❤1❤
Kabanata 1
(Almi's POV)
Bata pa lang ako ay naranasan ko na ang maging isang independent dahil si mommy nalang ang nagtataguyod sakin at naging busy lagi sa trabaho.
Madalas naaabutan ko si Mommy nakakulong sa kwarto at umiiyak dahil naaalala niya ang aking Daddy na iniwan kami para sumama sa iba.
Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o magagalit dahil puro na lang si daddy ang nasa isip niya parang wala siyang pakialam sakin basta maibigay lang ang pangangailangan at gusto ko ay akala niya ay okey na ako.
"Hoy! tulala ka na naman dyan..." sulpot niya sa tabi ko.
By the way.
I'm Almi Catars, I'm studying in Salvatorez University in Maynila and the girl beside me is my only one bestfriend forever---- Karizza Cunanan.
Magkaibigan na kami since grade school palang dahil parehas kami nanggaling sa broken family kaya naging close agad kami at nagkakasundo sa lahat ng bagay.
Ang pinagkaiba lang ay ang mommy niya ang umalis dahil mas pinili raw nito ang career kesa sa kanila.Naging mabuti si Karizza sakin at dahil na rin sa papa niya kaya hindi ako nangungulila sa ama.
"Si mommy kasi..." nakasimangot ako at malayo ang tingin.
Tinapos muna ni Karizza ang paglagay ng blush-on sa kanyang pisngi bago ako harapin. "Walang ginawa kundi mag-inarte at magkulong sa kwarto." putol ni Karizza sa sasabihin ko. "Pwede ba Almi ayokong pag-usapan yan kasi bata pa lang tayo yan na ang laging naririnig ko tungkol sa mommy mo, pakisabi kay Tita magmove-on na siya, daig niya pa tayo."
"Bestfriend ba talaga kita para kasing hindi wala kang suporta sakin." tinignan ko siya saglit.
"Yes, bestfriend mo'ko kaya nga sinasabi ko sayo na masanay kana sa mommy mo atsaka ayoko kasi magdrama ngayon kaya huwag ka na magtampo sakin." lambing niya. "Good mood kasi ako kaya ang gusto ko lang ay good vibes iba na lang ang pag-usapan natin."
"Like what?" tanong ko sa kanya.
"About... Sa crush natin?"
"Ha! Wala akong crush."
"Wew, ano ka pusong bato wala ka manlang nagugustuhang lalaki ?"
Umiling lang ako.
Kailangan bang may magustuhan ako kahit isa!
"Baka ikaw ang may crush?" tinitigan ko siya. "Sino yang lalaki?"
Bigla siyang namula at parang kinikilig pa.
Si best may crush bakit hindi ko alam?!
Umiling siya. "Ayoko hindi ko sasabihin sayo hanggat hindi mo sinasabi kung sino crush mo."
"Ang daya naman, ang unfair mo naman." pagtatampo ko.
"Ano ka hindi kaya madaya yun fair nga yun ee basta sasabihin ko lang sayo kung sino siya kapag nagkacrush ka na din."
Hindi ako kumibo.
"Akala ko pa naman meron ka wala pala edi sana hindi ko na sinabi sayo." mahinang sabi niya.
"Oo na po hindi na kita kukulitin." sabi ko sa kanya.
Kahit anong pangungulit ko sa kanya ay alam kong hindi niya sasabihin sakin dahil may isang salita siya, ako lang naman ang pabago-bago ng isip :D
"Ang kapal ng blush on mo sa kanang pisngi." umayos na ako ng upo.
Bigla siyang tumingin sa maliit niyang salamin galing sa kanyang bulsa para tignan kung nagsasabi ako ng totoo.
"Aray." sabay tawa ko.
Pinalo niya ako sa balikt nang mapagtanto na niloloko ko lang siya.
"Yung ngipin mo may lipstick." ito totoo na talaga.
Tumingin ulit siya at kumuha ng tissue para tanggalin ang lipstick na kumapit sa kanyang ngipin.
Sino kaya ang crush niya classmate kaya namin?
Kailangan kong malaman.🤔
Habang nagkaklase kami ay hindi ko nilulubayan ng tingin si Karizza lahat ng nilalapitan at kinakausap niya ay tinitignan ko kung may kakaibang kiliti sa kanya pero parang wala naman kaya sa palagay ko ay wala sa classmates ko ang crush niya.
Ang hirap naman hulihin si best.
Pag-uwi ko sa bahay ay hinanap ko agad si mommy, nakita ko siya sa kwarto niya at nakatayo sa harap ng bintana. Lumapit ako at nakita kong hawak niya ang picture nila ni daddy, pinunasan niya ang kanyang luha ng mapansin niya ako.
"Nandyan ka na pala naghanda na ako ng dinner kumain ka na lang sa baba."
"Sabay na po tayo." yaya ko sa kanya.
"Wala akong gana kumain, ikaw na lang."
"Baka po magkasakit kayo kung hindi kayo kakain ."
"Kumain na ako sa office kaya matutulog na ako maya-maya." humiga siya sa kama.
"Sige po aalis na ako."
Paalam ko sa kanya alam ko naman na ayaw niya ng kausap.
Lihim ko kinuha ang picture na hawak ni mommy kanina bago ako umalis at pumasok na ako sa kwarto, hindi ko na napigilan umiyak dahil sa sobrang sakit na mabalewala ako ng aking magulang.
Tinitigan ko si mommy at daddy sa picture, ang saya nila habang nakaakbay si daddy kay mommy.
"Ano ba ako sa inyo? binuhay niyo lang para saktan ako sana kung pababayaan niyo lang ako dapat hindi niyo na ako binuhay sana pinalaglag niyo na lang ako. Nakakainis kayo umalis na nga kayo, iniwan niyo na ako at pinabayaan bakit sinama niyo pa ang puso ni mommy. Hindi ko na kayo kailangan pero si mommy wag muna siya ipagdamot sakin, maawa ka na." sabi ko habang umiiyak.
Hindi ko kayang sumbatan si daddy dahil ama ko pa rin siya pero ang babaeng sumira sa buhay namin, ang babaeng kabet ni daddy. Ang babaeng may dahilan kung bakit iniwan kami ni daddy sinusumpa ko siya lahat ng may kaugnayan sa kanya ay kinamumuhian ko,gusto ko maranasan nilang lahat ang masasakit na naranasan ko simula pagkabata ko.
(Karizza's POV)
Hindi kami magkasabay ni Almi umuwi ngayon dahil nauna na ako sa kanya kasi pupunta ang girlfriend ng papa ko, almost one year na silang magkarelasyon pero ngayon ko lang makikita ang girlfriend niya busy raw kasi sa work kaya hindi makapunta sa bahay ewan ko ba sa papa ko mahilig sa babaeng masyadong seryoso sa career.
Hindi ko naman mapipigilan si papa pumasok sa isang relasyon dahil alam ko mas magiging masaya siya kapag may katuwang sa buhay.
Narinig kong masayang nagtatawanan sina daddy pagpasok ko sa bahay at nasa kusina sila.
"Karizza, you're here," she hug me with smile.
Sa pananalita nito ay parang kilala na ako ng lubos.
"Good evening po, bang aga naman ng dinner natin baka magutom ako nento agad." sabi ko sa kanila.
"Edi mag-midnight snack tayo mamaya." sabat ni papa.
"O, sige po magpapalit muna ako ng damit." paalam ko.
Pagbihis ko ay bumaba na ako at niyaya na nila kumain.
"How's your day and your study?" she asking me.
"Okey lang naman po, Tita..." nakakatuwa dahil para siyang tunay kong ina kung makapagsalita.
"Okay ba na tawagin mo akong Mama Flor."
"Oo naman po." nakangiti kong sabi.
"Mas gusto ko kasing itawag mo sakin ay mama para hindi tayo mailang sa isa't-isa." nakangiti rin sabi nito.
Mas bata ito sa papa ko ng anim na taon.
"Thank you, I hope na kayo na mapangasawa ni papa kasi gusto ko sumaya siya hindi naman lagi nasa tabi niya ako." sabi ko.
"Oo naman, lagi ko papasayahin ang papa mo." hinawakan niya ang aking kamay.
"Masyado ng madrama parang wala ako dito kung pag-usapan niyo ako, sige na kumain na tayo." sabat ni papa.
Nagtawanan naman kaming tatlo.
Nag-midnight snack ng kami pagsapit ng alas-one ng gabi at nagmovie marathon. Piling ko isang pamilya kami at napakasaya ko nang mga oras na'yun. Magkatabi kami matulog ni Mama Flor dahil bawal pa daw sila magtabi ni papa kasi hindi pa sila kasal.
"Sana lagi na lang ganito." nasabi ko sa aking sarili bago ako matulog.
***
(Almi's POV)
"Ayoko sumama, best." tanggi ko kay Karizza dahil kanina pa niya ako niyayaya sumama na manuod ng final practice ng basketball.
"Best, sige na please maawa ka na kahit saglit lang tayo dun tapos uuwi na tayo samahan muna ako." pagmamakaawa niya.
Nag-isip muna ako bago pumayag, hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya manuod ng basketball kahit practice palang.
Biglang may pumasok sa isip ko.
Siguro nandun ang crush niya.
"Okey, sasamahan na kita basta saglit lang tayo, huh?" Hindi siya titigil hangga't hindi ako pumayag kaya pinagbigyan ko na at saka para malaman ko na din kung andun crush niya.
"Really? Thank you, bestfriend talaga kita. I love you, Almi".
"Hay naku nang-uto pa." mahina kong sabi.
Pagpasok namin sa loob ng court ay maraming estudyteng nandun.
Bakit nga ba gustong-gusto nila manood ng basketball katulad ng bestfriend ko, dahil mahilig sila sa sport o dahil gwapo ang mga players.
Napansin ko kasi karamihan na nandito sa loob ng court ay puro babae at kinikilig pa silang lahat habang pinapanood nilang naglalaro ang mga basketball players.
"Tara dun tayo umupo sa center." yaya niya sakin.
Siguro tama ang nasa isip ko na basketball player nga ang crush niya at kailangan kong alamin kung sino ang crush niya.
"Please, minimize your voice..." saway ko sa kanya pero parang wala siyang narinig. "Bahala ka nga kung mapaos ka... Ay!!" napasigaw ako dahil natamaan ako ng bola sa hita. "Aray, masakit yun aa".
Mukha ba akong basketball ring!
Hindi ako nagreact nang tamaan nila ako ng bola dahil akala ko hindi nila sinasadya iyon pero nainis ako sa inasal ng lalaking pumulot ng bola.
Hindi siya nagsorry :>_<:
Nakakainis!
"Are you okey, best?" tanong ni Karizza.
"Lets go!" tumayo na ako. "Umalis na tayo wala palang modo ang mga tao dito at mga duling pa magshoot!" umecho ang boses ko sa loob ng court.
"Hinaan mo ang boses mo." bulong niya sakin.
"I don't care, kung marinig totoo naman!" humakbang na ako palabas kaya sumunod na siya sakin.
Ilang hakbang palang ako ay may tumama ulit sa balikat naman.
Masakit na'yun aa!
GALIT NA AKO!
"Aray! nakakainis na kayo!" kinuha ko ang bola at binato ko sa lalaking kumuha ng bola kanina pero nakaiwas ito.
"Ano ba!" sabi nito.
"Magsorry ka!" utos ko sa lalaki.
"Bakit ako magso-sorry?!" he's said.
"What! You don't know or your just an idiot!"
"What are you saying!?" nainis yata ito sa sinabi ko.
Nagsisigawan na kaming dalawa kaya nakatinginan na samin lahat ng mga estudyante.
"Best, alis na lang tayo nakakahiya na kasi lahat sila nakatingin satin." hinila niya ako palabas.
"Wait, hindi pa ako tapos sa kanya kailangan niya pa magsorry sakin." sabi ko paglabas namin ng court.
"Kasi... huh..." nag-iisip siya ng dahilan.
"What?"
"Huh... hhmm.. ang sakit na ng tiyan ko tinatawag na ako ng kalikasan." palusot niya at nagkunwari pang sumasakit ang tiyan.
"Ewan ko sayo, akala mo naniniwala ako sa dahilan mo Bakit mo ginawa yun dapat pinagtanggol mo ako kasi sinaktan nila ako."
Hindi siya nagsalita.
"Tara na uwi na tayo." naglakad na ako.
"Sorry," yumakap siya sa braso ko.
"Ang mga may kasalanan lang ang dapat magsorry." sabi ko. "You know, nagkakasundo tayo sa lahat ng bagay pero isa lang ang pinagkaiba natin. Sumusuko ka agad hindi ka namimilit kapag ayaw ng isang tao at ako naman gagawin ko lahat para makuha ko yung gusto ko."
"Kasi ayokong pilitin ang isang tao kapag ayaw niya magsalita gusto ko bukal sa kalooban niya kapag ginawa niya ang isang bagay kanina kaya ginawa ko yun dahil ayoko lang ng gulo".
Sumulyap ako sa kanya at hindi na nagsalita.
"Best, nakita ko na si Mama Flor. Ang bait niya at maganda pa." pag-iiba niya ng usapan.
"Mama flor?"
"Girlfriend ni papa , nakwento ko din sa kanya ang tungkol sayo at gusto kanya makita ."
"Really, gusto ko din siya makilala."
Now, I forgot what happened ealierat wag niyo na ipaalala sakin dahil naiinis lang ako !
Tsskkk😏
***
(Andrew's POV)
"Good morning, Mr.Andrew Sia." Nagising ako sa boses ni Mommy.
"Bumangon ka na dyan para makasabay ka samin magbreakfast."
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na.
6 o'clock in the morning.
Ang bilis naman ng oras!
Napakamot ako sa ulo ko pagbangon ko.
"Di ba may parada kayo ngayon kaya dapat bumangon ka na dyan para mag-asikaso, sige na baba na ako." paalam niya bago lumabas ng kwarto.
"Okey, Mommy".
Lumabas ako ng aking kwarto pagkatapos ko mag-ayos para diretso pasok na after ko magbreakfast.
"Good morning, Dad." bati ko kay daddy pero hindi ito nagsalita kahit ngiti manlang.
Ganito talaga ito kapag may ayaw at alam ko na kung ano yun kaya tahimik nalang ako.
"Good morning daw sabi ng anak mo." sabi ni mommy kay dad.
"Anong mapapala mo sa paglalaro ng basketball? Kung nakafocus ka sa pag-aaral mo edi sana natutuwa pa ako sayo." mahina pero matigas ang boses nito.
"Hindi ko po pinababayaan ang study ko kaya wag kayo mag-aalala makaka-graduate ako. Gusto ko itong ginagawa ko kaya hayaan niyo muna ako."
"Makagraduate ka? okey lang sayo ang salitang iyon. Wala ka mapapala dyan yayaman ka ba kapag pinagpatuloy mo 'yang gusto mo."
"Dad, hindi sa lahat ng bagay ay pera ang importante. Aanuhin ko ang kayaman kung hindi ako masaya sa ginagawa ko." hindi ko na napigilang hindi magsalita.
"Bastos ka---"
"Honey..." sabat ni Ness.
"Kaya matigas ang ulo ng anak mo dahil kinukunsinti mo." tumayo na ito at umalis na.
"Mag-iingat ka, honey." sabi ni Ness sa asawa.
"Huwag mo isipin ang mga sinabi ng daddy mo, gawin mo kung ano ang gusto mo basta you promise me na wag mo pababayaan ang pag aaral mo para wala siyang maisumbat sayo." niyakap ako ni mommy.
"Yes, I promise." mahina kong sabi.
Hindi ko alam kung bakit ayaw ni daddy sa mga gusto ko, ang gusto lang nito ay magfocus ako sa pag-aaral ko dahil ako daw ang magmamana ng kanyang company hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito kahit kailan.
"I have to go, bye." paalam ko.
"O, sige mag-iingat ka basta wag muna intindihin ang mga sinabi sayo ng daddy mo." tumango ako sa kanya at humalik sa pisngi nito
♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro