💖14💖
Kabanata 14
One, two, three ...
Bakit hindi ko maramdaman ang labi niya kahit sa pisngi ko lang.
Dinilat ko konti ang isang mata ko.
May tinapon si Philip na kung ano kaya dumilat na ako.
"Anong ginawa mo?" takang tanong niya.
"May dumi ka sa buhok mo balahibo ata ng pusa."
Akala ko ... wag na nga nakakahiya.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya sakin.
Nakita niya ang reaksyon ko. "Umuwi kana nakakainis ka!"
Tumalikod ako sa kanya at pumasok na sa bahay.
Ayoko na magpakita sa kanya sobrang nakakahiya na.
Ano bang nangyayari sakin.
Sumandal ako sa pintuan. Paulit-ulit kong sinasampal ang pisngi ko with papikit-pikit pa ng mga mata.
"Tama na Karizza masyado ka ng nakakahiya. Hindi kanya mahal at kahit hindi kanya pwedeng mahalin higit pa sa kapatid. Kaya dapat kalimutan muna ang nararamdaman mo sa kanya kasi hindi pwedeng maging kayo." sabi ko sa sarili.
"Karizza?" sabi ni papa na nasa hagdan.
OMG.
Nakakahiya narinig kaya ni papa.
"Ano ba ginagawa mo dyan para ka sinasapian."
Feeling ko super red na ng buong katawan ko !
"Papa, may narinig ba kayo?" kinakabahan kong tanong.
Nakatingin lang siya sakin.
"Wala naman kayo narinig diba?" lapit ko sa kanya at nagpaalam na akong matutulog.
Napailing nalang si papa sakin.
***
(Almi's POV)
Papunta ako sa akong tambayan kapag gusto ko mapag-isa pero pagkarating ko dun ay naabutan ko na may nakaupo dun at parang may malalim itong iniisip.
Hindi niya namalayan ang palapit ko sa kanya. "Hi, Niko." bati ko sa kanya.
"Almi, ba't andito ka?" gulat na tanong niya sakin nang dahilan ng pagkatayo niya.
Umupo ako kung saan siya nakaupo kanina at inalok ko siya na umupo rin.
"Tambayan ko ito kaya dapat ikaw ang tanungin ko kung anong ginagawa mo dito." sabi ko.
"Wala lang." matamlay niyang sabi nang makaupo siya sa tabi ko. Two inches lang siguro ang layo namin sa isa't-isa.
"Feeling ko may problema ka kapag gusto mo ng kausap magsabi ka lang sakin tutal andito na rin naman ako."
Hindi siya nagsalita. Ilang minuto pa ang lumipas nagpaalam na ako umalis sa kanya kasi parang mas magandang iwan ko siya mag-isa, mas kailangan niya siguro ang mag-isa.
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko palayo sa kanya nang maramdaman ko ang pagyakap niya sakin, nakatalikod ako. Nabasa ang balikat ko dahil sa mga luha niya.
Ano kayang problema niya!?
Hindi ako gumagalaw at nagsasalita habang umiiyak siya. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay pinakawalan na niya ako sa pagkakayap at dun na ako humarap sa kanya.
Bigla siyang tumagilid sakin pagkaharap ko. Inalok ko sa kanya ang hawak kong panyo tatanggi sana siya pero kinuha ko ang kanang kamay niya at pinatong ko dun ang panyo.
"Salamat." mahinang sabi niya.
"Niko, wag mo sana masamain kung magtatanong ako kung ano ba ang problema mo?"
"Hindi ko alam, salamat dahil nasa tabi kita ngayon kahit sandali lang." tumingin siya sa mga mata ko.
"No prob. Basta andito lang ako kung kailangan mo ng kaibigan---." natigilan ako nang bigla ako halikan niya sa pisngi. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Sorry, hindi ko sinasadya nadala lang ako sa emotion"
Hindi pa rin ako kumibo.
"Almi, tutal naman isang taon na kayong wala ni Andrew baka pwede ako manligaw sayo?"
What!
Bumuntong hininga si Niko. "Kalimutan muna yung sinabi ko." ngumiti siya. "Kahit papaano gumaan ang loob ko kailan lang pala iiyak nakakahiya talagang nakita mo akong umiiyak."
"Okay lang, hindi naman porket lalaki ka hindi kana dapat umiyak." nginitian ko na rin siya.
"Gusto na'ko palipatin ng university ni Lola dahil bumaba yung grades ko simula nang sumali ako sa basketball. Nagalit siya lalo na nang malaman niyang natalo kami." kwento niya pagkatapos niya umupo at nakatingala siya sa langit.
Tumabi ako sa kanya pero mga 2 inches ang layo ko sa kanya.
Tumingin siya sakin. "Isa pa sa pinoproblema ko ito." turo niya sa kanyang puso.
"May sakit ka sa puso?" naalarma naman ako sa sinabi niya. Kaya pala ganun nalang ang pag-iyak niya kanina.
"Ikaw, nandito ka kasi kaya masakit ang puso ko."
"Huh?" hindi ko magets ang gusto niyang sabihin.
"Biro lang." bawi niya sa sinabi. "Sige na aalis na'ko baka sabihin mo inaagawa ko ang tambayan mo." paalam niya at ginulo niya pa ang buhok ko bago umalis.
Sinundan ko nalang siya ng tingin habang papalayo sa akin.
Hindk naman maalis ang sinabi niya sakin kanina. Totoo kaya yun o biro lang talaga.
***
"Andrew, may sasabihin ako sayo sana patawarin mo ako sana... sana---"
"Ano ba yan best puro sana nalang ang nasasabi mo." sabi ni Karizza.
By the way, nagpa-practice pala ako kung anong sasabihin ko kay Andrew kapag nagkita kami.
Kahit hindi ko siya kaharap ngayon ay sobrang kinakabahan ako.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya" malungkot kong sabi.
"Magpractice ulit tayo."
Umiling ako at humiga sa kama.
"Ayoko na best."
"ALMI ! SUSUKO KANA AGAD !!"
Napabangon ako.
"Hindi pero..."
"Gusto mo ba magkaayos kayo ni Andrew?"
"Yes." umupo ako.
"Gusto mo ba magkabalikan kayong dalawa?"
"Yes"
"Mahal mo pa ba siya?"
"Oo naman, mahal na mahal ko si Andrew."
"So ano pa ang hinihintay mo magpractice kana para hindi ka magmukhang tanga sa harap niya."
"Okey."
Nagpractice ulit kami at kunwari si Karizza ay si Andrew.
"Konting imagination lang aa baka isipin mo na ako talaga si Andrew at baka mahalikan mo ako." biro niya.
"Yuck ang kapal mo!"
"Maka-yuck ka naman."
"Ikaw kasi ee."
"Joke lang , go start na tayo."
Huminga ako ng malalim.
"Andrew, pwede ba tayo mag-usap may gusto akong sabihin sayo nagsinungaling ako nung sinabi kong hindi kita mahal pero ang totoo mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Alam ko nasaktan kita ng sobra kaya sana mapatawad mo pa ako ngayon sana mahal mo pa ako." napaiyak na ako.
"Best, inlababo ka talaga sa pinsan ko." niyakap niya ako.
"Hindi ko alam kung kaya kong harapin siya natatakot ako na sabihin niyang hindi na niya ako mahal."
"Think positive okey."
Tama dapat maging think positive ako.
Tumango ako at pinunasan ang luha ko.
***
Pumunta kami sa may court after class at magkasabay ulit kami ni Karizza ng schedule sa school.
Hinawakan ko ang kamay ni Karizza para makakuha ng lakas ng loob medyo nawawalan ako ng pag-asa na magkakausap ko si Andrew. Sobrang lamig na ng kamay ko dahil sa kaba.
Inhale-exhale ... inhale-exhale ... kaya ito.
"Bakit? Don't tell me aatras ka?" tanong ni Karizza nang hawakan ko ang kamay niya.
"Parang hindi ko kaya best sasabog na ang puso." napahawak ako sa kaliwang dibidib.
"Nandito na tayo kaya mo yan." cheer niya sakin.
Hindi ako nagsalita.
"Sige dito ka lang muna, tatawagin ko siya para sayo at dito nalang kayo mag-usap."
Tumango ako.
"Huwag ka aalis." pumasok siya sa loob ng court.
Naiwan naman ako na parang baliw dito.
Naghahabol ako ng hininga kahit wala naman akong hika.
Ee sa kinakabahan talaga ako.
***
(Philip's POV)
Lahat na ata ng posisyon ay nagawa ko na para makatulog pero hindi pa rin umubra. Sa tuwing pipikit ako ay ang nakikita ko ang mukha ni...
Napaupo ako sa kama at pumikit. Siya pa rin ang nakikita ko kahit na pilitin kong wag siyang isipin. Mga ngiti niya at titig ay hindi maalis sa isip ko.
Si Karizza ang gumugulo sa isip ko ilang araw na.
"Ano bang ginagawa mo sa isip ko." sabi ko sa sarili habang nakatingin sa kisame.
♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro