PROLOGUE
Prologue
Halos hindi makapaniwala si Fel na iiwan siya ni Art, dahil ilang beses na nito sinabing aalis pero hindi nito ginagawa kasu ngayon mukhang seryoso na ito.
Hinabol niya si Art hanggang sa labas ng bahay para sakaling pigilan itong umalis.
"Maawa ka wag mo kami iiwan ng anak mo hindi ko kayang mawala ka mamamatay ako, Art. Mahal na Mahal kita." nakaluhod siya habang umiiyak at nakayakap sa hita nito.
"Makinig ka sakin, Fel. Nakapagdesisyon na akong iwan ka at sumama sa kanya. Mas lalo lang kita masasaktan kapag nanatili pa ako sa piling mo. Oo minahal kita pero noon yun at ngayon may iba na akong mahal at siya na ang buhay ko, ang mundo ko."
Nasaktan siya sa mga sinabi nito.
"Paano ang anak mo? Wala ka ng pakialam sa kanya iiwan mo siya para sa sarili mong kaligayahan. Makasarili ka, Art." hinawakan niya ang damit nito.
Hindi naman gumagalaw si Art.
"Kapag umalis ka sa bahay na ito ay hindi ka na makakabalik sa buhay namin, hindi muna makikita ang anak mo kahit kailan." Pananakot niya rito pero akala niya ay magbabago ang isip nito pero nagkamali siya.
"Alam ko kahit wala ako sa tabi ng anak natin ay magiging mabuting tao siya, mahalin at alagaan mo siya ipangako mo yan, Fel. I'm sorry, sana pakawalan muna ako." pumasok na si Art sa loob ng kotse at pinaharurot ito palayo.
Wala ng nagawa si Fel kundi humagulgol at isigaw ang pangalan ng pinakamamahal niyang lalaki sa mundo.
♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro