Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

feb 10 | the start of his agony

1 0 t h  o f  f e b r u a r y .

-------

I thought everything will be going smooth, but that was only a thought. 

Days after our fake wedding was my blood transfusion. Si Levi lang ang may alam na aabot na sa ganitong stage ang sakit ko. Wala akong lakas ng loob na sabihin ito sa mga kaibigan ko, na tinuturing kong sariling pamilya, ang nangyayari sa akin. Natatakot ako na baka mahihirapan silang tanggapin na kaunti nalang ang natitira kong pag-asa para manatili pa sa mundo.

Wala akong planong sabihin . . . pero ang makulit kong asawa ang siyang nagsabi sa kanila. Kaya ngayon ay nasa harapan ko na ang pioneers ng SeiHe at ang bestie kong hindi matigil sa kadadada.

"Lux, 40 minutes left and you should be ready." Narinig ko ang boses ni Mama sa gilid ng pintuan. Nakangiti ito pero ang mga mata niya'y halatang pagod na siya. Si poging nurse naman ay nasa kiliran niya na parang siya pa ang pasyente na dapat bantayan.

Tumango lang ako bilang sagot. Nanghihina na rin ako pero pilit ko itong nilalabanan dahil nandito ang mga taong nagbigay pa sa 'kin ng pag-asang mahalin ang buhay na mundo.

A hand reached mine, warm and soft, caressing it as if afraid to let go. I suddenly met her longing eyes even though I am right beside her. "Darling, j-just call my name when you feel you can't do it. Alalahanin mong naghihintay kami sa recovery mo . . ." her voice cracked, "k-kasi . . . lilibutin pa natin ang mundo at lalabas pa tayo rito, 'di ba? Sasamahan mo pa a-akong mag-book signing sa isang book fair, 'd-di ba?" And her tears finally fell to its cage.

I gave the equal pressure her hand is giving, holding it like I am also afraid to let go; to lose her this instant just because I have illness that's impossible to cure.

"Luna and her children are the w-witness of our love. They know how much I love you, Darling. N-No matter what happens, please, remember my love for you. It is e-endless . . ." I repeated the words I said way back when I confessed my incurable disease to her, "like the . . . universe," I added.

Nag-iyakan na. Rinig na rinig sa buong silid ko na may mga astronaut figures na wallpaper ang kanilang mga pigil na hagulgol. Pinakamalakas ang kay Tricia na parang mawawalan na ng hininga at sumunod ang kay Laiza. Samantala, sa gilid ko ay si Siree na may hindi ko mabasang ekspresyon—parang gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa kaya pinapalabas na lang niya ang nasasaktang ekspresyon ng mukha niya.

"Ang daya naman, e! Paano ba kasi umiyak?! Turuan n'yo naman ako, huhu!" she whined while pouting her lips.

Any moment from now, I think Laiza will get something to throw at Siree because of her deadly glare. Sinira ba naman ang moment nilang iyakan na napalitan ng tawanan at biruan.

Napangiti ako. Siguro ay matagal bago nila malimutan ang masamang alaala kapag nawala ako dahil alam ko namang mature na sila para tanggapin ang mga mangyayari. Alam kong alam na nila kahihinatnan ko sa lagay na 'to, nasa indenial stage palang sila.

"Guys," pagkuha ko sa kanilang atensyon. "Malapit na ang oras."

Bigla-bigla, dinamba nila ako ng yakap kaya agad akong napadaing. Napalayo naman sila isa-isa at nag-peace sign.

"Be at your strongest armor for this battle, Luxorion. We will wait for you," it was Dia. I only smiled and nodded.

Tricia wiped her tears and sobbed, "'Tay, laban lang, ah? Mag-a-anniversary pa ang SeiHe nang nando'n ka."

"Pararamihin pa natin ang members, Krypt, palalakihin pa natin ang pamilya . . . " Dionne added.

Sunod-sunod na silang nagbigayan ng pampalakas-loob. At last, my silent best friend, Laiza, hugged me. She's crying nonstop, and I can only caress her back to assure her I'll be okay. "President, ayaw ko pang maging automatic hailed president kaya please, lumaban ka, okay?"

I nodded and chuckled a bit. Hindi na ako makapagsalita dahil sumasakit na ang mga kalamnan ko. Maybe after thi transfusion, I will be able to bond with them for a little while.

Tiningnan ko si Mama nang isa-isa na silang nagsipag-alisan. Huling lumabas ang asawa ko matapos niya ako hinalikan sa noo sa harap ni Mama. Tumatapang na siya, ah? Nakita ko pa ang malaking ngiti ni Mama at parang kinikilig na binulungan si poging nurse.

My doctor went inside with nurses on his side. "Let's start."

It is what it is.

***

if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!

love,
ruru

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro