Chapter 2:The Truth
"You may be hurt by the truth, but it's better than living with a lie. Use this approach with your loved ones: it's generally better to tell them the truth than to lie to them to make them feel better."
-Unknown
•••
Alivia's POV
Ang ganda naman niya. Siya na kaya yung prinsesa ng phoenix kingdom?
"Pasukin na kasi natin" asar na saad sa akin ni Vane "Kanina pa tayo dito, Alivia. Naiinip na ko"
"Maya na" sabi ko. "Mag-aantay pa tayo. Kailangan natin siguraduhin kung tama tayo o hindi"
Ang ganda niya talaga. Sigurado na akong siya ang nawawalang anak ni Queen Beauty, walang Duda!
"Kung ayaw mong pumasok eh di ako na lang" inis na siya. "Nakakainip na!"
Tinaliman ko ang tingin kay Vane. Mainipin kasi.
"Isa kang mediocris, ang trabaho natin ay puntahan ang nawawalang anak ni Queen Beauty at hindi ang magreklamo at mainip!" sermon ko sa kanya "Dapat kasi si Agaya na lang yung ipinasama sa akin ni Master Levis eh, Hindi ikaw!"
"HMPH!"
Tignan mo to kalalaking diwata nang-iirap.
"HMPH ka rin" pag irap ko naman sa kanya "Kala mo ah"
Tsaka ito tumingin muli sa akin.
"Pasok na kasi tayo" pamimilit nito pagkatapos, bumuntong hininga pa siya "Hindi naman na tayo makikita kasi maliit tayo kaya pumasok na tayo at dahil ayoko na sa dilim"
"Ewan ko sayo, alam mo ba yon?"
"Hindi" sagot nito.
"Bahala ka na nga diyan."
Bigla ay napasigaw ito dahilan para mapatingin sa amin ang pamilya.
"Patay" bulong ko "Nakita na nila tayo."
"Hala!" sigaw ni Briana "Nay! Tay! Nananaginip ba ko?" tanong nito. "Mga maliliit na taong lumilipad" lumaki pa lalo ang kaniyang mata.
Kita kong sa mag-asawa ang gulat pero agad rin itong napawi.
"Pumasok muna kayo" seryosong sabi nung matandang lalaki sa amin. "Alam namin ang sadya niyo"
Nagkatinginan na lamang kami ni Vane pagkatapos ay lumipad papasok sa kanilang maliit na kubo.
"Lumilipad talaga" sinampal-sampal pa nito ang sarili. "Diyos ko inay, itay. Minamaligno na ata tayo. Baka nakaapak ako ng nuno sa punso, kaya nandito yang mga yan para pagbayarin tayo"
Tumingin ito sa amin at paulit-ulit na yumuko nang yumuko.
"— Naku, sorry po kung anong nagawa ko. Patawarin niyo po ako. Hindi ko na po uulitin wag niyo po kaming parusahan"
Natawa naman ako sa kanya.
"Wag kang mag-alala" sabi ko sabay ngiti "Hindi kami ganun"
At dun naman siya napabuntong hininga.
"Thank god salamat naman" bigkas niya. "Pero nananaginip ba ko? Liek seriously?"
Sasagot na sana ako ng biglang lumapit sa amin ang inay nito. Nagtaka pa nga kami ni Vane ng isara nito ang pintuan at bintana.
Seryoso ito sabay harap sa amin, pati na rin yung kaniyang itay ganun rin. Ilang saglit lamang tumangis na ito pareho sa amin habang nakaluhod.
"Pakiusap wag" sabi nung matandang babae "N-Nakikiusap ako w-wag muna"
Nagkatinginan kami ni Vane dahil sa sinabi ng magandang babae.
"Kayo yun?" tanong ni Vane. "Kayo ang mga mortal na sila Jome at Ana na sinasabi ng reyna Beauty?"
Malungkot na tumango sa akin ang babae.
"Labing-anim na taon na nung huli sa aming ihabilin nung babaeng reyna na kumikinang si Beauty" lumuha ito habang lumuluhod sa amin "Pakiusap wag niyo muna siyang kunin"
Iyak neto, para na itong humahalik sa semento dahil sa pagyuko.
"— Mahal namin ang batang ito"
Nagkatinginan naman kami ni Vane. Ito na nga. Sila na nga. Ang dalawang mag-asawang kumupkop sa anak ni Queen Beauty.
"— Mahal na mahal namin siya, bigyan niyo pa po kami ng oras para makasama siya kahit sandali pa. W-Wag niyo muna siyang kunin"
Humagulgol na ang mag-asawa. Gustuhin ko man na pagbigyan sila ay hindi pwede lalo na at ito na pala ang prinsesa. Kailangan na siya nang kanyang ina at nang mundong kinabibilangan niya.
"May gemma ba siya?"
"Anong?" tanong naman nung lalaki. "Yung kwintas ba?"
Tumango ako.
"Yun nga"
"Nasa kaniya"
Itinuro nito si Briana. Lumapit naman ako at kita kong may kwintas naman ito pero hindi ito yung gemma. Malayong ito yung Gemma.
"Teka" Anito, mukhang natatakot pa sa nangyayare "Sino ba kayo? at bakit ganon na lang sila inay at itay?"
Tinangka kong kunin yung kwintas pero hinablot niya ito pabalik.
"Wag mo ngang kunin ito," nilayo niya pa sa akin. "sa akin to eh"
Hinugot ko naman at tumulong naman sa akin si Vane pero hindi naman nakuha.
"I-ibigay mo na sa kanya yan, Briana" ani ng babae
Lumuluha pa rin ito at tulala sa nangyayare
"Ano ba kasing meron inay?"
Yumuko lang sa kanya ang babaeng tinatawag niyang Inay at dun ako nagkaroon ng pagkakataong kunin yung kwintas pero dahil sa kapabayaan ko ay nabitawan ko ito.
At nabasag.
"Hala lagooot" hiyaw ni Vane "Umiilaw?"
Oo nga noh—ay hindi! May sunog!
"Anong nangyayari!" sigaw ni Briana "May sunog! Oh my god! Sunooog! Mga kapitbahay!"
Nagsisisigaw pa rin ang dalaga nang makitang tahimik kami at hindi gumagalaw ay natahimik ito. Pinakiramdam ko ang sarili ko ganun den sila— Wala kaming nararamdaman sunog.
"Huminahon ka nga lang muna, prinsesa Briana"
Dahan-dahan akong lumapit sa liwanag at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mata sa nakita.
"Ignis Phoenix Gemmae" Ito na nga. Tumingin naman ako kay Vane sabay ngiti "Est ea"
"Vere?!"
Tumango naman ako.
"Ikaw nga!" sigaw ko saby tingin kay Briana "Celsitudinem tuam"
"Huh?" kumunot ang noo nito. "Hindi ko kayo maintindihan"
"Ang aming prinsesa" sabi ko na naluluha "Mahal na prinsesa phoenix" bahagya akong yumuko ganoon rin si Vane.
Kita ko namang mas humagulgol ang mag-asawa.
"Makakasama mo na ang iyong ina" ani ko "Makakauwi ka na"
Lumaki ang mata nito.
"ANO BA YANG SINASABI MO?!" Hiyaw nito "Naguguluhan na ko"
Lalapitan na sana namin siya ni Vane nang pigilan kami nung mag-asawa.
Lumapit sila kay Briana at niyakap ito habang umiiyak, ganoon rin si Briana. Nadudurog ako sa ganitong mga eksena.
"A-anak" panguna ng lalaking kinalakihan niyang tawaging itay "Matagal na naming gustong sabihin ito sayo ng nanay mo pero natatakot kami, anak" tumulo ang luha nito.
"Tay, nay i-ibig po sabih—"
"Oo" sagot ng babaeng tinatawag niyang Inay "Hindi ka namin tunay na anak" Umiiyak nitong paliwanag sa prinsesa "Anak nung mga oras na iniwan ka nang iyong tunay na ina rito sa puder namin ay labis kaming natuwa, mahal na mahal ka namin kaya ka namin minahal kahit na hindi ka namin kadugo, pero kahit na mawawala ka sa amin ngayon tatandaan mong ikaw lang ang anak namin ah?"
Hindi ito sumagot bagkos ay yumakap ito sa mag-asawa. Ako naman ay dinampot na lamang ang gemma, hindi ko kasi maatim ang ganito.
Masakit ito sa puso. Nakakadurog.
"S-sino siya" tanong ni Briana habang yakap ang mag-asawa "S-sino yung nanay at tatay ko" umalis ito sa pagkakayakap ng mag-asawa at tumingin sa amin ni Vane.
"Si Queen Beauty" sagot ko "Reyna siya ng Phoenix Kingdom"
Hindi ito kumibo bagkos ay lalo pa itong umiyak. Yinakap lang siya nang mag-asawa.
"A-ang s-sakit" sabi nito. "Ang sakit sakit"
At bigla itong nawalan ng malay.
"Briana anak!"
"Prinsesa!"
•••
Briana's POV
Nang magising ako ay sinabi sa akin nila inay at itay ang lahat, kung bakit nasa kanila ako at kung bakit nasa puder nila ako, pero alam kahit na anong paliwanag nila sa akin hindi ako nakinig, ayaw ko at hindi ko magagawang iwan sila.
Sila inay at itay ang pamilya ko. Sila lamang at wala nang iba kaya hindi ako aalis! Hindi kailanman! Bakit ba hindi nila iyon maintindihan?!
"Nanay, Tatay, ayoko pong umalis" iyak ko. "Please po, wag niyo kong ibigay"
"Para sa ikakabuti mo rin ito, Briana Beauty, anak" ani naman ni tatay "Ayaw namin pero magandang sumama ka na"
Humagulgol akong napayakap sa kanilang dalawa.
"A-ayoko p-pong umalis, pakiusap" pumiyok pa ako "Nay! Tay!"
"W-wag ka naman ganyan, Beauty"
Lumayo si itay at inay sa pagkakayakap sa akin.
"Kanina ayaw niyo ko umalis bakit ngayon pinapaalis niyo na ko?"
"Anak naman! Ayaw man namin pero kailangan!" Ani ni itay "Pinahiram ka lang sa amin"
"Anak, Briana," Sabi naman ni Inay "Para ikakabuti mo rin Ito anak"
Umiling lamang ako nang umiling.
"Ang gulo niyo," humahagulhol na ko nang iyak" Ayaw niyo na siguro sa a-akin"
"Makinig kang mabuti sa amin, Beauty" pangunguna ni itay "M-mamimiss ka namin ng nanay mo lalo na yung paghihilik mo tapos pag-utot mo"
Si tatay talaga, nagpapatawa pa. Napanguso na lamang ako.
"Wag niyo na kasi akong paalisin" ngumawa na ako. "Dito n-na Lang ako"
Tumawa naman silang pareho kahit na naluluha.
"Pag hindi ka umuwi sa tunay mong mundo, ikaw rin ang mapapahamak" sabi ni inay "Ayaw naman naming mangyari iyon, anak. Mahal na mahal ka namin"
Umiyak na lamang ako.
"Tama sila prinsesa" sabat nung diwata na babae.
Ano nga bang pangalan nito?
"— Siya nga pala ako po pala si Alivia ang inyong Mediocris na itinalaga ni Queen Beauty" nakangiti pa ito sa akin "Siya naman po si Vane, kamahalan" sabay turo nito sa lalakiing diwata.
"Mediocris?"
Napakunot noo ako— ano yun?
"Ang mediocris ay isang pong diwata, kamahalan"
Tumango ako.
"Kailangan ko ba talagang pumunta?"
"Opo" sagot nung dalawang mediocris
"Bakit?"
"Dahil anak po kayo ng diyos ng apoy"
Nakakunot ako nang noo sa sinagot nila sa akin— Say what?
"Ano?" Ulit ko "Paki-ulit nga"
"Diyos po ng apoy na si phoenix" sagot ni Vane "Diyos po, prinsesa"
"Tatay ko ay isang diyos?"
Hindi ako makapaniwala, halos manlaki pa ang aking mga mata sa sagot niya.
"Opo" nakangiting tumango sa akin si Alivia "At ang inyong ina naman ay isang dakilang reyna"
"Teka, teka lang saglit ha" napakumpas pa ako ng aking kamay sa mga sinabi nila "Parang hindi ma-sink in sa utak ko eh"
Napahawak pa ko sa ulo ko— Nastress ata ako bigla.
"Masakit po ba ang inyong ulo?" bigla itong nataranta. "Gusto niyo po ba nang halamang gamot, prinsesa?"
Napangiwi ako sa pagkataranta niya.
"Hindi na, salamat"
Napabuntong hiniga naman ito— Relief na okay ako?
"Eh ano po?"
"Wag niyo nga akong i 'po'" utos ko "Dalaga pa ko at hindi matanda"
"So matanda na kami"
Sabat ni inay sa aming usapan. Ngumiti naman ako sabay yakap sa kanila.
"So, hindi na po ba ako aalis?" tanong ko. "Dito na po ba ako?"
Umiling sila pareho sabay ngiti ng bahagya, kita ko sa kanilang mga mata ang pagpigil nila sa kanilang mga luha.
Hindi ko na napigilan pa lalo ang aking damdamin. Napahagulgol na ako at napayakap na tumayong mga magulang ko.
"Nay, tay" iyak ko sa kanila "W-wag n-na k-kasi. Please p-po"
"Hindi nga pwede kasi anak" sabi ni itay. "Kung ako lang ang masusunod gusto ko dito ka na lang habang buhay sa amin, Beauty"
Malungkot naman akong ngumiti.
"Sige na anak" sabi ni inay "Alis na, Shoo! Shoo! Huwag kang babalik kung hindi magagalit ako"
"Nay naman eh"
Napanguso ako sa kanila.
"Anak naman don't make this hard for us— ay ano ba yan! napapa-english na ko!" sabi ni inay na natatawa. "Bwisit!"
Natawa rin naman kami in itay habang naluluha.
"Halika na mahal na prinsesa" sabi ni Alivia "Aalis na po tayo"
Ngumuso naman na ako. Tumango naman sila inay at itay sa akin.
"Yung kwintas mo baka naman mawala yan ha?" bilin ni inay. "Ingatan mo"
"Hindi po"
"Beauty dalhin mo na rin ito" sabay bigay sa akin ni itay ng antigong kwintas
"Tay naman" angal ko na naiiyak muli "Kwintas niyo ni nanay yan bakit niyo naman po ibibigay sa akin?"
"Briana tanggapin mo na" sabi ni inay "Naandyan ang picture natin ng tatay mo para naman kahit napapaano hindi mo na kami mamiss"
Naiiyak na yumakap ako sa mga ito.
"S-salamat p-po" sabi ko "M-mahal n-na m-mahal ko po k-kayo"
"K-kami rin anak" sabi ni itay "Kami rin"
Bago ako lumisan ay binigayan pa ako nila inay at itay ng halik sa aking noo.
"M-Mag-ingat ka, Briana" hagulhol na yakap sa akin ni inay "Mamimiss kitang b-bata ka"
Mas napahagulhol na rin ako sa sinabi ni inay.
"Nay naman eh!" Himutok ko habang nag-iiiyak "Hindi Talaga ako makakaalis kapag ganito eh"
Humigpit ang yakap sa akin ni inay, lumapit na rin si itay sa amin at nakisali na sa pag yakap sa aming dalawa.
Nagiyakan kaming tatlo.
"Kahit anong m-mangyari, n-nandito lang k-kami, a-anak"
Umiiyak akong tumango sa kanila.
"T-Tayo na po, prinsesa?"
Napalayo kami sa isa't isa at muling nagyakapan, hinalikan pa nila ako sa noo at sabay ngumiti sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro