Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

💖6💖

Kabanata 6

Pumunta kami sa Bamboo Organ Church, lumabas siya at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Ayokong umuwi ka na malungkot." nilahad niya ang kanyang kamay para alalayan ako lumabas ng kotse.

"Okey lang ako, sino ba nagsabing malungkot ako." ngumiti ako sa kanya.

"Alam ko na sasabihin mo sakin na okey ka lang pero alam kong hindi ka okey... ayokong isipin mo o problemahin mo ang mga nangyari kanina o yung nangyari sa bahay niyo nung pumunta ako. Ayokong isipin mo ang lahat ng iyon, ayoko." pinatong niya ang kanyang ulo sa noo ko, gusto niya pagaanin ang loob ko.

"I'm fine, Andrew." niyakap ko siya saglit at pinakita ko sa kanya na okey lang ako.

Hinawakan niya ang aking kamay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami papunta kung saan.

"Kakain tayo." sagot niya.

"Kakain? Wala ng mga tinda sa ganitong dis-oras ng gabi."

Huminto kami sa isang tindahan at sarado na'to.

"Mang Caloy!" sigaw niya.

"Sshhh... tulog na ang mga tao." saway ko.

Hindi siya nagsalita.

Bumukas ang tindahan at bumungad samin ang isang matandang lalaki.

"Magandang gabi po, Mang Caloy." nakangiting bati niya sa matanda.

"Magandang gabi po." bati ko sa matanda nang sumulyap ito sakin.

"Ang ganda niya pala, siya ba yung kinukwento mo sakin hijo?" sabi nito, nakangiti ito sakin kaya nginitian ko na din.

Pinapasok kami ni Mang Caloy sa loob, nagluluto na ito ng streetfood.

Tumingin ako kay Andrew.

"Mang Caloy naman baka isipin ni Almi na may iba pa akong kinukwento sa inyo." napakamot siya sa ulo.

Tumawa kami.

"Ang tagal ko ng pumupunta dito pero wala pa akong naging kaibigan, close meron naman pero ikaw dinaig mo pa ako at nagkaroon kana agad ng kaibigan." bulong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Syempre basta para sayo gagawin ko lahat para maging masaya ka lang."

"Ay sus, nambola pa." kinurot ko siya sa tagiliran tand ng kinilig ako sa sinabi niya.

"Saan ba kayo nanggaling at ang gagara ng mga suot niyo." sabat ni Mang Caloy.

"Sa bahay po nila Andrew." ako ang sumagot.

"Aa ganun ba."

"Mahal, diba tinanong mo ako dati kung bakit gusto ko ang pagkaing ito?"

Tumango lang ako.

"Dahil may pagkaparehas kayo, unang kita ko palang dito nacurious na ako kaya nung natikman ko na ay ayoko ng tigilan. Parang ikaw nung una kitang nakita ay hindi kana nawala sa isip at puso ko kaya nung nagkaroon ako ng chance na mapalapit sayo ay hindi ko na sinayang ang pagkakataon."

Spell K-I-L-I-G ?! AKO yun *^▁^*.

"Ang corny mo." I said.

Sinubuan ko siya ng kwek-kwek para hindi niya makita na kinikilig at namunula ako.

After few hours ay nagpaalam na kami kay Mang Caloy at hinatid na ako ni Andrew sa bahay.

"Be safe, Mahal ko. Baka hinahanap na ng mommy mo yung kotse niya kaya umuwi kana." hindi ko maitago ang pagkakilig ko sa aking boyfriend.

"Wala ba'ng good night kiss?" ngumuso siya, hinihintay niya na halikan ko siya.

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Sa pingi lang, wala ba sa---" ngumuso ulit siya

"Wala muna baka kasi makita tayo ni mommy." kinurot ko ulit siya sa tagiliran.

Ewan ko ba basta sa tuwing kikiligin ako ay nangungurot ako sa tagiliran.

"Aa ganun ba, sige na pumasok ka muna bago ako umalis." nagtampo kunwari.

"Sige na, good night na mahal ko".

Nag-beautiful eyes siya .

Haizztt, Nagpacute pa.

"Oo na gwapo kana kaya lalo akong naiinLove sayo ee." mahina kong sabi at alam kong hindi niya narinig iyon.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at narinig kong umalis na ang kanyang sasakyan.

Kahit may hindi magandang nangyari ngayong araw ay isa ito sa pinakamasayang araw namin ni Andrew.

Hindi ko alam kung ano pa ang darating na pagsubok saming relasyon pero kahit ano pa yun ay kakayanin ko para sa kanya dahil sobrang mahal na mahal ko siya.

(Karizza's POV)

Nagkayayaan ang mga classmates ko na pumunta ng padis kaya sumama ako sa kanila minsan lang kasi magkaroon ng bonding ang mga classmates ko kaya naki-join na ako.

Sayang hindi nakasama si Almi pero alam ko naman na mas masaya ang pinuntahan niya ngayon.

Habang nagkakasayahan kami ay hindi ko naiwasan macurious kung sino pinag-uusapan ng iba kong mga classmates kaya sinundan ko ang mga tingin nila kung saan sila nakatingin.

"Ang cute niya diba." sabi ni Angelyn.

"Alam mo ang gwapo niya." si Nhoriebelle naman ang nagsalita.

"Lapitan kaya natin." kinikilig pang sabi ni Hazel.

"Tumigil ka nga, wag mo kalimutan nandyan ang boyfriend mo." tinuro ni Nette si Jerome na boyfriend ni Hazel.

Napailing nalang ako sa kanila.

"Kung ayaw mo ng gulo umupo ka nalang dito at magstay." sabat ni Karen.

"Oo na, ang dami niyong sinabi." sabi ni Hazel.

"Tayo nalang ang pumunta kay Mr.pogi wag na natin isama si Hazel." yaya ni Nett.

"Huwag na mukhang may problema." si Angelyn naman ang nagsalita.

"Baka brokenhearted." ani Nhoriebelle.

"Sa gwapo niya may tatanggi pa sa kanya kung ako nalang ang mahalin niya hindi siya luluha sakin." sabat ni Charlene.

"Parang papatulan ka niyan." si Claire naman,uminom ito ng alak.

"Huwag ka nga assuming." ani Nette.

"Love is blind noh malay niyo." ani Charlene.

Isang lalaking naka-side view ang ginagawa nilang pulutan ng tingin at sunod-sunod ang tagay niya ng alak.

Nabitawan ko ang hawak kong baso nang makilala ang lalaking iyon.

"I know him... I know him..." bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ko ang lalaking iyon.

OMG!

Hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng puso ko.

Kumuha ako ng baso at ininom ang laman nun para mawala ang pagka-tense ko.

Second time, I know I love him so much!

Tumayo siya kaya tumayo rin ako at palihim na sinundan siya sa men's room.

"Ang tagal naman niyang lumabas di kaya nakatulog na siya sa loob?" sabi ko sa aking sarili.

Palakad-lakad ako sa labas ng men's room.

Bakit nandito siya?

Wala ba siyang kasama?

Bakit nag-iisa lang siya?

Ang dami kong tanong sa isip ko.

"Ang tagal naman niya pasukin ko na kaya..." sinubukan kong pumasok sa loob pero napaatras ako nang may lumabas na lalaki at tumalikod rito.

Pag-alis nito ay may lumabas ulit na isa.

Finally!

"Hey, what are you doing here?" salubong ko kay Philip.

"Miss, ako ba kina...kausap mo." lumapit siya sakin. "Pa...rang kilala kita...nag...kita na ba ta...yo." halos nakapikit na ang mga mata niya sa sobrang lasing.

"I'm Karizza ---" napasandal na ako sa pader dahil sobrang lapit na ng mukha niya sakin.

"Karizza... Oo tama... I..kaw nga si Karizza, ang kaibigan ng babaeng..."

"Aayyy!" sambit sa pagkabiglang salo ko sa kanya.

Hindi ko na naintindihan ang huling sinabi niya dahil bumagsak na siya.

"Philip, hoy philip wag ka naman ganyan... wake up!"

Pinilit ko siyang gisingin pero mukhang knock out na ang isang ito kaya nagpatulong ako sa mga bouncer ng bar na isakay siya sa taxi at tinawagan ko si Almi para tanungin kung anong address nina Andrew dahil alam ko na dun din nakatira si Philip.

"Best, bakit mo pala natanong?" ani Almi.

Hindi ako nakasagot agad, di ko alam kung dapat kong ikwento ito sa kanya sa cellphone.

"Bukas ko na ikukwento sayo hirap i-explaine sa phone, sige best." nakatingin ako kay philip habang sinasabi ko iyon.

End call.

Dumilat si Philip at tumingin sakin.

"Are you okey, Philip?" nauutal ako habang sinasabi ko iyon.

Bakit pinagpapawisan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Sabihin mo nga sakin, mahirap ba akong mahalin?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ha, bakit kaba uminon ng marami kung hindi mo pala kaya."

"Mahirap ba ako mahalin?" tanong niya ulit.

Akala ko nagmali lang ako ng dinig pero yun talaga ang sinabi niya.

Bakit tinatanong niya sakin ang bagay na'yan.

"Hindi, hindi ka mahirap mahalin kasi kung mahirap ka mahalin bakit mahal kita ngayon." I don't know if what I'm saying but yun ang sinisigaw ng puso ko ngayon.

Tinitigan niya ako.

"Alam mo ba mahal na mahal kita."

What!? Tama ba yung narinig ko!

"Hindi mo alam yun kasi iba ang mahal mo." naiiyak na sabi ni Philip.

"Ikaw lang mahal ko---"

"Sa dinami-daming pwede kong mahalin bakit ang girlfriend pa ng pinsan ko, bakit siya pa nakakainis diba nagmukha lang akong tanga sa harap nila kanina." knock-out ulit.

Girlfriend ng pinsan niya.
Girlfriend ng pinsan niya.
Girlfriend ng pinsan niya.

Paulit-ulit na nagrewind sa isip ko ang sinabi niya.

What!

Hindi ako ang mahal niya ---- kundi si Almi.

Pero bakit? paano nangyari yun?!

Kaya siya nagpakalasing ng ganyan dahil dun.

Napasandal ako sa upuan at tumulo na ang mga luha ko.

Habang nasa byahe kami ay nakatanaw lang ako sa may bintana ng taxi pero minsan ay hindi ko maiwasan sulyapan ang mukha ni Philip.

Bakit ang bestfriend ko pa!?

Bakit siya pa Philip?!

"Ma'am nandito na po tayo." sabi ni Manong driver.

"Salamat po, pakihintay lang po ako dito."

Paglabas ko sa taxi ay napamangha ako sa laki ng bahay nina Andrew.

Ganito ba kayaman ang Sia Family?!

Dalawang beses ako nagdoorbell bago may nagbukas ng gate.

"Yes, who's there?" nakangiting bati sakin ng isang babae.

"Hi, Are you philip's mother?"

"Yes, and you ?"

Ano ba ang isasagot ko sa kaharap ko!?

"Kaibigan po ako ni Andrew... and nasa loob po ng taxi si Philip hinatid ko na siya dito dahil hindi niya na po kayang umuwi sa sobrang kalasingan." nahihiya kong sabi.

Ang ganda pala ng mommy ni Philip pero parang hindi siya nagmana rito.

"Ganun ba, sige ako na bahala sa kanya."

"Tulungan ko na po kayo."

Pinagtulungan namin ipasok si Philip sa loob ng bahay at hiniga sa may sofa.

"Thank you so much, Miss...?"

"Karizza po." pagpapakilala ko.

Nag-iba ang reaksyon ng mukha nito at nagulat sa sinabi ko.

"Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"Nothing," lumapit siya sakin. "My son is courting you?"

Hindi ako sumagot.

Nililigawan?!

Ibig sabihin nililigawan ni Philip si Almi pero bakit walang nababanggit si Almi sakin.

"May problema ba?" tanong niya.

"Wala po, hindi po ako yung nililigawan ni Philip." sagot ko.

Sana nga ako nalang ang ligawan niya, sana ako nalang ang mahalin niya para hindi siya nasasaktan ngayon.

"Sige po aalis na ako." paalam ko.

"Teka lang, ipapahatid na kita sa driver delikado nasa daan ngayon." hinawakan niya ako sa may braso, inalis niya ang pagkakahawak niya sakin nang tumingin ako sa direksyon nun.

Hindi ko alam kung anong naramdaman ko ng hawakan niya ako, kakaiba 'yun.

"Sige po, Ma'am." nagpaalam na ako sa kanya bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Habang nasa byahe ako ay nakatanaw lang ako sa may labas ng bintana at unti-unting tumulo ang mga luha ko hindi ko na napigilan umiyak dahil ang sakit pala kapag nalaman mo na may ibang mahal ang taong mahal mo.

"Hindi ito totoo sabihin mo sakin na wala kang mahal... na hindi si Almi ang mahal mo nagbibiro ka lang diba bakit sa dinami-dami ng babaeng pwede mo mahalin ang bestfriend ko pa. Ano bang meron siya bakit siya nalang ang minamahal ninyo." sabi ko na parang kaharap ko si philip.

Bakit siya pa?!

Bakit hindi nalang ako?!

Napahagulgol na ako sa sobrang sakit.

***

(Nhora & Ness conversation)

Singit ko lang sila para mas maintindihan niyo ang kwento.

Maagang nagising si Nhora kinabukasan dahil hindi maalis sa kanyang isip ang mga nangyari kagabi.

First, ang mga sinabi ni Almi. Second, si karizza ewan niya ba parang may kakaiba sa babaeng iyon.

Nakaupo siya sa labas ng bahay sa may garden.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo." biglang sulpot ni Ness.

May dala itong dalawang tasa ng kape at ibinigay sa kanya ang isa.

"Salamat, Ate. Iniisip ko lang ano kayang nangyari sa anak ko bakit nagpakalasing siya ng ganun."

Humigop muna si Ness bago nagsalita.

"Hindi natin alam, tanungin mo na lang kapag nagising siya pero I'm sure na mahihirapan ka gisingin ang batang iyon dahil may hang over pa."

"Diba nagpaalam siya satin na makikipagdate siya hindi kaya binasted si philip?"

Nagkibit-balikat lang si Ness.

"Ang malas naman ng babaeng iyon dahil pinakawalan pa niya ang isang katulad ng pamangkin ko." ani Ness.

"Meron magandang babae naghatid kay Philip dito sa bahay kagabi pero nung tinanong ko siya kung siya ang nililigawan ni Philip ang sagot niya sakin hindi naman daw."

"Baka nga hindi."

"Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa babaeng iyon kahit isang beses palang kami nagkikita."

Biglang natahimik si Nhora.

"Maiba tayo kagabi napansin ko na bigla ka natahimik nung may nasabi si Almi tungkol sa ama niya, bakit?"

Yun talaga ang hindi maalis sa kanyang isip ang mga sinabi ni Almi.

"Napansin mo pala, naalala ko lang ang anak ni James at ang aking anak na naiwan ko sa dati kong asawa habang sinasabi ni almi ang mga iyon ay para bang nasa harap ko ang anak ni james na sinusumbatan ako sa mga nagawa kong pagkakamali." tumigil siya saglit.

Nakatingin lang ito sa kanyan.

"Araw-araw inuusig ako ng aking konsenysa at tinatanong ko ang aking sarili kung nasaan na kaya sila napatawad na kaya nila ako o hanggang ngayon galit padin ang nasa puso nila dahil kinuha ko ang dapat ay sa kanila. Nasaan na rin kaya ang aking anak kilala niya pa kaya ako??" Ang dami niyang tanong na hindi niya masagot.

Napaluha na si Nhora.

Hinawakan ni Ness ang kanyang kamay.

"Magsisi ka man ngayon hindi muna maibabalik ang nakaraan ang tamang gawin mo ay humingi ng tawad sa
mga taong nasaktan mo." sabi nito.

Sumang-ayon naman siya sa sinabi ni Ness.

"Tama ka, magsisimula ako kay kuya Phed." ang tinutukoy niya ay ang asawa ni Ness na kapatid niya.

Pinag-aral siya ni Phed pero binigo niya lang ito dahil sumama siya sa kanyang kasintahan kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinakausap ni Phed kahit na matagal ng panahon ang lumipas.

(Nhora & Phed conversation)

Pumasok si Nora sa office ni Phed, sumulyap lang ito at tinuon ulit ang atensyon sa ginagawa.

"Anong kailangan mo, sabihin muna agad ang gusto mong sabihin dahil marami pa akong gagawin." matigas ang boses nito pero mahina.

Inabot niya muma ang dala niyang coffee para rito.

"Uminom ka muna kuya para magkalaman ang tiyan mo hindi ka pa kasi nag-aalmusal."

Umupo si Nhora sa harap ng lamesa nito.

"Hindi ako umiinom ng coffee ng hindi timpla ng asawa ko kaya ialis muna yan sa harap ko at baka matapon pa yan sa mga papeles na nasa lamesa." hindi parin nakatingin si Phed sa kanya.

"Alam ko galit ka pa rin sakin pero sana mapatawad muna ako, kuya. Ano bang dapat kong gawin?"

Sa wakas ay tumingin na ito sa kanya.

"Mababalik mo ba ang lahat ng sinakripisyo ko sayo noon para mabigyan lang kita ng magandang kinabukasan pero anong ginawa mo sumama ka sa lalaking dukha at anong napala mo diba wala. Sinira mo yung mga pangarap ko sayo!" pagsusumbat nito kay Nora.

Inaasahan niya ng ito ang sasabihin ng kanyang kuya alam niyang mahihirapan siyang amuhin ito.

"I'm sorry, pinagsisisihan ko na ang mga kasalanan ko."

"Sige na umalis kana dahil marami pa akong tatapusin." sabi ni Phed sa kanya.

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang gusto nito at dinala na niya ang coffee.

Nabigo siya sa pagkakataong ito.

♥♥♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro