Chapter 6: Friends
"Friends show their love in times of trouble, not in happiness."
-Euripides
•••
Briana's POV
"Prinsesa Briana!"
Napalingon naman ako sa tumawag sa akin, gayun din si Alivia.
"Prinsesa Agua, Prinsipe Timothy, Prinsipe Adrian" nakayukong saad ni Alivia.
Lumapit naman ang tatlo sa akin.
"Pagpa-umanhin mo na masamang ugali ni Arrie, Briana" sabi ni Adrian "Ako na ang humihingi ng tawad sa kanyang inasal sayo"
"Bakit ikaw ang magso-sorry?" tanong ko "Dapat siya ang gumagawa niyan hindi ikaw"
Lumunot naman ang kanilang noo, tanda na di nila ako maintindihan. Napasintido naman ako dahil dun.
"I mean— Ah! Ano, dapat hindi ikaw ang humihingi ng paumanhin sa akin, dapat si prinsesa Arrie" pagtatama ko
"Alam namin pero gusto pa rin namin humingi na kapatawaran dahil sa inasta niya. Pakiusap ako ng humihingi ng paumanhin sa ugali niyang iyon" muling sabi ni Adrian.
Tumango lamang ako.
"Pero dapat hindi ka na humingi muna sa akin ng kapatawaran, It's not your fault anyway. Yung prinsesang yun ang nga problema. Ano bang meron yun at may attitude problem ata at gusto pa kong idamay sa anger management niya?" Inis kong saad "Dapat ata eh magpatingin na siya sa mga psychiatrist para kahit papano bumuti siya" napatingin naman ako sa kanila at kita ko sa mga mata ng mga ito ang pagkalito.
"Prinsesa, paumanhin po kamahalan ngunit hindi po namin naunawaan ang iba niyong isinaad" alanganing sabi ni Alivia.
Napakamot naman ako sa ulo, hayy naku. Di nga pala nila naiintindihan ang english. Take note Briana! Nasa OTHER WORLD KA NA, WALA KA NA SA EARTH! Intendes?!
"Pasensya na" sabi ko sabay ngiwi "Nasanay lang ako sa mga salitang yun"
Tumango na lamang silang apat.
Queen Beauty's POV
"Isang kapalastanganan ang ginawa ng iyong prinsesa, mahal namin reyna, kailangan niyang maparusahan!" Mariing saad sa akin ni Ministro Rouel
Napakuyom ako sa kanyang binanggit.
"Hindi ako makakapayag, Aking Ministro. Walang ginawang masama ang aking prinsesa kaya bakit pa siya paparusahan?" Tanong ko dito.
"Sa tingin ko ay tama ang Reyna, Rouel" biglang sumingit sa amin si Levis "At kung mapaparusahan man siya dapat din natin bigyan ng parusa si prinsesa Arrie, hindi ko binibigyan ng pahintulot ang pinakita niyang ugali sa prinsesa ng ating mahal na reyna Beauty"
"Aking Magnitudo" aking bigkas "Ayokong maparusahan ang aking anak, hindi yun nararapat sa kanya" naiiyak kong saad.
Napabuntong hininga naman si Levis.
"Hindi ako papayag na hindi mahatulan ng parusa ang iyong prinsesa, mahal namin Reyna Beauty" mariing saad ni Rouel
"Rouel" naiiyak ko saad "Hindi ako papayag! Hindi niyo siya maaaring saktan o parusahan! Walang ginawang masama ang akin mahal na prinsesa."
"Mahal kong reyna, paumanhin kung nasaktan ko ang iyong kalooban ngunit tama lamang ang akin desisyon, kailangan niyang maparusahan. Wala akong pakealam kung bago lamang siya sa lugar na ito ngunit dapat niyang malaman ang salitang disiplina. Dahil ang tunay na prinsesa ay mahinhin at mayuma at sa pinakita niyang iyon ay nakikita ko lamang na marami pa siyang dapat matutunan sa bagay bagay na gampanin bilang isang prinsesa" mariing sabi ni Rouel.
"Kung gayon ano ang ating dapat gawin?" Biglang tanong ni Levis, agad akong napatingin dito. Hindi!
"Aking magnitudo!" Pagtangis ko "Pakiusap! Kanina lamang siya dumating! Wag niyo gawin ito"
Muling bumuntong ng hininga si Levis.
"Mapaparusahan si Prinsesa Briana, mahal na Reyna. Nakasaad iyon na kasulatan"
Naiyak ako sa narinig.
"Kung gayo—" hindi na natuloy ni Rouel ang sasabihin ng muling magsalita si Levis.
"Mapaparusahan si Prinsesa Briana at Prinsesa Arrie sa pangangalaga ko" mariing banggit nito.
Nanlaki naman ang mga mata namin ni Rouel.
"Anong ibig sabihin nito?" Hindi makapaniwalang saad ni Rouel "Ako ang magbibigay parusa sa kaniya at si prinsesa Briana lamang iyon."
Umiling ang matandang salamangkero.
"Ako ang magbibigay ng mabigay na parusa sa kanila, Rouel. Sana maintindihan mo bilang nakakatanda salamangkero sa konseho" saad nito bago umalis
Naiyak na lamang ako dahil hindi ko napigilan.
"Prinsesa ko, aking Beauty"
Alivia's POV
Natutuwa akong makita ang aking inaalagaang prinsesa na magkaroon ng mga bagong niyang kaibigan, sadyang hindi lamang siya biniyayaan ng ganda pati na rin ng kalakasan at kabutihan at ikinagagalak kong maging kaagapay niya bilang mediocris niya.
"Saging con yelo" ani ng aking prinsesa "Masarap yun, gusto niyo gawan ko kayo?" Tanong nito sa amin.
"Hindi pa ko nakakatingin o nakakatikim ng putaheng iyong binanggit ngunit sa iyong sinaad mukhang katakam takam nga iyang putaheng iyan" sabi naman ni Prinsesa Agua
"Oo naman noh" masayang saad ni prinsesa Briana "The best ata ang gawa ko, mas masarap sa lahat ng matitikman niyo dessert. Ako pa!"
Ayan na naman ang kanyang salitang mortal. Mukhang nakasanayan na niya yan, tumawa na lamang kami sa kanya kahit hindi namin naiintindihan ang iba niyang binanggit.
"Eh san ba gawa yung ano ba yun saging lon yabo ba iyon, binibini?" Tanong ni prinsipe Timothy
Ngumiti lamang si prinsesa Briana.
"Hindi Timothy, saging con yelo ang tawag dun. Masarap yun kainin lalo na sa ganitong tag-init" ani ni Prinsesa Briana.
"Tama! Baling con yego nga!" Ani niya kaya natawa ang prinsesa Briana.
"Hindi" natatawang saad ni prinsesa Briana "Gayahin mo ko Sa-ging"
"Sa-ging" paggaya ni prinsipe Timothy at nakigaya na rin sila prinsipe Adrian, prinsesa Agua pati na rin ako. "Con"
"Con"
"Ye-lo"
"Ye-lo" ulit naming apat
"Saging con yelo" mabilis niyang bigkas
"Saging con yelo" mabilis rin namin itong binigkas, hindi naman pala ganun kahirap bigkasin ang pangalan ng putaheng iyon.
"Oh di ba?" Masayang sabi ng aking prinsesa "Nabigkas niyo rin ng maayos, hindi naman mahirap, hindi ba?" Nakangiti pa niyang saad.
Tumango lamang kaming apat.
"Nakakamangha at may mga bagay pa palang alam ang mga taga-mortal na hindi natin alam. Sana ay makatapak rin tayo sa mundo nila" ani ni Prinsipe Timothy
"Ipagdasal na lamang natin iyan" sabi naman ni Prinsesa Agua "Sa tingin ko naman ay papakinggan ng aking ina ang aking dasal" sabay tingin nito sa tubig sa inuupuang batis.
"Ako rin!" Masayang sambit naman ni Prinsipe Adrian "Nais kong humiling kay ama yun" at pumikit ito, bigla ay humangin nang malakas
"Susubukan ko rin yan sa aking ina" ani naman ni Timothy bago hawakan ang lupa.
Tumahimik ang paligid.
"Alivia" bulong sa akin ng prinsesa Briana. Bakit kaya? "Anong ginagawa nilang tatlo at bilang tumahimik?"
"Eh?!" Napakamot ako sa ulo bago umupo sa balikat nito "Prinsesa nakikipag-usap po sila sa kanilang mga magulang" paliwanag ko.
Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinambit ko. May mali ba sa aking sinaad?.
"Ha?!" Bulong niya "Papaano? Nakikita ba nila yung mga magulang nila sa ginagawa nila?"
Umiling naman ako.
"Hindi po mahal na prinsesa, tulad ninyo hindi rin nila nakikita o nakakapiling ang mga diyos at diyosa nilang magulang. Sadyang pinakikiramdaman lamang nila ang kanilang mga magulang gamit ang sarili nilang dasal sa mga ito" pahayag ko.
"Eh sumasagot ba yung mga magulang nila sa kanila?" Muli nitong bulong aa akin.
Nalungkot naman ang prinsesa ko ng umiling ako.
"Hindi po mahal na prinsesa" sagot ko "Marahil ay gustong panatilihin ng mahal diyos at diyosa ang kanilang katauhan kaya mapasa hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng ating mundo kung anong itsura nila"
Tumango na lamang ito, ngunit kita sa mga mata nito ang labis na kalungkutan. Mukhang nais niyang makausap ang kanyang ama. Patawad prinsesa kung ika'y aking napapalungkot.
"Eh paano pala naisilang sila Timothy at Agua kung ganun? Hindi ba isinilang sila ng kanilang ina? Dapat ay alam nila ang mga itsura nito"
Ngumiti naman sa ako sa kanya. Mukhang marami pa siyang hindi nalalaman.
"Prinsesa, Nakasaad sa kasulatan na ang anak ng diyosa ng tubig ay maisisilang sa isang batis, ipinanganak si prinsesa Agua ron na sa mismong araw na yon kaya nalaman ng lahat na siya ang prinsesa ng tubig" ani ko sa kaniya.
"Eh paanong nangyari yun, Alivia, paano kung may ibang sanggol ang nasa batis?"
"Prinsesa, walang sanggol ang kayang lumutang sa tubig na may balabal na hindi nababasa. Mayroon pa itong corona na nagsasambit na siya ang nakasaad na anak ng diyosa" paliwanag ko.
"Eh yung kay Timothy naman?" Muli niyang tanong sa akin "Wag mong sabihin nakita siya sa putik kaya siya na ang anak ng diyosa ng lupa"
Umiling ako at bahagyang natawa. Ang prinsesa ko talaga, mapagbiro.
"Ayon sa nakasaad na kasulatan, ang diyosa ng lupa ay nakatakdang magkaanak ng lalaking sanggol, at ang katuparan nitong makita ang ama sa unang pagsabog ng bulkan. Dalawang buwan bago mag katapusan."
Nanlaki ang mga mata nito na hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Si prinsipe Timothy ay isinilang ng diyosa sa bulkan, hindi nangamba ang buong kaharian nila sapagka't hindi gagambalain ng trahedya ang kaharian ngunit ng supling. Hinintay ni hari ang pagsabog at gayun na nga ng bumulwak ang nagbabagang apoy ay nakita ng hari ang sanggol na nasa sangga nakaduyan papalapit rito, may kasama itong balabal at ibon na nagbabantay sa sanggol. Pagkakuha ng hari sa kanyang anak ay bigla na lamang nawala ang mga kalat na dinulot ng bulkan. Dun nalaman na siya nga ang nakasaad sa kasulatan na ipapanganak ng diyosa" paliwanag nito sa akin
"Hindi ako makapaniwala" sabi ko "Ka-shock teh"
Kumunot naman ang aking noo sa kanyang sinaad. Mga salitang mortal na labis kong hindi maintindihan.
"Napahayag ko na ang aking dasal kay ina, nawa'y narinig niya ito" masayang sambit sa amin ni prinsesa Agua.
Ngumiti ako sa kanya at lumatang para yumukod dito bilang paggalang.
"Paniguradong narinig niya ang iyong hiling, prinsesa Agua at kahit hindi ka humiling alam na alam ng iyong ina ang iyong hiling, rinig na rinig ka niya" pahayag ko.
Nakangiting tumango sa akin ang prinsesa Agua.
"Siyang tunay, Alivia" sabi ni prinsesa Agua "Siyang tunay"
"Agua, Briana. Mga binibini" ani ni Adrian "Naipahayag ko na kay ama ang aking dasal" malaki ang pagkakangiti ng prinsipe sa mga prinsesa.
"Sa akin rin mga binibini" ani naman ni prinsipe Timothy, "Nawa'y makarating ito sa aking mahal na ina"
"Parang nahihilo ata ako" biglang sambit ng aking prinsesa.
Nataranta naman ako.
"Ano pong masakit, prinsesa Beauty? Nais niyo po akong tumawag ng manggagamot?" Alala kong tanong sa prinsesa. Napakabaya ko talagang mediocris, ni hindi ko naaalagaan ang prinsesa, kakaumpisa ko pa nga lang sa aking misyon bilang kaagapay niya.
"Mukhang kailangan niya nga, Alivia. Pakiusap tumawag ka na" nag aalalang sabi rin ni Agua.
Tumingin ako sa dalawang prinsipe at tumango rin sila bilang pagsang-ayon. Palipad na ko para tumawag ng manggagamot ng patigilin ako ni Prinsesa Briana.
"Huy! Wag ka tumawag nang tulong di yan healthy!" Sabi ng aking prinsesa.
Bumalik ako sa kanya.
"Prinsesa, kailangan po, masama ang inyong pakiramdam" ani ko "Baka kung ano na po iyan"
"Oo nga naman, Briana" ani ni prinsipe Timothy.
"Sang ayon ako" sabi naman ni Prinsipe Adrian.
"Ako rin, baka kung ano singtomas na ng sakit iyan kung hindi aagapan" nag aalala ring sabi ni prinsesa Arrie.
Umiling naman ang aking prinsesa.
"Hay naku! Di kayo healthy" natatawang sabi niya "Wag kayong OA hindi naman talaga masakit ulo ko, ano ba kayo. Expression lang yun, ang lalalim kasi ng mga salita niyo pakiramdam ko sa panahon ako ng espanyol."
"Prinsesa naman" halos maiyak kong sabi "Wag naman po kayo magbiro"
Natawa na lamang sila.
"Hindi naman kasi kita binibiro. Gumanun lang kailangan na ng gagamot pano kung totoo palang masakit ang ulo ko?" Tanong niya.
"Prinsesa kung gayon ang mangyari tatawag at tatawag pa rin ako ng manggagamot. Importante kayong lahat ng mga prinsipe at prinsesa na maging malusog at malakas" ani ko.
"Hay naku, simpleng bioflu o decolgen lang ayos na kung mangyari yun" sabi niya "Jusme! Wag na kayong OA, hindi nakakamatay yun"
Umiling iling na lamang ang prinsesa Arrie, Prinsipe Timothy ay Prinsipe Adrian sa kanya habang natatawa. Mukhang nahawa na din ako kasi tumawa na ko.
"Prinsesa talaga"
Arrie's POV
"Kung ano man ang iniisip mo, Arrie. Tumigil ka na, pakiusap" biglang saad ng kakarating na si prinsesa Stella, yumukod ako sa kaniya bilang paggalang, yumukod din siya sa akin.
"Wala akong balak na gawin sa kanya, Stella"
Kumunot ang kanyang noo sa aking pahayag.
"Seryoso ako, Arrie. Alam ko na ayaw na ayaw mong nalalamangan lalo na sa atensyon. Masyado ka nang nahuhumaling sa kagandahang taglay na biniyayaan sayo kaya nabubulag kang matapakan ang mga kapwa maharlikang tulad mo" mariing saad nito, ngumisi ako "Mula nang dumating si prinsesa Beauty kanina lamang ay kita sa buong Power Academia ang labis niyang kagandahan. Maski ako nahumaling sa taglay niyang kagandahan" ngumiti panito habang nakatanaw sa prinsesang tinutukoy niya.
Sa hindi malamang dahilan, naasar ako sa kanya.
"Hindi yan totoo!" Ani ko, pakiramdam ko ay nangangalit ang aking buong pagkatao. Wag mo kong subukan, Stella "Ako pa rin! Ako pa rin ang natatangin may hawak nang kagandahang iyon, hindi ang prinsesang iyan na lumaki sa mababang uri ng tao!"
Marahang natawa si Stella. Talagang ginagalit niya ko.
"Natuwa ako kanina lamang" ani niya "Dahil sa wakas may naglakas loob ding sumampal sayo. Siguro ba dapat ko ding gawin sayo yun, prinsesa Arrie?"
"Wag mo kong galitin, prinsesa Stella. Hindi mo alam ang kaya kong gawin" babala ko sa kanya.
"Ikaw ang matakot sa akin, Arrie. Dahil una sa lahat. Mas mataas ang ranggo ko bilang prinsesa kesa sa iyo at isa pa, mas malakas ang kaharian ang kaharian namin kesa sa kaharian mo kaya wag mo akong babantaan ng salita mo dahil hindi ka mananalo sa akin" siwalat niya.
Hindi ko na siya sinagot at umalis na lamang. Tama siya. Ngunit hindi! Habang narito pa kami sa Power Academia sisiguraduhin kong nasa itaas pa rin ako. At akin lang! Aking natatanging ganda dito sa aming mundo at walang sinuman ang dapat kahangaan ng ganda kundi ako!
"Ako lamang ang maganda, hindi ikaw Briana. Sisiguraduhin ko yan!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro