💖5💖
Kabanata 5
(Almi's POV)
Sinabi ko kay Andrew ang nakaraan ng magulang ko at kung bakit naging broken family ako.
"My daddy's left when I was two years old, pinagpalit niya kami sa mistress niya." hindi ako makatingin sa kanyang mga mata at tama ba na sabihin ko ang mga bagay na'to sa kanya.
Hindi siya nagsalita, hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.
Pumikit ako pagpatak ng mga luha ko.
"Dapat hindi ko na sinabi ang mga bagay na'yun, wala naman kwenta 'yun." Tumalikod ako sa kanya at pinunasan ang mga luha.
Umikot siya paharap sakin at hinawakan niya ang aking kamay
"Kaya mo ba sinabi sakin ang nakaraan ng magulang mo ay dahil ayaw mong gawin ko ang ginawa ng daddy mo sa mommy mo ang pag-iwan niya sa inyo?"
Yumuko ako at hindi nagsalita.
"Galit ka pa rin ba sa daddy mo hanggang ngayon?"
"Hindi." sagot ko. "Kahit kailan hindi ako nagalit kay daddy. Pero... sa mistress niya galit na galit ako sa kanya gusto ko maramdaman niya ang nararamdaman namin ni mommy. Ang lahat ng may kaugnayan sa babaeng iyon ay kinamumuhian ko." umiyak na ako at niyakap siya ng mahigpit.
"I love you." niyakap niya rin ako at hinahagod niya ang aking likod. "Hindi ko alam na may tinatago kang galit sa puso mo."
"Mahal na mahal din kita." bulalas ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko.
"Basta tuloy ang pagpunta ko sa inyo sa friday." pagpapaalala niya sakin.
Tumango ako.
Napag-usapan na namin na magpapakilala na si Andrew sa mommy ko sa araw na iyon.
***
Friday ng gabi...
Bago kami pumunta sa bahay namin ay bumili muna si Andrew ng bouquet at food.
"Nakakainggit naman buti pa si mommy binili mo ng ganyan ako kahit petals lang ng bulalak wala akong natanggap sayo." kunwaring nagtatampo ako.
Hindi siya nagsalita at binigyan niya lang ako ng killer smile.
Hays, buti nalang gwapo ka.
Pagsakay niya ng motor ay umangkas na rin ako at kumapit sa kanyang likod.
"Okey, I remembered that." sabi ko sa kanya.
Pinaharurot niya na ng mabilis ang motor at yumakap ako sa kanyang beywang.
Nandito na kami sa bahay, pagpasok sa bahay ay nakita namin si mommy nasa sala at may ginagawa ito.
"Hi, Mommy." humalik ako sa pisngi nito. "May kasama po ako, Si Andrew po boyfriend ko."
Tumingin lang ito samin at ibinalik ulit ang atensyon sa ginagawa.
"Hello Ma'am, ako po si Andrew Sia." siya naman ang bumati.
Biglang tumayo si mommy at parang nagulat sa narinig, tinignan nito si Andrew mula ulo hanggang paa.
"He can leave now." utos ni mommy sakin.
"But----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tumayo si mommy.
"Hindi mo ba ako naintindihan, Almi. Please, paalisin muna siya dahil wala akong oras makipag-usap sa tao." hindi na nito tinuloy ang sasabihin at umalis na sa harap namin.
Hindi kami agad nakagalaw sa kinatatayuan namin dahil sa inasal ni mommy. Inaasahan ko naman na ganito ang mangyayari pero bakit nagulat pa rin ako.
"Okey lang, siguro busy lang talaga ang mommy mo hindi naman niya sinabi na ayaw niya sakin diba kaya wag ka malungkot." sabi ni Andrew.
"Hindi naman ako malungkot nahihiya lang ako sayo."
"Halika nga." niyakap niya ako at inamoy pa ang aking batok. "Wala ka dapat ikahiya dahil boyfriend mo ako kaya okey lang yun."
"Anong gagawin natin?"
"Uuwi muna ako next time na lang ulit ako pupunta dito wrong timing yata tayo."
"Kumain ka muna."
"Hindi na baka isipin ng mommy mo na pupunta lang ako dito para kumain. Pakibigay na lang ito sa kanya." inabot niya ang boquet at pagkaing dala niya.
Hindi narin siya nagpahatid sakin sa labas at hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko na baka manlamig siya sakin dahil sa inasal ni mommy.
Huwag naman sana.
***
Ilang araw ng hindi kami nagkikita ni Andrew simula nung pumunta siya sa bahay namin at ang daming gumugulo sa isip ko ngayon.
"Tinawagan muna ba siya?" tanong ni Karizza, tinapos na muna niya ang paglagay ng lipstick sa kanyang labi bago ako harapin.
"Maraming beses na pero laging naka-off ang cellphone niya." malungkot kong sagot.
"Nakakainis yan si Andrew hindi pa kayo tumatagal ay nanlalamig na siya paano pa kaya kapag naging mag-asawa na kayo." naiinis na sabi niya, tumingin ulit siya sa salamin na malaiit parang hindi kontento sa nilagay na lipstick.
"May nangyari kasi sa bahay nung pumunta siya, baka ng dahil dun." malungkot kong sabi.
"Dahil lang dun?!" sabi niya.
Naikwento ko na rin sa kanya ang tungkol sa pagpunta ni Andrew sa bahay.
"I don't know, ayoko mag-isip ng masama dahil ayoko magalit sa kanya."
"Tara puntahan natin siya sa court alam ko may practice sila ngayon." tumayo siya at hinatak ang kanang braso ko para tumayo na rin.
"Wait, paano kung may nangyaring masama pala sa kanya?" pigil ko sa kanya.
"Edi dapat nalaman na natin diba pero wala naman tayo nabalitaan na may nangyaring masama sa nanlalamig mong boyfriend." pinagdiinan niya ang huling sinabi.
Tama si Karizza hindi ko malalaman ang dahilan ni Andrew kung tutunganga lang ako at mag-iisip-isip ng kung anu-ano.
Habang papunta kami sa court ay sobrang kaba ko hanggang sa makarating kami.
"Wala naman sila." malungkot kong sabi na halata sa boses ko na nawala nako ng pag-asa.
Kahit isa ay walang tao sa loob ng court at sobrang dilim pa.
"Akala ko ba nagpapractice sila dito?" inis kong tanong sa kanya dahil pinaasa niya lang ako.
"Akala ko din, best." mahinang sabi niya. "Wait lang sasagutin ko lang ito."
Paalam niya sakin ng tumunog ang kanyang cellphone, lumabas siya at naiwan ako mag-isa.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Karizza kaya nagpasya ako na sumunod sa kanya pero bago pa ako makalabas ay nagsarado ang malaking pinto ng court at lalong dumilim sa loob wala na akong makita.
Hindi ito kusang nagsasarado ibig sabihin ay may nagsarado ng pinto.
"Buksan niyo ito may tao pa dito sa loob!" paulit-ulit na sigaw ko. "Karizza! Buksan mo itong pinto!"
Umiyak na ako hindi dahil sa takot--- kundi dahil kay Andrew ang sama ng loob ko.
Paano kung ayaw niya na sakin dahil kay mommy.
Paano kung may nangyaring masama sa kanya.
Hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita at hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin ang lahat ng ito.
Ilang saglit pa ay isa-isang bumukas ang mga ilaw sa loob.
Tumigil ako sa pag-iyak at tumayo ng makita ko si Andrew sa dulo ng hagdang upuan at kumanta ito ng 'Ordinary Song'.
Habang kumakanta si Andrew ay may bumagsak na iba't-ibang kulay na mga petals ng rosas sakin feeling ko ay umuulan talaga ng bulaklak. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, nasa harapan ko si Andrew at nakangiti sakin.
"Happy weeksary, Mahal ko." sabi niya paglapit sakin.
"Weeksary?" seryoso kong tanong.
"Don't tell me nakalimutan mo na weeksary natin ngayon grabe nakakatampo ka naman."
Umiling ako.
Hindi ko nakalimutan yun.
"Akala ko ayaw muna sakin, akala ko may iba kana, akala ko may nangyaring masama na sayo kaya hindi ka nagpaparamdam sakin nakakainis ka naman ee." napaiyak na ako, hinampas ko siya ng maraming beses sa kanyang dibdib. Naiinis kasi ako sa kanya.
Niyakap niya ako para tumigil. "Sorry na, gusto ko kasing i-surprise ka at mukhang nagtagumpay naman ako. Gusto ko rin na bumawi sayo kasi wala manlang akong effort nung nagpropose ako sayo nun." hinalikan niya ako sa noo. "Akala mo ba ikaw lang yung nahirapan ako din kaya hindi ako makatulog sa kakaisip sayo na baka ipagpalit mo ako sa iba dahil hindi ako nagpaparamdam sayo buti na lang nandyan ang bestfriend mo atleast nalalaman ko ang mga ginagawa mo."
"Kasambwat mo si Karizza at pati yung sinarado niyo yung pinto?"
"Actually, siya ang nakaisip nung planong iyon takutin muna daw kita grabe pang-best actress ka kanina." natatawang sabi niya.
"At nakuha mo pang tumawa ngayon." tatalikod na sana ako pero niyakap niya ako.
"Sana nagustuhan mo ang ginawa ko sayo." bulong niya.
"Oo naman, gustong-gusto ko kahit walang ganito ay okey lang sakin basta lagi tayo magkasama. Huwag muna gagawin yun baka mabaliw ako sa kakaisip sayo."
"Opo, Mahal ko."
"I love you too, Mahal ko."
Ngayon alam ko na kung bakit hindi siya nagpakita sakin ng ilang araw hindi dahil sa ayaw niya na sakin kundi dahil gusto niyang patunayan na mahal na mahal niya ako kahit anumang mangyari.
Kinilig ako sa ginawa niya.
"Stay there." utos niya.
Iniwan niya ako saglit para kunin ang dala niyang malaking bag at isa-isa niyang nilabas ang laman nun.
Nilatag niya ang kumot at pinaupo niya ako.
"Magpipicnic ba tayo dito?"
Nakaupo kami ngayon sa may gitna ng court.
"Dito tayo magde-date para maiba naman. Hulaan mo kung anong dala kong pagkain?"
Pinapikit niya ako at pinaamoy ang laman ng baunan.
"Ang bango aa, parang pamilyar sakin ang amoy." hindi ko muna sinabi kung ano ang nasa isip ko dahil imposible naman yun ang dalihin niya. "Hindi ko alam." sabi ko para malaman ko na kung anong pagkain yun at napanganga ako dahil tama ang hula ko at hindi ako makapaniwala na yun ang dala ni Andrew.
"Bagong luto pa'yan kaya kainin na natin bago pa lumamig."
Streetfood, yummy !
"Sabi ko na ito ang mga dala mo." sinubuan ko siya ng kikiam.
"Akala ko ba hindi mo alam?"
"Sinabi ko lang yun dahil imposible naman na yan ang dala mo." chicken ball naman ang kinain ko.
"Kapag kumakain kasi ako nito naaalala kita at napapangiti ako."
"Naaalala mo ako sa mga ito dahil ako ang nag-aya sayo na kumain nito."
"Parang ganun na atsaka..." nag-isip pa siya.
"Atsaka, ano? wag mo sabihin dahil pangkalye lang ako." yun na ang pumasok sa isip ko.
Natawa siya. "Siguro nga."
"Aa ganun." tumayo siya at hinabol ko.
Naghabulan kami pero hindi ko siya maabutan.
"Andrew, patay ka sakin pagnaabutan kita pangkalye pala ang beauty ko!" binilisan ko ang takbo para maabutan siya.
"Joke lang!"
Tuwang-tuwa siya habang nagpapahabol sakin.
***
(Philip's POV)
Paggising ko ay nakita kong busy ang lahat ng tao sa loob ng bahay, naglilinis ang mga ito.
Ano kayang meron?
"Busy kayo?" bungad ko sa kanila.
"Bukas kasi pupunta dito yung girlfriend ni Andrew." Nakangiting sabi ni Tita Ness.
"Girlfriend ni Andrew." medyo nagulat ako sa sinabi ni tita dahil wala manlang naikwento ang pinsan ko na may girlfriend ito.
"Halatang excited ang tita mo makita ang girlfriend ng pinsan mo dahil ngayon lang daw si Andrew magpapakilala ng bababe sa kanila." si Mommy naman ang nagsalita.
"Sino kaya ang babaeng iyon, hindi manlang pinakilala sakin ni Andrew bago kala tita?" sabi ko sa aking sarili. "Ikaw, Philip wala ka bang naiwan sa singapore?" tanong ni tita.
"Marami." si mommy ang sumagot. "Ewan ko ba dyan sa pamangkin mo ate wala pa yatang balak magseryoso sa isang babae."
"Baka naman hindi niya pa nahanap ang gusto niya sa singapore baka dito niya makita ang babaeng para sa kanya." ani tita Ness.
"Tama kayo tita dahil dito ko nga nakita ang babaeng gusto ko makasama at mamahalin habang buhay."
Nagulat sila sa sinabi ko lalo na si mommy.
"Edi ipakilala mo siya samin."
"Gagawin ko yun mommy kapag naging girlfriend ko na siya pero ngayon pending muna dahil getting to know each other pa lang kami." paliwanag ko sa kanila.
Totoo yun dahil hindi na maalis sa isip ko ang babaeng iyon at ngayon ko lang naramdaman ito. Kñapag nagkita kami ulit hindi ko na siya papakawalan pa.
Dinner time
Narinig kong nagtatawanan sila sa ibaba kaya lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ako sa dining area dahil nandun na sila.
"Philip, buti naman bumaba ka na. Si Almi girlfriend ko nagkita na kayo before diba pero hindi pa kami nun kaya wag ka magtampo kung hindi ko sinabi sayo." sabi ni Andrew.
Si Almi ang girlfriend niya?
Hindi ako makapaniwala.
"Philip, okey ka lang mukhang nagulat ka hindi kaba makapaniwalang sasagutin niya ako." inakbayan ako ni Andrew at dun lang ako natauhan.
"Oo," birong sagot ko sa kanya.
"Loko ka pinsan." natatawang sabi niya.
Umupo na kami at pinagpatuloy ang pagkain.
"Paano ka niligawan ni Andrew?" tanong ni tita Ness, ang mommy ni Andrew kay Almi.
Tumingin muna si Almi kay Andrew bago sumagot.
"Nakakahiya po ikwento kasi walang naganap na ligawan nung tinanong niya po ako sinagot ko siya agad." hinawakan ng pinsan ko ang kanyang kamay at pinisil iyon.
"Pero dun ko na po siya niligawan nung kami na at hanggang ngayon nililigawan ko pa rin siya." sabi ni Andrew.
"Ang sweet niyo naman." ani mommy na kinikilig pa.
Tama na nasasaktan na ako!
Gusto kong sabihin sa kanila pero hanggang sa isip ko na lang kayang gawin yun.
"Philip, naikwento sakin ng mommy mo na may gusto kang ligawan ipakilala mo siya samin tapos minsan double date tayo." sabi ni Andrew, gusto nitong malaman kung totoo ang sinabi ni Tita.
"Sure, Im sorry I have to go may date pa kasi ako." paalam ko sa kanila.
Pagsisinungaling ko sa kanila pero ang totoo ay gusto ko ng umalis sa harap nina Andrew dahil masyado na akong nasasaktan.
Bakit hindi ko napansin nung nagkasama kami na may something pala silang dalawa.
"Enjoy." narinig ko pang sabi ni Andrew.
Ginamit ko ang kotse ni mommy at pinatakbo ito ng napakabilis.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ang gusto ko lang ay makalayo sa kanila at makalimutan ang nararamdaman ko.
"Uurrgghhh!" hinampas ko ang manibela.
May nakita akong bar na malapit sa pinaghintuan ko ng kotse at pumasok ako dun.
Ito lang ang alam kong solusyon ngayon para makalimutan ko ang aking problema.
***
(Almi's POV)
Pagkatapos namin kumain ay naghain naman sila ng dessert.
"Specialty ni Mommy yan." hiniwaan ako ni Andrew ng chocolate cake.
"Ang sarap po." sabi ko ng matikman ko ang cake.
"Sino pala ang kasama mo sa bahay may kapatid kaba?" tanong ni tita Nhora.
"Wala po akong kapatid, ang mommy ko lang ang kasama ko."
"Nasaan ang daddy mo?" tanong ulit nito.
Ilang segundo siguro ang lumipas bago ako nakapagsalita.
"Wala na po, hindi ko alam kung nasaan siya at wala na akong balak alamin pa yun. Iniwan niya kami ng mommy ko 15 years ago dahil sumama siya sa ibang babae." hindi ko namalayan na nasabi ko iyon. "Sorry po hindi ko na dapat sinabi yun."
"Okey lang, hija. Yan ang nararamdaman mo kaya dapat kalang magpakatotoo, naiintindihan kita." sabi ni tita Ness.
Bigla naman nanahimik si tita Nhora at ang mommy lang ni Andrew ang nakapansin nun.
Ilang oras pa ang lumipas ng magpaalam na ako sa kanila umuwi kasi baka hinahanap na ako ni mommy.
"Mag-iingat kayo." sabi nila bago kami lumabas ng bahay.
"Na-offend ko ba sila sa sinabi ko?" tanong ko kay Andrew ng kaming dalawa na lang.
"No, wag muna isipin yun."
Papasok na sana kami sa kotse ng may dumating na isa pang kotse.
"Si daddy." mahinang sabi ni Andrew.
Nilapitan namin ang daddy niya at binuksan nito ang bintana ng kotse.
"Good evening, Dad. Si Almi, my girlfriend." pakilala niya sakin.
"Good evening po, Sir." bati ko rito.
Hindi manlang ito sumulyap sakin kahit isang beses at seryoso ang mukha nito.
"Pinagmamalaki mo na may girlfriend ka bakit matino ba ang babae yan, dis-oras na ng gabi ay nasa bahay pa ng lalaki." matigas ang boses nito na halatang ayaw sakin
Nagulat ako sa sinabi nito.
Ganun ba ang tingin niya sakin?! >_<
Lumabas na ito ng sasakyan at pumasok na sa loob ng bahay.
Hinawakan ni Andrew ang kamay ko. "Huwag muna pansinin ang sinabi ni dad, ganun lang talaga yun kahit kanino." hinagod niya ang aking likod.
Akala ko magiging okey na ang lahat, akala ko tanggap na ako ng pamilya niya pero hindi pa pala.
"Siguro pagod lang siya kaya nasabi niya yun." sabi ko.
Walang nagsasalita samin habang nagbabyahe kami pauwi at hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng kanyang daddy pero si Andrew hindi ko alam kung yun din ang nasa isip niya ngayon kaya siya tahimik.
Nakatingin ako sa mukha niya.
Tutol si mommy, tutol ang daddy niya paano kami sasaya kung mismong magulang namin ang may ayaw ng relasyon namin.
Akala ko madaling magmahal, akala ko kapag mahal niyo ang isa't-isa ay okey na.
Pinigilan kong tumulo ang aking mga luha.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tama ba na maging kami? T.T
♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro