Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

❤27❤

Kabanata 27

Wow ang gwapo niya sa kanyang suot lalo tuloy akong na inlove😍

"Mahal ko." hinalikan ako ni Andrew paglapit niya sakin.

"Happy birthday, nga pala ito gift ni Mommy sayo. Hindi siya makakapunta may gagawin siya." binigay ko na ang dala ko.

"Si Karizza, nandito naba?" tanong ko sa kanya.

"Oo nandito na, nakita ko siya kanina chicks din." sabat ni Mhel.

"Hinalikan niya rin yung kamay ni Karizza at muntik na siya masampal."

Nagtawanan namin kami.

"Hoy, umayos ka huwag mo kakalimutang pinsan ko 'yun." ani Andrew.

"Wala naman masama single ako at single din siya." sabi ni Mhel.

"Kilala kita, Mhel." sabi pa ni Andrew.

Nagpaalam na si Andrew sa mga kaibigan niya. "Enjoy your day."

Hinawakan niya ang kamay ko at ipapakilala niya na ako sa ibang mga bisita.

Kinabahan naman ako bigla dahil matataas na mga tao ang mga nandito ngayon bukod pa sa relatives ni Andrew.

Yung iba may-ari ng mall... iba naman CEO ng ibang company.

Grabe parang nanliit ako saking sarili >_<.

"Good evening po." yan lang ang sinasabi ko sa kanilang lahat para naman wala akong masabing mali.

"She's my girlfriend..." proud na sabi niya sa mga kaharap namin.

"She's beautiful like an angel, Mr.Sia is lucky man to have a daughter-in-law like her." sabi ng isang lalaki na may ari ng isang mall sa maynila.

"Thank you, Mr.Hunji." nakipagkamay rito si Andrew.

Ngumiti lang ako sa kanila.

Nakakatawang isipin na nagandahan sila sakin.

"How are you, Mr.Sia." sabi ng isang may edad na babae na misis ng isang CEO.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang dumating ang magulang ni Andrew.

"I'm fine, enjoy the night." ani Tito Phed.

"Yeah ofcourse..." sabi nila.

"Almi, your here." nakangiting sabi ni Tita Ness at humalik siya sa pisngi ko. "Your pretty on your dress." tinignan ako nito mula ulo hanggang sa paa.

"Thanks, Tita," bati ko rito bago tumingin sa daddy ni Andrew. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sakin. Iba ang tingin nito sakin na parang ang lalim ng iniisip. "Good evening po." bati ko kay Tito Phed.

Tumango lang ito sakin at walang reaksyon ang mukha.

Ha?! Ano yun ?!

"Excuse us, pupuntahan lang namin ang ibang bisita." paalam ni Andrew.

"Go..." sabi nila.

Nagpaalam muna ako kay Andrew para pumunta sa comfort room.

"Gusto mo ba samahan kita?" he said.

"Hindi na, kaya ko na mag-isa."

"Sige, nandito lang ako okey." tumango ako bago umalis.

Habang nagre-retouch ako sa loob ay nakita ko si Ailene, nagkatinginan kaming dalawa kaya lumapit siya sakin.

Imbitado pala ang babaeng ito, bakit hindi manlang nasabi sakin ni Andrew.

Nginitian niya ako kaya gumanti ako sa kanya.

"Hi." nagretouch din ito.

"Hello." sabi ko.

"I'm sorry sa ginawa ko sa inyo dati sana mapatawad niyo ako." narinig kong sabi nito.

"Napatawad na kita matagal na."

"Tama nga ang sabi nila, ang bait mo."

"Lahat naman tayo mabait." nakangiting sabi ko.

Sumang-ayon ito.

Sabay na kaming lumabas ni Ailene ng comfort room.

"Best." bati ko kay Karizza nang makita ko.

"Kanina pa kita hinahanap nandito kalang pala at kasama mo pa ang babaeng iyan." mataray na sabi ni Karizza.

Gera na naman ito.

"Karizza, hindi ako pumunta dito sa debut ni Andrew para makigulo at awayin ka sana ganun ka din." mahinahong sabi ni Ailene.

May sumapi ba sa babaeng ito.

Hindi nagsalita si Karizza.

"Gusto ko kasi ng peace of mind bago ako pumunta ng singapore."

"Singapore?" ulit ni Karizza.

"Yup, dun muna ako maninirahan ng ilang taon." nakangiting sabi nito.

"Mag-iingat ka dun, Ailene." sabi ko. Walang halong kaplastikan yan noh.

"Bakit parang nagulat ka yata?" tanong ni Ailene kay Karizza.

"Wala, sana wag kana bumalik dito." bulong niya sa sarili.

Siniko ko naman si Karizza.

Ngumiti lang si Ailene samin, malamang narinig nito ang sinabi ni Karizza ang lakas kasi ng boses kahit bumulong lang.

Kanya-kanyang grupo ang lahat ng bisita.

Sa isang table ang mga kaibigan/kateam ni Andrew.

Sa kabilang table naman ang magulang ni Andrew at mga kasosyo nito sa business.

Yung mga kamag-anak ni Andrew.

Mga classmates at kung sinu-sino pa ang mga bisita ni Andrew.

(Flor & Nhora conversation)

Lumapit si Flor kay Nhora at umupo siya sa tabi nito.

"Nhora?"

"Yes, and you are?"

"Flor, Rhom's fiance... nice to meet you." nakipagbeso siya kay Nhora.

"Nice to meet you too." ani Nhora.

"I have a question kung okey lang sayo?"

"Ha? okey lang, ano yun?"

"Naguguluhan kasi ako curious lang, bago mo naging asawa si Rhom dati nagkaroon kana ng anak sa ibang lalaki?"

"Ha?" wala itong masagot.

"Nabanggit kasi ni Rhom sakin noon na si Karizza lang ang alam niyang nag-iisang anak mo edi ibig sabihin nilihim mo ang tungkol kay Philip nung mag-asawa pa kayo ni Rhom?"

"Ano bang pinupunto mo sa mga sinasabi mo?"

"Para kasing ang dami mong lihim."

Hindi nagsalita si Nhora at uminom nalang ito ng red whine.

"Naisip ko lang di kaya am----"

"Flor, nandito kalang pala kanina pa kita hinahanap," sulpot ni Rhom. "Hi, Nhora magkasama pala kayong dalawa." tumabi ito kay Flor.

"Nag-uusap lang kami ni Nhora at nagkakamustahan na rin." sabi ni Flor.

"Talaga? Masaya akong malaman na magkakilala na kayong dalawa." ani Rhom.

"Di naman pwedeng hindi kami maging magkakilala dahil may nag-uugnay saming dalawa, si Karizza."

"Yeah, salamat sa pag-aalaga mo sa anak ko nung wala ako sa buhay niya." sabi ni Nhora.

"You know, para kay Karizza gagawin ko ang lahat ng magpapasaya sa kanya dahil ayokong makita ang future daughter ko na nahihirapan."

Hindi pinahalata ni Nhora na nagulat ito sa sinabi ni Flor.

"Thank you, Honey." sabi ni Rhom kay Flor.

"Excuse me." paalam ni Nhora.

Sinundan ng tingin ni Flor ang palayong si Nhora.

(Andrew's POV)

"Ladies & gentlement, may I pronounce to all is have a performance in this night, she's girlfriend... Ehem naubos na ang english ko. So, yun na nga kakanta ang girlfriend ng birthday boy!" malakas na sabi ng MC.

May pag kajoker pala ang MC at nagtawanan ang mga bisita.

But wait 😱 What ?!

Pumunta na si Almi sa unahan...

"Good evening, bago po ang lahat gusto ko magpasalamat sa lahat ng nandito lalong-lalo na po sa magulang ni Andrew... Thank you po kasi tinanggap niyo bilang part ng pamilya niyo." nakangiting sabi niya.

Nagsimula na siyang kumanta. Habang kumakanta si Almi ay damang-dama ko ang pinaparating ng kantang iyon...

Pagkatapos niyang kumanta ay pumunta na rin ako sa unahan at niyakap ko siya nagpalakpakan ang lahat.

"Thank you, Mahal ko." bulong ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita." sabi niya naman.

Tinapat ko ang mic nang magsalita siya kaya narinig ng lahat ang sinabi ni Almi,nagulat naman siya kaya natakpan niya ang kanyang bibig.

Nagsigawan naman ang iba lalo na ang mga kaibigan namin.

"Kiss!!!" sigaw ng mga ito.

Ano ito kasal?

Hahalikan ko sana siya pero bigla siyang umiwas.

"Bakit?" tanong ko.

"Huwag dito ang daming tao at nandito ang Daddy mo baka bawiin niya pa ang basbas niya satin." bulong niya.

"Ganun?" tumango siya.

Hindi ko siya pinakinggan at mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang labi nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa ko.

Nagtilian ang lahat at nagpalakpakan.

Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao basta ang gusto ko ay mapakita kong mahal na mahal ko siya.

Huminga ng malalim si Daddy. "Hindi na sila nahiya at sa harap pa ng maraming tao nila ginawa 'yan. Wala talagang konsiderasyon ang babaeng ito. Manang-mana..." inis na sabi nito.

Kinikilig naman sina Mommy.

"Nakakinggit kayo!" sigaw ni Karizza na napayakap sa Papa niya.

Si Flor at Rhom naman ay nagkiss din sa labi kaya mas kinilig si Karizza. Umiwas naman ng tingin si Nhora.

"Let's Party!" sigaw ng MC.

Nagpatugtog na ang DJ kaya nagsayahan na ang lahat.

Kumakain na ang lahat pero ang iba ay sumasayaw lalo na ang mga kabataan🎶

Hinila ni Mhel si Karizza para makipagsayaw sa kanila. Pumayag ito at si Rhodnie naman ang humila kay Ailene syempre pumayag din kaya nagsho-showdown ang dala sa pagsayaw.

Mas okay na yun kesa sa magsabunutan sila.

Kanya-kanya naman suporta ang mga kaibigan ko sa dalawa. Kaming dalawa ni Almi ay natatawa nalang sa dalawang babaeng magaling sumayaw.

Si Niko kahit na nakikisaya sa lahat ay halata na may pinagdadaanan ito at minsa ay sumusulyap ito kay Almi.

Nagpaalam na ang mga tanders ay este mga ka-business partner ni Dad. Pag-alis ng mga ito ay pumasok na si Dad sa loob ng bahay, nagpalit ng damit at nagpahinga na. Pero sila Mommy ay nakisabayan saming mga kabataan sumayaw din sila kasama sina Tita Nhora, Tito Rhom at ang fiance nito.

Sa isang table naman ay nakalagay ang regalo ng mga bisita. Yung isang CEO ay niregaluhan ako ng kotse at hindi ako makapaniwalang nagbigay siya nun. Pero ang pinakagusto kong regalo ay yung bigay ng girlfriend ko, T-shirt and shoes.

"Hi, Almi." hinalikan siya ni Tita Flor sa pisngi.

"Hello po." nakangiting bati niya.

"Where's your Mom?" tanong nito.

"Busy po kaya hindi nakapunta." sagot niya.

"Sayang naman edi sana nagkakilala na kami." sabi nito. Lumapit samin si Rhom at binulungan ito. "Excuse us, nag-aaya na umuwi ang honey ko." paalam nito at umalis.

"Go ahead." sabi ko.

Nginitian naman ako ni Almi.

***

Isang linggo na hindi pumapasok sa school si Niko at ang sabi ng mga kaibigan namin ay dahil raw inatake ulit ang lolo niya.

Totoo kaya yun? Akala ko ba magaling na ang kanyang lolo?

Tumawag ako sa kanilang bahay at ang nakausap ko ang kapatid niyang si Jielean.

"Hello po." ang cute ng boses nito, nine years old palang kasi.

"Hi Jielean, Nasaan ang kuya Niko mo." natutuwa kong sabi sa kabilang linya.

"Ikaw po pala kuya Andrew wala si kuya nasa ospital po kasama ni Mommy kasi po inatake sa puso si Lolo kaya po sinugod siya nung nakaraang linggo pa po." kwento ni Jielean.

"Umuwi na pala ang Mommy mo." hindi ko close magulang ni Niko pero ang Lolo't Lola.ay close ko.

"Kakauwi niya lang po kahapon pero si Daddy hindi makakauwi kasi daw po busy raw si daddy." naiiyak na ang bata.

"Ganun ba pakisabi sa kuya mo kapag nakauwi na siya tumawag sakin, okey."

"Okey po kuya Andrew."

"Huwag kana umiyak nandyan naman si kuya Niko mo."

"Opo, kuya." sumisinghot pa ito, siguro tumulo na ang sipon niya.

"Bye, baby." paalam ko.

End Call.

Pagkatapos ko magshower ay tinignan ko ang aking cellphone.

"Wow ! ten missed calls from Niko Arizo." I said to myself.

Sumulyap ako sa orasan, nine o'clock na ng gabi.

Niko's calling

Sinagot ko na.

"Brod, tagal mo naman sagutin." sabi ni Niko.

"Sorry, nasa shower room kasi ako."

"Sabi ni Jielean tumawag ka raw kanina sa bahay, bakit ka napatawag?"

"Ilang araw kana kasi hindi pumapasok kakamustahin sana kita."

"I'm fine but my grandfather (naiiyak na siya) nasa emergency room pa siya hanggang ngayon, kailangan niya raw operahan na."

"Teka, umiiyak kaba hindi bagay sayo kaya wag ka umiyak." sabi ko sa kanya dahil naririnig kong humihikbi siya.

Niintindihan ko siya dahil ang Lolo niya ang nag-alaga sa kanila simula pagkabata.

"Sino umiiyak." tanggi niya.

Lihim akong natawa. "Sige, kami na bahala dito ipapaalam namin sa mga professor natin ang nangyari para hindi kanila ibagsak." sumandal ko sa pader.

"Salamat." mahina niyang sabi at pinidot na ang end call.

"Ay bastos yun aa, magsasalita pako." nasabi.ko nalang nang nawala na siya sa kabilang linya.

Sana maging okey na ang lolo ni Niko, hindi ako sanay na malungkot at walang gana ang kaibigan ko.

♥♥♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro