Chapter 9: Thank You
Chapter 9: Thank You
*** ** ** **
“Seiji aren’t you coming with me?” tanong ni Miyuki sa kanyang kasama.
Sa tatlong taon naging mabuti ang kapatid ng kanyang kuya na si Shizu sakanya.
Isa siya sa mga nakapagbalik ng ngiti sa dalaga.
“that’s ahm boring” sagot lang nito sakanya habang nagdadrive papunta sa isang restaurant.
“just call me when you’re done with that appointment”
‘ang tamad talaga nito’ isip naman ni Miyuki.
December 24 na kaya naman papunta ngayon sila Miyuki sa isang Restaurant para makipagkita sa may-ari ng hotel kung saan gaganapin ang party na pinapahanda ng pamilya nila Seiji.
“are you sure you don’t want to come---“
“are you nervous?” pabalik na tanong ni Seiji sakanya.
“not at all. Why would I anyway?”
“because you’ll meet his father or his mother right?”
“haha funny! Hindi din”
“what?”
“nandemonai” (nothing) she answered smiling.
Hindi pa din nakakauwi sila Miyuki dumiretso na kasi sila sa restaurant.
Kaya naman hindi pa niya nakikita ang kapatid niyang si Shizu.
Close kasi talaga silang magkakapatid.
Ang dalawa pa niyang mga kuya naman ay naiwan pa din sa Japan. May mga trabaho na din kasi sila doon at mahirap iwanan kaya mas pinili pa nilang magpaiwan doon.
Tinignan ni Sharlot ang wristwatch niya. Late na siya ng 5 minutes. Nahihiya na siya kasi kilala pa niya ang kanyang imemeet tapos ganito pa? late pa siya?
“you were with your ex last night right?”
“are you jealous?”
“haha who would?”
“gees!”
“Kinou no ban, Anata ha kare ni au toki nani wo kanjita nodesu ka? “ (may naramdaman ka ba kagabi nung makita mo siya?)
“nothing. Well I was shocked” she said
“doshite?” (why?)
“I thought he’s also over me now. But It turned out that he haven’t move on yet”
“so you’re happy?”
“no???”
“no??”
“Seiji!!!” bulyaw na Sharlot kasi nalagpasan na nila yung Restaurant.
Pagkapark palang nung sasakyan agad na siyang bumaba.
“Seiji---“
“Dozo osakini” (please, go ahead) sabi ni Seiji kay Miyuki habang nakangiti
“ki o tsukete” (take care) saka na pumasok sa loob si Miyuki
Hinanap niya kung nasaan ang katatagpuin.
Kaso hindi niya ito Makita agad buti nalamang at may waiter.
“Ms. Parco?” tanong nung waiter
Tumango lang si Miyuki dito at saka na siya ini-lead nung waiter papunta sa isang table kung saan may lalaking nakatalikod.
Pagkaupo niya halatang nagulat ang lalaki.
“s-sorry kung late ako” nagtataka pa siya habang humihingi ng paumanhin.
Pero mas lalong nagtaka naman ang lalaking nasa harapan niya ngayon.
“tsk. Talaga naman!” bulong nung lalaki
“ahm kagabi nga pala” unang nagsalita si Miyuki.
“business first” tama ang lalaki ngayon ay si Lance Mariano. Nagawa pa niyang sungitan ang babaeng gusto niya talagang yakapin ngayon. -___-
So nag-usap na sila about sa venue nung party na gaganapin nga sa isang hotel na pagmamay-ari nila Lance. si Lance ang inatasan ng dad niya na asikasuhin ito. Hindi para lang asarin si Lance kundi dahil busy din ang parents niya. Nagulat talaga ang binata nang Makita niya ang babae sa harapan niya ngayon.
“so that’s it? Wala na bang idadagdag?” asked Lance habang nakatingin siya sa mga papeles na hawak hawak niya.
“that’s it. I think kaya niyo naman na ihandle yun right?”
“yeah”
“so now that we’re done. Ahm---“ hindi maituloy ni Sharlot ang sasabihin niya kasi hindi naman niya alam kung sasabihin ni Lance o hindi ang rason niya.
“ah wala nevermind that” saka na ininum ni Sharlot ang drinks na nakalapag sa table nila.
“about ‘that’ hah?” he asked
Kaya napatingin si Sharlot sakanya. Tumango nalang siya bilang sagot sa tanong ni Lance.
Kahit na narinig pa ni Sharlot kagabi na mahal pa din siya ng lalaking nasa harapan niya ngayon hindi siya naiilang.
Ni wala siyang maramdaman ngayon sa taong ito.
Ang tanging nararamdaman lang niya siguro ay HIYA. Dahil na din sa pinaggagagawa niya kagabi. About sa DARE na ginawa naman niya.
Pero kahit ganun hindi nalang niya pinapakita.
Kahit na sinaktan siya ng lalaking ito noon, wala pa din naman kasi siyang karapatan para manakit din ng damdamin ng iba.
Ang gusto lang ni Sharlot ngayon ay maging Masaya na ang taong nasa harap niya.
“sorry nga pala kagabi” si Lance ang unang bumasag sa katahimikan
“a-ayos lang”
“umiyak ka daw”
“medyo”
“sorry din sa ginawa ko kagabi” tinutukoy ni Miyuki yung paghalik kay Lance sa pisngi without considering kung may nararamdaman pa ba ang tao sakanya.
“ah. Ginawa mo lang naman yung inutos sayo”
“oo nga. Sorry talaga” nahihiya niyang sabi.
“kumusta na pala sila Eris at Erick? Mula kasi nung pumunta ako ng japan wala na akong balita sa kanila”
“pumunta silang states. nakahanap sila ng donor for Eris’ disease”
“wow that’s great! Eh si Erick???” halata naman kay Sharlot na excited siya. kagabi kasi nagtanong siya sa iba pero wala silang alam. Kaya buti nalang kahit papaano alam ni Lance ang sagot sa katanungan niya.
Nagkibit balikat lang si Lance. marahil yun lang talaga nalalaman niya.
“babalik sila”
“talaga?? Kelan? Saka kelan pala nagpa-surgery si Loisa?”
“3 weeks after you went to Japan.”
Bahagyang napangiti si Lance na napansin naman ni Sharlot.
“pansin ko expressive ka na ngayon. unlike dati na bihira lang kung ngumiti. Medyo dumaldal ka na din.”
“di din”
“hahaha pero masungit ka pa din” matawa-tawa pa si Sharlot ngayon.
*kriiing kriiiing*
“hello?”
may tumawag kay Sharlot kaya agad niya itong sinagot.
“yeah. Okay… I’ll wait for you here then. Okay. Take care”
Kahit kating kati si Lance tanungin kung sino yung tumawag hindi naman niya magawa kasi wala naman siyang karapatan.
Matagal na siyang nawalan ng karapatan magtanong ng mga personal na bagay sa babaeng kaharap niya.
“nga pala Lance ano kayo ni JL? a-ano if you don’t mind lang naman. Nakakacurious kasi kagabi yung ginawa niya. Haha halatang pinapahalagahan ka niya”
“we’re friends.”
“with benefits ba yan??? Haha just kidding. Pero ang ganda na niya ah! Swerte nung makakatuluyan niya kasi maintindihin na siya ngayon at saka kahit na nagsusungit siy----“
“sorry sa ginawa niya kagabi. She told me about that last night.”
“naku naku! Wala yun. Haha hayaan mo na” with hand gesture pa.
“s-sige sa labas na ako. yung sundo ko kasi… bye na” saka siya tumayo at lumabas ng tuluyan sa restaurant.
Sa totoo lang iniiwasan niya yung topic baka kasi maiyak nanaman siya.
Tuwing yung bata kasi ang topic hindi niya mapigilan ang pag-iyak niya.
Tingin niya kasi kasalanan niya yun.
Kasi kung naging mas malakas sana siya noon okay pa ang bata.
Baka nga ngayon tinatawag na siyang mommy.
Pinahid niya yung luha niya.
She heavily sighed. umupo siya sa may bricks at pinahid ang luha niyang nangilid na.
“hindi mo naman kelangan itago sakin kung naiiyak ka” umupo sa tabi niya si Lance.
“hindi ko kasi mapigilan” paliwanag naman nito
“kasalanan ko kaya ako dapat sinisisi mo” sabi nalang niya habang niyukom ang kamao niya.
Nanatili lang na tahimik si Miyuki,
Hinihintay kung may sasabihin pa ba si Lance.
“kung hindi kita hiniwalayan hindi sana nangyari yun”
“hindi mo kasalanan yun. Hindi mo naman alam na nagdadalang tao ako noon. Kung sana ako din alam ko, sana di ko ginawa yung kahibangan na yun”
Natahimik lang silang dalawa.
Maaga pa at tirik pa ang araw.
Pinagtitinginan sila ng mga dumadaan dahil na din siguro nagawa pa nilang umupo sa labas ng restaurant
“wala ka bang ibang lakad?” tanong ni sharlot sa kasama pero hindi siya kinibo nito.
“sabi ni JL saka na din ni Ales karapatan mo na malaman ang nangyari kung bakit ako nagkaganun”
Napatingin si Sharlot sa katabi.
‘why all of a sudden?’ nga kasi diba?
“naduwag kasi ako” nakatingin lang siya sa malayo at nagpatuloy “naalala mo yung soccer game noon? Yung kalaban namin dun. Dati pa akong pinag-iinitan nung iba sa team nila kahit nung hindi pa tayo”
Hindi maintindihan ni Sharlot ang pagpapaliwanag ni Lance kaya naman hinintay pa niya itong magsalita ulit.
“nung una hindi ko pinansin ang banta sakin. Ewan ko ba. Ang laki kasi ng galit ng mga yun sakin. Siguro dahil na din sa soccer. Kami lang kasi halos nakakatalo sakanila”
“they do not know how to play fairly”
“then after ‘that’ game’s victory party” napabuntong hininga siya “after we left napaaway yung mga kasama ko”
“may gang yung iba sa kabilang team. Gang na dati din ay nakaaway ko ng dahil sa mga karera sa motor at kung anu-ano pa na dati kong ginagawa.”
Nagsindi si Lance ng sigarilyo, hindi pa din siya nakatingin kay Sharlot habang nagpapaliwanag samantalang nakatitig naman sakanya ito.
“desperado na sila. Nasa university ka nun naglalakad lang. nasa may malapit lang kami sayo” he stopped and took a deep breath. Bakas sa mukha niya na ayaw niya yung topic pero kahit ganun nagpatuloy pa din siya “nakatutok yung baril sayo”
Galit. Yan lang ata ang mabasa ni Sharlot sa mukha ng kausap.
At pagkagulat naman ang naramdaman ng dalaga sa narinig.
“natakot kasi ako na baka sa susunod, ng dahil sa akin mawala ka” tumawa pa si Lance kasi may luhang tumulo sakanyang mga mata na agad naman niyang pinunasan.
“kapag nagquit ako agad sa soccer baka saktan ka nila. Kung matatalo ko naman ang team nila sa next game ganun pa din ang gagawin nila sayo.”
Walang masabi si Sharlot ngayon.
Hindi niya alam kung paano siya mag rereact ngayon.
Matutuwa ba siya dahil sa ginwang desisyon ni Lance? o magagalit dahil bakit hindi niya agad ito sinabi sakanya noon?
“ayoko lang kasi na madami pang madamay. Sakin sila mainit kaya hwag dapat nila kayo dinadamay. Gusto lang naman nila matalo ako. mabugbog. Siguro mapatay na din?”
“pero sana nga pinatay nalang nila ako noon. Kesa----sht” pinunasan niya yung luha niya
“sana ako nalang. Sana hwag na yung bata”
Nalungkot si Sharlot sa narinig.
Mahal na mahal talaga siya ni Lance.
Pero kung sana dati pa niya sinabi, siguro MASAYA na sila ngayon.
Ang kaso kahit narinig na ni Sharlot ang paliwanag ni Lance. wala na talaga siya maramdaman.
Ayaw din naman niyang lokohin ang sarili niya.
Tumayo si Lance at lumuhod sa harapan ng babae
Katulad ng pagluhod din niya noong pinipilit niyang makipaghiwalay dito.
“Sorry Miyuki.. sorry” parang ulan na nag uunahan ang mga iyak ng lalaki ngayon.
“kasalanan ko ang lahat. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry kasi hinayaan kong ganun nalang ang mangyari. Sorry…”
Para namang estatwa si Miyuki ngayon. hindi niya alam ang sasabihin niya.
“Lance tumayo ka na. you don’t have to apologize”
“Miyuki” tawag ng isang lalaki sakanya.
Tumayo si Lance...
“Miyuki Let’s go”
“ah Seiji—you go first.” Taboy niya dito na sinunod naman ng lalaki.
“Lance thank you for telling me this now. You don’t have to feel or say sorry. Ginawa mo lang kung anong alam mong nararapat. Thank you kasi at least sinabi mo na. s-sige mauna na ako” naglakad na siya papalayo sa lalaki.
“S-Sharlot” huminto siya sa paglalakad at hinintay ang sasabihin pa ng lalaki “I’m still in love with you” seryoso at halatang sincere siya sa pagtatapat niya ngayon.
Straightforward pa din gaya ng dati.
Lumingon si Sharlot at ang tanging naisagot lang niya ay “salamat” saka tuluyang umalis.
--------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro