Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: Beauty is Poisonous!

"I was filled with poison but blessed with beauty and rage"

-Unknown

•••

Briana's POV

I winced— Late na ko! Ano ba yan! Bakit ba kasi hindi man lang ako ginising ni nanay?

"Nanay!" sigaw ko "Nay! Papasok na po ako ah!" 

"Sige anak!" Balik sigaw naman ni nanay "Pero kumain ka muna baka gutom ka na!"

"Hindi na po!" Balik tugon ko rito "Late na po kasi ako nay!"

"O sige mag-iingat ka" ani ni nanay "Kaawaan ka ng diyos!"

Pumunta ako sa labas at ayun nakita ko si nanay na nagluluto ng kakanin.

"Opo"

Humalik na lamang ako bago umalis. Napakalayo pa ng aking iskwelahan mula rito. sa bayan pa kasi yun at halos malapit na sa bundok tong kubo na tinitirhan namin nila inay at itay.

"Oh, beauty!" napanguso ako at napatigil sa pagtakbo "Tatay naman"

Tumawa lamang siya at ako naman ay nagmano na.

"Alis na nga po ako" sabay takbo ko.

"Mag-iingat ka at gabayan ka ng may poong may kapal anak!" sigaw ni tatay.

"Kayo rin po, itay!" balik sigaw ko rito.

Tatlong pung minuto na lamang at maguumpisa na mag-bell sa iskwelahan. Ang hirap pala maging mahirap lalo na at sobra pa sa hirap namin sa daga— Go Briana, kaya mo iyan!

"Tama!" hiyaw ko "Kaya ko!"

"HOY! BATA KA ANG INGAY MO!"

Tumawa na lamang ako. ang sarap talaga asarin ni Aling Delita.

"Hindi naman po!" hiyaw ko pa lalo sabay takbo ng mabilis.

Nakarating ako sa may bayan at halos limang minuto na lamang at mag-uumpisa na ang klase— Mga pitong minuto pa kung lalakarin ko kaya lang kailangan ko ngayon gumastos kahit na bente pesos na lang itong nasa bulsa ko.

"PARA PO!" hiyaw ko "PARAA!"

And the tricycle stopped.

"San sila?"

"Sa Transford Academy po" sabi ko sabay bigay ng bente.

•••

"Naku, naku, naku" sigaw ko "Asan na ba kasi yung room ko?"

Napangiwi ako habang tumatakbo— Ano ba naman yan?! Konti na lang Briana malapit ka na sa finish line mo at promise ito na ang huling beses kong magpupuyat sa sungka. Kasi naman eh. Si tatay hindi pa ko pagbigyan manalo.

"Perez!" naku! nag-aatendance na pala!

"Present!"

"Phoenix!" ako yun! "Phoenix!" sigaw muli ni ma'am " Last ko nang tawag ito at maa-absent ko na siya pag wala pang sumagot"

"Ma'am Present po!" sigaw ko pagkarating sa klase.

"Muntik na Miss Phoenix!" naku mukhang bad trip si ma'am. "Maupo ka na"

Yumuko na lamang ako.

"Opo"

Umirap lamang sa akin yung katabi ko.

"Panget!" bulong nito na halata namang para sa akin. "Gigil ako sa mukha mo"

"Next! Rodriguez!"

"Present!"

"Reymundo!"

"Present ma'am!"

•••

"Okay, dapat alam niyo na yan pagkatapos ay i-send niyo na lamang sa akin sa gmail yung gagawin niyo, naiintindihan niyo?!"

"OPO!" sabay sabay naming sagot.

"Mabuti" sabi nito pagkatapos ay lumabas na.

Grabe naman yun. ang laki ng magagastos ko tapos yung pa yung naisip niyang ipa-project sa amin tapos individual pa— Torture!

Alam naman ng lahat na dito na mahirap lang kami at scholar lang ako tapos yung ipa-project pa nila sa akin yung halos butas pang-bulsa pa.

"Mahirap kasi!" biglang sabi ng aking katabi "Mukhang mahihirapan ka talaga di ba?" tanong pa nito, nang-aasar "Yan kasi ang nararapat sa mga mahihrap na katulad mo. Ang magdusa, buti nga sayo para kahit papano naman bumaksak ka at mawala ka sa buhay naming lahat, pesteng daga!" umirap pa ito sa akin bago umalis.

Ganoon rin ang ginawa ng aking mga kapwa mag-aaral. Napayuko na lamang ako dahil sa kanilang inasta— Lagi naman eh. Sanay na ko.

"Pano nga ba ito?" tanong ko sa aking sarili "Reports about sa thesis dapat may topic with etchetera kineme na yan" napasabunot na lamang ako sa aking buhok "Wala pa naman akong pera tapos soft copy at hard copies nahihirapan na ko. Kainis!"

Pano na yan baka abutin to ng isang libo. Wala pa naman pera sila inay at itay— Nakakahiya naman kung hihingi ako sa kanila ng pera baka mamaya niyan manghiram na naman sila kay Aling Delita niyan baka dumagdag na naman yung utang namin don. Seven thousand pa naman yung utang na namin ron.

"Hayy!" kainis naman. naiiyak na ko "San ako kukuha ng pera niyan?" tanong ko sa aking sarili.

Dumukdok ako sa aking lamesa kasi useless naman kung pupunta ako sa labas dahil recess lang naman. Hindi rin ako makakapag-concentrate dahil sa mga kumakain don. Speaking of pagkain nga pala, hindi pa pala ako kumakain mula pa kanina.

"Gutom na rin pala ako" sabi ko "Hayy, mamaya na muna yang pagkain kineme na yan, Briana" sermon ko sa sarili "Think of your studies muna bago yang kaartehan mo sa sarili okay?"

At dahil sa sinabi ko tumango ako. Mukha na kong baliw dito kakausap sa sarili, buti na lamang walang nakakakita. Nakakahiya pa naman.

"Ah, alam ko na!" ba't hindi ko naisip yun kanina? "Masarap yun for sure"

Napangiti ako dahil dun— Excited na kong gawin!

•••

"Alam ko naandito lang yun eh" 

Pumunta ako sa likod ng iskwelahan namin. Sure kasi ako na may puno ng saging dito. Dahil tag init naman gagawa ako ng espesyal na samalamig banana kon yelo ala Briana. Tsaka wala namang may ari nung puno na yon eh kaya halos araw-araw akong pumuta dito para bantayan yun.

"Ayun!" lumapit ako sa puno ng saging "Hi Mister Tree banana" bumati pa ako "Pwede bang humingi ako ng bunga mo?"

Nang humangin bahagya ay kumuha na ako ng bunga nito. Actually inaakyat ko ito, expert naman na ako dahil umaakyat rin ng puno si itay para kumuha ng bunga sa mga puno. Isa nga sa pinaka mataas kong inakyat ay yung puno ng buko.

Eh sa sobrang hanga ko nun ay ginaya ko rin siya, sa umpisa kamuntikan na kong malaglag pero naagapan naman na, sa sobrang kasiyahan ko nun sa puno ng bayabas ng nahuli pa ko ni nanay kaya hayun pinagalitan ako at pinagsabihan na huwag ng uulitin iyo. Limang taon pa lang kasi ako non.

Buti na lamang at kumampi sa akin si itay, tinuruan pa nga ako nito hanggang sa natuto ako. Nakakainis lang kasi pagkatapos kong kumuha ng mga bunga sasabihan ko ni itay na...

'Ang beauty namin dalagang puno na' sabay tawa niya. Ako naman napapa-pout na lang. Nakakainis hindi ba?

"Buti na lamang at marami kang bunga ngayon, swerte pala no na hindi kita kinukuhanan ng bunga at least mapapakinabangan kita ngayon, salamat ah" sabi ko.

Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang itong umilaw. Kinusot ko ang aking mata at baka namamalikmata lamang ako pagkatapos ay pinagkatitigan ko itong muli. Hindi na siya umiilaw. 

Umiling ako.Guni guni nga lang talaga.

"Gutom na talaga ako" sabi ko "Kung ano-ano nang nakikita ko eh" sabi ko sa sarili at bumaba na napuno pagkakuha ng bunga. "Kikita ako nito, panigurado" masaya kong saad

Tutal ay uwian na naman. Half day lang naman kasi at dahil biyernes na ay dumiretso ako sa may simbahan. Marami ako nito maititinda kung dun ako pu-pwesto.

Mainit eh.

"Lord, guide me ah" sabi ko

Nakangiti ako sa simbahan pagkatapos ay pumuwesto na— Kaya ko ito! AJA!

***

"Salamat po!" nakangiti kong saad "Balik po kayo bukas ah?"

"Aba'y oo naman. Ang sarap ba naman nito, iha" sabi nung babae "Sa uulitin ah. Ito na yung bayad" sabay bigay nito ng isang daan.

"HALA!" nabigla ako "Ang laki naman po nito, eh bente pesos lang po yung tinitinda ko"

"Hindi tip na yung sukli niyan" nakangiti ito sa akin "Sana maging katulad ka nang apo ko, yung kasing batang iyon eh batugan, hindi marunong maging responsable hindi katulad mo, kaya tanggapin mo na yan kung hindi baka malungkot ako, sige ka" hala, nakakakonsensya naman.

"O-oh sige na nga po" tinanggap ko na lamang ito.

"Sige paalam na iha" at umalis na ito.

Bahagya akong ngumiti sa matanda. Nagliligpit na ako ng aking paninda ng biglang may matandang babaeng lumapit sa akin.

Marungis ito at nanghihina.

"Iha, palimos naman oh" sabi nito.

Dahil sa awa ay binigyan ko ito ng limampung piso.

"Ayan po inay" abot ko sa pera.

Ngunit hindi nito kinuha yung pera.

"Anak, hindi iyan" sabi nito "Pwede bang humingi ako ng pagkain at tubig. Gutom at uhaw na kasi ako eh"

Agad naman akong humanap ng pagkain at tubig. Nakita ko ang isang pirasong tinapay at isang kalahating tubig sa aking bote. Kahit na ito ay aking tinitipid ay ibinigay ko na lamang dun sa matanda.

"Salamat apo" mukhang iiyak pa ito "Maganda ka na nga, mabuti ka pa" sabi nito at tsaka kinain ang tinapay na ibinigay ko rito.

"Dahan-dahan lang po" sabi ko.

"Salamat Briana Beauty"

"Huh?" pano niya nalaman ang pangalan ko?

"Sa I.D mo iha" sagot nito. Marunong siyang magbasa? "Sa mga bagay na pagkakataon ay mahirap maging maganda. Kinaiinggitan nang iba lalo nang mortal" biglang sabi niya.

"Ano po?" 

Bahagya itong ngumiti.

"Maaari ko bang makita ang iyong palad?" 

"Manghuhula po ba kayo?"

"Oo" sagot niya "Pwede ba?" Sabay hawak nito sa kamay ko

Tumango ako. Gusto ko rin kasi malaman ang future ko.

"Iha!" naging madilim ang mukha nito, natakot ako "Ang panganib ay nariyan na" bigla itong nataranta.

"Huh, bakit po?" ano kaya yung nakita niya?

"Ang ganda nito ay maaaring makita sa labas ngunit kung ikaw mismo ay tumalima sa iyong natatanging ganda ika'y maaaring maging kaniya" bugtong ba iyan? "Kaya iha wag mong kasuklaman ang ganda, naiintindihan mo?"

Kahit na ako'y naguguluhan ay tumango pa rin ako.

"O sige po?"

"Ang ganda ay hindi mapanganib, basta wag mo lang itong sisirain" ngumiti pa ito ng bahagya pagkatapos ay umalis na.

Ano kayang ibig nong sabihin?

"Yaan mo na nga, Briana" sabi ko sa sarili "Mahilig lang siguro yung si lola sa mga bugtong, pero infairness galing niya umarteng manghuhula ah"

•••

"Nanay!" sigaw ko "Nandito na po ako!"

"Oh anak" salubong sa akin ni nanay.

Yumakap ako rito sabay mano.

"Kaawaan ka ng diyos" sabi nito "Tara sa loob"

Pagkapasok na pagkapasok namin ni nanay ay agaran kong nakita si itay sa aming sala habang kumakain. Sarap naman ng ulam namin— Tuyo at Daing.

"Oh, anak" masayang bati naman sa akin ni itay nang makita niya ako "Kain"

Magmamano sana ako sa kanya pero hindi ko na ginawa sapagkat siya'y nagkakamay kumain.

"— Sumabay ka na" aya pa nito sa akin

"Maghugas ka muna ng kamay, Beauty" singit naman ni inay nang makita ako na kumukuha na nang pinggan

Napanguso na lamang ako hindi dahil sa pinaghuhugas niya ko nang kamay kung hindi dahil tinawag na naman niya akong Beauty.

"Inay" ngumiwi ako "Briana po hindi Beauty"

"Pareho lang naman yun ah" sabat naman ni itay sa amin "Briana Beauty"

"Ehhh!" pag-iinarte ko "Briana ang gusto kong itawag niyo po sa akin inay, itay" humaba pa lalo ang pagnguso ko "Ayoko po ng Beauty, eh hindi naman po kasi ako maganda eh"

"Pano mo naman nasabi yan sa amin, anak" sabi ni itay pagkasubo niya ng kanin "Eh napakaganda mo nga. Tignan mo manang mana ka sa kagwapuhan ng tatay mo"

"Tay naman eh!" sabi ko "Bakit niyo po kasi ako pinangalanang Beauty, eh pwede namang Briana na lang"

Natawa naman sila pareho sa pagmamaktol ko.

"Maupo ka na nga lang, anak" naiiling na tawa ni inay

Umupo naman na ako at kumuha nang kanin, tuyo at daing. Gumawa pa ko ng sukang sawsawan para mas sumarap ang kain ko.

"Alam mo iha" panimula ni inay "Maganda ka" ngumiti pa ito sa akin "Ang dahilan lang kaya pangit sa sarili mo eh kasi naman panget din ang tingin mo sa yong sarili. Tandaan mo lagi na walang ginawang panget ang diyos, lahat pantay-pantay. Naiintindihan mo ba Briana Beauty"

Nagpout na lamang ako sabay tango sa kanya. Wala na akong magawa kapag may mga ganyang hugot si inay.

"Opo, inay"

"Mabuti" aniya "O siya, siya. Kumain na tayo"

"Maghuhugas lang po muna ako ng kamay" paalam ko

Tumayo na ako at naglakad patungo sa aming banyo.

"Bilisan mo at matakaw pa naman tong tatay mo baka maubusan ka!" pahabol ni inay sabay tawa.

"Oy hindi ah!" tanggi naman ni itay. "Sakto lang kaya"

Para talaga silang mga bata.

"Tsk. tsk." iling ko habang naghuhugas ng paa at kamay. Marumi kasi yung daan nilakad ko, dagdag mo pang maputik ito. "Si itay at inay talaga oh" tawa ko.

Pagkabalik ko ay nadatnan ko sila inay na kumakain. Hindi yung normal na subo lang ng subo. Kasi naman naghaharutan sila sa hapag.

Kung hindi nga lang sila mag-asawa at kung wala pa silang anak na katulad ko, siguro iisipin ng iba na may sapi na tong dalawa. Kasi naman magsusubuan na nga lang eh nagkikilitian at nagbabatukan pa. Feeling teenager sila inay at itay.

"Tama na po yan" natatawang awat ko sa kanila "Lalanggamin na tayo sa sobrang tamis niyo po oh"

Tumatawa naman silang huminto.

"Ito ngang nanay mo Beauty eh pagsabihan mo" pangunguna ni itay "Kasi naman kumakain ako, gustong umiscore sa kin"

Namula naman si inay sa hiya.

"Oh hindi ah!" tanggi ni inay sabay hampas sa braso ni itay "Ikaw nga diyan kumikiss pa sakin eh, Kunwari ka pang matanda ka"

Napangiwi ako— Kelan pa naging mga pabebe tong mga magulang ko?

"Tama na po yan at kumain na tayo" awat ko. Baka kung san pa kasi mapunta yung usapan.

"Mabuti pa nga" ani ni itay "Oo nga pala Beauty"

Nanguso akong muli.

"Tatay naman!" angal ko " Briana na lang po kasi"

Tumawa naman si itay.

"Ayoko nga, Eh gusto kong tawagin kitang Beauty eh" ngumisi pa ito sa akin "May magagawa ka ba?"

This time is inay naman yung tumawa.

"Hala sya magsi-kain na" natatawang sabi ni inay
"Opo" sagot ko tsaka kumuha na nang tuyo at kanin. "Salamat po sa pagkain"

Ngumiti lamang sa akin sila inay at itay.

"Kamusta pala eskwela, Beauty?"

Ano ba yan? Hindi ko na talaga maawat si tatay kaka-beauty niya sa akin. Hindi ko na lamang pinansin yun at sinagot siya.

"Okay naman, tay" ani ko "Nakaka-cope up naman ako sa mga aralin namin"

"Mabuti iyan" ani ni itay "Wag mo ko gayahin na hindi nakapagtapos. Ang makita ka sa stage na may toga ay isa sa mga pangarap namin sayo ng nanay mo kaya pagbutihan mo"

"Tama. Ang pag-aaral mo lang ang kayamanan na maibibigay namin sayo ng tatay mo" ani naman ni inay "Oo nga pala dalawang linggo ka nang hindi humihingi ng baon mo, anak"

Dun ako natigilan.

"Hindi na po kailangan, inay. Meron pa po ako dito"

"Ay kahit na!" Singit ni itay "Pano kung may project ka. Eto pandagdag"

Nagulat ako ng dumukot ng isang libo si itay sa wallet niya at iniabot sa akin.

"Itay wag na po!" Pagtanggi ko "Meron pa po nag dito promise"

"Anak naman tanggapin mo na"

"Tay naman"

"Sige na naman"

Napabuntong hininga na lamang ako at tinanggap ang perang iniabot sa akin ni itay. Titipirin ko ito hanggang sa makaipon pa ko at makabawas ng utang.

"Siya kain na. Wag pag antayin ang pagkain"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro