💖11💖
Kabanata 11
(Karizza's POV)
Sumunod ako sa kay Philip at habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Hindi ko namamalayan na nakatingin na pala ako sa mukha niya.
"May dumi ba mukha ko?" dun ko lang napansin na nakatingin pala ako sa kanya.
"Oo." dahilan ko. Tinuro ang pisngi niya kunwari may dumi ito.
Pinunasan naman niya.
Pinagpatuloy namin ang paghahanap kay Almi.
"Sir, pwede magtanong may nakita po ba kayong isang babae na pumasok sa loob ng campus?" tanong ni Philip sa guard.
"Walang tao sa loob dahil kakacheck ko lang kanina."
"Baka hindi niyo lang po napansin," sabi ko sa guard.
"Pasensya na po talaga wala po kami nakitang pumasok dito atsaka wala ng magtatakang pumasok sa loob dahil sobrang dilim at delikado kung mag-isa lang." paliwanag nito. Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Guard.
"Tama siya Philip baka wala dito si Almi sa iba nalang tayo maghanap." sabi ko.
"Kaibigan kanya diba, dapat alam mo kung saan siya pwede tumambay o puntahan kapag may problema siya o gusto mapag-isa." yung boses niya ay parang tatay na pinapagalitan ang kaibigan ng anak.
"Fyi, bestfriend." pagtatama ko sa unang sinabi. "Bakit parang nagagalit ka sa'kin, parang kasalanan ko pa na nawawala siya."
Biglang bumalik sa dati ang mukha niya. "I'm sorry, wala naman akong ibig sabihin."
Andrew's Calling
"Wait lang tumatawag si Andrew." sinagot ko ang tawag.
"Hello, Andrew."
"Nakita ko na si Almi." sabi nito sa kabilang linya.
"Talaga, thank god." mahina kong sabi.
Pinindot ko na ang end call.
Napayakap ako kay Philip sa sobrang saya dahil alam ko walang nangyaring masama sa bestfriend ko. Nakalimutan ko na ang nangyari kanina samin.
Nagulat si Philip sa ginawa ko.
"Sorry." nang mapansin ko na nakayakap ako sa kanya.
Awkward!
"Ahhmm... Anong sabi ni Andrew?"
"Nakita niya na si Almi."
"Mabuti naman, okey na po sir pasensya na sa abala." baling niya kay guard.
Hinawakan niya ang aking kamay at umalis sa lugar na'yun.
OMG! Magkahawak kami ng kamay !
Hindi ko keri to.
Hindi muna kami umuwi at nagyaya siya na pumunta sa isang coffee shop.
Ewan ko kung bakit hindi ako nakatanggi sa kanya...
Gusto ko rin naman ee.
"Salamat at pumayag kang samahan ako dito hindi na kasi ako inaantok." si Philip ang bumasag sa katahimikang pumagitan saming dalawa nung nasa loob.
"Okey lang yun, ako nga dapat magpasalamat sayo dahil tinulungan mo kami maghanap kay Almi." humigop ako ng coffee.
Speechless.
Hindi talaga ako komportable na kaharap at kausap siya kahit sabihin ko sa aking sarili na hindi na siya ang lalaking dapat kong mahalin dahil kapatid ko siya.
"Concern lang kasi ako sa kanya dahil girlfriend siya ng pinsan ko... I mean pinsan natin."
Ouch, ipamukha ba naman sakin na magkadugo kami >.<
Dahil nga ba dun o dahil mahal mo siya?
Yan sana ang gusto kong sabihin.
"By the way, thank you sa paghatid mo sakin sa bahay nung nasa bar tayo kakahiya dahil babae pa ang naghatid sakin." natatawang sabi niya, napakamot pa siya sa ulo.
"Naaalala mo pa yun, okey lang yun naiintindihan kita."
"What do you mean?" nakakunot ang noo niya.
"Wala, tara ubusin na natin ang coffee para makauwi na tayo hindi kasi ako nagpaalam kay papa at baka mapansin niyang wala ako sa bahay." palusot ko sa kanya, binaling ko ang aking tingin sa iniinom kong coffee.
"Naiilang kaba sakin?" diretsyong tanong niya.
Muntik na ako masamid sa tanong niya.
"Huh, hindi aa bakit naman." inosente kong tanong.
Hindi na mapakali ang mga paa ko dahil sa sinabk niya.
Hindi ka pala manhid pero bakit hindi mo naramdaman na mahal kita!
"May boyfriend kaba ngayon?"
"Ha, wala ee."
"Wala kang nagugustuhan?"
"Meron pero hindi siya pwede."
"Hindi pwede bakit?"
"Kasi... bakit ba ang dami mong tanong ?"
Natawa siya. "Nakulitan kaba, sorry gusto ko lang kasi malaman bilang kapatid mo."
Aray! kailangan niya ba talagang sabihin yun paulit ulit.
"Huwag ka muna magbo-boyfriend hintayin mo yung tamang lalaking para sayo sa tamang panahon." seryosong sabi ni Philip na nakatingin sa mga mata ko.
Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.
Uminom siya ng coffee.
"Kahit hindi mo naman sabihin sakin yan hihintayin ko talaga ang soulmate ko."
Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit naiilang pa rin ako.
"Alam mo hindi ko dapat sabihin sayo ito pero gusto ko sabihin dahil sister kita diba."
"Sige, ano ba yun?"
"Nung nasa bar tayo kaya ako nagpakalasing noon ay dahil kay Almi nagkagusto ako sa kanya kaya nung nalaman ko na sila na pala ni Andrew ay nasaktan ako."
Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa mga sinabi niya.
"Bakit hindi kana nakapagsalita?"
"Alam ko na naman ang tungkol dyan."
"Ha? paano?"
"Nung lasing ka na-open mo kaya sakin yun."
"Talaga? nakakahiya naman." napakamot siya sa ulo, siya naman ang umiwas ng tingin.
"Bakit natatawa ka?"
"Wala naman." ngumiti siya.
My God ang gwapo niya!
Shut up! Izza magkapatid kayo.
"May sinabi kapa sakin nun."
"Ano yun?"
"Tinanong mo ako kung mahirap kabang mahalin."
"Then?"
"Sinabi kong hindi ka mahirap mahalin kasi kung mahirap kang mahalin bakit..."
Natigilan ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko.
Bakit kailangan ko pang sabihin sa kanya wala naman patutunguhan yun.
"Bakit? What? sige ipagpatuloy mo."
"Bakit... may mga girlfriend ka noon edi ibig sabihin may nagmahal din sayo." palusot ko.
Tumawa lang siya.
"Bakit ka natatawa?".
"Akala ko kasi kung anong sasabihin mo."
"Ano bang ineexpect mo?"
"Wala...wala naman."
Ngumiti siya sakin.
OMG!
Nakakatunaw talaga ang kanyang ngiti!
Karizza tumigil ka na sa kahibangan mo kapatid mo siya wag kang tanga!
"Tara na ihahatid na kita sa inyo." yaya niya sakin.
Lumabas na kaming magkahawak kamay akala tuloy ng mga tao dun ay magboyfriend/girlfriend kami.
***
(Andrew's POV)
Bamboo Organ church.
Sabi na, dito ko lang makikita si Almi.
Nakaupo lang siya sa may park at kita sa mukha niya na gulong-gulo siya sa mga nangyari.
"Almi," mahina kong sambit sa pangalan niya.
Tumayo siya ng makita ako.
"Anong ginagawa mo dito?" galit ang boses niya.
"Ako dapat ang magtanong niyan, anong ginagawa mo dito alam mong delikado lumabas sa ganitong oras bakit ka nandito?"
"Wala kang pakialam."
"Alam mo ba nag-aalala na ang mommy mo sayo hindi mo ba naisip yun!"
"Ano bang pakialam mo! Ano ba kita wala naman diba kaya umalis kana at iwan mo ako mag-isa."
"Oo wala na tayo pero may pakialam parin ako sayo dahil mahal kita... mahal na mahal parin kita kahit na pagtabuyan mo ako ng paulit-ulit hindi ako aalis sa tabi mo kasi mahal kita, sana lang maramdaman mo yun"
Pinagdiinan ko ang salitang 'mahal kita' dahil gusto kl malaman niya na sa kabila ng lahat ay hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sana ganun ka din, Almi.
"Alam muna ang tita ko ang babaeng kinamumuhian mo pero wag mo naman kami idamay sa galit mo sa kanya".
"Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko dahil wala kang alam sinira niya ang buhay ko!"
"Oo siguro wala ako sa pusisyon mo at hindi ko naranasan ang nararanasan mo pero naiintindihan ko ang lahat kaya wag mo sabihin sakin na wala akong alam." nangingitil na ang mga luha ko. "Isa lang naman ang kasalanan niya sayo ang agawin ang ama mo pero hindi ibig sabihin nun sinira niya na ang buhay mo." tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.
Galit parin ang nakikita ko sa kanya.
"Sana hindi ko na lang kayo nakilala para hindi ako nasasaktan ng ganito. Alam mo paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko bakit kayo pa. Si Karizza na anak niya at ikaw na pamangkin niya, bakit kayo pa?!" umiiyak na siya pero pinipigilan niya pa rin.
"Dahil para mas manaig ang pagmamahal mo samin kesa sa galit na nararamdaman mo dyan sa puso mo kung matututunan mo lang ang magpatawad hindi ka masasaktan ng ganyan." paliwanag ko sa kanya, hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.
Hindi siya nagsalita.
"Kalimutan mo ang nakaraan at magsimula ka ng bagong buhay." hinawakan ko ang kanyang kamay. "Huwag mo idepende ang buhay mo sa nakaraan dahil magkaibang-magkaiba ang nakaraan at ang kasalukuyan kapag ginawa mo 'yun magiging maganda ang kinabukasan mo. Buksan mo yan puso mo sa mga taong nagmamahal sayo, wag ka magbulag-bulagan, Almi." gusto ko siyang kumbinsihin na kalimutan na ang lahat.
Hindi siya nagsalita naging masyadong manhid na ang puso niya ngayon.
"Kung hindi naging happy ending ang lovestory nila gawin nating happy ending ang lovestory natin." sabi ko sa kanya bago umalis at iwan siya.
Bago ako umalis ay tinawagan ko si Tita Fel para ipaalam kung nasaan si Almi at ito na ang susundo.
Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko si Tita Nora, lumapit siya sakin.
"Bakit ngayon kalang umuwi, anong nangyari sa laro niyo kayo ba nanalo?" nakangiting sabi niya.
Hindi ko siya pinakinggan at nilagpasan ko siya.
"Kumain kana ba? Kakauwi lang din ni Philip."
"Huwag mo ako kausapin!" sigaw ko sa kanya, tinignan ko siya na may galit.
"Andrew, may problema ba?"
"Anong problema ko wala kaba talagang alam o naging manhid ka na kasi sanay kana manakit ng ibang tao."
Umiling lang siya at yumuko.
"Masaya kana nasira muna kami bakit ba lahat nalang ng relasyon ay gusto mong sirain! Bakit ka pa bumalik sa buhay namin!?"
"I'm sorry," yumuko siya.
"Sorry? Tatanggapin ko lang ang sorry mo kapag nabalik sa dati ang lahat at kapag nagkabalikan kami ni Almi."
Pagtalikod ko sa kanya ay nakita ko sina mommy at daddy na nakatingin samin. Narinig din yata nila ang lahat ng sinabi ko kay tita Nora.
Pumasok ako sa aking kwarto at hindi ko namalayan na sumunod pala si daddy sakin.
"Andrew, magsorry ka sa tita mo." utos nito.
"Bakit ko gagawin yun?"
"Sabi ko magsorry ka !"
"Bakit Dad wala akong kasalanan sa kanya. Siya ang may kasalanan sakin kaya bakit ako pa ngayon ang magsososrry sa kanya." napaluha ako, kahit kailan hindi niya ako kinampihan.
Naalala ko nung bata pa ako, may nakaaway ako sa school pero kahit kasalanan ng kaaway ko ay ako pa rin ang pinag-sorry niya. Wala akong nagawa kundi magsorry sa kaaway ko, Hiyang-hiya ako nun sa harap ng principal at sa magulang ng kaaway ko.
"Magsorry ka!" nagulat ako nang sampalin niya ako.
"Ganyan naman kayo, kahit kailan hindi niyo kayang ipagtanggol ang anak niyo. Lagi niyo sinasabi na dapat ang mga katulad natin ay hindi nakikipag-away sa harap ng mga tao." patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko.
Bakit ba hindi mo ako kayang intindihin kahit ngayon lang!
"Tignan mo yang sarili mo naging bastos kana yan ba ang nakukuha mo sa paglalaro ng basketball at sa babaeng iyon!?" tinuro-turo niya ako. "Umpisa palang sinabi ko na magfocus ka sa pag-aaral mo pero anong ginawa mo nagmatigas ka, sinabi mo sakin na magaling ka sa basketball pero ano ngayon natalo kayo, tigilan mo na yan aa!" tumigil siya saglit.
Inaawat na siya ni Mommy.
"At 'yang babaeng iyan tigilan mo iyang kahibangan mo sa kanya dahil sinisira niya lang ang buhay mo, Andrew!"
"Sinisira niya? Hindi naman siya ang sumisira ng buhay ko kayo! Kayo at si tita ang sumisira ng buhay ko!"
Sasaktan ulit sana ako ni daddy buti nalang ay dumating si mommy.
"Honey, tama na hayaan nalang natin siya." ani mommy, hinawakan nito ang kamay niya para tumigil.
"Hayaan? Dyan ka magaling kaya tumitigas ang ulo ng anak mo." tumingin siya sakin "Sige hahayaan kita pero once na hindi mataas ang grades mo ay ipapatapon kita sa ibang bansa at hinding-hindi kana makakabalik dito!" umalis na si dad.
Tinignan lang ako ni mommy at parang sinasabi niyang naiintindihan niya ako.
Napasuntok ako sa pader pag-aalis nila at hindi ko na naiwasan umiyak.
***
Makalipas ang ilang linggo ay pinuntahan ko sa opisina si Tita Fel dahil gusto ko siyang makausap tungkol kay Almi.
Hindi na kasi kami nagkakaayos nito at kapag nag-uusap kami ay lalo lang gumugulo ang aming relasyon.
"Pero wala po kayong appointment, Sir."sabi ng secretary niya.
"Miss. Kailangan ko lang siya makausap please padaanin muna ako." pagmamakaawa ko rito.
"Pero hindi po talaga pwede sir magpa-appointment muna kayo bago niyo makausap si Mam." paliwanag nito.
"Kahit saglit lang importante lang ang sasabihin ko." pangungulit ko.
"Pero ako po mapapagalitan ee." bumuntong-hininga lang ito. "Sige po tatanungin ko lang si mam kung pwede kayo pumasok." sumuko na ito sa pangungulit ko.
Pagbukas nito ng pinto ay mabilis akong pumasok sa loob at hindi ko na hinintay pang papasukin ako.
"Sir," sabi nito.
"Sige na hayaan muna siya iwan muna kami." utos ni Fel.
"Sige po, Mam." paglabas nito ay sinarado na nito ang pinto.
"Mukhang importante yata ang sasabihin mo."
"Good morning po, pasensya na kayo sa abala."
"Pasensya ka narin hindi kasi ako nagpapasok kapag ng walang appointment sakin."
"Hindi nga po ako pinapapasok ng secretary niyo."
"By the way, nandito kana rin gusto kong magpasalamat sayo dahil nahanap mo ang anak ko noon."
"Wala po yun, responsibilidad ko po yun bilang..."
boyfriend niya!
Yun ang gusto kong sabihin pero wala na nga pala ni Almi.
Tumawa siya ng mahina.
"Sa nakikita ko sayo mahal mo parin ang anak ko."
"Tama po kayo, Mam. Mahal ko pa rin po ang anak niyo kaya hindi ako papayag na hindi kami magkabalikan."
Kahit na tutol pa kayo.
"Bilib ako sayo, yan ang gusto kong lalaking makatuluyan ng anak ko may paninindigan at sana lang hanggang sa huli ay maipaglaban mo siya kahit na pamilya mo pa ang tumutol sa inyo."
Kumunot ang noo ko.
Pamilya ko?!
"Bakit ang pamilya ko? diba kayo ang may ayaw sa relasyon naming dalawa?"
"Ako? Oo nung una pero hindi ibig sabihin nun ay didiktahan ko na ang gusto ng anak ko." nagtatakang sabi niya. "FYI, wala akong sinasabing tutol ako sa relasyon niyo ng anak ko." natatawang sabi niya.
"Bakit nung pumunta ako sa inyo---".
"Yun ba, nagulat kasi ako nung marinig kong Sia ang apelyido mo sigurado akong magulang mo si Mr.Phed Sia dahil may pagkakahawig kayo ang pinagkaiba niyo lang ay laging magkadikit ang dalawang kilay niya."
Ginaya niya pa ang itsura ni daddy na laging seryoso.
Tumawa kaming dalawa.
"I'm sorry, nagbibiro lang ako." aniya, na natatawa pa rin.
"Okey lang po." tumawa na rin ako dahil ganun nga si Dad.
Cool din pala ang mommy ni Almi kausap.
"Paano niyo po nakilala si Daddy?"
"Ha... wala nevermind."
"Hindi ko alam kung anong dahilan ni Almi kung bakit siya nakipaghiwalay sakin akala ko kayo ang dahilan pero nagkamali ko." sabi ko, naging malungkot ang boses ko.
"Sa tingin ko isa nga ako sa dahilan dahil yun ang ipinakita ko sa aking anak." hinawakan niya ang kamay ko. "Andrew, may isang hiling lang ako sayo sana wag kang aalis sa tabi ng anak ko dahil alam ko ikaw lang kailangan niya ngayon at sayo siya kumukuha ng lakas ng loob para harapin ang problema niya ngayong involve na tayong lahat."
Ngumiti ako sa kanya.
"Makakasa po kayo, Tita." aniko.
"Salamat."
"Sige po, kailangan ko ng umalis mukhang nakakaabala na po ako sa inyo."
Nagpaalam na ako sa kanya.
"Sorry, Sir." sabi ng secretary niya paglabas ko.
"Good job," tinapik ko ito sa balikat.
"Ang gwapo naman niya sino kaya siya?" narinig kong sabi ng isang empleyado dun.
Napangiti nalang ako.
Sorry kayo taken na ang puso ko.
♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro