Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: Tea Party

"Be yourself— not your idea of what you think somebody else's idea of yourself should be"

-Henry David Thoreau

•••

Briana's POV

"Isa sa mga magiging aralin natin para sa araw na ito ay kung papaano magdaos nang isang simpleng paggawa nang masarap na tsaa"

Napabusangot ako habang pinakikinggan si Ministro Rouel sa kanyang tinatalakay— importante para sa isang may dugong bughaw ang bawat hakbang at aralin para matuto kami maging isang disiplinadong pinuno balang araw.

"— Ang paggawa nang tsaa ay isang tradisyon na ginagawa nating mahaharlika bilang alinsunod sa ating kultura. Nagmula pa ito sa ating mga ninuno na pinalakalap pa sa mundo nang mga mortal."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Ministro Rouel— totoo na ang Tea Culture ay nagmula sa mundo nang mga mortal pero nag-umpisa ito sa isang bansa at napasa sa ibang kalapit na bansa— marami ngang iba't ibang klase nang masasarap na tsaa na ginagawa sa iba't ibang kumpanya bilang herbal tea, sweet tea, black tea, refreshing mint tea DYI tea blends, loose leaf tea, yellow tea, fermented tea, white tea, Oolong, green tea at siyempre ang sikat na sikat na milktea.

"— Ang paggawa nang isang tsaa ay hindi biro hindi katulad nang sa mundo nang mga mortal sa kanila ay gumagawa nang kung ano anong klaseng kemikal na hindi angkop at ligtas— tayo ay gumagamit nang mga sangkap na binibigay nang ina nang kalikasan"

Kinuha niya ang malaking libro na nasa harapan niya bago isuot ang salamin ay may kung anong binasa dun— ilang segundo lamang ay ikinumpas niya ang kamay niya.

"Magnitudo naturae sancta mater mea ut det mihi potius donum tea pro hodie!" he chanted.

At ilang minuto lamang ay may mga halamang dahon at bulaklak ang nasa lamesa ni Ministro Rouel— napatingin ako sa paligid at kitang kita kong halos lahat nakikinig, ibinalik ko ang atensyon sa harapan.

Nakita kong inayos ni Minitro Rouel ang mga sangkap bago muling humarap sa aming lahat.

"— Isang napalaking pagsubok ang paggawa ng kakaibang uri nang tsaa na inyong gagawin, kabilang ang mga magiging kakaibang sangkap nito. Maaari kayong mag-eksperimento sa mga bawat sangkap na inyong nais gamitin para sa pagkamit ng mga bagong lilim ng lasa at aroma na inyong gagawing tsaa"

Pumalakpak ang ministro at parang may binulong na chants sa hangin— segundo lamang ay may hugis kahon na bakal na may lamang umuusok na tubig ang biglang lumitaw— Sinundan ko lamang ang ginagawa ni Ministro Rouel at halos mamangha ako dahil minuto lamang ay nakagawa na siya nang tsaa gamit ang ilang dahon iyon.

"— Ang aking ginawang tsaa ay isang halimbawa nang iyong maging pagsusulit sa susunod na linggo. Nais ko kayo na maghanap at simuri nang inyong gagawing tsaa sa gamit ang mga sangkap na bigay ni inang kalikasan— pag-aralan niyo kung makakatulong ba sa katawan nang isang nilalang ang inyong tsaa at kung bakit mo pinili ang mga sangkap na iyong gagamitin"

Muli niyang kinumpas ang kamay at nagbanggit nang Engkantasyon at ang isang tsaang ginawa ni Ministro Rouel ay naging sampu— pagkatapos ay agad itong lumutang papunta sa amin.

Nakita ko namang lumapag ang tsaa sa lamesa ko ganun rin sa iba— they smell and tasted the tea as they were like examine it. Kinuha ko naman ang tasa na may lamang tsaa ko at agad itong tinikman.

Napaawang pa ang bibig ko nang malasahan ko na hindi mapait ang tsaa nang ininom ko ito, hindi gaya nang mga nalalasahan kong tsaa na grabe ang pait!— Inilapit ko ang ilong ko sa tsaa at inamoy ang aroma nito pero napangiwi dahil wala naman akong naamoy na kaaya-aya— kung anong kinasarap nang tsaa ganun naman ang kabaligtaran sa amoy nito although na hindi naman ganun kasama ang amoy— parang amoy sunog lang na kanin.

"Ministro Rouel"

Napalingon ang lahat nang magsalita si Arrie— humarap naman sa kanya si Ministro Rouel at napataas ang isang kilay bilang pagtugon dito.

"Ano po kamahalan?"

"Napansin kong kakaiba ang amoy nang tsaa na ito—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang putulin ni Ministro Rouel ang sasabihin niya.

"Kamahalan, ang amoy na iyan ay isang pagpapanggap lamang" ngumisi si Ministro Rouel "Kung maaari lang ay haluin niyo ang tsaa at muling tikman at amoyin ang aroma"

Agad naman namin siyang sinunod— sabay sabay naming hinalo ang kanya kanya naming tsaa at pagkatapos ay ininom ang inamoy ito.

Halos mapanganga na lamang ako at hindi makapaniwalang tumingin sa tsaang ininom at inamoy ko— it was mere impossible na naiba ang amoy at lasa nito but it exist!— ANG GALING NI MINISTRO ROUEL!

"Hindi ako makapaniwala" ani ni Stella, napasinghap pa ito sa gulat "Ministro, paano naging ganito kasarap ang lasa nang tsaang ito— at ang amoy niya na parang bulok na itlog kanina ay nag-amoy mahalimuyak na bulaklak nang rosas."

Ngumisi ang ministro at humarap sa amin.

"Simple lamang ang sagot diyan mga kamahalan— ang tsaang iyan ay hinaluan ko nang dahon egre"

Kumunot ang noo nang lahat sa sagot niya, lalo naman ako— anong klaseng halaman ang egre?

"— Isa itong batong halaman na nakita at pinag-aralan ko kamakailan lamang, tumutubo ang halamang ito sa mga bulubunduking lugar at bibihira lamang na tumubo kada isang beses sa ika-tatlumpung taon— napag-alaman kong kaya nitong gumamot nang nilalang na may sakit sa puso, kaya'y napaisip ako kung maaari itong gamot sa puso, maaarin rin kaya itong maging isang tsaa? At hindi nga ako nagkamali dahil pambihirang tsaa ang aking natuklasan."

Natulala na lamang kaming lahat kay Ministro Rouel.

"— ito ang magiging pagsusulit niyo sa susunod na linggo— nais kong gumawa kayo nang tsaa na gawa sa inyong bersyon— kung saan magkakalap kayo nang mga kakaibang sangkap"

Napalunok naman ako nang sarili kong laway dahil sa sinabi ni Ministro— patay ako nito! Matinding research pala ang gagawin ko nito!

Bago natapos ang klase ay nag bilin muna ang Ministro nang mga mangyayari sa aming maging pagsusulit pagkatapos nun ay nagpaalam na siya sa amin para umalis.

"Briana"

Nagitla ako nang yumakap sa akin ang ngiting ngiting mukha ni Aloura— kasabay nun ang paglapit nila Agua, Timothy, Adrian, Stella at Gian sa akin. Nahagip nang mata ko na umalis si Dark habang sila Arrie naman at Michiko ay nasa gilid at mukhang may pinag-uusapang kung ano.

"Tila yata nangangamba ka sa darating na pagsusulit, Briana" ani ni Stella sa akin

Napanguso akong tumango sa kanya.

"Bakit ka naman mangangamba, Briana?" nakangiting tanong naman sa akin ni Agua "Hindi naman mahirap ang pagsusulit na ito"

Ngumiwi ako sa kanya bilang tugon na ikinatawa nilang lahat.

"Anong hindi mahirap? Mahirap kaya!" angal ko "Hindi ko naman kasi kabisado ang mundong ito, sigurado malilito lang ako sa mga halaman na gagamitin ko— baka nga mamitas lamang ako nang kung ano dyan eh"

"Magtiwala ka sa iyong sarili, Briana" ani naman ni Timothy

"Tama siya! Kaya mo yan!" pagdugtong naman ni Adrian.

Mas humaba pa ang panguso ko dahil dun— nakow nakow!

"Kayo talaga, wag niyo na nga ako binobola pa, alam ko sinasabi niyo lang yan para pagaanin ang loob ko pero— mahirap kasi eh sa totoo lang" ani ko, nakabusangot "Pero kasi wala akong alam sa paggawa nang tsaa, mangangapa pa ata ako at kailanganing aralin lalo pa't sa susunod na linggo na ang darating na pagsusulit"

"Huwag kang mangamba Briana" ani naman sa akin ni Timothy "Ang Reyna Beauty, ang iyong ina ay eksperto na sa paggawa nang masasarap at mabangong aroma nang tsaa— matutulungan ka niya"

Nanlaki naman ang mata kong napatingin sa kanya— para akong nabuhayan nang loob sa sinabi niya sa akin.

"Totoo ba yan Timothy?"

Tumango naman siya sa akin bilang tugon.

"Natikman ko na ang espesyal na tsaa nang iyong ina, Briana" ani naman ni Stella "Noon yun nang bumisita kami sa inyong palasyo— ang sabi nang mga tauhan niyo bihira lamang daw gumawa ang reyna Beauty nang tsaa lalo pa at sabay iyon ginawa nang iyong ina at ng namayapang si Haring Ragus."

Tumungo naman ako nang dahil dun.

"Sigurado baka hindi ako matulungan ni Ina" ani ko "Baka dahil sa tsaa na ginawa nilang dalawa ni Tatay Ragus eh maging emosyonal pa siya. Wag na lang!"

Tumawa naman silang lahat dahil dun kaya napatingin sa amin sila Arrie at Michiko— nakita naman nila akong napatingin sa kanila pero tinugunan lamang nila ako nang irap— at pagkatapos nun ay umalis na rin sila.

"Subukan mo pa rin, Briana" nakangiting sabi sa akin ni Aloura "Matutuwa ang iyong ina kung magkakaroon kayong dalawa nang konting libangan hindi ba?"

Tumango naman ang lahat bilang pagsang-ayon kay Aloura. Tumungo ako.

"Wag mo alalahanin ang pagsusulit natin sa paggawa nang tsaa" ani ni Agua "Hindi ka makakatuklas nang sangkap niyan kapag masyado mong itinutok ang sarili mo ron"

"Tama siya" ani naman ni Gian "Madali lang naman gumawa nang tsaa— bagong tuklas na sangkap lang naman ang gagawin nating pagsusulit— makakagawa ka den nang masarap at mahalimuyak sa aroma na tsaa. Tiwala lang"

Magsasalita sana ako nang dumating ang mediocris ni Aloura na si Horie— sinusundo na nito ang kanyang prinsesa dahil nariyan na ang kanilang karwahe, agad ba siyang nagpaalam sa lahat.

"Mauna na rin ako," ani naman ni Stella "Nais ko pa kasing tapusin ang aking pagbuburda— ibibigay ko kasi yun sa aking ama"

Tumango naman ang lahat sa kanya at sabay sabay na ring nagpaalam ang lahat sa isa't-isa dahil may kanya kanya den silang gagawin bilang isang prinsipe at prinsesa sa kanilang sinasakupan— tumango ako sa kanila at nagpaiwan pa muna dahil hihintayin ko pa si Alivia para sunduin ako.

Pero ilang minuto den at nainip ako kaya nag-ikot ikot na muna ako sa paligid.

"Prinsesa"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at napangiti nang makita si Lolo Levis.

"Lolo!"

Yumuko siya sa akin kaya yumuko den ako bilang pagtugon.

"Malapit na bumaba ang sinag nang araw— bakit hindi pa po kayo umuuwi sa inyong kaharian, kamahalan"

Napanguso naman ako sa kanya.

"Wala pa po si Alivia at ang karwahe ng susundo sa akin, Lolo" ani ko

Tumango naman siya sa akin bilang pagtugon.

"Kung gayon ano pong ginagawa niyo rito, kamahalan?"

"Wala naman po, Lolo" sagot ko "Naglilibot libot lang po kuna ako kasi naiinip na po ako sa paghihintay"

"Nais mo bang ihatid kita sa inyo, prinsesa?"

Umiling naman ako sa kanya.

"Wag na Lolo!" tanggi ko "Baka makaabala pa po ako sa inyo, isa pa dadating na din po si Alivia maya-maya kasama ang karwahe nang aming palasyo— aantayin ko na lang po sila"

Ngumiti naman siya sa akin.

"Natutuwa ako sayo, kamahalan"

"Bakit naman, Lolo?" kumunot ang noo ko dahil sa kanya "Hindi naman ako payaso para matuwa kayo sa akin"

Dun na humagalpak nang tawa si Lolo Levis kaya napabusangot ako sa kanya.

"— Lolo naman eh!"

Tumigil naman siya sa pagtawa napatingin muli sa akin.

"Patawad prinsesa" aniya "Natutuwa lamang ako sayo dahil sa hindi malamang dahilan, siguro may espesyal lamang sayo kaya ang gaan gaan nang pakiramdam ko kapag nakikita kita— ganun ren naman sa ibang kamahalan pero may kakaiba kasi akong nararamdaman sayo— iyon siguro ang dahilan"

"Ano naman pong espesyal sa akin, Lolo?"

Lalong kumunot ang pagkunot ko sa kanya.

"Ibang iba ka, prinsesa at nakikita kong maganda ang pagpapalaki sayo nang mga mortal"

Ngumiti ako dahil dun.

"Oo naman Lolo kahit hindi sila ang tunay kong mga magulang eh nagpapasalamat pa rin po ako kasi minahal nila ako na paa bang tunay nila anak— mahal na mahal ko po sila nanay Ana at Tatay Jome"

Bahagyang ngumiti sa akin si Lolo Levis at hinawakan ako sa aking ulo.

"Sa susunod na ang pagsusulit niyo— may naiisip ka na ba para maging iyong sangkap para sa tsaang iyong gagawin?"

Napabusangot ako bigla nang sabihin iyon ni Lolo dahilan para siya ay tumawa— kainis naman tong si Lolo eh, pinaalala pa!

"— Mukhang nababahala ka sa pagsusulit, prinsesa"
"Lolo naman kasi eh, marunong naman akong gumawa nang tsaa— pero tsaa lang po yun na nasa tea bag na ginawa sa mundo nang mga tao. Isa pa po hindi ko kabisado ang mga halaman at bulaklak dito mamaya lason pa ang madampot ko"

Ngumiti sa akin si Lolo at bahagyang ginulo ang aking buhok.

"Halika prinsesa, sundan mo ko"

Lumakad naman papunta sa isang silid si Lolo Levis kaya sinundan ko siya roon— pagpasok ko ay nakita ko siyang may hawak na makapal na libro, agad niya itong inabot sa akin.

"Lolo?"

Kinuha ko naman ang ibinigay niyang libro sa akin at nagtatanong ang aking mga matang tumingin sa kanya.

"Nariyan ang mga halaman, puno at bulaklak na maaari mong makita sa mundong ito— maglakalap ka pa nang ilang impormasyon tungkol sa mga iyan at pumunta ka sa iba't ibang bayan para makakita ka nang mga ligaw na ugat para maidagdag mong sangkap sa iyong gagawing tsaa, nawa'y nakatulong yan sayo"

Tuwang tuwa akong napayakap kay Lolo Levis.

"Naku Lolo marami pong salamat malaking tulong po itong librong binagay niyo— pangako po mag aaral po ako tungkol dito at pupunta na rin sa mga bayan para makita ang iba pang mga halaman na wala pa sa libro"

Tumango naman si Lolo at sakto nun ay dumating ang lumilipat at humahangos kong mediocris na si Alivia.

"Sa wakas nakita ko rin po kayo mahal na prinsesa, paumahin po at natagalan kami sa pagsundo sa iyo"

Ngumiti naman ako sa kanya bilang tugon.

"Walang problema sa akin yun, Alivia, kumalma ka, hindi naman ako nawala"

Tumingin naman ako kay Lolo Levis at nagpaalam na gayun den si Alivia— pasakay na kami nang karwahe nang makita ang humahabol na mediocris na si Vane.

"Alivia! Prinsesa!"

"Vane naman! Ano ba?!"

Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"Iniwan mo ko Alivia!"

Ngumuso naman si Alivia at tumingin sa akin.

"Iwan na natin siya prinsesa! Tayo lang dapat ang magkasama."

"Grabe ka naman sa akin Alivia, may ipapabigay lamang ako sa prinsesa" humarap naman siya sa akin at ikinumpas ang kamay at ilang segundo lamang ay may lumulutang nang mga rosas ang nasa harapan ko, "Para sayo prinsesa"

Agad ko namang kinuha yun.

"Galing na naman ba sa kanya, Vane?"

Nahihiyang tumango sa akin ang mediocris na si Vane— bumuntong hininga ako, isang buwan na rin mula nang pumunta kami sa bayan nang Artrarus at mula noon ay lagi nang bumibisita sa akin ang binatang si Kapitan Penelro, inaamin ko naiilang ako lalo na at lagi siyang nagpapadala nang bulaklak sa kaharian namin at halos utusan niya na si Vane magbigay sa akin— sabi ni Ina maaari daw na nanliligaw sa akin ang kapitan at tama nga ako lalo na at hininga niya ang permiso ni Ina na ligawan ako.

"Sige Vane salamat"

Tumango naman si Vane at bumalik na sa loob— sumakay naman na kami ni Alivia sa karwahe.

Nasa gitna kami nang daan at tuloy tuloy naman ang pagsasalita ni Alivia sa inis dahil ayaw na ayaw daw niya sa kapitan— napangiti na lamang ako dahil mukhang mas strikto pa siya at masungit kay Kapitan Penelro kesa kay Ina. Pero tama siya dahil walong taon ang tanda sa akin nang kapitan at isa pa ayaw ko sa taong ito dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya lalo na sa mga tingin nito sa akin.

Napatingin ako sa mga rosas na aking hawak— bakit kaya niya ako nililigawan?

Napailing na lamang ako at muling tumingin sa walang sawang salita ni Alivia, tumawa na lamang ako lalo na at mukha inis na inis siya sa nangyayari— bigla ay naalala ko ang librong binigay sa akin ni Lolo kanina, napatitig ako dito nang segundo bago buksan ang nilalaman.

Napaawang na lamang ang aking bibig nang makita ang mga hindi pamilyar sa aking mga halaman, puno, at bulaklak— napangiti ako habang binabasa at inaaral ang bawat pahina nun— tama si Lolo, dapat kong aralin ang mga ito.

"Prinsesa ano yan?"

Napatingin ako kay Alivia nang tumigil na ito sa kaka salita nang masama kay Kapitan Penelro.

"Libro nang mga halaman sa mundong ito"

Lumipad siya patungo sa akin at umupo sa balikat ko para tignan ang nilalaman nang libro.

"Para san mo ba gagamitin ang mga iyan, prinsesa?"

"May pagsusulit kasi kami sa susunod na linggo— kailangan ko makagawa nang kakaibang tsaa"

Nagliwanag ang mata niya sa sinabi ko.

"Maganda iyan prinsesa— panigurado masarap ka rin po gumawa nang tsaa gaya nang iyong inang si Reyna Beauty"

Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Tungkol den diyan, Alivia, nangangamba kasi ako— kasi hindi ako marunong gumawa nang tsaa"

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin pagkatapos ay bigla naman siyang humagalpak nang tawa sa akin dahilan para bumusangot ako sa kanya.

"Prinsesa wag niyo naman ako patawanin" aniya "Impossible pong hindi kayo marunong gumawa nang tsaa samantalang talamak ang paggawa nang tsaa sa mundo nang mga mortal"

Bumuntong hininga ako sa kanya.

"Ayun na nga mismo ang problema, Alivia" sagot ko sa kanya "Sa mundo kasi nang mga tao ang tsaa doon gawa na nang pabrika at bubuhusan na lamang nang mainit na tubig samantalang dito ikaw mismo ang gagawa nang mga sangkap"

Natahimik naman si Alivia dahil sa sinabi ko.

"Naku hindi naman problema iyan, prinsesa" nakangiting sabi niya sa akin "Ang Reyna Beauty maaari mong hingan nang tulog paniguradong tutulungan ka niya— isa pa, masarap gumawa nang tsaa ang mahal na reyna"

Ngumuso naman ako at akmang sasagot sa kanya nang huminto na ang karwahe— napatingin ako sa nagbukas nang karwahe at dun ko na lamang narealize na nasa kaharian na pala ako ng apoy— kaharian namin.

"Magbigay Galang sa prinsesa Briana Beauty Phoenix!"

Sabay sabay namang yumuko ang mga kawal sa akin at inalalayan naman ako nang punong tagapagsilbi pababa sa hagdan nang karwahe— hindi pa rin ako masanay sanay na ginaganito lalo na at hindi ko naman kinalakihan ang ganitong buhay.

"Sige na, pwede na po kayong magsibalik sa pwesto niyo" alanganin kong sabi

Muli silang nagsiyukuan sa akin bago nagsibalik balik sa mga kanya kanya nilang trabaho— ngumiwi lamang ako dahil dun.

Papasok na sana ako nang palasyo nang ihatid ako nang punong tagapagsilbi sa hardin nang palasyon— meron daw kasing bisita ngayong gabi. Habang palapit kami nang palapit sa hardin dun ko na lamang nakilala ang bulto na malaking lalaking nakatalikod sa akin at kausap si Ina. Nagtsa-tsaa sila habang may pinag-usapang kung ano.

"Beauty anak ko"

Tumayo si Ina sa kinauupuan niya at mahigpit akong niyakap— umupo na siya at tumabi naman na ako sa kanya.

"Prinsesa Beauty" yumuko ang kapitan sa akin at kinuha ang kaliwang kamay ko para halikan "Kinakagalak kong makilala ang anak ni Phoenix"

"Ah okay" sagot ko "Bakit nga pala nandito?"

"Narito ako para muling manligaw prinsesa" sagot niya sa akin, bumaba ang tingin nito sa bulaklak na hawak ko, ngumiti siya sa akin "Mukhang natanggap mo ang akong binigay"

Nagpipigil ako sa galit na pumikit nang mariin sa kanya at agad dumilat na tumingin sa kanyang direksyon.

"Kapitan ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako interesado" sagot ko "Nais ko muna wag pumasok sa isang relasyon dahil hindi pa ako handa at isa pa wala akong gusto sayo"

Nakita kong pumait ang itsura nang kapitan bago napalitan ang mukha nito nang pagngiti— tsk. Plastic!

"Anak, aking prinsesa— lagyan mo naman ang tsaa ang kapitan"

Tumango ako kay Ina at tumayo para lagyan ang tasa niya nang tsaa— wala tong kaso sa akin dahil ang mga anak nang reyna at hari ay obligado na maglagay nang tsaa sa kanilang bisita bilang isang respeto at pagtanggap.

"Prinsesa Beauty gusto talaga kita"

Napakunot noo naman ako dahil dun— ang bilis mo naman kasi kapitan! Ano yun na-Love at first sight ka sa akin? Kalokohan! Chessy mo Brad ah!

"— Isa pa hindi hadlang ang edad sa pag-ibig. Anim na taon lang naman ang tanda ko sayo"

Narinig ko namang tumawa si Ina.

"Kapitan siguro tama na ang panliligaw na iyong ginagawa— walang kaso sa akin kung sino man ang maging nobyo nang aking prinsesa dahil nais ko siyang umibig na walang nagdidikta sa kanya, pero mukhang ayaw ka talaga niya, paumanhin"

Nagusot ang istura ni Kapitan sa sinabi ni Ina.

"Pero kamahalan—"

"Narinig mo si Ina" pagputol ko sa kanya "At narinig mo rin ako kapitan— paumanhin dahil hindi ko matatanggap ang iyong panliligaw sa akin, sana ay iyong matanggap"

Lihim akong napangiwi sa sinabi ko— Shit! Hindi pala talaga bagay sa akin ang malalim na Tagalog!

Nakita kong mas nagusot ang istura nang kapitan sa akin pero kalaunan ay ngumiti rin sa akin.

"Naiintindihan ko, prinsesa" aniya at tumayo na "Mauna na ko mga kamahalan at may gagawin pa kasi akong importante bilang isang kapitan nang aming bayan."

Tumango naman si Ina sa kanya salamantalang yumuko naman si Kapitan sa amin bilang paggalang— papaalis pa lamang ito ay hindi nakaligtas sa akin ang mariing pagkuyom nang mga kamao nito na para bang galit na galit.

Napakunot noo ako dahil dun.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro