Special Update 5: IF EVER
basahin niyo ang A/N ko sa dulo! follow me on twitter @aril_daine
Special Update 5: IF EVER : NATHALIE MIRU MARIANO
Nasa guidance office nanaman ako. As usual sinumbong nanaman ako ng kaklase ko. Kesyo ang bully ko daw! Kesyo cheating daw! Ang brat ko daw, spoiled daw, tapos dinamay pa sina mommy at daddy at sinabing kunsintidor sila! ABA! DUN NA AKO HINDI NAKAPAGPIGIL! SINABUNUTAN KO YUNG KAKLASE KONG MUKHANG POKPOK SA KAPAL MAGLAGAY NG MAKE-UP! Aba aba! Awayin na niya ako hwag lang niya idadamay ang mga magulang ko! sadyang mahal lang talaga ako ng mga yun!
“bakit hindi ka gumaya sa nakababata mong kapatid saka sa bestfriend mo! Ang babait” nyeh nyeh nyeh. Blah blah blah -__-
“Nathalie Miru Mariano! Kapag hindi ka pa nagtino NGAYONG ARAW NA ITO IPAPATAWAG KO ULIT ANG MGA MAGULANG MO!” HALA!
“anak ng siopao at siomai na shuman naman o! hwag naman ganyan ma’am, kapag ginawa mo yan hindi ako bibilhan ni papa ng bagong game! Hindi na din ako papayagan ni mommy gumala! Hwag ganyan ma’am! Isa pa yung Belinda naman talaga yung nanguna e! siya naman ma’am! Hindi naman ako! saka isa pa hindi naman totoo yung paratang niya! siya nga ‘tong akala mo kung sinong santo na dapat santuhin ng mga lalaki, kabastos-bastos naman. Hitsura palang niyang mala-pok squared!”
“MIRU!” ayan na! yung adviser ko nandito na din! Patay ako! >.<
Lumapit si Sir Valdez saakin at halatang disappointed sa ginawa ko. Ng klase pala niya. Laging laman ng guidance kasi ang section namin. Kumbaga kami daw yung mga patapon sa school na ito. na tinatanggap lang dahil mapera daw kami. Upakan ko kaya sila? Sinong mapera? AKO? ABA! KINUKURIPOT KAYA KAMI NG MOMMY KO >.< hwag daw maging maluho! Hwag daw ganto, hwag daw ganyan! Aba aba! Pero tama naman siya ^O^
Pero kapag talaga nalaman ni mommy na naguidance nanaman ako patay ang allowance ko! kawawa nanaman niyan si Junior! Hahaha sakanya nanaman ako manghihingi ng pera! Mabait naman yung kapatid kong yun, ang kaso nga lang siya dapat ang babae at hindi ako. hindi makabasag pinggan e! minsan nagtataka na din ako sa tunay niyang kasarian. Baka mamaya binabae pala si Junior hahahahaha. Jan Ravince Mariano nga pala ang pangalan niya in short JR o kaya naman JUNIOR! Hahahahaha mga pakulo kasi ni tita, masabi lang na junior!
“Miru nakikinig ka ba? Nakatunganga ka nanaman” tanong ng adviser ko.
“e sir ang daya naman! Bakit ako lang yung naguidance? Pati naman si Belinda may kasalanan a!” reklamo ko. naka dekwatro pa akong nakaupo at walang respetong ininom yung kape ni ma’am. Natetense ako e HAHAHA
“Miru naman kayo na nga lang dawala ang babae sa klase kong yun kayo pa ang madalas mapasok sa guidance. Maawa naman kayo saakin” umupo siya sa katapat kong upuan. nagmamakaawa na talaga siya. kawawa naman talaga itong teacher na ito saamin ni Belinda.
Kami lang ni Belinda ang babae doon kaya naman siguro pati kami minsan kilos lalaki na. hindi pala minsan, madalas pala. Este ako lang pala, binudburan nga pala ng kaartehan yung katawan ng babaeng yun. Babaeng bakla naman. Di naman kagandahan.
“sir ang daya talaga!”
“Ms Mariano” napaharap ako sa councilor. Suki na talaga ako dito. Napapakamot nalang siya ng ulo. baka mapanot si Ma’am saakin. kawawa naman. Ang iksi na nga ng buhok mawawalan pa ng buhok ng dahil saakin. kaawa-awa naman siya T^T
Ayoko naman magtino kasi kung magtitino ako baka mamaya niyan si BELINDANG PANGIT aapihin ako! ayoko naman nun! Tapakan ko yung nagmamagandang babaeng yun e!
“palalampasin ko yung ngayon, pero sa susunod na makipag-away ka ulit ipapatawag ko na talaga ang mga magulang mo”
“YES! ANG BAIT MO TALAGA MA’AM!” sabay tayo saka ko tinapik tapik ang balikat ni ma’am.
Palabas na ako ng guidance nang biglang sinita nanaman yung uniform ko! “AYUSIN MO YANG UNIFORM MO MIRU!”
Sus! Tumakbo na ako palabas para hindi na nila ako mapagalitan pa hahaa. Ano bang problema nila sa uniform ko? ang astig nga e!
“hoy Nathaniel! Suking-suki a! anong sabi ni Valdez at nug malapit ng mapanot na councilor nang dahil sayo? Hahahaa” itinaas ko yung paa ko doon sa kamay nung armchair tapos nahalata kong lumihis ang tingin ni Direk, isa sa barkada ko, kaya agad kong inayos yung upo ko. nakashorts naman ako a, haba nga ng shorts ko e may print pa ngang Mickey Mouse -__-
“edi ayun nakunsumi nanaman saakin si panot haha. Pero di naman nila ipapatawag sila daddy kasi may utang na loob pa ang school saakin. ako lang naman nagdala ng school na ‘to nung tournament e! kung wala ako wala silang pondo! Bwahahahahahaha”
“grabe ka talaga para kang di babae! Ganda mo pa naman sana”
“sus! Ayos nga e! ah? Ano?” doon palang na-process sa utak ko ang sinabi niya. medyo nalaglag pa nga yung panga ko e. ano daw? Maganda daw ako???
“ulitin mo nga yun!” excited kong utos!
“wala ang sabi ko ang pangit mo talaga. Nagmumukha ka ng lalaki! Ilakad mo nga ako dun sa bestfriend mong si Geline buti pa yun, maganda, ideal girl talaga, matalino na ang kinis kinis pa ng balat. Di katulad mo hahahaha” tumayo ako sa kinauupuan ko saka ko siya hinampas ng nakita kong hardbound na libro! Nilakasan ko talaga! yung tipong magkakabukol siya.
“aray naman! Ang lakas talaga ng babaeng ‘to! DI KA TALAGA BABAE!”
“HEH! Ilakad mo sarili mo!” kabaliktaran ko si Geline, napaka ideal niya kasi. hindi siya pasaway tulad ko, mahinhin gumalaw tapos dance troupe member pa siya. e ako? ayun beach volleyball naman sakin! Tapos laging laman ng guidance, sikat nga ako e. sikat sa kalokohan. Teka? Bakit ko ba kinukumpara sarili ko kay Geline?
Kainis kasi tong sugpo na to! Lagi akong kinukumpara sa bestfriend ko. e ano ngayon kung pangit ako? ano ngayon kung maganda si Geline? Makinis siya! makinis din naman ako! medyo mas maitim nga lang ako gawa ng lagi kaming binababad sa araw. Pero masasabi kong maganda naman kutis ko at ng pagkakatan ko. Magbestfriends kami at mga magulang namin. Hindi ako pwedeng mainsecure ng dahil doon lang.
“sugpo ka talagang tukmol ka!” sigaw ko pa kay Direk bago ako umalis.
Kainis talaga yung lalaki na yun.
Lakad lakad! BAKIT KO NAMAN ILALAKAD YUNG CRUSH KO SA BESTFRIEND KO?
Tukmol kang Direk ka!
Kung bakit ba kasi walang talo talo sa barkada? Edi sana niligawan na kita >///<
*****************************************************************************
A/N! hahaha alam niyo ba kung bakit IF EVER ang taytol??? if ever gagawan ko man ng story o hindi HAHAHAHAAHAHA
madami kasi nagrerequest ng pagtanda ni Miru e. kung anong ugali niya at kung anu-ano pa. e ayan. ang kaso nga lang hindi ko talaga siya gagawan ng story. depende pala. kasi naman hello? kapag ginawan ko siya ng story ilang taon na si JUN AT LIAN ko nun ng fake lovers? hahahaha kaya basahin niyo nalang new story ko! PROVE ME WRONG! oha oha iba siya sa mga nakasanayan kong plot maybe XD
saka saka follow me sa twitter @aril_daine
thank you guys. sorry kung heto ang special UD ko. IF EVER tumanda lang naman si MIRU ayan siya. ayan ang plot ng story niya! nakasalalay sa kamay ko kaya siya IF EVER! hahahahaha. ansabeee?
vote and comment lablab :****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro