Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

nov. 25 | lavinia

2 5 t h  o f  n o v e m b e r .

---------

Huwebes na at katatapos lang ng klase namin. Niyaya ako ng bago kong organisasyon kahapon na pumunta sa isang kilalang coffee shop sa Boulevard at dahil gusto kong sumaya muna kahit saglit, pumayag na ako. Isasama ko pa sana si Laiza kaso kusa siyang umayaw at kuwentuhan ko nalang daw siya. Takot lang no'n kela Tito, e.

"Hi!" pagbati ko habang nakangiti.

Naabutan ko silang nakaupo sa malaking round couch sa loob at may mga kasama silang hindi ko kilala. Siguro ay isa sa mga na-recruit nila o miyembro ng SeiHe na hindi ko nakita kahapon.

Kinawayan ako ni Azriel at pinaupo sa gilid ni Dia. "How are you? Oh, my gosh. You look pale."

Napaiwas ako ng tingin at umiling. "Normal na 'tong kulay ko, ano. H'wag mo nang pansinin." Napunta ang tingin ko sa mga bagong tao sa 'king paningin. "Uhm... hello."

Napapalakpak si Dionne at agad na nilapitan ang tatlong babae na parang excited siyang ipakilala sila sa akin. Ngiti lamang ang tugon ng mga kasamahan namin—iyong nakilala ko kahapon—at kinawayan naman ako ng dalawa habang 'yong isa ay nakatitig lang sa 'kin.

"Girls, meet Luxorion Advincula. He is our new member!"

Lumapit ang dalawang babae at inabutan ako ng kanilang mga kamay.

"Nice meeting you, Lux! I'm Ashterielle Zoe, but Zoe is fine with me."

"Hi, po, kuya Lux. Ako nga po pala si Rannia Erem. Maligayang pagsali."

Pagkatapos ng pagpapakilala ay nagkuwentuhan na kami. Masaya talaga silang kasama at pansamantala kong nakakalimutan ang mga dinadala. They can light up my mood and probably, they can also help me think positively even just for awhile. Siguro ay ikuk'wento ko sila kay Mama pag-uwi ko.

Habang nagtatawanan, napatingin ako sa babaeng paminsan-minsan lamang sumasabay at minsan ay magbibiro nga pero dark jokes naman. Ano kayang problema nito sa mundo? Mas mukha pa siyang unang kukunin ni Lord kaysa sa 'kin, e.

"That's Lavinia but was also called as Levi, her favorite character," bulong ng aking katabi. Kaagad akong napalingon dito. Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata nang mamataan ang seryosong mukha ni Dia. "What? I just saw you staring at her. So, maybe you're interested. Hindi naman kasi siya nagpakilala kanina." She shrugged.

Nakita niya pala. Bakit kasi ang attractive tignan ng babaeng 'yon.

Umiling ako at tumawa ng mahina. "Nah. Saka mo na sabihin 'yan kapag papi 'yang nakita mong tinitigan ko," palusot ko at humagikgik.

Nakita ko siyang ngumisi at bumulong pa sa sarili na rinig ko lang naman. "So, we are right. You're not straight."

....

"Hi, Ma. I'm finally home."

Inilagay ko ang aking bag sa sofa at agad na lumapit sa kay Mama pagkatapos ay humalik sa pisngi nito. Nakaupo ito sa sofa habang nanonood ng telebisyon.

"How are you, anak? Do you still feel the pain?" malumanay na tanong niya.

Lumambot naman ang mga mata ko at agad na apahawak sa ibabaw na kaliwang bahagi ng tiyan ko. Umupo ako sa tabi niya, humilig at agad na niyakap siya. Kahit magkokolehiyo na ako, nilalambing ko pa rin naman ang nanay na parang bata. Nakakawala kasi ng pagod si Mama, kahit yakap niya lang ay sapat na.

She's one of the reason why I am still fighting up until now.

Mas hinigpitan ko ang yakap kaya natawa na si Mama. "It's still the same, Ma. I'm healthy, you see—" Kumalas ako ng yakap at pinakita ang kabuuan na parang nagmamayabang. "At saka, kaya ko pa naman."

Hinaplos ni Mama ang aking buhok. "Really, huh. So, how was your day? Did something new happen? Balita ko kay Laiza ay mayro'n. Share ka naman!"

Lumaki ang aking mga mata at gaya ng naisip ko kanina, excited na kinuwento ko sa kaniya ang mga pangyayari magmula pa kahapon. Mula sa paggala ko sa Boulevard, pag-recruit sa akin nina Azi, at pagkikita namin kanina sa coffee shop. Naikuwento ko pa sa kaniya ang tungkol kay Levi.

"And you know, Ma, nakakainis. Akala ko balikong-baliko na ako..." nakasimangot at parang ngunguso na sabi ko sa huli ng kuwento. "Ugh!"

Agad na napabalikwas ang aking ina. "What... do you mean, Lux?" nangingiting tanong nito na parang tuwang-tuwa pa.

"Eh..." alinlangan ko, "basta, Ma! Kakaiba, I can't explain."

Ngumiti lamang ang babae sa aking harapan at hinaplos pa ang buhok ko. "Hmm... kain na lang tayo. Naghihintay na ang Papa mo roon. Tara?"

Sumunod ako sa kaniya nang tumayo na siya. Napangiti ako.

Alam kong kapag dumating na ang aking oras, hinding hindi ako magsisisi na ginastos ko ang natitira sa pagsama sa mga kaibigan na magpapalakas sa akin. Matatanggap nila ang lahat pagdating ng panahon, alam ko. Ayaw kong pagsisihan ang pagiging kasapi nila.

I want it to be the best part of my life before it'll end.

***

if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!

love,
ruru

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro