Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

nov 24 | seihe

2 4 t h  o f  n o v e m b e r .

---------

Lights from the posts automatically lighted when 5 o'clock came. Halo-halo na ang kulay ng langit at talaga namang makapagpigil-hininga kung titigan. May asul, rosas, kahel, dilaw, at maski lila. Unti-unti nang lumulubog ang araw sa ilalim ng karagatan. It looks majestic, especially that I am standing near the bay.

Ito talaga ang sadya ko; pagmasdan ang paglubog ng araw at damhin ang hangin ng paligid. My mind has been chaotic these days. Hindi ko na alam kung ano ang unang alalahanin—kalusugan ko ba o ang mga gawaing importante.

Maybe this little time can make me think things thoroughly. I need it. Time flies too fast and I'm afraid to be passed by it. The clock's ticking and I fear that every second, countless possible things will happen.

Kaya ang hirap matulog, e. Dahil sa bawat posibilidad na maaaring mangyari sa bawat segundong ako'y tulog, baka hindi na ako magising. Baka kinuha na ang hiram kong buhay.

"So... where to start?"

"Recruiting, of course!"

"Hindi ikaw ang tinatanong, kuya."

"Tricia, are you okay?"

"Opo. Iniisip ko lang kung sino ang mga bago kong makikilala."

"Dionne, let's move."

"Dia~ magsalita ka ng matino pag magre-recruit ha? Sinasabi ko sa 'yo."

"I'm always matino, Azriel."

Napalingon ako sa isang gawi nang marinig ang ingay. Isang lalaki at tatlong babae ang nag-iingay at mukhang may pinag-uusapan sila na may kaunting bangayan. Iyong lalaki naman ay mukhang pinakamatanda sa kanilang apat at mukhang mas matanda pa sa 'kin.

Aalisin ko na sana ang tingin ko sa kanila nang mapatingin sa 'kin ang medyo matangkad na babae. Nanlaki ang aking mga mata at umiwas ng tingin. Pero huli na. Nakalapit na sila sa 'kin at nangunguna pa talaga 'yong babaeng medyo matangkad at matured.

"Hai! I'm Dionne Azriel Bautista. Naghahan—"

"Ganiyan ba magrecruit?" sabat no'ng nag-iisang lalaki sa kanila.

Binatukan naman siya ng pinakamaliit sa kanila at pinandilatan ng mga mata no'ng pinakamatangkad sa mga babae. "Kuya Tristan."

Napangiti ako ng alanganin. Nandito lang naman ako para magpahangin at pagmasdan ang mga tanawin na makakapagpa-relax sa 'kin. Bakit sila biglang sumulpot? Ano ba 'yan, daming new characters sa putcho-putcho kong buhay. Wala naman na silang mapapala sa 'kin, e.

"Uh, hello? Anong meron?"

Napalingon ulit sila sa 'kin. Nakangiti ang dalawang babae pero iyong pinakamatangkad ay blanko lamang ang mukha—dahilan kaya nasiko siya ng kasama nilang lalaki na siya namang seryoso rin ang mukha na mukhang suplado pero hindi naman blanko.

"Uhm... naghahanap po kasi kami ng bagong kaibigan. Tama! Bagong kaibigan!" ani ng babaeng unang nag-approach sa 'kin, si Dionne Azriel.

Ang nag-iisang lalaki namang si Tristan ay umismid. "Nah. We are actually recruiting."

"Pero magiging kaibigan pa rin naman," saad ng maliit na boses, iyong pinakamaliit sa kanila.

"Tsk," the tallest and serious girl interrupted. "We are recruiting for our new organization named Seisma Heiya, SeiHe for short. It is just a simple organization to be joined in. We can be you friends since that's what I know organizations do, leaning each other's back. Although this organization serves as a home for the people who have passion in writing or for the people who needs home to lean on."

Seryoso ko itong pinakinggan at tinitigan sila. They seemed close to each other. Siguro ay matagal na silang magkakilala at napagdesisyunan na bumuo ng grupong marami ang makakabenepisyo. At alam ko sa sarili kong isa na ako ro'n.

"Wow! Haba no'n, ah."

"Ganiyan talaga 'pag matalino, e. Pa-english-english lang~"

"Himala."

Ngumiti ako kahit alam kong nasa gitna pa sila ng pagkagulat dahil siguro sa haba ng sinabi ng kaibigan nilang mukhang malamig makitungo.

"Ehem!" pagkuha ko ulit sa kanilang atensyon. "I have already decided."

Kuminang ang mga mata ni Dionne Azriel at mukhang yayakapin na ako kung 'di lang ako lumayo rito. "Wait! H'wag mo munang sabihin."

"Huh?"

"Hayaan mo munang ipakilala namin ng pormal ang aming mga sarili bago mo maibigay ang iyong desisyon," pagpapaliwanag niya.

Tumango na lamang ako at pinagmasdan saglit ang paligid. Madilim na at mukhang natatagalan na kami rito sa pag-uusap. Dumarami na rin ang tao sa boulevard na mukhang namamasyal. Binalik ko na ang atensyon sa kanila at nakitang nakaposisyon silang apat.

Unang nagpakilala si Dionne Azriel, sumunod ang pinakamaliit, sunod ang seryosong babae, at panghuli si Tristan.

"Again po, I am Dionne Azriel Bautista. A highschooler and the founder of our organization."

"Annyeong! Ako po si Tricia Jane Abonite, pero puwede naman akong tawaging Fumi kasi gusto ko lang, hehe. Maliit lang height ko pero malaki na edad ko. Mas matanda pa ako ng ilang taon diyan kay ate."

"Pero naga-ate ka?"

"Kasi gusto ko lang."

"Enough. I'm Princes Brañanola, but Dia is okay. It's far from my name but that's what my family calls me since I'm the only girl in the family. I'm the oldest among us three. Nice to meet you."

"Tristan Sy. College student and a busy one. Baka bigla na lang akong mawala isang araw kasi lasing. 'Yon lang."

As I observed them, they look happy. But I know, deep inside, they are also suffering things that are hard to pass but easy to hold.

I smiled and offered my hand. "I'm Luxorion Advincula. A rainbow but sometimes red."

"I'll be joining you, SeiHe." Maybe you can be a home for me for a little span of time.

***

if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!

love,
ruru

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro