❤22❤
Kabanata 22
(Andrew's POV)
Nakakainis!
Binato ko ang unan sa sahig paggising ko.
"Shit!" sigaw ko.
Nakakabadtrip talaga kahapon huli na siya bakit ayaw niya pa umamin. Ano ba ang ginagawa niya at kailangan niya pa magsinungaling sakin. Ako ang boyfriend niya wala ba siyang tiwala sakin.
Ang sakit sa ulo.
Tumingin ako sa calendar.
"Kung kailan monthsary namin tsaka pa kami nag-away paano kami magse-celebrate kung magkaaway kami ngayon dapat ba ako ang unang bumati?" Kinuha ko ang aking cellphone.
No!
Bakit ako? Hindi naman ako ang may kasalanan !
Nilagay ko ulit sa ilalim ng unan ang cellphone.
Pagpasok ko sa university...
Habang naglalakad ako sa hallway ng building namin ay nakatingin sakin lahat ng mga mata ng ka-schoolmates ko.
Anong meron? Oo alam ko gwapo ako pero hindi naman sila ganito dati at kahit lalaki nakatingin sakin ngayon don't tell me nababading na rin sila sakin ^_^||
Hehehe joke lang baka isipin niyo ang yabang ko.
Ang weird nilang lahat.
Kahit weird ang lahat ay wala akong pakialam hindi ko nalang sila pinansin at kunwari ay hindi ko sila nakikita lagi naman ako ganun.
"Hey, Sia!" tawag sakin ni Niko.
"Oh ang aga mo pumasok, Brod." bati ko sa kanya.
"Hehehe..." napakamot ito sa ulo.
Nagsabay na kami pumunta ng classroom at pagpasok ko.
⇦
⇦
⇦
⇦
⇦
Lahat ng classmates ko ay may hawak na white roses at isa-isang binigay sakin.
"Happy monthsary sa inyo ni Almi." bati nilang lahat sakin.
Sa whiteboard ay may nakasulat na 'Happy 1st monthsary, Mahal ko'
Aalis na sana ako nang makita ko si Almi diba galit ako sa kanya.
"Wala ka naman dapat ikagalit sakin kasi hindi ako nagsinungaling sayo, naglihim lang. Ayoko kasi malaman mo na pumupunta ako sa inyo para magpaturo kay Tita Ness magbaked ng cake para may gift naman ako sayo ngayong monthsary natin..." narinig kong paliwanag niya.
Humarap ako sa kanya pagkatapos ko marinig ang paliwanag niya.
"I hope you like it." binigay niya ang naka-box na cake.
Hindi ko muna binuksan iyon dahil baka ubusin lang ng mga classmates ko ang cake na gawa niya edi hindi ko natikman ang pinaghirapan ng mahal ko 😍
Samantala, hindi ko namalayang umalis si Niko at hindi maipinta ang mukha nito.
"Pwede na bang paliwanag yun, hindi kana galit sakin?"
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Ayiieeeehhh!" mga classmate ko yan at sila pa ang kinikilig.
Sumenyas si Almi sa kasama niyang classmate at kumuha ito ng guitar--- nagsimula na ito magguitar.
Kakanta si Almi.
Alam ko ayaw niyang kumakanta sa harap ng maraming tao di sa panget ang boses niya magaling din naman siya kumanta kaya lang nahihiya siya super kinikilig ako dahil kakantahan niya ako sa harap ng maraming tao para lang ipakita niya sakin at sa lahat na mahal na mahal niya ako.
Pero hindi ko pinahalatang kinikilig ako syempre aasarin lang ako ng mga kaibigan ko.
Nagsimula na siyang kumanta at pinanuod ko lang siya at lahat din nang nandoon ay nanuod kay Almi.
Naghahampasan naman ang mga babaeng classmates ko habang kinikilig...
"Ang sweet naman!" sabi ng lahat kahit lalaki ay kinikilig rin.
Feeling yata nila sila kinakantahan ng girlfriend ko. Utot sila akin lang ang mahal ko😛.
Lumapit na ako kay Almi bigla ko siyang hinalikan lalong nagtilian ang lahat at hinawakan ko sa siya sa kaliwang kamay.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Lalabas na tayo at pupunta tayo sa lugar kung saan hindi lahat ng mga mata nakatingin satin." bulong ko rin sa kanya.
Kinuha ko ang cake syempre dadalihin ko yun akala ng mga classmate ko makakatikim sila, assuming sila. Hindi ko makakalimutan ang gift niya sakin!
Pumunta kami sa luhar kung saan laging nakatambay si Almi kapag nagse-self study siya. Dito ko siya laging nakikita dati sa ilalim ng malaking puno nang hindi pa kami magkakilala.
"MIAN♡forever?" she said.
Ako ang umukit nun sa puno.
"Almi and Andrew love forever." inakbayan ko siya.
"Hindi kana galit sakin?" tumingin siya sakin
"Hindi na," sagot ko.
Umupo kami sa ilalim ng puno at binuksan ko ang box.
I said WOW to saw the cake 😍😍😍
"Ikaw talaga nagbaked nito?" hindi ako makapaniwala.
"Wala kaba bilib sa girlfriend mo?"
Hindi ako sumagot at tinitigan ko lang siya.
"Don't look at me like that!"
"Why?" tinitigan ko pa rin siya.
"Kasi yang killer eyes mo ang dahilan kung bakit na inlove ako sayo." nagslice siya ng cake at sinubo niya sakin.
"Masharaffpp..." sabi ko habang may laman ang bibig ko.
"What? Ubusin mo muna yang nasa bibig mo bago ka magsalita."
"Sabi ko ito na ang pinakamasarap na natikman kong cake sa buong mundo?"
"Hhmm really?!"
"The best ever,cthank you so much." hinalikan ko ulit siya.
Habang nakasandal kami sa puno ay may naalala ako.
"May gift din pala ako sayo, Mahal ko."
"Ha?may gift ka rin sakin?"
"Yeah hindi naman pwedeng wala akong gift sayo."
Buti nalang lagi kong dala ang singsing at sinabit ko yun sa aking kwintas.
Ibibigay ko na rin sa kanya ang kwintas ko.
"I love you." bulong ko habang sinusuot iyon sa kanyang leeg.
Hehehe dapat lagi nalang monthsary namin para lagi kaming sweet sa isa't-isa at kahit lalaki ako inaamin ko na kinikilig ako 😍
***
(Karizza's POV)
Akala ko wala na akong moment dito.😁
Nag-over night ako sa bahay ng bestfriend.
Wala kasi si Tita Fel nasa business trip kaya sasamahan ko muna siya ngayong gabi bukas pa kasi ng tanghali uuwi si Tita Fel. Habang nakahiga kami ay may naalala ako kaya humarap ako sa kanya at nakita kong nakadilat rin ang mga mata niya hindi pa rin pala siya natutulog.
"Best," sabi ko sa kanya.
"Hmmm..."
"Matutulog kana?"
"Hindi pa ako inaantok ee".
"Magkwentuhan muna tayo." bumangon ako at umupo.
Ganun din ang ginawa niya at ngayon magkaharap na kaming dalawa hindi siya nagsalita at hinintay niya akong unang magsalita.
"Magkwento ka... hhmmm... about what happened in your monthsary last day." nag-isip ako kung ano ang pag-uusapan namin.
"Pumunta ako sa classroom nila then hinarana ko siya---"
"Aaayiiieeehhhh." tili ko.
"Best pwede mamaya kana kiligin hindi pa ako tapos magkwento." she said.
"Ay sorry excited lang." so nakinig na ako ulit.
Magsasalita na sana siya nang magsalita ako.
"Anong ibinigay mo sa kanyang gift?" tanong ko.
"Cake, fyi ako ang gumawa nun." pagmamalaki niya.
"Wow ang sweet naman (sabay tili) ee siya ano?"
Pinakita niya ang suot na kwintas at nakasabit dun ang isang sising.
Bakit hindi ko ito napansin kanina ?!
Hinawakan ko ang singsing. "Ang sweet naman ng pinsan ko at binigyan ka ng singsing!"
"Hinaan mo ang boses mo best." saway niya.
"Sorry best" tinakpan ko ang aking bibig.
"Kung sweet si Andrew dahil binigyan niya ako ng singsing, ano naman tawag sa binigay ko sa kanya? Diba sweet yun na binigyan ko siya ng sarili kong gawa tapos hinarana ko pa siya?"
Umiling ako.
"That's call.. EFFORT(she angry) I'm just kidding best mas sweet ang ginawa mo."
"Really?"
"Yeah parehas lang kayong sweet and then after mo haranahin si Andrew what's the next happened?"
"Pumunta kami sa tambayan ko..."
"Then...."
"Nothing."
"Wala na? Impossible hindi kayo...?" ngumuso ako.
Bigla siyang namula.
"Naghalikan..." nahihiya pang sabi niya.
Tumili ako dahil kinikilig talaga ako.
"How many?" excited na tanong ko.
"Hmmm... three times i don't know."
"So mean, more than three times kayo naghalikan." kilig na kilig ako.
Tumango siya.
"Oh my gosh best hindi ko keri yan super kinikilig ako sa inyo."
"Ang OA mo, wait kalang magkakaroon ka rin ng first kiss".
"Sino nagsabing wala pa akong first kiss----" natigilan ako sa aking sinabi.
Tumingin siya sakin. "You mean, may first kiss kana?" kumunot ang kanyang noo.
"Huh? wala akong sinasabi." pagde-deny ko.
"Nadulas ka ! sabihin mo sakin kung sino ang first kiss mo?" pangungulit niya.
Humiga na ako at nagtalukbong ng kumot.
"Wala, paano ako magkakaroon ng first kiss ee wala pa'kong boyfriend. Imagination ko lang yun."
Hindi na nagsalita si Almi at naramdaman kong humiga na rin siya siguro naniwala naman siya sa sinabi ko.
Naramdaman kong tumulo ang aking luha naalala ko na naman si Philip at yung huling pag-uusap naming dalawa.
Pumikit ako at hinawakan ko ang aking labi.
"Good night, best" bulalas ni Almi.
Hindi ako nagsalita at natulog na.
***
Sabay kami pumasok ni Almi sa school, dun na rin ako naligo at nag-ayos sa kanila habang papasok kami sa university ay nakasalubong namin ang kinaiinisan kong babae sa buong mundo--- Ailene Cazandria!
Ewan ko bakit kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko ang babaeng ito 😠
"What are you doing here?" mataray kong sabi na nakataas pa ang isang kilay ko.
"Bakit pagmamay-ari mo ba itong university ?" pagtataray rin nito.
Tinignan ako ni Ailene mula ulo hanggang paa... mula paa hanggang ulo.
"No, ang alam ko kasi bawal ang mga HIGAD sa university namin." nakataas pa rin ang isang kilay ko.
"What are you saying? Sino ba ang inagaw ko sayo." tumaas na ang boses nito.
"Ailene, she was joking... mapagbiro talaga ang bestfriend ko." sabat ni Almi.
Bumaba ang tingin ko banda sa kanang kamay ni Ailene at nakita ko ang suot nitong singsing.
Pamilyar sakin ang suot nito.
"Ouch!" sigaw nito.
Kinuha ko kasi ang suot nitong singsing.
"Bakit meron kang ganito?" tanong ko.
Parehas na parehas sila ng singsing ni Almi at may nakalagay din na letter A.
Nagulat din si Almi nang makita niya sa singsing. O.O ☜ganyan kalaki ang mga mata niya.
Kinuha nito sa kamay ko ang singsing. "Its mine! Huwag ka kukuha ng gamit ng iba wala kang manners." sinuot ulit nito.
"Sabi ko sino nagbigay niyan?!" galit na ako.
"Bakit ka galit?" pang-aasar niya.
"Hindi siya galit, sorry... gusto lang namin malaman kung sino nagbigay niyan?" mahinahong sabi ni Almi pero halata sa kanya na nasasaktan siya.
"My boyfriend, may problema ba?"
"Who is he?" si Almi ang nagtanong.
"Si Andrew Sia." nakangiting sabi nito.
Nagulat kaming dalawa sa sinabi ni Ailene.
"Your crazy, bitch." bulalas ko.
Sasabunutan sana ako ni Ailene nang awatin ako ni Almi.
"Enough, ayaw namin ng gulo kaya pwede umalis ka nalang." sabi niya.
"Hindi ako aalis kasi hindi naman kayo ang may-ari nito." mataray na sabi nito.
"Abay---" gusto ko natalaga sugurin ito.
"Okey, kami nalang lalayo sayo!" sigaw niya rito at hinila na niya ako palayo kay Ailene.
Habang nagka-klase kami ay napapansin ko kay Almi na hindi siya nakikinig sa professor namin at nakayuko lang siya siguro iniisip niya yung singsing ni Ailene.
Kahit ako hindi mawala sa isip ko yun.
Bakit parehas silang dalawa ni Almi at totoo kayang si Andrew ang nagbigay nun?
At ang pinakatanong dito...totoo kayang girlfriend din ni Andrew ang babaeng iyon?
Imposible, hindi ito papatulan ng pinsan ko.
Kailangan ko malaman ang katotohanan.
Dismissal.
Tahimik pa rin si Almi hanggang ngayon habang naglalakad palabas ng university.
"Best, are you okey?" tanong ko.
"Yeah." yan lang ang sagot niya.
"I know naman na iniisip mo yung about sa singsing?" ako na nagsalita.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sakin.
"Tama ka, pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Anong sasabihin ko, anong gagawin ko ewan ko naguguluhan ako at ang daming pumapasok sa isip ko na hindi naman dapat." napapaiyak na siya.
"Almi..." hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Isa lang ang dapat mo gawin puntahan mo si Andrew kausapin at tanungin mo siya about dun para malinaw ang lahat."
Umiling siya.
"Siguro uuwi muna ako samin." nagpaalam na siya at sumakay ng bus.
Kung siya ay ayaw malaman pwes ako gusto ko malaman ang katotohana pakiramdam ko kasi may mali sa mga nangyayari.
Ikaw Ailene Cazandria wag kang epal sa buhay namin.
Pinuntahan ko si Andrew sa classroom nila pero wala na siya dun at sabi ng friend niya kakaalis lang daw kaya baka papunta palang siya sa parking area kaya tumakbo ako papunta roon para maabutan ko siya.
Huminto ako sa pagtakbo nang makita ko si Andrew pasakay na siya sa motor.
Salamat dahil naabutan ko siya !
"Andrew!" sigaw pagkalapit ko sa kanya.
"Karizza, anong problema mo?" tanong niya paglapit ko sa kanya.
Mukha kasi akong bruha at naghahabol ng hininga kaya ganyan ang tanong niya sakin. Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang hingal ang layo kaya ng tinakbo ko.
"Ano kasi... Andrew (Inhale-exhale) may sasabihin ako sayo (Inhale-exhale) yung----"
"Teka wag ka muna magsalita pwede ako kasi ang napapagod sa ginagawa mo."
Nagpahinga muna ako saglit after that...
"I asking you about the ring."
"Ring?" nagtaka siya.
"Sa singsing na binigay mo kay Almi. Gusto ko lang malaman kung may binigyan kang iba bukod kay Almi?"
Naningkit ang mga mata niya.
"Bakit naman may pagbibigyan pa akong iba?" pagtataka niya.
"So wala kang binigyang iba?"
"Wala, bakit mo naman nasabi yan."
"Sabi na ee assuming talaga ang babaeng iyon higad na feelingera pa." mahina kong sabi.
"What?" tanong niya.
"Andrew, may misunderstanding kasi kayo ni Almi ngayon..."
"Kami?Ano? Kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kanina. Ano bang nangyayari sa inyi?"
"Si Ailene kasi may singsing siyang katulad ng binigay mo kay Almi and then sinabi niya na binigay mo raw yun dahil boyfriend ka niya."
Nagulat siya sa mga narinig niya mula sa akin. "Naniwala ba si Almi?"
"Ewan ko siguro kasi malungkot siya at sabi mo hindi niya sinasagot ang mga call mo kanina edi ibig sabihin may possible na naniniwala siya sa sinabi ng babaeng higad na'yun, I mean ni Ailene."
Bumuntong-hininga siya.
"So wala talaga kayong relasyon ni Ailene?"
"Wala, ano bang klaseng tanong yan. Hindi ko kayang lokohin si Almi at lalong hindi ko siya kayang ipagpalit kahit kanino."
"Sabi na ee tama talaga ako." bulalas ko.
"Thank you pinsan dahil sinabi mo agad ito sakin don't worry I can handle it. Ako na bahala kay Ailene kakausapin ko siya na huwag na siya manggulo samin ni Almi."
"How about Almi?".
"Bukas ko nalang siya kakausapin."
"Okey, goodluck...bye." nagpaalam na ako sa kanya.
Buti nalang kinausap ko si Andrew atleast hindi na lumaki ang gulo at nakangiti akong lumabas ng university.
♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro