Chapter 3: Other World
"You live in the image you have of the world. Every one of us lives in a different world, with different space and different time."
-Alejandro Jodorowsky
•••
Briana's POV
Bawat hakbang ko palayo sa amin lugar ay talagang nakakapagpahina. Mas napapaiyak pa ako dahil sa aking nararamdaman. Kung kailan naman na masaya na kami ni inay at itay tsaka naman ito babawiin. Pakiramdam ko dinudurog tong puso ko.
Sa sakit.
"Prinsesa Briana, wag na po kayong umiyak" pagpapatahan sa akin ni Vane "Malapit na po tayo sa other world sigurado pong matutuwa kayo kapag nagkita na kayo ng iyong tunay na ina" ngumiti ito sa akin.
"Ayoko, Vane" iling ko "Natatakot akong harapin siya"
Tumulo na naman na muli ang akin mga luha.
"Bakit naman po, prinsesa?" malungkot na tanong sa akin ni Alivia
"Baka bigla ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na kamuhian siya"
Tumingin sa isa't-isa ang dalawang diwata at yumuko ng malungkot. Hindi na lamng sila kumibo at tinahak na lamang ang aming paparoonan. Pumikit ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Aandito na po tayo, mahal na prinsesa" nakangiting saad ni Alivia
Tumingin naman na ako sa paligid.
"Gubat to ah" sabi ko "Akala ko ba sa ibang mundo iyon, bakit puro damo at puno rito sa pinuntahan natin? Baka naman prinsesa ako ng gubat ah?"
Tumawa lang sa akin ang dalawang diwata kaya napangiwi ako. Hindi ako natutuwa sa totoo lang.
"Hindi po mahal namin prinsesa" iling na sagot sa akin ni Vane.
"Pwede bang don't po me ah I'm still bata pa kaya at hindi nga sabi ako matanda eh and cut the crap with that prinsesa. Just Briana, okay?"
Ano daw? Bakit ako nag-Conyo?
"A-ano po?" sabay na tanong nila Alivia at Vane.
Napaikot ako nang mata sa Inis, Hindi nga pala makakaintindi tong mga to ng ingles.
"Ang sabi ko wag niyong akong I po nakakatanda kasi yon pakinggan at pakiusap naman wag niyo na kong tawaging prinsesa. Briana na lang"
Tumango naman yung dalawa. Hayyy, salamat nakuha rin nila ang ibig kong sabihin.
"Pero hindi po maaari yang hinhiling niyo kamahalan, lalo pa na ikaw ang anak ng isang diyos ng apoy" sabi ni Vane
"Kaya patawad po, mahal namin prinsesa phoenix" nakayuko pang sabi ni Alivia.
Bumuntong hininga naman na ako.
"Okay, fine" sabi ko na ikinunot noo na lamang nila. "Asan na pala yung pupuntahan natin?"
"Wag po muna kayong mainip, prinsesa" nakangiting sabi ni Alivia "Manood na lamang po kayo habang ginagawa namin ang orasyon para bumukas ang portal sa other world"
Napataas naman na ako ng kilay. Pero hayaan na nga.
"Vane ayusin mo na nga yung mga binigay na bato sayo ni Master Levis" utos ni Alivia.
"E-Eto na nga oh"
Bigla ay naglabas ito ng mga— Hala! Nagkasya sa maliit niyang bulsa yong mga malalaking batong yon.
"Ayos na!" sigaw ni Vane.
Nang matapos I-lagay ni Vane ang mga makukulay na bato paikot ay umupo din si Alivia sa gitna non at pumikit.
"Alterum, mundi huius .With Phoenix saxa igne aer draconem Python terram aqua nigro scorpius pecus unum congregabuntur ut eos quasi ianua Ita adventu ... tuetur orbem. Placere aperi."
Ilang minuto lamang ay bigla umilaw sa may harapan namin at hinigop kami. Napapikit naman na ako dahil sa takot.
"Prinsesa, buksan mo na ang mga mata mo" narinig kong sabi ni Alivia "Nandito na po tayo"
Dahan-dahan ko naman binuksan ang mata at ganun na nga ang panglalaki ng aking mga mata dahil sa gulat at pagkamangha.
"Oh, my god!" Bulalas ko. "Ang ganda! Anong klaseng lugar ba ito, Alivia, Vane?" tanong ko sa dalawang diwata.
"Ito po ang other world, mahal na prinsesa Briana" sagot sa akin ni Vane "Ang ating mahal na tirahan" ngumiti pa ito sa akin.
"Grabe wala akong masabi sa ganda" nakangiti kong sabi, parang gusto kong umiyak.
"Eh nagsasalita naman na po kayo aming prinsesa" sabi sa akin ni Alivia "Bilang inyo pong tagapangalagang mediocris, maari niyo po ba akong maging inyo na ring kaagapay, prinsesa" yumuko pa ito.
Napataas naman ako ng kilay dahil ron.
"Anong kaagapay, Alivia?" tanong ko.
"Ang kaagapay po ay isang tagapayo, prinsesa Briana" sagot naman sa akin ni Vane.
"Ahhh" tumango tango naman na ako "Pwede naman Alivia"
Nagning-ning naman ang mga mata nito.
"Talaga po, prinsesa?"
Tumango naman na ako.
"Oo naman, bakit hindi?"
"Talagang talaga po talaga?" Ulit niya
Tumango ako uli at napangiti naman ito ng wagas.
"Napakasaya ko po, prinsesa" sabi nito. "Sobra po ang aking kasiyahan"
"Kita ko nga"
"Naiinip na ko, Alivia" nakabusangot na sabi naman ni Vane "Pwede na ba tayong umalis at baka nauuhaw na ang ating mahal na prinsesa"
"Ayy oo nga pala" bigla nataranta si Alivia "Gusto niyo po ba ng tubig o pagkain, prinsesa. Sabihin niyo lang po. Wag po kayong mahihiya sa amin ni Vane"
"Ano ka ba naman, Alivia" ngumiti ako "Ayos lang naman ako noh. Pwede na ba tayong umalis?"
"Hindi na kailangan pa, prinsesa" umiling si Alivia.
"Huh?" sabay pa kami ni Vane.
"Bakit naman, Alivia?" tanong ni Vane "Baka hinihintay na tayo nila Ministro Rouel, Master Levis, Sorceress Adra at Queen Beauty"
"Hindi yan, Vane" sagot naman na ni Alivia. "Kasi alam na naman na nila na nandito tayo kaya hindi na kailangan pa na umalis kasi alam na naman na nila na nandito tayo kaya hindi na kailangan kasi nga kanina pa tayo naandito at alam na kasi nila kaya pupuntahan na lang nila tayo dito, naiintindihan mo?"
Nahilo ako dun ah— Ba't parang pa ulit-ulit yung sinabi niya?
"Hindi ko naman naintindihan eh" bulong ni Vane sabay pout.
Ang cute niya! Nakakagigil!
"— Ang bilis na nga magsalita, paulit-ulit pa yung sinasabi" kumunot pa ang noo nito at nagcross-arms.
Napatawa naman na ako.
"Hala!" hiyaw ni Alivia "Bakit po kayo tumatawa? May sakit na po ba kayo?"
"Oy hindi ah!" sabi ko "It's just that na I'm too happy"
"Ano po?!" tanong nung dalawang diwata.
Napangiwi na lamang ako— Ay! Oo nga pala hindi nga pala nakakaintindi tong mga to ng ingles.
"Ang sabi ko, masyado lang kayong nakakaaliw"
Ba't parang iba naman yung meaning na sinabi ko? Hayy! yaan na nga.
"Ahhh" tumango-tango na lang yung dalawa
"Naiinip na talaga ako" sabat ni Vane.
"Ayan ka na naman eh" inis na sabi ni Alivia kay Vane "Wala pang mga ilang minuto ang lumipas, mahiya ka nga sa prinsesa, Vane" sermon pa nito.
Nangalumbaba na lamang sa kanya si Vane.
"Ang problema kasi sayo wala kang pasensya kaya gan—"
Naputol ang pagsasalita ni Alivia dahil sa lakas ng hangin.
"AAAAAHHHH!" hiyaw naming tatlo.
Dahil lumilipad sila ay tinatangay sila kaya ang ginawa ko ay hinablot ko yung dalawa at inilagay sa loob ng aking bag, pero dahil sobrang lakas at si Vane lang ang naipasok ko sa loob. Si Alivia naman ay nakakapit sa aking kwintas bilang suporta.
"Prinsesa" hiyaw nito "Humawak po kayo sa mga puno"
Hahawak na sana ako ng bigla bigla ay nawala ang hangin.
"Yun na yun?" tanong ko "Ang bilis naman mawala"
"Sino ka?!"
Isang matanda ang biglang lumabas kasama ang batalyong mga kabalyero. Pinaikutan ako ng mga ito at tinutukan ng malalakin sandata nito. Natakot ako at napayakap pa sa hawak kong backpack.
"Isang mortal po, master Levis" sagot ng isang kabalyero
Kumunot ang noo ng matanda.
"Pano ka nakapasok sa mundong ito, mortal?"
Tinatanong niya ba ko?
"Master Levis?"
Agad-agad ay biglang lumabas sa loob ng blouse ko si Alivia. Naka-school uniform kasi ako.
"Alivia" sabi nung matanda "Binihag ka ba ng dalagang mortal na yan?"
Agad-agad umiling sa kanya si Alivia pagkatapos ay umupo sa aking balikat.
"Siya na po, Master" sabi ni Alivia na nakangiti. "Siya na po"
"Nasan si Vane?"
"Ah, nasa bag ko po"
Akmang kukunin ko ang bag ko ng bigla ay mas inilapit sa akin ng mga kabalyero ang mga sandata nila. Natigil ka balak ko— I mean ang gagawin ko.
"Itigil niyo yan!" sigaw ni Alivia.
"At bakit, Alivia?"
Nakalabas na rin sa wakas si Vane.
"Ang init sa loob" pinunasan pa nito ang sariling noo "Grabe prinsesa, ano po ba yong mga nandoon?"
Nagulat ang mga kabalyero pati na rin ang matanda.
"Prinsesa?" nakakunot noong tanong nung matanda.
Napaharap naman si Vane rito.
"Master Levis" nakangiti na rin sa wakas si Vane "Nakita na po namin si prinsesa beauty, Eto na po siya oh" sabay lapit nito sa akin.
Nagulat ito at nanlaki ang mga mata.
"Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko sa awra mo" biglang saad nito "Patawarin mo ko, prinsesa"
Agad-agad naman itong lumuhod kasama ng mga kabalyero.
"Uyy, ayos lamang po" sabi ko "Tumayo na po kayo"
Tumayo naman na silang lahat.
"Aming prinsesa beauty" sabi nung matanda "Ako nga po pala ang salamangkero ng Power Academia na si Levis"
"Ah, kamusta po kayo lolo Levis"
Ngumiti ako at ngumiti rin ito sa akin pabalik.
"Alis na tayo, pwede na ba?" biglang tanong ni Vane. "Naiinip na kasi ako, Master Levis"
"Maari ba, prinsesa?"
Hindi ko alam ang ibig sabihin ng tanong nito pero tumango na ako. Para kasi ang ibig sabihin nito ay pwede na ba kaming umalis.
•••
"AAAAHHHH!!!"
"Wag po kayong matakot, prinsesa"
Nagsasalita siya! God! Hindi to totoo!
"Walang nagsasalitang higanteng kabayo— Ay! Unicorn!" sabi ko "Hindi ka totoo"
Tumawa naman na ito.
"Totoo po ako" sabi nito na nakangiti.
"Sumakay na kayo, prinsesa" ani ni Lolo Levis "Para po makaalis na tayo papuntang power academia"
Naaliw siya sa takot ko.
"Ehhh" angal ko "Ayaw ko diyan"
"Sige na naman na, prinsesa" sabi nung unicorn "Naiiyak na ko"
Hala! Ang Pabebe naman nang unicorn na to.
"Wag mo kong ilalaglag ah?" paninigurado ko.
"Yun ang pinagkabagay na hinding hindi ko po maaaring magawa, prinsesa, kaya magtiwala po kayo" sabi nito.
Napaisip naman ako.
"Sige na nga" sabi ko sabay tingin kay lolo Levis "Kayo po?"
"Sasabay ako, prinsesa, wag po kayong mag-alala" sabi nito "Wag kayong mag-alala dahil may panangga yan"
"Ahhh"
At sumakay na ako.
"Handa na ba ang lahat?" tanong ni Lolo Levis.
Sumagot naman na ang lahat ng kabalyero. Nakakainis naman dahil normal na kabayo lang ang sinasakyan nila samantalang ako sa higanteng unicorn pa. Hindi naman sa ayaw ko sa unicorn, actually gusto ko nga ito nung bata ako, ang kaso lang sabi sa akin ay hindi naman daw totoo ang ganitong klaseng hayop kaya sumuko na lamang ako kaya nung makakita ako nito kanina ay talagang nagulat ako.
Matutuwa na sana ako kung hindi ito nagsalita at kung hindi ito lilipad eh. My fear of height kasi ako.
"Prinsesa wag po kayong pumikit, tignan niyo po yung nasa baba para malaman niyo ang buong lugar sa other world" utos ni Lolo Levis "Hindi niyo na po kasi iyan masasaksihan kapag nakarating na tayo sa power academia"
Dahan-dahan naman akong napadilat pero nung nakita ko ang baba habang lumilipad kami ay agaran ko rin itong isinara.
"Ayoko po Lolo" hiyaw ko. "Takot po ako sa matataas eh"
"Ganun ba?" tanong nito "O sige, wala naman na akong magagawa riyan pero matutulungan naman kitang malaman ang lahat" sabi nito.
"Pano po!"
Bahagya itong tumawa.
"Sa power academia ko sasabihin"
"Sabik na po ba kayong makita ang inyong ina, prinsesa?" biglang ibinulong sa akin ni Alivia.
Nasa balikat ko nga pala ito.
"Prinsesa?"
Hindi na lamang ako umimik. Ano nga ba nararamdaman ko sa aking ina? Sabik ba o galit?
"Prinsesa?"
"Wag mo na lamang gambalahin, Alivia" narinig kong utos ni Lolo Levis
"Oo nga naman, Alivia" sabi naman ni Vane "Baka nakatulog na ang ating mahal na prinsesa"
"Mabuti pa nga" sabi ni Alivia "Ambunin ka po sana ng mga magagandang panaginip, prinsesa Briana" bulong nito sa akin tenga.
At dahil sa pagpapanggap ko ay nakatulog na ako.
Master Levis's POV
"Bakit niyo po siya pinatulog, Master Levis?" tanong sa aking ni Vane.
"Sa tingin ko hindi pa siya handang makita si Reyna Beauty, Vane, Alivia" sabi ko.
"Bakit na naman po, Master Levis?" tanong sa akin ni Alivia "Sigurado naman pong sabik na sabik na siya sa kaniyang ina, Master"
"Hindi ko alam, Alivia" sabi ko "Ramdam kong may hinanakit siya sa kanyang ina"
"Ano pong klaseng hinanakit?" tanong ni Vane "Galit o poot?"
"Sa tingin ko ay galit?"
"Paano niyo naman po nasabi iyan, Master?" nakakunot noong sabi ni Alivia.
"Sa pagkat nararamdaman ko siya"
"Sa paanong paraan po?" muli akong tinanong ni Alivia.
"Matanong ko nga kayong dalawa," humarap ako sa kanila "Paano niyo nalaman na siya nga?"
"Dahil maganda siya?" si Vane.
Umiling naman si Alivia pagkatapos ay inis na binatukan si Vane.
"Aray ko, Alivia!" daing ni Vane "Masakit yon ah!"
"Hindi yon ang sagot, hangal na mediocris!" sabi nito "Ang sagot ay siya'y mabuti at hindi lamang po iyon, master" nakangiti ito "Dahil na rin po sa taglay na kanyang bukal na loob at katangian idagdag pa ang kwintas na nagpapatunay na anak siya ni Queen Beauty at ng diyos ng apoy"
Ngumiti ako pagkatapos ay tumango-tango.
"Tama ka, Alivia" sabi ko "Tama ka nga" tumingin ako sa prinsesa "Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang ipadala namin ng reyna"
"Sa tingin niyo po, ano kayang magiging reaksyon niya mamaya?" tanong naman ni Vane.
"Saan?"
"Sa kanyang ina, sa kanyang ama, at sa kanyang katauhan" sagot nito "Maaari po din kasi siya ang itinakda"
"Tama ka pero pwede rin naman den si prinsesa Arrie"
"Dalawa lang naman po silang prinsesa na may taglay na kapangyarihan na ugnay sa ganda, hindi po ba?" tanong naman ni Alivia
"Oo, pero hindi naman na sinabi sa propesiya na nakauganay iyon sa kapangyarihan ng ganda kaya maaari ding iyong ibang prinsesa gaya ng anak ng diyos ng tubig si prinsesa Agua"
"Tama nga po" nakangiting saad ni Alivia "Pero gusto ko si prinsesa Briana na lang"
"Hindi na tin iyan masasabi, Alivia" ako "Hindi natin iyan masasabi"
"Master nagtataka lamang ako" muli sabi ni Alivia
"Bakit?"
"Kasi master bakit po pinadala ng reyna beauty ang anak niya sa mundo nang mga mortal?"
Napaisip ako sa kanyang mga sinabi.
"Malapit na po tayo, Master!" sigaw sa akin ng isang kabalyero.
"Sa wakas, nakauwi na rin" Vane.
"Ang Power Academia!" Masayang sigaw ni Alivia "Sa wakas, malapit na tayong makauwi sa Magnum Mysterium!"
"Ingay mo!" angal naman ni Vane kay Alivia.
"Ewan ko sayo, Vane" nakasimangot na saad sa kanya ni Alivia "Nakakainis ka kasi kaya nakakainis"
"Ewan ko sayo hindi kita maintindihan"
Umirap lamang sa kanya si Alivia.
Briana's POV
"Prinsesa, gising na po kayo, naandito na po tayo"
Sino ba yun? Ba't ang liit ng boses?
"Prinsesa Beauty namin" niyugyug pa ako nito. "Prinsesa gising na po nandito na po tayo sa power academia"
"Prinsesa" boses ba ni itay yon? Bakit parang boses ng matanda? "Nandito na po tayo sa power academia kaya kung maaari lamang po na gumising na po kayo"
"Mamaya na lang tay!"
Nananaginip na naman ako. Naghiwalay na daw kami nila inay at itay. Hindi ko daw sila tunay na magulang na ampon ako at ang nanay ko ay isang reyna tapos ang tatay ko naman daw ay isang diyos ng apoy.
Unbelievable right?
"Pakiusap po, prinsesa beauty"
Kelan pa ko tinawag na prinsesa beauty ni itay?
Alivia's POV
"Tay naman, sabado naman na. Mamaya na lang po at pagod pa ko sa project namin. Mamaya na lang po ako magsasaka ng palay, pangako yan teks man" tinaas ko pa ang aking kaliwang kamay.
Napahawak ako sa aking bibig upang mapigilan ang aking pagtawa dahil sa sinabi ng prinsesa.
"Nagsasasaka siya?" nakakunot noong tanog ni Master Levis
Nagkibit balikat na lamang ako.
"Hindi ko po alam yan, Master"
"Prinsesa, gising na po kayo" Si Vane naman yung gumigising dito.
"Nay, maya na po!"
Hala nagsasalita na ng tulog ang prinsesa. Napapalo naman sa sariling noo si Master.
"Wala na kong magagawa" Naku! Naku!
Nilabas na ni Master ang wand nito.
"Exponentia gratia et vertas accentus ex hoc princeps excito!"
Biglang lumutang si prinsesa beauty at hayun na nga nahulog sa damuhan. Napatawa na lamang kami ni Vane.
Briana's POV
"Aray!" sigaw ko "Asan ako?!"
"Prinsesa! prinsesa!"
May nakita akong dalawang maliit na tao na may pakpak na lumilipad paroon sa akin. Napaatras naman ako.
"S-sino k-kayo?"
Pinagmasdan ko ito ng maigi at—
"Alivia? Vane?"
So totoo yung panaginip ko?!
"Bakit nga pala ako naandito?" tanong ko.
Nagkatinginan naman yung dalawa.
"Hindi ba nasa higante akong unicorn na nangsasalita eh papaano ako napunta dito?" tanong ko.
Hindi naman nila kasi ako mabubuhat sa liit nilang yon? Like Haler!
"Ako ang may gawa niyan, prinsesa, paumanhin" ani ni Lolo Levis "Binuhat niyo po ako papunta rito?"
Umiling naman ito.
"Ginamitan kita ng salamangka" sabay labas ng stick sa kamay nito. "Patawad prinsesa"
"May mahika ka?"
Tumango ito.
"Ibig sabih—"
"Lumutang ka kanina, prinsesa tapos nalaglag ka sa may damuhan" sagot naman ni Vane na natatawa.
"Ano?!"
Hindi ako makapaniwala.
"Bakit niyo naman po ginawa yun, Lolo?" tanong ko.
"Paumanhin, prinsesa" bahagya itong yumuko pagakatapos ay humarap sa akin
"Pwede niyo naman na sana akong gisingin noh" umirap pa ko.
"Hindi ka kasi magising, prinsesa" sagot ni Vane
"Kaya wala nagwa si Master Levis kung hindi gamitin ang salamangka nito" sabi naman ni Alivia
"Hayyy, yan nga pala ang problema sa akin" sabi ko sa sarili "O siya bakit niyo ko ginisin?"
"Naandito na kasi po tayo sa power academia" nakangiting saad sa akin ni Alivia sabay turo sa may—
Anlaki! Parang isang palasyon. Pero sobra naman ata ito sa laki.
"Yan ba ang kaharian namin?" tanong ko.
Umiling sa akin si Master Levis.
"Eh kung ganun nasan po tayo, lolo?"
"Nasa iskwelahan. Ito ang power academia. Ang lugar na ito ay isang paaralan at pagpupulungan nang mga Kaharian at konseho"
"At ano namang ibig sabihin mo dun?"
"Paaralan ito ng mahalika, prinsesa" Alivia "At pagpupulungan sapagkat dito nilalahad nang mga kaharian ang mga balita sa mga kanya kanyang kaharian"
Tumango naman na ako.
"Eh nasan pala ang palasyo na sinasabi niyo sa akin?"
"Sa loob namin masasagot lahat ng iyong kasagutan, prinsesa beauty" Lolo Levis "Kung kaya't tara na"
Pumasok na ito sa loob at kami naman ay sumunod na.
"Asan na pala yung mga kabalyero kanina?"
"Nasa kaninang tirahan na po, yung iba nasa kaninang binabantayan" sagot sa akin ni Vane.
Tumango tango naman na ako.
"Kelan na buo tong power academia na to?"
"Nung araw na nabuhay ang mga diyos" sagot naman na sa akin ni Alivia
"Yung diyos ba na iyon ay ang aking ama?" tanong ko.
Umiling naman na si Vane at Alivia.
"Hindi lamang po siya, prinsesa" sagot naman ni Lolo Levis.
"Ganun?"
Pagkatapos niyon ay hindi na ako nagsalita at sumunod na lamang. Sobrang namangha ako sa paligid dahil sa ganda.
Maya-maya lamang ay nakarating nakami sa isanag malaking pintuan.
"Naandito na tayo" anusyon ni Lolo Levis.
Binuksan na niya ang pintuan at ganoon na lamang ang pagkagulat ko sa aking mga nakita sa loob.
Namangha ako.
"Ang ganda"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro