EPILOGUE
(Phed & Ness Conversation)
Pumunta si Phed sa kanyang office sa sa bahay may kinuha siyang libro at may nakaipit dun na isang picture...
Kupas na ang picture na'yun dahil sa tagal na ng panahon. Marami siyang kasama sa picture at isa na roon ay ang isang babae na dati niyang secretary--- si Fel, ang nanay ni Almi.
"Matagal ng panahon pero bakit bumabalik ka ulit sa buhay ko, Fel?" sabi niya, kausap ang picture nito.
Pagpasok ni Ness sa kanyang office ay bigla niyang tinago ang picture at inipit ulit iyon sa libro.
"Nakakagulat ka naman dapat kumatok ka muna." sabi ni Phed na kinabahan.
"Sorry kung nagulat kita.."
"Akala ko natutulog kana, Honey" sabi niya.
"Wala ka kasi sa tabi ko kaya hindi ako makatulog at pinuntahan nalang kita dito, anong ginagawa mo dito?" niyakap siya nito.
"Wala naman may inayos lang ako."
"Thank you honey dahil pumayag kana sa relasyon ng anak mo."
Ngumiti lang siya sa kanyang asawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro