bagkos ay pinaliguan nila ako. Aangal pa sana ako nung sumagot si Lola.
"Prinsesa wag na pong matigas ang inyong ulo, hayaan niyo na pong silang paliguan kayo" ani nito at napanguso ako, hinayaan ko na sila.
•••
"Prinsesa, hayaan niyo naman pong silang magbihis sa inyo"
"Grabedad naman ito, hindi na ko bata para hubaran, paliguan at damitan niyo" angal ko kay lola.
Nakukunsumisyon namang napahawak si Lola sa noo niya.
"Ganito po talaga ang dapat nilang gawin prinsesa, dahit tungkulin po nila iyan. Lahat din po ng kamahalan pinagsisilbihan gaya niyo po" ani naman ni Alivia
Napanguso na lamang ako.
"Ano po bang nais niyong pantulog prinsesa?" Tanong ni Lola
Napatingin naman ako sa kulay lavander na pantulog na hawak nila. Parang hindi komportable.
"Grabe naman yan, parang di ako makakatulog kapag suot yan"
"Prinsesa, mukha lamang pong hindi komportable ang pantulog na yan ngunit ang telang gamit na yan ang isa sa pinakamalambot na silkang ginamit sa paggawa nito." Sabi ni Lola.
Napanguso na lamang ako ulit.
"Sige subukan ko isuot yan"
Sinuot naman nila sa akin. Inayusan pa nila ako ng buhok bago sila umalis at ng papahiga ako.
Wow! Parang heaven lang.
"Aawitan na po kita prinsesa"
Tumango naman ako at pumikit. Maganda naman pala ang boses niya.
"Magandang gabi prinsesa" Ani ni Alivia
Humikab ako.
"M-Magandang gabi d-din Alivia" I said as I fell asleep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro