❤WAKAS❤
Kabanata 30
Hindi ko na naabutan sa ospital sina Niko. Tinawagan ulit ako ni Mhel na wag na ako pumunta, bukas nalang dahil inaasikaso ma nila ang mga kailangan para kay Lolo.
Pag-uwi ko ay hindi ako makatulog dahil di ko maiwasan ang malungkot sa nangyari.
Kinabukasan ay pumunta na agad ako kala Niko.
Sa tapat palang ng bahay nila ay ramdam ko na ang kalungkutan.
Tinawagan ko ang tropa para ipaalam na nandun na ako. Hindi nagtagal ay lumabas si Rhodnie.
"Akala ko hindi kana pupunta." sabi nito.
"Pwede ba'yun ee parang Lolo na natin si Lolo Enyong."
Lumungkot ang mukha nito. "Pasok na tayo."
Unang araw ng burol ni Lolo kaya pamilya at kami palang ang andun.
"Kuya Andrew..." salubong sakin ni Jielean.
Ang lakas ng iyak nito.
"Kuya, wala na po si lolo iniwan niya na kami... nasa heaven na po siya." sabi pa nito.
Kinuha ko ang panyong nasa loob ng aking bulsa at pinunasan ang luha pati sipon nito.
"Tahan na, dapat maging masaya ka para sa lolo mo kasi hindi na siya mahihirapan sa sakit niya at kasama niya na si Papa God."
"Hindi na siya mahihirapan dun?" tanong ng bata, kinarga ko ito para tumigil sa pag-iyak.
"Hindi na kasi wala na siyang sakit at malakas na ulit siya sa heaven." sagot ko para gumaan ang loob nito.
"Niko, condelence..." sabi ng mga kaibigan ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Niko.
"Baby, punta ka muna kay yaya may pag-uusapan lang kami ng kuya Andrew mo." kinuha niya ang kapatid at pinapunta sa yaya nito.
Lumabas kami ni Niko para dun mag-usap.
"Salamat sa pagpunta kahit na may alitan tayo." hindi siya makatingin sa mga mata ko.
"Si Lolo ang pinunta ko dito." sabi ko sa kanya.
"Salamat pa rin." bumuntong-hininga siya. "Pasensya kana sa ginawa ko kay Almi hindi manlang kita inisip nagpadalos dalos ako." dun na siya tumingin sakin.
"Hindi ako magsisinungaling sa'yo, galit pa rin ako sa ginawa mo dahil parang ako yung binastos mo tsaka mahal na mahal ko yun, Brod."
"Alam ko kaya nga hindi ko na siya niligawan nung nalaman ko na gusto mo siya." ngumiti siya. "Sorry talaga." nilahad niya ang kanyang kamay.
Tinanggap ko naman iyon.
"Bati na kayo!?" sulpot ng mga kaibigan namin.
"Kanina pa ba kayo dyan?" tanong ko.
"Okay na kayo?" tanong ng mga ito.
Kailangan sabay sabay talaga.😂
Tumango ako na nakangiti sa kanila.
"Yown!!!" nagtalunan at binunggo pa kami ng mga ito.
Pero hindi dapat kami magsaya ngayon dahil nagdadalamhati pa kami sa Lolo ni Niko.
***
(Almi's POV)
Pumunta si Karizza sa bahay namin.
"Anong meron at naka black kang damit?" taka kong sabi.
All black kasi siya kahit ang sandals niya.
"Hindi mo paba alam? Patay na ang Lolo ni Niko." biglang nalungkot siya.
"Huh!? Kailan pa?" nataranta naman ako parang nalungkot ako bigla sa nabalitaan ko.
"Nung isang araw pa, bukas na ang huling lamay kaya pupunta ako dun kasi bukas marami ng tao. Sasama kaba sakin?"
Hindi naman ako nakapagsalita agad. "Gusto ko pumunta pero alam mo naman ang huling nangyari samin."
"Oo nga pala, o'sige ako nalang pupunta. Mauna na ako." tumayo na siya at aalis na sana nang pigilan ko.
"Sasama ako." nakapagdesisyunan ko na pumunta dun.
Siguro naman hindi na gagawin ni Niko ang ginawa nito dati.
Nagpalit na ako ng damit at nagpaalam kay Mommy na may pupuntahan kami ni Karizza.
"Ala-sais na ng gabi, saan pa kayo pupunta?" tanong nito.
"Patay po kasi ang Lolo ng kaibigan namin kaya makikipag-lamay kami ngayon." aniya.
"Sige, basta mag-iingat kayo wag kayo magpahatinggabi."
"Opo, alis na po kami." paalam ko.
***
Pagdating namin sa bahay nina Niko ay marami ang tao. Nakita ko ang ibang kaibigan nina Andrew.
Nandito rin kaya si Andrew?!
Pagpasok namin sa bahay ay sinalubong kami ng isang babae.
"Sino kayo?" tanong nito.
"Hello po, kaibigan po kami ni Niko." bati ni Karizza.
"Aa ganun ba, sige tuloy kayo wala pa ang anak ko nag grocery ee kahit gabi na." ito pala ang nanay ni Niko. Tatay ata ni Niko ang kamukha nito kasi hindi nito kamukha ang nanay.
Binigyan kami ng bata ng sopas at drinks.
"Ang cute mo naman," pinisil ni Karizza ang pisngi ng bata.
"Hello po, ako po ang kapatid ni Kuya Niko." sabi nito na mala-anghel ang boses.
"Hello." nakakatuwa ang batang ito.
May huminto at pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay nina Niko.
"May bagong dating." bulong niya sakin.
"Huwag kana magtaka best." bulong ko rin.
Marami talaga pupunta dito dahil nakikilamay ang mga mahal sa buhay ni Lolo.
"Tita, saan po ito lalagay---" parehas kami nagkatingian ni Andrew pagpasok niya sa loob.
"Doon nalang sa kusina, hijo." sabi ng nanay ni Niko.
"Sige po." pumunta na si Andrew sa kusina.
"Nandito rin pala si Andrew at mukhang okay na sila ni Niko." bulong ni Karizza.
Agad-agad ayos na sila ?!
Sila okay na bakit kami hindi pa?!
"Agad-agad ayos na sila." sabi ni Karizza na inulit lang ang sinabi ko sa sarili.
"Niks, may bisita ka kararating lang din nila." sabi nito pagpasok din ni Niko.
Magkakasama pala sila mag-grocery.
"Karizza... Almi..." hindi makapaniwala si Niko na pumunta kami dito. " Bakit hindi kayo nagpasabi na pupunta pala kayo, kumain na ba kayo?"
"Oo," si Karizza ang sumagot.
Paglabas ni Andrew sa kusina ay nakita niya na kinakausap kami ni Niko kaya lumapit siya samin.
"Kanina paba kayo dito?" tanong ni Andrew.
"Pupunta ka pala dito dapat sinabihan mo naman kami, Andrew." pagtatampo ni Karizza.
"Hindi ko alam na pupunta kayo ee."
"At lalo na ako hindi ko inaasahan na pupunta ka dito." barado ni Karizza sa kanya. "Kelan pa kayo nagkaayos?" palitan ang tingin ni Karizza kay Andrew at Niko.
Walang sumagot sa dalawa.
"So kayo okay na tapos ang bestfriend ko hindi pa ang unfair naman nun." siniko ko si Karizza para tumahimik na.
"Oy, nandito pala ang dalawang magandang babae." sulpot nila Mhel kung saan kami nakaupo.
"Hi." bati ko sa mga ito para hindi mahalatang hindi kami okay ni Andrew.
Tumayo na si Karizza. "Excuse us, aalis na kami kasi baka gabihin pa kami sa daan." paalam niya.
"Hatid na kita." alok ni Mhel. "Dala ko yung kotse ni Papa."
"Sige, hatid muna kami ni Almi." sabi ni Karizza habang nakatingin kay Andrew.
"Huh?" nagtaka si Mhel. Pero naalis din sa itsura nito ang katanungan at napagtanto na hindi pa kami nagkakaayos ni Andrew.
"Ako na maghahatid kay Almi." prisinta ni Andrew.
"Huwag na baka napipilitan kalang." inis na sabi ni Karizza.
Hindi ako makasingit sa kanila.
"Teka..." sabi ko nang hatakin ako ni Andrew palabas sa bahay at pinasakay sa kotse niya.
Walang nagsasalita samin habang nasa byahe hanggang sa huminto na ito sa tapat ng bahay namin.
"Hindi na muna ako papasok sa bahay ninyo." mahinang sabi niya at nakatingin lang sa kalsada.
Sinuntok-suntok ko siya hanggang sa umiyak na ako.
"Lagi ko iniisip yung pagkakaibigan ninyong dalawa ni Niko dahil sakin nag-away kayo tapos yun pala okay na kayo..." gusto ko ilabas ang nararamdaman ko. "Pinamukha mo akong tanga sa harap nila, ano pinalalabas mo na ako nagkamali na kayo ang biktima at ako... Ako ang may kasalanan ng lahat!"
Hinintay ko siya magpaliwanag pero hindi siya nagsalita at nakayuko lang.
Binuksan ko ang pinto at lumabas na sa kotse.
Nahampas ni Andrew ang manibela pag-alis ko.
***
(Karizza's POV)
Bago ang profile picture ko sa facebook at nagulat ako nang magcomment si Patrick, ang lalaking nagcha-chat sakin.
Miss. Pretty 😍😘
Nakakainis naman ito baka isipin ng mga makabasa ay nakikipaglandian ako sa lalaking ito.
Pinindot ko ang 'Hide' para walang makabasa ng comment niya.
Binuksan ko ang messenger ko.
What !?
You missed a call with Patrick Ross...
What !? Hindi lang isang beses siya ng missed call kundi maraming beses.
"Wala ba magawa ito sa buhay?" inis na sabi ko sa sarili.
Binura ko ang conversation naming dalawa dahil hindi ako interesado sa kanya.
Hindi ako desperadang babae na may magkagusto sakin para magka boyfriend lang baka scam pa ang lalaking ito, mahirap na.
Good morning, Miss. Pretty😗
Kumain kanaba?
Itong message na'to ang bumungad sakin pagbukas ko ng messenger paggising ko.
Boring kaba sa buhay? Kaya ako ang pinagtitripan mo?
Inis kong reply sa kanya pero ilang oras na ay hindi pa siya nagre reply sakin.
Five hours na siyang offline.
Bigla akong nalungkot nang hindi niya pa na seen ang message ko.
Teka bakit ako malulungkot ? Ee hindi ko naman siya kilala.
***
(Almi's POV)
Dahil bakasyon ay lagi lang ako nakakulong sa kwarto at nagco-computer.
Nakita ko sa Instagram ni Mhel ang picture nilang magbabarkada. Si Niko naka-akbay kay Andrew at ang laki pa ng ngiti ng mga ito.
Okay na nga sila pero bakit kami hindi pa?!
Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero nasasaktan ako kasi natiis ako ni Andrew.
Ibig sabihin ba na mas pinili niya ang pagkakaibigan nila kesa sa relasyon namin.
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking pisngi.
Pinindot ko na ang shut down ng laptop dapat hindi nako nag online nasasaktan lang ako. Siguro mas okay na itong lumayo muna ako sa kanila para may oras ako kay Mommy lalo na sa sarili ko.
***
(Karizza's POV)
Pumunta ako sa aking bestfriend, nagda-drama kasi na bored na raw siya sa bahay nila. Sabi ko sa kanya gumala kami kasu ayaw niya naman lumabas. Idadamay pa ako sa pagka-bored niya sa buhay.
Alam ko hindi pa sila ayos ng pinsan ko kasu ayaw ko naman makialam sa relasyon nila dahil baka mas gumulo lang.
Kapag pumupunta ako sa bahay nina Andrew ay hindi namin napag-uusapan si Almi. Ganun din naman si Almi hindi namin pinag-uusapan si Andrew.
"Pa-on line naman," binuksan ko ang laptop.
"Sige lang, anong gusto mo kainin." tanong niya.
"Cookies nalang, best." sagot sa kanya habang nagco-computer.
Lumabas na siya ng kwarto at pagbalik niya ay may dala na siyang cookies at drinks.
"Tignan mo'to, best." nagmamadali kong sabi.
Lumapit naman siya agad at tinignan kung ano ang nasa laptop.
"Nakita ko na'yan." umupo siya sa kama.
"Talaga, ano naman reaksyon mo?" curious kong tanong at humarap sa kanya.
Blangko naman ang mukha niya.
"Wala." maikling sagot niya.
"As in wala?"
"Ayoko na rin ipilit ang sarili ko kay Andrew kung ayaw na niya sakin edi wag. Atsaka mas okay na rin siguro na magkaroon kami ng space sa isa't-isa para..." hindi niya natuloy ang sasabihin.
"Para?" tanong ko.
"Huwag na natin siya pag-usapan."
kinuha niya ang laptop at nanuod ng youtube. "Manuod nalang tayo ng koreanovela.
Hindi ko na siya kinulit at nanuod nalang kami.
***
(Philip's POV)
Nanunuod ako ng televition habang naka online sa social media.
Hindi ko namamalayan na nakangiti ako habang nakikipag-chat.
Bigla nalang ako nalungkot nang maalala ko si Mommy at ang mga naiwan ko sa pilipinas.
Namimiss ko na ang boses ni Mommy, ang mga luto niya at paghihilot niya sa likod ko.
Nakakamiss na talaga siya😔
***
(Almi's POV)
Three months ago.
Bamboo Organ church.
Nakita ko si Mang Caloy paglabas ko sa simbahan at nilapitan ko siya.
"Ikaw ba'yan Almi? Yung girlfriend ni Andrew?" tanong nito sakin.
"Opo, ako nga si Almi." nakangiti kong sabi.
"Hindi kita agad nakilala lalo ka kasing gumanda." bola nito.
"Ay sus inuto pa ako, kumusta na po kayo?"
"Masaya naman, nagtitinda pa rin ng mga streetfood."
Ngumiti ako sa kanya. "Pabili nga po at matikman ulit ito." nagtusok-tusok na ako.
Namiss ko ito , yummy!
"Bakit hindi pa ata bumabalik si Andrew sabi niya aayusin lang niya ang pag parking sa kanyang motor."
Nagulat ako sa sinabi nito. "Po?"
"Ayan na pala siya." nabitawan ko ang hawak kong plastik na baso at kumalat sa semento ang mga kikiam at iba pa.
(Andrew's POV)
"Mang Caloy !!!" Lumapit ako sa matanda.
Nagulat ito sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko ang isang babae na nakatalikod sakin.
DUGDUGDUG 💗
Dahan-dahan ako lumapit sa kanya.
"Almi..." sabi ko sa aking isip.
"Hindi ba kayo magkasama at nagulat kapa na andito ang girlfriend mo?" pagtataka ni Mang Caloy. "Madulas ba ang baso?" baling nito kay Almi.
"Hindi po, nabitawan ko lang." palusot niya.
Kumuha ako ng plastik na baso at kumuha ng kikiam at chickenball, nilagyan ko ng spicy sauce.
Binigay ko kay Almi. "Para sayo," ngumiti ako sa kanya.
Hindi naman niya alam kung tatanggapin niya ba o hindi kaya kinuha ko ang kamay niya para hawakan ang baso.
"Diba favorite mo 'yan." kinindatan ko siya.
Nakipag-ayos ako sana kanya two months ago pero hindi niya tinanggap, gusto niya raw ng space para makapag-isip kaming dalawa at maghilom ang mga sugat namin sa puso.
Hindi ako pumayag pero nagmakaawa siya dahil kapag pinilit daw namin ang aming sarili ay baka tuluyan na kaming maghiwalay kaya pumayag na ako.
Umupo kami sa park sa tapat ng simbahan.
"Kamusta kana, Almi?" tinitigan ko siya sa mukha.
Lalo siyang gumanda at walang ka stress - stress ang kanyang mukha.
Hindi naman kami nag-break pero nagkakailangan kami.
"Okay lang," ngumiti siya.
"Almi, siguro naman sapat na ang tatlong buwan para magkaayos tayo." kabado kong sabi.
Ngumiti lang siya sakin.
Anong ibig sabihin ng ngiti niya !?
"I miss you..." bigla nalang kumislap ang mga mata ko sa aking narinig.
"Almi," niyakap ko siya.
Hahalikan ko sana siya nang takpan niya ang kanyang bibig.
"Bakit."
"Amoy sauce ako."
"Same lang naman tayo."
Tumawa si Mang Caloy at nanuod lang samin na kinikilig pa.
Tumawa siya at hindi na pumalag nang halikan ko. Binuhat ko siya at inikot.
Wala na kaming pakialam kung may nanunuod samin basta ang alam ko lang ay dapat sundin na namin ang tinitibok ng aming puso.❤
💖WAKAS💖
__________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro