Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: No Tears Left to Cry

"Crying is cleansing. There's a reason for tears, happiness or sadness."

-Dionne Warwick

•••

Briana's POV

"Ang ganda" bulong ko "Lolo, ano po itong silid na to?" 

"Ssshhhh!"

Hindi siya kumibo at naglakad na lamang, kitang kita ko ang buong kwarto. Para itong isang iskwelahan na korte na stage na ewan, basta ang ganda!

"Ano bang ang silid na ito?" 

"Atrium po ito, prinsesa" biglang sagot ni Alivia

Napatango naman ako. Ano daw? Atrayong? Ano yun? 

Napangiwi na lamang ako sa weird name na yun at kahit na hindi ko nagustuhan ang pangalan ay tumango na lamang ako.

"Handa na po ba kayo, prinsesa?" bulong naman sa akin ni Vane.

"Handa sa alin?" 

"Basta po" sabay nilang sabi. "Sunod lang po"

"Nandito na po tayo, prinsesa" sabi ni Lolo Levis "Makikilala niyo na po sila"

Kumunot naman ang noo ko.

"Sino po?" 

Kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Parang alam ko na hindi ang tinutukoy nila.

"Ang lahat po, ang mga prinsesa't prinsipe, ang ministro, si sorceress Adra at ang iyong ina" yumuko na ito "Si Queen Beauty"

Lumaki naman na ang aking mata kasabay ng aking panginginig at pagtulo ng aking luha.

"H-hindi ko a-alam" 

Nagkatinginan naman silang tatlo.

"Basta po prinsesa anu man po ang mangyari, nandito lang po ako" sabi ni Alivia.

"S-salamat" bulong ko. "S-salamat"

Binuksan na ni Lolo ang pinto at ganun na lamang ang panlalaki ng aking mga mata sa aking nakita.

Mga magaganda at gwapong mga nilalang na nakaupo na may hawak ng kanya-kanyang libro sa kamay habang nakikinig sa babaeng nagsasalita sa harapan. Sa tingin ko ay nag-aaral sila.

"Lolo, nakakaistorbo ata tayo" 

Nakatago lamang ako sa likod ni Lolo. Nahihiya na natatakot ako eh.

"Prinsesa maghintay ka na lamang" bulong naman sa akin ni Vane.

Tumango naman ako.

"Oh, Master Levis" mukhang napansin naman siya nung babaeng nasa harapan.

Bahagya pa itong yumuko bilang paggalang na ginaya naman ng mga istudyante na nagbabasa kanila lamang.

"Ano po ang inyong sadya rito?" tanong nito kay Lolo. "May maipaglilikod po ba ako?"

"Adra" yumuko naman si Lolo "Sa inyo rin aking mga kamahalan" sabay yuko rin niya sa mga nakaupong istudyante

Napaupo naman na ako dahil sa pagyuko ni Lolo. Buti na lamang at hindi ako napansin dahil sa kapal ng damit nito. Nakakahiya pa naman na.

"Ano pong sadya niyo rito sa aking pagtuturo, master?" tanong nung Adra.

"Nais ko lamang malaman niyo ang magandang balita" nakangiting sagot ni Lolo.

"At ano naman po iyon, Master?"

"Nasaan si Queen Beauty?"

Kumabog na ang aking puso at nanlalaking matang tumingin sa kanya.

"Nandito lamang ako, kamahalan, kasama sa nagtuturo sa mga mahal kong kamahalang mga istudyante"

Lumabas sa isang tela ang babaeng nagsalita kasama ang lalaking nakaitim at mukhang masungit.

"Kamahalan" yumuko na naman si Lolo kasama sila Vane at Alivia pati na rin ang mga istudyante at yung babaeng nagngangalang Adra.

"Sino yang nasa likuran mo aking natatangi?" tanong nung Reyna.

Napakagat ako nang ibaba kong labi dahil dun. Patay! nakita niya ako! Si Lolo naman bahagyang umusog kaya nakita na ko.

Tumungo akong muli kay Lolo para magtago sa likuran niya pero dahil may magic siya, nganga ako. Narinig kong pang napasinghap ang ilan ng makita ako, ang iba naman nanlaki ang mata at para bang hindi makapaniwala na nakita ako.

"S-sino s-siya?" nanginginig na tanong nung Reyna,

Ngumiti lamang si Lolo pati na sila Alivia at Vane. Para akong maiiyak na natatae na ewan. Naiinis ako na nakita niya ko. Ito ba ang nanay ko? Tsk! Nakakasuka naman. Nang mawala na ang magic ni Lolo ay agad akong nagtago muli sa likuran ni Lolo Levis at bahagyang umiyak ng tahimik.

Naiinis ako, maganda ang naging buhay niya samantalang naghirap naman ako. Kung kailan naman masaya na dun niya ko kukunin? Ha! Napaka-makasarili naman niya!

"Kamahalan, paumanhin po kung ganito siya" sabi ni Lolo
"Wala pong kaso sa aking iyon, Master Le—" tumigil ito sa pagsasalita "Alivia? Vane?" biglang tanong nito. "Ibig sabihin?" Tumingi pa ito sa amin at pagkatapos ay mabilis itong tumakbo sa kinaroroonan namin. "Anak ko! Beauty!"

Akamang kukunin ako nito ng lumayo ako. Kita ko sa mga mata nito ang pagkadismaya at lungkot.

"Anak, ako ito ang iyong ina" naiiyak na saad nito "Briana Beauty, anak ko"

Mas lalo akong lumayo rito at nagtago sa likuran ni Lolo.

"Hindi ikaw ang nanay ko. Si nanay Ana lang" mariing kong sabi na kinagulat naman niya
"B-Beauty" tuluyan ng tumulo ang kanyang luha "A-anak" akmang hahawakan niya kong muli nang tinabig ko ang kamay niya
"Hindi mo ko, anak"

Dun na rin tumulo ang pinipigilan kong luha. Napayakap ako kay Lolo habang umiiyak sa bisig nito.

"L-lolo a-alis na t-tayo".

Napabuntong-hininga naman si Lolo.

"Paumanhin mahal na reyna, pero hindi pa po pala kayo kayang makita ng prinsesa" sabi ni Lolo kay Queen Beauty.

"A-ayos l-lamang i-yon" iyak na sambit naman ni Queen Beauty "D-dalhin n-niyo m-muna siya sa hardin para makapagpahinga"

"Masusunod kamahalan" sabi ni Lolo.

Hahakbang sana kami paalis ng biglang may pumigil na kamay sa paglakad namin ni Lolo.

"Levis ako na" sabi ng isang boses ng babae.

Siya naman ang aking nayakap sa pagkakataong iyon habang umiiyak.

"O sige, Adra" pagsang-ayon naman ni Lolo. "Vane, Alivia, sumunod kayo sa akin"

"Master sa prinsesa po ako sasama" sabi naman ni Alivia.

"O sige" pagsang-ayon naman ni Lolo.

•••

"Dito po muna kayo, prinsesa Beauty" sabi sa akin ni Sorceress Adra.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"S-salamat p-po" sagot ko.

"Hindi mo ba babatiin ang iyong ina?" tanong nito.

"Oo nga po, prinsesa, sobrang sabik na po siya sa inyon pagyakap at pagmamahal" sabi naman ni Alivia

"H-hindi na" sagot ko "Nung makita ko pa lamang siya, masakit na Alivia" pag-amin ko.

"Bakit naman?" tanong ni Sorceress Adra.

"H-hindi ko po a-alam"

Ngumiti lamang ito sabay tayo nito.

"Sabihin mo na lamang kay Alivia kung may kailangan ka"

Tumango naman ako at ito naman ay umalis na.

"Prinsesa, ayos lamang po ba kayo?" tanong sa akin ni Alivia.

Umiling naman ako.

"Hindi Alivia" sabi ko at dun na tumulo ang akin luha.

"Hala po!" nag-aalalang sabi ni Alivia "Wag na po kayong iiyak, prinsesa, naiiyak na din po kasi ako eh"

Uling-iling naman na ako pagkatapos ay ngumiti.

"H-hindi ko a-alam kung a-anong g-gagawin k-ko eh" pagiyak ko rito.

Sa hindi malamang dahilan ay napaiyak na rin si Alivia sa akin.

"P-prinsesa"

Sorceress Adra's POV

"Oh a-ang a-king m-mahal na a-anak" umiiyak na sambit ni reyna beauty habang nakatingin sa aking bolang krystal.

Gusto kasing makita ng reyna ang kaniyang prinsesa pero alam natin na imposibleng mangyari iyon dahil may hinanakita sa kanya ang prinsesa kaya napagpasyahan ko na gamitin ang bolang krystal para makita ng reyna ang kanyang prinsesa.

"P-prinsesa" si Alivia.

"B-bakit g-ganon, A-alivia?" tanong ng prinsesa sa kanyang mediocris "B-bakit m-masakit dito" itinuro pa nito ang sariling puso "N-nanay ko yun d-di b-ba?"

Tumango naman sa kanya si Alivia.

"P-pero b-bakit m-masakit n-nung m-makita k-ko s-siya k-kanina?"

"H-hindi k-ko p-po a-alam, p-prinsesa"

Umiiyak lang na pinakikingan sila ng reyna.

"M-masakit d-dahil h-hindi k-kita nakalinga, a-anak" umiiyak na sambit ng reyna sa bolang krystal.

"Kamahalan" malungkot na saad naman ni ministro Rouel.

"Ministro Rouel" sambit ko. "Maiwan ka muna namin, mahal na reyna"

Umiiyak na tumango naman sa amin ang reyna.

"Ano ba, Adra?!" mariing sabi sa akin ni Rouel pagkalabas namin "Hindi natin pwedeng iwan ng ganon ang reyna ng phoenix"

"Rouel, kailangan" sambit ko "Mas maganda na malaman niya ang suliranin niya sa pagitan nilang mag-ina" sabi ko pa.

"Tama si Adra, Rouel" pagsang-ayon naman ni Levis.

"At paano naman nasabi?" inis na saad ni Rouel.

"Simple sagot lang na tiwala, Rouel" Levis "Sapagka't iyon lagi"

Kumunot noo naman siya sa sinabi ni Levis.

"Ikaw ang ministro kaya dapat alam mo" sabi ko sabay ngisi.

Agua's POV

"Kaawa-awa naman siya" 

"Sino?" tanong naman sa akin ni Adrian.

"Hayun oh" saby turo ko sa gilid na parte nang hardin "Si prinsesa beauty iyon, hindi ba?"

"Oo siya nga" sabi naman ni Timothy. "Kaawa-awang ilalang" umiling-iling pa ito.

Parang nadadala ako ng iyak nito kaya pinuntahan ko na lamang.

"Agua!" tawag sa akin nila Timothy at Adrian.

Pagbukas ko ng pintuan ay kita kong labis itong umiiyak. Nakakadurog ng puso kaya niyakap ko ito. Akala ko ay itutulak ako nito pero hindi pala dahil ginantihan rin ako ng yakap nito.

"P-prinsesa A-agua" gulat na sambit ni Alivia.

Ngumiti naman ako rito. Nang lumayo ako rito ay mas namangha ako sa itsura nito, napakaganda kasi ng kanyang maamong mukha. Parang isang anghel.

"K-kamusta?"

Nagpunas naman ito ng luha pagkatapos ay ngumiti na sa akin.

"K-kamusta rin"

"Paumanhan kung pumasok ako sa iyong silid" yumuko pa ako.

"Adrian, Timothy!" pagtawag ko sa dalawa na nagtatago sa may pintuan.

Pumasok naman sila at kita ko ang paghanga sa kanilang mukha. Hindi ko naman sila masisisi.

Napakaganda nga talaga ng anak ni diyos ng apoy.

"Ang ganda!" wala sa wisyo na sambit ni Adrian.

"Nakakamangha" sambit naman ni Timothy "Hindi ko man lang maalis ang mata ko sa iyo, binibini"

"Huh?"

"Maganda ka" sambit ko.

"N-naku hindi n-naman" sabi naman nito sabay sinok "P-pangit kaya ako" yumuko naman ito.

"Prinsesa Briana hindi po yan totoo" Alivia "Ikaw kaya ang maganda"

Ngumiti naman sa ito sa kanya.

"Kaw talaga" masayang saad pa nito. "Ay oo nga pala" hinampas pa nito ang sariling noo sabay tingin sa aming tatlo "Ako nga pala si Briana Beauty Phoenix, pakiusap Briana na lang"

Tumango naman na kaming tatlo.

"Ako naman si Elle Arralaine Edotheia Agua Scorpion, anak ako ng isang diyosa ng tubig, pakiusap tawagin mo na lamang akong Agua"

"O sige, ang haba pala ng pangalan mo"

Pagtawa niya, parang nagningning ang aking mga mata sa paghanga.

"Ako naman pala si Timothy Adam Luis Python, anak ng diyosa ng lupa, tawagin mo na lamang akong Timothy" pakilala naman ni Timothy, ngumiti pa ito kay Briana.

"Okay sige, Timothy"

"At ako naman ang anak ng isang dakilang diyos ng hangin. Ako si Adrian Dragon, Adrian ang itawag mo sa aking binibining Briana" ani ni Adrian, kumindat pa ito kay Briana.

"Bastos ka talaga" pagngiwi ko. "Gumalang ka naman sa kanya"

At kami ay nagtawanan na lamang.

Queen Beauty's POV

"Napakasaya mo na talaga aking mahal na anak" sambit ko habang nakatingin sa bolang krystal "Salamat Agua, Timothy at Adrian. Sana mayakap na rin kita, anak ko"

Napaupo akong muli sa akin trono habang nakatingin sa bolang krystal.

"Anak, beauty, masaya akong napalaki ka ng mortal na si Ana at Jome. Patawad at wala ako nang kailangan mo ang aking kalinga at pagmamahal, patawad dahil sa iba mo iyon nakuha at patawag kung nasaktan kita ng tayo ay magkita" tumulo ang aking luha "Mahal na mahal kita Briana ko, Beauty ko, ang aking mahal na anak" napahagulgol na lamang ako.

Master Levis's POV

"Kamahalan" sambit ko sa reyna.

"Aking magnitudo" Queen Beauty

"Kailangan niyo ng harapin ang prinsesa"

"Hindi ko kaya, aking magnitudo" sambit sa akin ng reyna.

"Pero kailangan niyo na po" biglang sabat sa amin ni Vane. "Alam niyo po mahala na reyna mas maganda po subukan niyong harapin ang inyong minamahal na prinsesa sapagka't po na makakatulong na bigyan niyo ng mainam na kalinga ito kesa pabayaan, siya rin po ang lalayo sa inyo"

Napaisip naman rito ang reyna. Napangiti naman ako, magandang payo iyan Vane, gumagaling ka na.

"Paano kapag pinaalis niya ako sa kanyang tabi?" tanong ng reyna.

"Pabayaan niyo lamang po" Vane.

"Sa paanong paraan ba ang ibig mong sabihin, Vane?" Queen Beauty "Paano?"

"Kapag po pinaalis ka niya hayaan niyo lamang po at sabihin lahat ng gusto niyang malamang sa inyo dun po sigurado akong magkakasundo kayo" ngumiti pa ito sa reyna "Puntahan niyo na po siya, kamahalan"

Agad-agad namang tumayo ang reyna at tsaka patakbong umalis.

"Sa tingin mo gagana iyon?" tanong ko kay Vane.
"Opo"

Ngumiti naman na ako.

"Tama ka, Vane, tama ka"

Briana's POV

"Ano?! Lahat talaga nakakapag-aral doon, kahit mahirap na angkan?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Adrian.

"Pano naman nangyari iyon?" tanong naman sa akin ni Timothy.

Ikinento ko kasi yung about sa mga mortal, curious kasi sila.

"Oo nga, sa pagkakaalam ko tayong mga mahaharlika lamang ang maaaring makapag-aral" sambit naman ni Agua "Nakakamangha naman ang mga mortal dahil lahat pu-pwede" tumango-tango pa si Agua "Pero paano nga?"

Ngumiti naman ako sa kanila.

"Simple lang" sabi ko "Basta under ka sa scholarship ng DepEd, pasok ka na, pero kahit naman hindi eh" napatingin naman ako sa kanila "Kasi kaya lang naman ako may scholarship eh para makapag-aral ako ng magandang unibersidad pero nung hindi naman talaga kahit sa malalapit lang pwede na"

"Lahat talaga?"

Tumango naman ako.

"Ang ganda kaya ron" biglang singit naman ni Alivia.

"Gaano naman kaganda?" tanong ni Timothy.

"Basta maganda" Alivia "Nakapunta na ako roon eh"

"Tama ka, Alivia" pagsang-ayon ko "Lalo na sa mga amusement park, ang sasaya ng mga rides dun, lalo na yung favorite ko na ferris wheel."

"Ano feges bel?" Adrian.

"Ferris Wheel" pagtatama ko "Sasakyan yun na umiikot, iaayat ka nun habang umiikot"

"Nakakabilib" nakangiting saad ni Adrian "Eh ang mga kinakain naman ron, kapareho rin ba rito?"

"Siguro naman oo" sabi ko "Ano bang kinakain niyo rito?"

"Ibong kumikinang" sagot ni Timothy "Mga sinasahog na talagang mamahalin"

"Anong ibong kumikinang?" tanong ko "Literal bang kumikinang?"

Tumawa naman sila ng dahil roon.

"Hindi po, prinsesa Beauty" natatawang sambit ni Alivia

"Eh ano?"

"Ang ibig pong sabihin ni prinsipe Timothy, yung mga ibon pong malimit kainin o mag pagkain sa mga katulad niyo lamang po pupwede makakain"

Tumango-tango naman na ako.

"Eh yung tungk—"

"Anak ko"

Automatic naman kaming napatingin sa may pintuan at doon namin nakita ang reyna na tumatangis na nakatingin sa amin.

"Mahal na Reyna Beauty" yumuko naman silang lahat maliban sa akin.

"Maiwan na muna po namin kayo, mahal na reyna beauty, mukhang kailangan niyo pong mag-usap" sambit ni Agua.

Tumango naman ang reyna, pagkatapos ay sabay sabay na silang nagsi-alisan. Naiwan kami dalawa na nakatingin sa isa't-isa. Bigla-bigla ay yumukap siya sa akin at humagulgol.

"A-anak ko" sambit nito "P-patawarin m-mo k-ko, p-pakiusap k-kausapin m-mo n-na a-ko"

Sa hindi malamang dahilan ay ginantihan ko rin ito ng yakap. Tumulo ang pinipigilan kong luha.

"I-ina"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro