nov 24 | girl friends
2 4 t h o f n o v e m b e r .
--------
Inaantok na sinara ko ang pintuan ng sariling opisina at dumeretso sa tindahang malapit sa gate para bumili ng tubig. Wala kaming klase buong tatlong oras at umaga pa lang pero bangag pa ako sa lahat ng bangag.
Bakit ba kasi ang tagal magklase ulit?Naninibago tuloy sleeping schedule ko.
Nakaupo lang ako sa upuan ng tindahan nang biglang may lumapit na babae. Ngiting-ngiti ito at parang kinilig pa no'ng mapatingin ako sa kaniya. Nakasuot ito ng simpleng bestida pero may ID namang nakasabit sa leeg niya.
Wait. Dito ba 'yan nag-aaral? Pero mukhang hindi naman dahil iba ang kulay ng ID niya.
"Hi, po! Makikiupo ako, ah."
Hindi pa nga ako naka-oo ay umupo na ito sa tabi ko kaya naman napausog ako pagilid. Nilagay ko ang mineral bottle sa upuan at masuring pinagmasdan siya. She looks harmless but at the same time, she also looks like planning something horrible—well, for me. Pero ano bang kailangan nito?
"Hello," tugon ko na lang sa kaniya.
Napangisi ito at tiningnan pa ang kabuuan ko. "I'm Siree, and you are?"
Makatingin 'to parang nanghuhubad, e.
"Lux."
Turns out, taga-ibang school pala siya at napadpad lang dito dahil na-bored daw sa current program nila. She's just a junior highschool pero kung makaasta ay parang magkaedad lang kami. Masasabi ko pa ngang mas mature siyang gumalaw at magsalita kaysa sa mga kaklase ko na graduating na ng senior highschool.
Natapos ang tatlong oras na vacant time namin at nakabalik na ako sa classroom. I spent my time talking to a new girl. Hindi naman nasayang ang oras ko dahil nakakatuwa siyang kausap. Napaka-sassy kung gumalaw at parang mas bading pa sa 'kin.
Goshness. Nalaman ko rin na kaya pala lumapit 'yon sa 'kin dahil naguwapuhan. Kaya naman sinabi kong, "Beh, 'di tayo talo."
Oh, well, kahit naman socially awkward ako ay marunong pa rin akong makisama sa kauri. Lalo na kung may potential itong maging close friend ko.
"Zai, may iba pa bang aasikasuhin sa office after class?" tanong ko sa aking kaibigan na myembro din ng SSC.
We are currently walking on a hallway towards the laboratory. Kaming dalawa lang ang magkasabay na naglalakad dahil nauna na ang limang bugok kong kaibigan, iniwan na naman ako kaya nakisabay na lang ako babaeng masasabi kong matalik na kaibigan.
Napalingon siya sa 'kin nang may pagtataka sa mukha. "Wala naman, Pres. Why?"
"Nah. I just want to stroll around Duma. Pakiramdam ko kasi I need to unwind. Baka kasi bigla nalang akong sugurin na naman sa ospital. Kasawa rin do'n, 'no!" pagbibiro ko pa.
Sumama naman ang timpla ng mukha nito at parang gusto na akong sapakin base sa pinapakita niya. "Don't say bad words, President," seryosong aniya na tinawanan ko lang. She sighed and offered, "Want me to accompany you? I have nothing to do this afternoon, too."
Napahinto ako at tinignan siya nang medyo matagal; na parang nakarinig ako ng birong nahihirapan akong intindihin. Kapagkuwa'y napahagalpak na talaga sa tawa. Naluluha kong pinahiran ang gilid ng aking mata at napaiwas ng tingin sa mga estudyanteng napapatingin sa gawi namin.
"Seryoso ka talaga, Laiza? No, thanks. Ayaw kong masugod ni Tita at Tito."
"Nevermind."
Natatawa akong napasunod sa kaniya dahil sa biglaang pangunguna niya sa paglalakad. "Hey, wait! Magkuk'wento pa ako, e!"
"Alam mo ba, kanina, may na-meet akong girl. She's two years younger than us but act like we have the same age. And you know, naging crush daw niya ako pero she decided naman na kaibiganin nalang since she's fond of gays."
May limang minuto pa bago ang simula ng klase kaya nasa umupo muna kami sa gilid kung saan ang mga upuang mahahaba, naghihintay sa instructor na pumasok. Katabi ko si Laiza at ang lima kong kaibigang mga lalaki naman sa gilid niya. Kaya ako ang nasa huling parte ng mahabang upuan.
Nang matapos ko siyang kuwentuhan, agad na napalingon si Laiza sa 'kin nang may nakakunot na noo. "Name, Pres? I wanna know her."
"Wow. Akala ko ba nakikinig ka? Sinabi ko na 'yon kanina, e." Napanguso ako.
"Ah, sinabi mo?" Tumango ako. "'Di ko po narinig, e," pa-inosente niya pa.
Napairap nalang ako. "She said she's Siree, a girl who has broken humor but a sassy one."
"Maybe she can be my replacement for you, Zai... and you can be my replacement for her. Nakikita ko na. Because I know, someday, you two will be my girls. So, if the waited day comes, you can have each other's back."
Nalukot na naman ang kaniyang chubby na mukha at masama akong tiningnan. "Pres!" Tinawanan ko lang siya.
"Well, just a slight prediction."
***
if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!
love,
ruru
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro