Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

💖13💖


Kabanata 13

(Philip's POV)

Pumunta kami sa isang fastfood at dun kumain.

"Kumusta kana pala Philip?" tanong ni almi, sunod-sunod ang kain nito ng spaghetti.

"Ayos naman, lagi ba kayo namamasyal?" tanong ko sa kanila.

Ang sayang pagmasdan ng dalawang babae na kumakain, lalo na si Almi. Akala mo wala ng bukas kung kumain.

Kinalabit ni Karizza ito bilang sabihin na magdahan-dahan sa pagkain. "Hindi, ngayon lang." mabilis na sagot niya sakin.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasan na tumingin kay Karizza. Bakit ngayon ko lang napansin ang kagandahan niya. Magkamukha talaga sila ni Mommy.

Si Almi naman, hindi pa rin siya nagbabago lagi pa rin masayahin. Ang cool niya kasama.

"Kayong dalawa bakit hindi kayo magdate." nakangiting sabi ni Almi, palitan ang tingin nito samin.

"Ha?" muntik na akong mabulunan.

"Date?!" ani Karizza.

Ano ba pinagsasabi nito.

"I mean brother/sister's date diba masaya yun." paglilinaw nito sa sinabi kanina.

Palihim na sinipa ni Karizza ito.

"Aray..." biglang sabi nito sabay tingin sa kanya.

"Okay ka lang" sabi ko.

"Yeah okey lang siya." siya ang sumagot para kay Almi.

"Yup, okey lang ako may kumagat yata sa paa ko." sagot nito, hawak pa rin nito ang ilalim ng tuhod.

"Okey sakin yun." pagsang-ayon ko sa gusto nito, tumingin ako sa kanya.

Gusto ko makilala ng lubusan ang kapatid ko.

"Anong okey sayo?" tanong niya, napakaseryoso naman ng mukha niya.

"Okay sakin na maggala tayong dalawa kasi gusto ko rin makilala ng lubos ang kapatid ko." palitan ang tingin kong mga dalawang babae.

Hindi siya nakasagot. Bakit parang naiilang siya sakin? Siguro dahil alam niyang gusto ko ang bestfriend niya.

"Minsan lang kami magkita ni Karizza kasi may work ako kaya kapag pumupunta siya sa bahay ay nagkakataon na kapag pauwi na ako sa bahay ay nakauwi na siya." paliwanag ko, dahil iba na ang tingin ni Almi sa'ming dalawa.

"Ow... lagi naman nagkakataon." pang-aasar nito, uminom siya ng drink.

(Karizza's POV)

Hindi ko na kaya ang nangyayari. Bakit ba sa tuwing magkakaharap at magkakausap kami ni Philip ay bumubilis ang tibok ng puso ko.

"Excuse me, punta lang ako sa comfort room." paalam ko, mabilis akong lumayo.

Pagpasok ko sa cr ay bumuntong hininga ako ng paulit-ulit feeling ko sasabog na ang dibdib ko. Naghilamos muna ako ng mukha bago lumabas.

Nasa malayo palang ako ay tanaw ko na ang dalawa masaya silang nagkukwentuhan at nakikita ko sa mata ni Philip ang saya habang kausap niya si Almi.

Bigla nalang ako nakaramdam ng selos sa nakikita ko. Pero dapat hindi ko na nararamdaman ito kasi hindi naman kami pwedeng dalawa.

Inayos ko ang itsura ko bago lumapit sa kanila.

"Mukhang ang saya niyo habang nakukwentuhan aa." hindi ko maitagong nainis ako sa nakita ko, uminom ako ng drink para maalis ang inis ko.

"Kinukwento niya kasi yung mga kalokohan niya sa singapore." natatawa pa rin na sabi ni Almi.

"Ang babaw pala ng kaligayan mo." sabi ni Philip na natatawa rin.

"Oo mababaw talaga ang kaligayan niyan kahit korni yung joke ay tumatawa yan." parang sila lang ang magkasama.

Hinawakan nito ang aking braso. "Meron daw siyang nakaaway dun, sa sobrang inis niya minura-mura niya gamit ang tagalog language. Yung kaaway niya, Puro yes ang sagot..." tumawa ulit ito.

Ako naman ay pilit na tumawa para hindi mahalata ang nararamdaman ko.

"Huwag mo naman ipahalatang may gusto ka kay Almi!" sabi ko sa aking isip habang nakatingin kay Philip.

"Hmp... saan ka pala nagwo-work ngayon?" pag-iiba ng usapan nito.

Nahalata na kasi nitong iba na ang mood ko.

"Sa restaurant ni Tito Phed wala rin naman ako ginagawa at para naman may sarili akong allowance habang nandito ako sa pinas." sagot niya na nakatingin pa rin kay Almi.

"Aa ganun ba" sabi nito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nag-aya na ako umuwi kasi medyo nagseselos na ako sa binibigay na attention ni Philip sa bestfriend ko.

Magtataxi sana kami pero nag-alok siyang ihahatid kami kaya pumayag na rin ito para makalibre.

"Sige na, para makalibre na tayo sa pamasahe." pilit nito.

"Sayo pala itong kotse?" tanong ko.

Pamilyar kasi itong sasakyan sakin san ko nga ba ito nakita? Aa natatandaan ko na sa bar kung saan nalasing siya ng sobra.

"Hindi kay Mommy." maikling sagot niya habang nagdadrive.

"Bakit mo naman naitanong, best?" si almi ang nagsalita.

"Nakapark kasi ito sa tapat ng bar---." natigilan ako nang magpreno bigla si Philip.

"Sorry, nabigla ba kayo may dumaan kasing pusa." palusot niya.

"Okay lang kami." sabi nito.

"Okay lang ba na magpatugtog ako?" sabi niya.

Walang sumagot samin dalawa kaya nagpatugtog na siya. Medyo malakas kaya wala ng nagsasalita sa'ming tatlo.

Sinandya naman ni Philip iyon para hind ko na makwento kay Almi ang nangyari nung panahon na nasa bar kami. Ayaw niya na malaman ni Almi na may gusto ito sa kanya.

"Bye, next time ulit." paalam nito pagkababa sa kotse.

"Sure.," sabi niya, nakita ko sa side mirror na kinidatan niya ito.

"Ingatan mo yang bestfriend ko aa." sabi pa nito.

"Oo naman, iingatan ko ang youngest sister ko." tumango siya, bilang pagsang-ayon.

Pilit naman ang ngiti ko sa sinabi niya para maitago ko ang aking nararamdaman.

Tama naman siya.

"Bye, Best." paalam nito sakin bago pumasok sa loob ng bahay nito.

Bago kami umalis ay pinaupo ako ni Philip sa unahan, katabi niya. Tatanggi sana ako pero sabi niya ayaw niya raw magmukhang driver ko kaya lumipat na ako.

Parang gusto ko lumubog sa kinauupuan ko, aatakihin na ata ako sa puso sa sobrang bilis nito.

OMG!

Sana lumipad na ang kotse papunta sa bahay para makalabas na ako dito hindi ko na kayang makasama si Philip.

"Okey kalang?" tanong niya, na halata ata niya na hindi ako mapakali.

Bakit nagsalita kapa.

"Parang mas mukhang magkapatid pa kayo ni Almi kesa sating dalawa." sumulyap siya saglit sa direksyon ko.

"Sorry, medyo naiilang kasi ako parang panaginip lang kasi na kapatid kita. Araw-araw paggising ko hinihiling ko na sana hindi totoo na magkapatid tayo na panaginip lang ang lahat." natakpan ko bigla ang bibig ko at hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun.

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa kalsada.

Hindi niya ba ako narinig!?

Hindi nako nagsalita pa at bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse. Pinatay na niya kasi ang radio kanina pagbaba ni Almi.

After 30 minutes ay nakarating na kami sa bahay.

Pagbaba ko sa bahay ay nakita kami ni papa kaya lumabas na rin si Philip sa kotse.

"Good evening po, Tito" bati niya.

"Boyfriend mo ba, Izza?" tanong sakin ni Papa.

"Naku ano ba kayo Papa siya po si Philip ang anak ni Mommy!" nahiya ako sa sinabi ni papa.

"Bakit kailangan mo sumigaw pwede mo naman sabihin ng maayos." takang sabi ni Papa.

Ngumiti si Philip.

"Ikaw ba ang anak ni Nhora?" tinitigan siya ni Papa.

"Bakit kahit saang anggolo ng mukha mo ay hindi mo kamukha si Nhora?"

"Papa wag mo siya ganyanin nakakahiya na." saway ko rito.

"Kay daddy po kasi ako nagmana." ani philip.

"Kaya pala, pasok ka muna sa bahay." pag-alok nito sa kanya.

"Papa, uuwi na siya gabi na kaya." singit ko

"Huwag ka makialam dito labas ka dito karizza, boy talk ito. Gusto ko makilala ang anak kong lalaki." sabi ni papa.

"Sige po para makapagkwentuhan naman tayo" sang-ayon niya habang nakatingin ito sakin.

"Bahala na kayong dalawa basta ako papasok na sa bahay." Iniwan ko na sila at nagpalit na ako ng damit-pantulog.

Grabe ano bang meron sa gabing ito.

Pagbaba ko sa may sala ay nakita ko silang masayang nagku-kwentuhan at parang ang tagal na nilang magkakilala.

Ang sarap nilang pagmasdan. ^_^

"Kumusta kayo ng Mommy mo sa singapore noon?" tanong ni papa.

"Okey naman po masaya kami kahit dalawa nalang kami nandun at mas naging masaya po kami nung bumalik kami dito sa pilipinas kahit maraming problema ang dumating." mabilis na sagot niya

"Buti naman, alagaan mo si Nhora."

"I will, ee kayo po ni karizza kamusta naman hindi ba kayo nahirapan na alagaan siya?"

Bakit mahihirapan si papa sakin ang bait ko kaya.

"Hindi naman masunurin kasi yun." pagmamalaki nito.

Tama.

"Alagaan niyo po siya para sakin... I mean para samin ni Mommy."

Concern din siya sakin?

"Oo naman kahit na hindi mo sabihin ay aalagaan ko talaga yung batang iyon dahil siya ang kayamanan ko. Maiba tayo, may girlfriend ka na ba hijo?"

"Wala pa po,"

"Nililigawan?"

"Wala rin po."

"Pero may mahal ka?"

Ang tsismoso naman ni Papa.

Huwag ka nga makialam karizza.

Boy talk nga diba!

"Meron po," mabilis ulit niyang sagot.

Nagulat ako sa sinabi niya.

OUCH!

Mahal niya pa rin si Almi :(

"Bakit ayaw mo ligawan?" tanong ni papa.

"Pwede po bang hindi ko muna sabihin sa inyo ang dahilan masyado po kasing komplikado."

Ayaw niya malaman ni papa na ang mahal niya ang bestfriend ko.

"Ikaw bahala, hijo. Pero kung mahal mo talaga ang babaeng iyon ipaglaban mo kahit ano pang mangyari kahit tutol pa ang buong mundo sa inyo. Pero kung may asawa na siya at masaya sila magsasama ay wag kana umeksena." may halong biro ni papa.

Magsasalita sana si Philip nang...

"Aray!" sigaw ko nang kalmutin ako ng pusa.

Paano nakapasok ang pusang ito sa bahay.

"Nakakainis ka naman mingming bakit ngayon ka pa nangapit-bahay panira ka ng moment." bulong ko sa pusa.

Para namang naiintindahan ako ng pusa.

"Anong nangyari sayo?" sulpot nilang dalawa sa harap ko.

Tumingin ako kay Philip at nakatingin din siya sakin.

"Ano po kasi aa... pagbaba ko muntik ko ng apakan si mingming." palusot ko.

Tinuro ko ang pusa.

Mukhang naniwala naman ang dalawa.

"Kaka-baba ko lang galing sa kwarto ko kaya wala akong narinig sa pinag-uusapan niyo." my defensive.

"Wala naman kami sinasabi na narinig mo ang pinag-uusapan namin." sabi niya, pangiti-ngiti pa.

"Oo nga naman, Izza." pang-asar na ngiti ni Papa.

Natameme ako.

Ang tanga mo naman Karizza bakit sinabi mo yun.

"Sige po tito uuwi na ako." paalam niya.

"Osige, mag-iingat ka." hinampas nito ang balikat niya.

Mabuti naman at wag kana babalik.

"Izza, ihatid mo siya sa labas." utos ni papa.

"Pero bakit ako? malaki na siya kaya niya na lumabas mag-isa." sabi ko.

Tumingin sakin si Papa ng masama. "Mahiya ka naman dahil sayo kaya siya andito."

"Oo na po hahatid ko na siya." pilit ko.

Naunang lumabas si Philip at sumunod ako.

"Thank you." sabi ko.

"Thank you saan?"

"Sa paghatid mo sakin dito, sige na umuwi kana masyado kanang abuso na kasama ako swerte mo naman."

Tumawa siya. "Wait lang." naging seryoso ang mukha niya.

Anong gagawin niya!?

Hahalikan niya ba ako.

Palapit ng palit ang mukha niya sa mukha ko kaya napapikit na ako. Hindi ako makahinga sa mga oras na yun at nanigas ang buo kong katawan.

Hinintay ko ang mga susunod na mangyayari.

Sana nagsipilyo muna ako.

Hindi ako ready OMG!

♥♥♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro