💖25💖
Kabanata 25
Kumuha muna ako ng lakas ng loob sa mga kidlat para magawa ko ito.
Pinunasan ko ang kanyang ABS 😅
OH JUICECOLORED.
Tumutulo na ang laway ko sa nakikita ng mga mata ko, PURO ABS 😍
Binilisan ko punasan ang katawan niya dahil giniginaw na siya.
"Ito na bibihisan na kita..." sabi ko sa kanya, parang naman naririnig ako.
This is it! Yung baba naman ang papalitan ko ng panjama...
Paano ko ba huhubarin ang panbaba niya !
Pinagpapawisan ako ng malagkit.
Dugdug 💗dugdug 💗dugdug💗 ☜ang bilis ng puso ko !
Shit! hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko at parang gusto niyang lumabas sa sobrang bilis.
Easy kalang Harthart ko.
Habang hinuhubad ko ang short niya syempre nakapikit ako kahit boyfriend ko siya wala akong karapatan para makita na ang precious thing niya.
OH MY GULAY NA TALONG.
(⊙o⊙)? ⊙▽⊙ ???
Nahawakan ko ang umbok ng ano niya feeling ko mahihimatay na ako.
Hindi ko na keri 'to.
"Hindi ko po sinasadya please forgive me..." bulong ko habang nakapikit.
Hindi na ako makahinga.
Inhale-exhale... inhale-exhale... inhale-exhale...
SUCCESS.
Hayzzz... nakahinga na ako ng maluwag nang masuot ko ang damit at dinilat ko ang isa kong mata at tinignan ko kung successful ang aking ginawa.
"Finally... ang hirap pala bihisan ang isang tao kapag nakapikit." sabi ko.
Sinawsaw ko ang towel sa warm water at piniga iyon then pinatong ko sa kanyang noo.
Habang nakaupo ako sa tabi niya ay pinagmasdan ko ang mukha niya at bumaba ang tingin ko sa kanyang labi.
Naalala ko na naman yung halikan nina Andrew at Ailene.
"Erase... erase... erase..." sinampal ko ang aking sarili. "Dapat kalimutan muna ang pangyayaring iyon at isipin mo nalang ang masasaya..." naalala ko ang halikan namin sa gitna ng ulan.
Super kilig 😍
Tumingin ako sa labi niyang hugis puso...
Hindi ko namalayan na unti-unti akong lumapit sa kanyang mukha at hinalikan siya. Maya-maya pa ay naramdaman kong gumagalaw ang labi niya kaya bigla ako dumilat.
Niyakap niya ako at hiniga sa kama kaya nasa ibabaw ko na siya. Lalong lumalim ang halikan namin, niyakap ko siya sa kanyang leeg at siya naman ay nakakapit ang isa niyang kamay sa beywang ko at yung isa ay nasa pisngi ko.
Palalim ng palalim ang halikan namin syempre hanggan dun lang muna.
Ngayon nakahiga nalang kami at may harang na unan sa gitna namin nagkahiyaan pa yata kami sa ginawa namin kanina.
Kidlat.
Ulan.
Kidlat.
Hangin.
Ulan.
Walang nagsasalita saming dalawa.
"Goodnight." narinig kong sabi niya bago ako nakatulog.
***
Nakayakap ako sa likod ni Andrew habang nagbabyahe at nakasakay sa motor.
"Saan tayo pupunta, Mahal?" tanong ko sa kanya.
"Kung saan tayo liligaya."
Lalo pa ako yumakap ng mahigpit hanggang sa may pasalubong kaming sasakyan na paliko-liko sa kaliwa't-kanan ng kalsada. Nawala ata ito ng preno.
"Andrew!!!" sigaw ko nang palapit na samin ang sasakyan.
Ang bilis ng pangyayari nakahiga na ako at parang nagmanhid ang buo kong katawan.
"Si Andrew? Nasaan siya." pinilit kong tumayo para hanapin kung nasaan siya. Tumakbo ako kung saan siya nakahandusay.
Sobrang dami ng nawalang dugo sa kanyang ulo, yung helmet niya ay wasak.
"Hindi, Andrew lumaban ka hihingi ako ng tulong please lumaban ka! Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ako ng sigaw pero walang nakikinig sakin.
Walang tao at sasakyan ang nandun.
Unti-unti ng pumikit ang mata ni Andrew hanggang sa hindi na siya humihinga.
"Hindi !!!" iyak ako ng iyak habang umaasa na may tutulong samin.
Hindi pwedeng bigla nalang siya mawala sa buhay ko. Hindi ko kakayanin...
***
"Aaahhhh!!!!"
Nagising ako nang bigla nalang may sumigaw.
Habol ko ang hininga ko na parang pagod na pagod at naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.
Panaginip lang pala akala ko totoo na.
"Almi, anong pinasuot mo sakin." inis na sabi ni Andrew na hindi pa rin makapaniwalang nakasuot siya ng ganung damit.
Bumangon ako at niyakap siya.
Hindi naman siya nakagalaw dahil umiyak na ako.
"Bakit!?" tanong niya.
"Akala ko totoo na wala kana buti nalang panaginip lang dahil hindi ko alam gagawin ko kapag iniwan mo ako." umiiyak pa rin ako.
Ang sama talaga ng panaginip ko.
"Hindi kita iiwan wag ka mag-alala." hinagod niya ang likod ko. "Pero bakit mo naman ako sinuotan ng kulay pink at puro bulaklak pa." naalala na naman ang suot niya.
Natawa ako sa itsura niya.
"Ang arte mo mahal ko aa."
"Mahal ko natiis mo ako pagsuotin ng ganito?!"
"Oo naman ang hindi ko matitiis ay makita kang inaapoy ng lagnat, ang cute mo nga dyan sa pantulog ko." pang-aasar ko.
Nakalimutan ko na ang panaginip ko dahil sa itsura ng mukha niya.
Ang cute niya mainis.
Napakamot siya sa kanyang buhok.
May naisip ako 🤔😁
Tumayo ako at kinuha ko ang cellphone.
"Anong gagawin mo?"
"Maggu-grofie tayo."
"Stop that ! I'm warning you!" tumayo siya sa kama at lumayo sakin.
Flash.
Naka-peace pa ako at siya naman ay nakaturo sakin na galit ang mukha.
"I'm done..." ang dami kong nakuhang picture sa kanya.
"Burahin mo yan, Almi!"
"Ayoko nga."
Hinabol niya ako at pinilit niyang kunin sa kamay ko ang cellphone.
Nagpaikot-ikot kami sa loob ng kwarto.
"Akin na yan!"
"Ayoko,hindi ko ito ibibigay!"
"Sabi ng---- pag hindi mo pa yan binura aanakan na kita ngayon!"
Natigilan ako dahil sa sinabi niya at tumingin ng seryoso. Akala niya siguro makukuha niya na ang cellphone ko pero nagkakamali siya tumakbo ako palayo sa kanya.
"Ayoko burahin!" naghabulan kami hanggang sa...
Boooggghhhssss!
Nauntog si Andrew sa pintuan pagbukas ni Mommy.
"Ayy...." natakpan ko ang aking bibig dahil sa pagkagulat.
"Aawwtsss." sabi niya na hawak ang noo.
"What's going on?" takang tanong nito pagpasok.
Walang nakasagot saming dalawa.
"Oh I'm sorry..." sabi nito nang mapagtanto ang nangyari.
"It's okey, Tita Fel." pinilit na maging okay.
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at hindi nito maiwasang matawa.
"Cute..." ito lang ang nasabi ni Mommy.
Namula si Andrew dahil nahihiya siya sa kanyang itsura at tumalikod pa kay Mommy.
"Akala ko kung ano na nangyarisa inyo, how are you?" baling nito sa kay Andrew.
"I'm fine and thank you po." ani Andrew na nakatalikod pa rin.
"Magpahinga ka muna dito ngayon don't you worry tumawag na ako sa bahay ninyo at pinaalam ko kay Ness na nandito ka samin, bukas kana umuwi."
"At bukas kana magpapalit ng damit dahil wala kang damit." pang-aasar ko sa kanya.
"Talaga naman..." inis na mahinang sabi niya sakin.
"Thank you po, Tita Fel." humarap siya saglit kay Mommy.
Ang cute niya kapag nahihiya!
Lumabas na si Mommy at Lalabas na rin sana ako nang pinigilan niya ako.
"Saan ka pupunta?" he asking.
"Sa kwarto ko..."
"Pwede bang dito ka muna?".
"Bakit natatakot ka?"
"Hindi aa, gusto ko lang na makasama ka at makapag-usap tayo."
Tumango ako "Hhmm sige..."
Umupo kami sa kama.
"Bakit ka pumunta dito kagabi alam mo naman na malakas ang ulan tapos susugod ka sa bahay?" curious kong tanong na may halong pag-aalala.
"Ayoko ko kasing matulog ng hindi pa tayo nagkakaayos. Kaya pumunta ako dito sa bahay niyo malas lang na nasiraan ako kaya iniwan ko ang motor sa shop. Naglakad-takbo ako papunta dito malas ulit inabutan ako ng malakas na ulan." napakamot siya sa ulo.
"Kaya pala nagkasakit ka." hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Almi, yung tungkol samin ni Ailene mali ang nakita mo. Oo hinalikan ko siya dahil yun lang daw ang paraan para layuan niya tayo at tigilan na niya ako. Kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko para---" tinakpan ko ang bibig niya.
"Ayoko na marinig pa, okay na sakin na andito ka at humingi ng tawad. Sapat na yung nagpaulan ka at nagkasakit para mapatawad kita. Sana lang wag muna uulitin."
Tumango siya. "I love you, Mahal ko."
"I love you too, Mahal ko." niyakap niya ako.
"Palitan mo na'yung status mo sa sa facebook." request niya.
Kinuha ko ang cellphone.
***
(Andrew's POV)
Habang nagpapractice kami ay napansin kong wala sa sarili si Niko, ang layo ng iniisip niya at hindi siya nakikipag-usap samin.
"Arizo, may problema kaba?" tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya sakin.
"Baka heartbroken!?" sabat ni Mhel habang nagdi-driball
Wala pa rin kibo si Niko.
May problema yata talaga ang kaibigan ko !
"Hazel, awatin natin si Cunanan nakikipagsabutan siya sa isang outsider!" sigaw ni Nhoriebell.
"Ano?! Tara puntahan natin!" tumayo na si Hazel at kasama si jarome, ang boyfriend nito.
"Miss, anong problema narinig ko kasi ang pangalan ni Karizza?" tanong ko sa mga estudyante.
"Andrew Sia, nakikipag-away kasi si Karizza hindi raw nila maawat kaya dapat puntahan na natin baka magpatayan na ang dalawang iyon." sabi ni Nhoriebell.
Tumakbo na ako at sumunod sakin sina Niko at ang mga kateam ko.
Naabutan kong nakikipagsabunutan si Karizza sa isang babae...
"Karizza!" sabi ko.
"Ailene?!" si Niko naman.
Lumapit ako sa dalawang babae at inawat ko si Karizza, si Niko naman ang umawat kay Ailene.
"Walanghiya ka! Malandi kang higad ka !!!" sigaw ni Karizza.
"Stop!" awat ko.
"Damn you, bitch!" sabi ni Ailene.
"Please stop, Ai" si Niko naman ang umawat.
"STOP IT! STOP!" pumagitna na ako sa kanilang dalawa para tumigil na sila dahil nagkakasakitan na ang mga ito.
Tumigil silang dalawa.
"Mas bitch ka!" sigaw ni Karizza.
"Anong problema niyo?" salitan ang tingin ko sa dalawang babae.
Ang dami ng nakapaligid na estudyante samin, yung iba ay kinukuhanan kami ng picture, yung iba ay video at may nag vi-video live pa. Pero may back-up kami ang mga kaibigan ko lahat ng nakikita nilang nakatapat na cellphone samin ay kinukuha nila at binunura ang nakunan ng mga ito.
"Yang babaeng 'yan panira sa buhay natin dahil sa babaeng iyan muntik ng masira ang relasyon ninyo ni Almi masyado kasing malandi!" inis na sabi ni Karizza.
"Hoy bitch hindi kita inaano aa! kung makaasta ka akala mo ikaw ang inagawan ng boyfriend daig mo pa ang panget mong kaibigan!" iritang sabi ni Ailene.
"Yun na nga ee pasalamat ka dahil mabait at nagtitimpi pa ang bestfriend ko sayo kung nagkataon na hindi mabait yun ay pinatay ka na niya!" inaayos ni Karizza ang buhok. "Fyi, mas maganda at sexy ang bestfriend ko sayo kaya mas mahal siya ni Andrew."
Nagchismisan na ang mga nanunuod na mga estudyante.
"Sabi ko sayo yang babae ang naninira sa relasyon ni Almi at Andrew." sabi ni Marjorie na ka-schoolmate namin.
"Oo nga girl wala bang nanliligaw sa kanya ang ganda pa naman niya tapos gusto niya lang maging isang mistress." bulong ni Hazel.
"Kayong dalawa mga chismosa kayo, lets go." yaya ni jarome.
Umalis na ang mga ito.
"Stop Karizza and you (tinuro ko si Ailene) tumigil ka na rin!" gigil ko dahil issue na naman ito sa university lalo na sa social media.
"Why me? hindi ko siya inaano kanina naglalakad lang ako papunta dito para sunduin si Niko dahil nasa ospital ang lolo namin tapos... (umiyak ito) bigla niya nalang akong sinabunutan wala naman akong ginagawa sa kanya." yumakap ito kay Niko.
"Pabebe😏" iritang sabi ni Karizza.
Tumingin ako kay Karizza yumuko siya kaya ibig sabihin nagsasabi ng totoo si Ailene.
Hinawakan ko siya sa kamay at umalis na kami sa lugar na iyon.
"Aray..." pagpupumiglas ni Karizza.
"Ginawa mo yun?! Akala ko siya ang unang nanakit."
"Tama lang yun sa kanya kung nagdala ako ng gunting napudpod na yung buhok niya sakin."
"Pero alam kung hindi mo gagawin 'yun."
"Nakakainis na kasi siya nanggugulo siya sa buhay natin."
"May ginawa ba siya sayo?" tanong ko ulit.
"Wala pero sa inyong dalawa ni Almi malaki... sobrang laki."
Nagulat siya nang yakapin ko siya. "Thank you sa concern mo saming dalawa pero wag naman sa ganung paraan, hindi tama ang ginawa mo."
Gulat na gulat pa rin siya.
"Wag ka mag-alala okay na kami ng bestfriend mo."
Kumalas siya sa pagkakayakap ko. "Talaga? Paano?" masayang tanong niya.
"Secret." yayakapin ko sana ulit siya pero lumayo na siya.
"Tigilan mo nga ako."
"Bakit ayaw mo ba?" pang-aasar ko.
"Che!" tumalikod na siya at naglakad palayo kaya hinabol ko siya at sinabayan maglakad.
Inakbayan ko siya pero inalis niya.
(Niko's POV)
Samantala...
Hinabol ko siya sa labas ng university.
"Ai, wait lang tumigil ka muna." hinawakan ko siya para huminto.
"Ang sakit ng sabunot niya ang dami kong buhok na nalagas." iyak ng iyak siya na parang bata.
"Halika nga dito." inayos ko ang itsura ni Ailene.
Yumakap siya sakin at umiyak ng umiyak na akala mo inagawan ng laruan.
"Bakit ganun gusto ko lang naman mahalin ako ng taong mahal ko pero kung ganito lang ang mapapala ko ayoko na I'm give up, Niks." ngumiti ako dahil ngayon ko nalang ulit marinig na tawagin niya akong 'Niks'. Nung mga bata pa kami ay yun ang tawag niya sakin pero nung nagdalaga na siya ay nakalimutan na niya ata yun.
"Tama yan isuko muna ang hindi dapat sayo." niyakap ko siya para gumaan ang pakiramdam niya.
♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro