Chapter 7: STONE!
Chapter 7: STONE!
Gail’s POV
“hey I’m going” bungad saamin ni JL nung bumalik na siya.
“ah? Gabi na. bukas na” sagot naman ni Sharlot
Si Ales naman sinundan kanina si Lance.
“no thanks. Hindi na ako magtatagal dito lalo na kung ang mga taong nakapaligid naman saakin ay pinaplastic lang ako. well anyway ano nga bang magagawa ko. sino ba naman kasi ang maniniwalang KAIBIGAN lang ako.” ngumisi siya saka naglakad papalayo saamin
Kahit kelan talaga! Ang maldita pa din ng babaeng yun.
Nabigla naman ako nung biglang tumayo si Bessy at hinabol si JL.
“sira ka ba? Sino naman nagsabi sayong iniisip namin yun?” I do Sharly >.<
“Look I know di ako tanggap dito and I don’t care. Pero as Lance’s friend, I do care about him! hindi lang halata pero alam niyo namang kahit papaano sensitive din yung tao.”
The nerve! Kasalanan nga ni Lance! and what? Sila na close ganun?
Kung nagpaliwanag siya dati pa edi sana walang ganito ngayon. mas galit pa yata ako kesa kay Bessy.
“Pinapahirapan? JL, if you are talking about sa nangyari kanina katuwaan lang naman yun. Hindi ko nasagot yung tanong kaya ginawa ko yung dare. Anong problema doon?”
“and so? Pinapamukha mo saamin na naka move on ka na?”
“that’s not it. Look I’m sorry ‘di ko naman sinasadya”
“really? kung umasta ka kasi parang hindi naging mahalaga sayo yung tao. And wait” tumingin lang siya kay Bessy at saka nagpatuloy “I know this is insensitive pero kung umasta ka kasi parang walang bata na nawala sainyo”
“JL! Mali na yata yang sinasabi mo!” I shouted. Maling mali naman kasi talaga.
Ganun nalang yun? Umalis na siya?
“hayaan mo na bessy” ngumiti lang siya but a faint one saka siya nag iwas ng tingin.
Yung kaso kay Lance parang wala lang kay Sharlot pero kung ang bata na iba na yata yun.
Hindi ko pa naranasan maging ina kahit isang beses, kapag buntis ka na ina ka na eh. Kaya alam kong masakit sa bestfriend ko ang sinabi ni JL.
Pero ayoko man aminim.
Totoo ang sinabi ni JL kanina.
Tumingin ako sa bestfriend ko at napansin kong nagpahid siya ng luha.
Nasasaktan siya.
Hindi dahil kay Lance kundi dahil sa bata.
“nasaan na ba kasi yung mga lalaki?” alam kong pilit ang ngiti niya ngayon.
Siya pa din ang bestfriend ko kahit papaano. Alam kong hindi siya nagbago.
Dahil kung nagbago siya at talagang nakalimot na nga hindi siya magpapaapekto ng ganito.
“Bessy” sabi ko habang inaalo yung likuran niya.
Umiiyak na kasi siya.
Naupo ulit kami sa may bonfire. Wala yung mga lalaki. Kumuha lang sila ng iinumin sa loob.
“bessy tahan na”
“am I that bad? Hindi ko naman sinasadya ah. Bakit kelangan idamay niya yung anak ko?” dirediretso lang niya yun tinanong sakin.
“sshhh hindi. ‘di mo naman talaga sinasadya” sige kunsintihin ko pa >.< pero di ko naman talaga alam kung sinadya niya o hindi.
Kasalanan ko naman.
Binulungan ko si Ales. Inutos lang niya yung sinabi ko.
Pero kasi hindi ko kasi alam kung maniniwala ako kay Sharlot o hindi.
“w-wala naman ako pakialam kung anong mangyari kay Lance. wala din naman akong pakialam kung ano gawin niya. Kung isama pa niya si JL dito. Wala lang naman saakin yun pero wag naman sana dinadawit yung bata”
Humahagulgol na siya. Inaalo ko lang ang kanyang likuran.
Ang mga palad naman niya ay nakatakip sa mukha niya.
“hala! Bakit umiiyak si Crush?” umupo sa tabi ni Sharly si Dennis. Tumingin ako sa dalawang dumarating pa. sila Kysler at Seb
“w-wala naman may naalala lang kasi ako” palusot naman nito
“si Lance ba yan?” tanong ni Kysler
“hindi”
Tumahimik nalang kami habang hinihintay na kumalma si Sharlot.
Ayaw naman namin magsabi ng kung anu-ano.
Mukhang hindi pa din niya nakakalimutan yung sa anak nila noon.
“masama kasi ako” nagulat nalang kami nung bigla siyang nagsalita
“hindi din” –seb
“oo nga hwag mo ngang isipin yan” sabi nama ni Kysler
“hindi ka masama crush oo minsan ang sama mo nga pero saakin lang ang daya mo nga eh! >.<” pa-cute pa itong si Dennis.
I sighed.
“Sharlot hwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Alam mo naman yung ugali nun diba? Kaya lang niya nasabi yun kasi siguro dahil talagang close sila ni Lance?”
“parang sa mga sinabi niya kasi kanina parang pinaparating niya na I’m on revenge. But bessy NO!” she retorted. “I wouldn’t do such thing.” Then niyakap lang niya ang kanyang mga binti at nagpatuloy “Again”
Again?
“inaamin ko naman na nagbalak ako magrevenge dati yung kay Russel pa. that was so yesterday! And I wouldn’t do that again! Revenge will not turn me to a great person! It will only turn me into A LOSER!”
“kaya bakit naman sasabihan ako ni JL ng ganun?”
Feeling ko, feeling ko lang naman. Ngayon palang siya naglalabas ng sama ng loob about sa nangyari dati.
Hindi ko siya maintindihan kasi siguro di ko pa naranasanan.
“tama na. hindi naman siguro sinasadya ni JL”
Natahimik ulit kami. Yung mga lalaki uminom nalang.
“i-I’m okay now. Thanks” she finally said siguro after 10 minutes.
Si Ales wala pa din.
Kumuha na lang ako ng baso namin ni Bessy sa tabi at saka nilagyan ito ng maiinom.
Inabot ko sa kanya yung nilagyan ng alak ni Seb na baso.
“thanks”
“LANCE NAMAN! SABIHIN MO NA DIN KASI SAKANILA!” napatingin kami sa nasigaw na si Ales.
Hila hila niya si Lance.
“hindi na nga” sagot naman nitong isa at saka tumingin saamin.
“si JL?”
Ah? Pagbalik na pagbalik si JL agad ang hinanap?
“LANCE ANU BA! Tell them!”
“huwag na nga. Tapos na ano pa bang babalikan? Ang kulit mo!” parang naiirita na si Lance
Woah.
“anong nangyayari naman? Lance hwag mo ngang sinusungitan si Ales!” pagtatanggol ni Kysler sa girlfriend
“tss”
“where is JL?”
“umalis na” sagot ni Sharlot
“bakit niyo hinayaan umalis? Gabi na oh!” medyo nagtataas na ng boses si Lance
At di na ata ako makakapayag dyan.
“so kelangan magalit? Pinigilan namin siya!” sagot ko sakanya. Naiirita na kasi ako.
“Ales akin na yang susi ko”
“ayoko! Sabihin mo muna sakanila!”
“ano bang pinagtatalunan niyo?” nacucurious na din ako. pero buti nalang tinanong ni Kysler
“oo nga ano ba yun!” pag sang ayon pa nitong si Dennis
Pero imbes na matinong sagot ang marinig namin mula kay Lance isang matigas na “wala” ang sagot niya
Umiiyak na din si Ales ngayon. ewan ko kung bakit
“naiirita na talaga ako Lance!” bigla nalang lumabas yan sa bibig ko at saka pa ako tumayo!. Feeling brave naman ako.
Pero kasi nakakainis na.
“ngayong gabi dalawang babae na yung umiiyak! Ano ba! I set this up for us to ENJOY! For us to settle all the problems we had”
Totoo naman. Hindi lang dahil kay Sharlot kaya ko sila tinawag lahat.
Hindi para mag-away lang ulit.
“please Lance naman wag na kasing matigas ang ulo” pakiusap ng kanyang bestfriend
“it will clear the misunderstandings Lance”
“okay na kasi. Okay naman si Sharlot. Okay naman kayong lahat! Bakit ba kelangan niyo pa yung paliwanag ko? THAT WAS NOTHING!”
“NOTHING? LANCE NAMAN! magkakaganito ba ako after I heard all of that!”
“bakit ba kasi hindi pa ikaw ang magsabi?” suggest naman ni Seb
“oo nga oo nga!” sang-ayon nanaman ni Dennis
Napatingin ako kay Sharlot
“kasi si Lance dapat.”
Natawa lang ng bahagya si Lance.
“neither you tell’em or not. I don’t care anymore” sa sinabing yun ni Lance I assume alam na ni Ales ang dahilan.
“but Lance! di mo sinabi lahat!”
-____-
Labo.
“si JL. Gabi na. baka mapanu siya. Susi ko” saka pa naglahad ng kamay si Lance para hingin kay Ales yung susi .
Parang kami napapatameme nalang dito.
Curious kung ano ba talaga ang nangyari,
Pero sa inasta niya parang wala siyang pakialam sa nangyari noon.
Naasar ako.
Naglakad na si Lance paalis nang makuha niya ang susi.
Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay.
“bakit mo ba ako sinusundan?”
“bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin? Bakit ba ang dami mong arte hah Lance?”
“may mababago ba? Wala naman diba?”
“kung sinabi mo siguro dati pa edi sana walang nagbago!”
Aktong bubuksan na sana niya yung pintuan ng sasakyan niya pero sinarado ko ‘to.
“Gail what’s with you?”
“ano? Susundan mo si JL? GHAD LANCE!”
“ano naman ngayon kung susundan ko?”
“mas mahalaga ba ang JL na yan kaysa sa bestfriend ko?”
“Lance sabihin mo nga! Mahal mo na ba si JL?”
“girlfriend ba kita para sagutin yan?”
I slapped him. He deserves that SLAP from me! Dati pa ako nagtitimpi.
Dati ko pa gustong gawin yan para sa bestfriend ko.
“Lance hindi na ba mahalaga si Sharlot sayo? Pinagpalit mo ba siya kay JL? Si JL ba ang dahilan? I mean-“ nakita ko lang na parang umiba ang eksperesyon niya sa mukha.
Naging malungkot? Hindi ko siya mabasa dahil siguro madilim na din. Mata lang naman ang umiba. Parang nalulungkot na..EWAN! di ko siya mabasa!
“JL? ni minsan hindi ko naisip yang sinasabi mo”
“kung ganun ano? Siya na pinalit mo as bestfriend? Ang immature naman!”
“look who’s talking. Immature? Ako? bakit dati ba nandyan kayo? Bakit niyo sisisihin si JL kung siya lang ang nandoon noon? Bakit niyo siya sisisihin kung wala naman siyang ginawa? I never told her any! Pero nalaman naman niya. Kasalanan ko bang tinuturing ko siyang isa sa mga kaibigan ko?”
“Lance ano ba! Hindi kita maintindihan!”
Gulo na ako >.<
“Gail mahal ko si Sharlot. And until now. I love her.” Parang lalong gumulo yung isipan ko. sa loob ng tatlong taon ba---
“ni minsan hindi ko siya kinalimutan. So Gail take care of her. I’m happy that at least---“
“kung mahal mo siya sabihin mo saknya yung rason mo”
“no need. She’s happy now. Nakamove-on na siya. ‘di na niya kailangan marinig ang mga tapos na. She’s now happy living in the present. Ayoko siyang guluhin pa”
“at ikaw?” I asked
“nasa past. Dahil lagi nalang pinapaalala ng mga tao sa paligid ko ang kasalanan na nagawa ko”
Pumasok na siya sa sasakyan niya at pinaandar ito.
Pinanuod ko lang siyang umalis. At pabalik na ako nung Makita ko si Sharlot na nakasandal sa poste malapit saamin.
Isa pa siya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya ngayon.
“narinig mo ba yung sinabi niya?” I asked
“oo.”
“mahal na mahal ka daw niya”
“I heard it”
“kung magpapaliwanag ba siya sayo tatanggapin mo ba siya?” she shook her head.
“no?” tanong ko and she nodded as an answer
“so hindi nga?” tanong ko ulit
“hindi na” sagot niya pa.
“pero kung magpapaliwanag ba siya?”
“papakinggan ko”
“tapos?”
“edi napakinggan ko nga”
“pilosopo naman to!”
“Sharlot hindi mo na ba talaga mahal?”
“hindi na. wala na ako maramdaman”
“bessy, para na kasi akong bato. Wala na ako maramdaman.” Patuloy pa niya at Nag inat siya saka nagsimulang maglakad
Naglakad na din ako at sinusundan siya.
“siguro dahil ilang beses na akong nasaktan noon. Natatakot na yata ako magmahal ulit. Ng kahit sino pa dyan. 21 palang naman ako. madami pa ako magagawa. Nakakatakot na kasi.”
“hindi ko siya sinisisi sa desisyun niya noon. Buhay niya yun at buhay ko din naman ito. Alam kong pareho kaming may pagkakamali. Kung sinisisi man niya ang sarili niya then we’re on the same foot”
Huminto ako sa paglalakad at napaisip.
Nakakatakot din kasi magmahal.
RISK- nandyan kasi yan parati sa pagmamahal. kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari.
Sa pagmamahal may mga elemento talagang nakadikit dito katulad nalang siguro nung nangyari sakanila. Ang tinatawag na heartbreak that can turn someone into a stone. However, some may still be living in their past. Still thinking of that someone kahit na hindi niya alam kung iniisip din ba siya nito. Or maybe alam niyang hindi na siya iniisip nito at inexpect na ganito na ang mangyayari.
“ganun nga kaya kahalaga si JL sakanya?” napatigin ako kay Sharlot dahil sa tanong niya.
“pero ayus nuh? Buti nalang may tumingin sakanya noong panahong iniwan ko siya at nagdesisyung kalimutan siya. hindi ako nagsisisi na iniwan ko siya noon”
__________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro