Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

dec 3 | the true meaning of life

3 r d  o f  d e c e m b e r .

-------

"That's all for this session. Just like the usual, come back here every Friday afternoon. Let's pray together for your health, Lux. Magiging maayos ka rin," my doctor, since I was diagnosed to have the disease I am carrying right now, said.

"Kahit hindi sigurado?" Tumawa ako at nakipag-fist bump kay Doctor. "Joke lang, Doc. Oo naman, gagaling ako. May nililigawan, e. Syempre, 'di pa ako puwedeng mamatay!" dagdag ko kaya sabay kaming natawa.

"Ikaw talagang bata ka! Oh siya, sige. Paalala lang, bago mag-iisang buwan, kailangang makahanap na kayo ng donor, ha?"

Napatingin ako kay Mama nang matigilan ito sa pagcecellphone at napatingin din sa 'kin pagkatapos ay nilipat ang tingin kay Doctor Perez. Pilit itong ngumiti. "Noted, Doc. Basta ba'y masisisguro ang kaligtasan ng anak ko."

Napaiwas ako ng tingin at pilit na lamang ding ngumiti. Ayaw kong umiyak dito. Nakakahiya. Hindi na ako bakla kaya 'di na rin ako iiyak. I promised her that I will be strong no matter what.

"Tara na. Naghihintay ang ama mo sa labas. Naiinip na siguro 'yon."

Tumango ako at nagpaalam na sa doktor. Naabutan namin si Papa na nakaupo sa waiting chair at nakayuko ang ulo na parang natutulog. Natatawang kinalabit ko siya at talagang tulog siya kanina pa dahil hindi ito natinag. Si Mama naman ay mahinang hinampas si Papa sa likod kaya awtomatikong napatayo ito na parang gulat na gulat.

"O-Oh, tapos na pala kayo. Tara, kain tayo. Saan n'yo ba gusto?"

Napalabi ako at sinabi ang lugar. Pagkalabas namin, nagulat ako nang lumabas din ang babaeng nakilala ko ilang linggo na ang nakalilipas. Kahit halos araw-araw kaming nag-uusap dahil sa kadaldalan niya, hindi pa rin ako nasasanay na sumusulpot siya kahit saan.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at patakbong pumunta sa puwesto namin. Kahit nasa kabilang kanto siya, ang bilis pa rin niyang nakarating at sa tingin ko'y kagagaling niya lang sa salon.

"Bish! Omg, bakit ka nandito?" Lumingon siya sa bawat gilid ko kung nasaan ang aking mga magulang. Natutop pa niya ang sariling bibig na parang gulat na gulat talaga kahit ilang beses niya nang nakita sina Mama at Papa noon. "Oh, my gosh! Nandito rin pala kayo, Tita, Tito. Nice meeting you, po! I'm Siree, the prettiest best friend of your nakshie!" She bowed multiple times and radiated her smile.

Napasampal ako sa aking noo at napailing. Abnormal talaga ang babaeng 'to. Ano na naman kaya ang nakain niya?

"Hello, hija. Nice meeting you, too," pagsakay ni Mama sa kaabnormalan niya. Ngumiti lang si Papa at lumayo ng k'unti dahil malamang ay may tumawag na naman sa trabaho.

"So... ano pong mayro'n at lumabas kayo r'yan?" Tinuro niya ang ospital.

"Confidential, bish. Sabihan nalang kita mamaya. Anyway, sama ka? Kakain kami nina Mama. Pero kung ayaw—"

"Oops! Stop right there! Sinong sabi tatanggi ako? Blessings na 'yan, oh!" Inuwestra niya ang mga kamay at pumormang tanggi pa.

Tinawanan nalang namin siya ni Mama at sinama sa isang restaurant. Tapos na rin ang tawag ni Papa kaya malaya na kaming magdaldal habang naghihintay na maluto ang inorder.

"CR muna ako, Ma." Lumingon ako kay Siree at sinenyasan siya. Tumango naman ito.

Nang makalapit na sa hamba ng CR, doon sa gitna ng dalawang cubicle para sa babae at lalaki, tumigil ako. Alam kong medyo nakikita pa kami nila pero ayos lang. At least alam nilang wala akong ginagawang kababalaghan. Lumapit si Siree at agad na hinampas ang aking braso.

"Aray! Anong problema mo?" inis kong tanong. Hinimas ko ang braso kong kaniyang hinampas at sinamaan siya ng tingin.

"Wala, trip ko lang manghampas." She shrugged and acted like it's a normal thing to do. Akala ko ay tapos na pero hinampas na naman niya ako at kinurot. "Naglilihim ka na ngayon, ha!  Bakit 'di mo sinabing may sakit ka pala? Akala mo ba bobo ako para hindi ko mahalata?!" Lumalakas nang lumalakas ang boses niya.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na pinitik ang malaking bunganga niya. "Ingay mo! Eto na, magsasabi na nga, 'di ba!" Napanguso ako. "Ano kasi... may cancer ako—"

"Ano?!"

"Patapusin mo muna ako, puwede?!"

Tumawa siya ng hilaw at napakamot sa sariling batok. "Sorry, hehe."

"So, ayun nga. May cancer ako sa dugo at bone marrow na lumalala nang lumalala..." Napatingin ako sa kisame at pinipigilang maiyak dahil baka magtaka sina Mama pagbalik namin. "Noong November na nga sana ako magpapa-confine sa ospital kaso... nakilala kita, nakilala ko ang babaeng nagpatuklas sa 'kin ng kakaibang pakiramdam, at nakilala ko ang mga taong bumubuo ng SeiHe. Naisip ko na baka hindi pa iyon ang tamang panahon para agahan ang pagkawala ko..."

Tumingin ako sa kaniya at hindi na ako nagulat nang makita ang lungkot sa mga mata niya. Para siyang maiiyak pero alam kong hindi siya marunong umiyak. Wala, e, mas matapang pa 'to sa 'kin.

"P-Paano si Levi...?"

Kahit mahina ang boses niya nang tanungin niya 'yon, hindi ko pa rin maiwasang masaktan ng todo. Napamahal na ako sa babaeng 'yon kahit sa maiksing panahon na nakilala ko siya. Siya ang dahilan kung bakit naranasan ko ang gender crisis ng isang linggo. She made me feel the things I haven't imagine I can.

And up until now, hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang mga gusto kong sabihin.

Pinahiran niya ang mga luhang 'di ko namalayang tumulo na pala. "Don't worry, bish. Magiging maayos ka, okay? Tiwala lang sa Diyos at sa sarili. Laban lang."

"Please, don't tell her yet."

She showed me her blank face. "Paano ko naman masasabi e hindi nga kami close? Hindi nga ako kasali sa SeiHe-SeiHe mo na 'yan. Tsk." Saka umirap ito.

Natawa ako at niyakap siya. "I will introduce you to them. Willing ka namang sumali, e, so isasali kita. Kilalanin mo na rin magiging bride ko. At h'wag na h'wag mo akong ilaglag!"

Nagtawanan kami at sabay na bumalik sa puwesto namin. Sinalubong kami ng tanong ni Mama at nagtatakang tingin.

"Si Lux kasi, Tita. Nagdadrama pa! Gutom na ako, e. Daming echos nito."

"Hey, it's not my fault! Ikaw kaya nagtanong!" Nag-irapan kami at sabay na natawa.

The true meaning of life is not all about happiness. Nakakalungkot nga lang dahil nalaman at naranasan ko lang ang totoong buhay sa edad na dise-otso. Kung mawawala man ako, alam kong mayroong aalala sa akin at sapat na iyon para maging masaya.

****

if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!

love,
ruru

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro