Chapter 5: Reunion
Chapter 5: Reunion
Gail’s POV
Naiinis na ako sa cellphone na yan ah! Tunog ng tunog.
“Seb yung cellphone mo!”
Itinaklob ko yung unan sa ulo ko. pero kahit na ganun na-bobother pa din ako sa tumutunog na cellphone ni Seb. Kasi naman ‘di pa sagutin!
“SEB!” umupo na ako.
“tulog mantika talaga!”
Kinuha ko yung cellphone niya at sinagot ito nang hindi tinitignan ang caller ID.
“hello? Madaling araw na po kung pwede sana marunong po kayong tumingin ng oras bago tumawag nuh?” nakakainis kasi
“ah sorry akala ko kasi mag-isa si Ceric”
“mamay---“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung biglang magregister sa utak ko na babae yung nagsalita.
Teka! Babae yun!
*tootoot*
Aba! At binabaan pa ako!
Sa sobrang inis itinulak ko si Seb para mahulog siya sa higaan! Kung bakit nanaman kasi nandito nanaman ‘tong lalaki na ito sa kwarto ko!
“a-aray naman Gail” reklamo niya habang nagkakamot ng ulo “grabeng likot mo naman matulog! Nahulog pa tuloy ako!” saka niya inilaw yung lampshade
“hwag ka mag-alala hindi ako malikot matulog. HI-NU-LOG talaga kita!” I retorted emphasizing the word HINULOG
“oh cellphone mo! Kausapin mo yung babae mo!” saka ko ibinato sakanya yung cellphone niya
“hala! Nagseselos ka nanaman dyan! wala nga akong babae!”
“anong wala! Madaling araw na tatawag pa!”
Bakas sakanya yung pagkagulat.
“o-oi! Wala talaga akong babae!”
“bahala ka dyan!” bulyaw ko saka ako humiga at nagtaklob ng kumot.
“lumabas ka na nga” pahabol ko pa ng hindi tumitingin sakanya
Pero sa halip na bumubukas na pintuan ang narinig ko, yung boses niya ang narinig ko “dito ako sanay matulog kaya dito lang ako” pagmamatigas niya saka pa siya nahiga sa tabi ko.
Kainis. Kung sino namang babae ngayon yung tumawag?
“oi, hindi ko kilala yung sinasabi mo. Wala akong babae” niyakap pa niya ako mula sa likuran ko.
“bahala ka dyan”
“sus naman tong si Honey oh. hwag ka na magselos. Hindi ko talaga alam yang sinasabi mo”
Honey, sweety, love? ang dami naman kasing endearment ng taong ‘to saakin. Playboy talaga. Hindi na magbabago. Kawawa naman ako sakanya.
Tinatanggal ko yung kamay niyang nakayakap saakin at saka tumayo.
“oi oi saan ka naman pupunta?” hindi ko nalang siya pinansin saka lumabas sa kwarto.
“edi dyan ka matulog. Pupunta ako kay Bessy >__<”
Pumasok ulit ako sa kwarto para kumuha ng damit na babaunin saka pamalit na din.
Si Seb nakatingin lang saakin
“saan ka pupunta? Gabi na ah”
“maglalayas”
“hala! Gail naman. Wala nga kasi akong babae”
“okay sabi mo eh”
“naman oh!” lumapit siya saakin tapos binabalik niya yung mga kinuha kong gamit.
“Seb! Ang gulo ah!”
“gabi na oh. kung maglalayas ka naman yung hindi sa delikadong oras”
“paki mo ba?”
“fiancé kita! Natural naman may paki ako” saad niya
Aish! Naku maaga akong tatanda dito kay Seb
Nakakawala naman kasi sa mood yung malambing na boses kanina
Inagaw ko yung mga damit ko na kinuha ni Seb saka naglakad palabas.
Di naman sa OA pero kasi diba? Sino ba naman kasing babae ang maglalakas ng loob na tawagan yung lalaki ng madaling araw? And hello! Parang kelan lang nung may naghahanap kay Seb eh.
Naiinis lang naman ako.
“Gail naman gabi na oh baka kung mapanu ka wag ka na magtampo. Hindi ko talaga alam yang sinasabi mo” nakapout pa niyang sabi. Pa-cute pa -___- kala mo naman tatalab saakin.
Tinignan niya yung cellphone niya. Siguro nagdedelete na yan ng messages para di ko mabasa at numbers para din a ako maghinala -___-
“sweety unregistered oh! hindi ko kilala ‘to”
Talaga lang ah?
“babae siya malambing ang boses niya” sabi ko na para bang nagmamaktol
“ayieee ito namang si loves oh! selos kasi agad hindi ko talaga yun kilala. Wala nga akong nakakausap na babae diba? Si Miyuki lang yung kanina.”
“eh kanina ang daming babae dun. Malay mo nung iniwan kita doon tapos may nakausap ka tapos---“
“paranoid naman masyado si sweety. Hayaan mo sila ikaw naman pinakamagandang babae hahaha joke mas maganda pala yung kaibigan mo kani---“
“ANO YUN??? ANONG SABI MO?”
“sabi ko matulog na tayo hahha”
“di mo yun babae ah?”
“hindi nga” hinila na niya ako pahiga para matulog na >.<
Teka nga?
“bumalik ka na nga sa kwarto mo! Nandito ka nanaman kasi”
“ayoko inaanntok na ako” saka na siya pumikit.
Hay adik kong fiancé!
***
JL’s POV
Gosh! Late na ako! si mommy naman kasi!
Hindi pa ako nakakapagsuklay and all!!! This is the worst!
Napahinto ako sa pagtakbo nung makita ko yung car ni Lance sa labas. oww sht! Bakit nandito yan? Napatakbo ako ulit papasok sa bahay. Humarap sa salamin at nagsuklay.
Kasi! Bakit nandito yun? Nakakahiya! He just saw my worst face ever!!!
Hala wala pa akong make-up !!!
Bahala na!
Lumabas na ulit ako.
Nakita ko siyang lumabas sa sasakyan niya.
O’cmon! Ano ba kasing ginagawa niya dito?
“ano nanaman?”
“ang aga pa para magsungit” sagot lang niya
“diba sabi ko hwag mo ko sunduin?”
“get in” ano pa nga ba? Male-late na din naman ako.
Sumakay na ako sa tabi ng driver’s seat niya.
Actually may inaayos ako sa school.
Graduate na ako. and si Lance naman ay nag-aaral ng BSBA. Graduate na din naman siya ng Bs bio.
Credited naman ibang subject niya so mapapadali nalang din ang pag-aral niyan. In fact kahit di na yan mag-aral kaya na niya.
I’ll pursue medicine later after this school year.
“bagay din naman pala sayong walang make-up”
“yeah right Lance. mang-asar ka pa!”
It sucks dahil wala pa din akong nahahanap na trabaho. Currently I’m a tambay! Ayoko pa magtrabaho, all I want is to study!
Tahimik lang kaming dalawa until tumunog ang phone niya.
“Kysler?”
Kysler? Yung friend yata nila yan?
“yeah? Now?”
I took my phone and started playing. Gosh lang. nabobored ako. kaya ayoko sumasabay kay Lance.
“I’m with JL. Bakit?” napatingin ako kay Lance. “who?”
Psh pati na naman sa kaibigan niya tipid pa din siya magsalita?
“okay” saka na niya binaba
“after you settle all your---“ I shut him off and said “magpapasama ka nanaman? Where to?”
Ngumiti lang siya
Di ako nakukuha ng ngiti -____-
“to my friends”
Hmm? Okay? So matagal na din naman niya di nakikita mga kaibigann niya. Great baka kuyugin lang ako ng mga yun. I know all of them knew about what I did to Miyuki years ago.
“oo nalang”
Gail’s POV
“pupunta ba yung si Lance?” tanong ni Ales
“oo tinawagan ko na siya maw!” ngiting ngiting sagot naman ni Kysler sakanya.
Lahat sila hindi pa alam na nandito na si Sharly. Nasaan na nga ba yun? Busy pa siguro siya.
“bakit nga pala pinatawag mo kami bigla Gail?” tanong ni Dennis
“sus! Parang ayaw mo naman! Nakakamiss din kaya tong barkada!” sabat ni Kysler
“HAHA SYEMPRE GUSTO!!!”
Nandito kami sa bahay bakasyunan nila Seb. Walang tao ngayon dito. Maganda at malawak naman yung lugar. May enough rooms din for us.
“Gail! Tara mag ihaw tayo!” excited na yaya saakin ni Ales.
Kami lang kayang dalawa ang babae ngayon ^^
Pumasok muna kami sa kusina para iprepare yung mga dapat iprepare.
May naluto na din ako kanina.
Yung mga lalaki naglaro na muna ng basketball dyan sa labas.
“buti naisipan mo ‘to nuh? Grabe natuwa naman ako nung tumawag ka kanina! Pina cancel ko pa kaya yung lakad ko kanina. Si papa kasi ang kulit eh!”
“haha pinipilit ka nanaman niya mag model nuh? Adik yang daddy mo”
“naku! Sinabi mo pa. hanggang ngayon nga tago kami ni Kysler. Nakakatakot si daddy! Hahaha”
“grabe yan ah! Sa tagal niyong yan! Hindi pa kayo nahuhuli ni Kysler haha”
“okay lang wala naman kasi nagbago sa pakikisama namin ni Kysler pag madaming tao. Ganun pa din madalas para kaming mga batang nag-aaway.”
“si Lance hindi ko gaano nakikita ah” sabi ko
“ako din eh. Busy kasi siya sa business nila. Tinuturuan na siya ni tito magpatakbo ng company nila. Grabeng stress yun haha. Ang pagkakaalam ko nga siya din yung umattend sa party na dapat sila tito ang pupunta”
“ah” >.< yun yung party nila Sharly
Nakasayaw pa nga daw niya gaya ng sabi ni bessy pero hindi naman nakilala. Haist buti na din yun
“WOAH!!! PARE!!!” naghihiyawan na yung mga lalaki sa labas.
“baka si Lance na yan?” tanong ni Ales
“siguro nga. Tara tignan natin” yaya ko.
Iniwan na muna namin mga ginagawa namin ni Ales. Tutal nag preprepare palang naman kami
Paglabas namin.
Okay???
He’s with JL.
Naalala ko nanaman yung sinabi ni Bessy na kasama ni Lance si JL kagabi.
“s-sila na ba?” tanong ko kay Ales
“ewan siguro” hindi sigurado niyang sagot
“adik ka na? bestfriend ka niya diba? Bakit di mo alam?”
“busy siya lagi! Malay ko ba sa taong yan. Sa tuwing pupunta ako sa bahay nila wala naman siya parati and besides ayaw ko siyang kausapin”
“eh? Bakit?”
“about sa nangyari dati. Yung alam mo na yung sakanila ni Miyuki. Hanggang ngayon kasi di niya masabi saakin yung rason niya. Selos na nga ka okay JL laging siya kasama niya sa mga party! Dati naman ako yung pinakaclose niyang babae Maliban kay Miyuki >__<” halata sakanya na naiinis.
Nakakainis nga naman kasi si Lance.
Tapos naalala ko pa itong si Seb.
Ayan na! nakatingin na nga kay JL -___-
Aba subukan lang niya! Malilintikan talaga sakin ‘tong lalaking ‘to mamaya!
Papasok na sila dito sa loob. kami naman ni Ales nakatayo lang dito sa harapan ng pintuan.
“siguro pag wala si JL dyan pwede pa akong lumapit” pagkasabi ni Ales yun naglakad na pabalik sa loob.
Pero okay naman na si JL eh. Actually she’s nice na? at napatunayan ko yun kagabi. I think? Kung hindi lang talaga siya Type ni Seb siguro nilapitan ko na din yan ngayon!
“sama ka na muna kina Gail” said Lance
“hah? iiwanan mo kong mag-isa dito pagkatapos mo ko isama? Ayoko nga!” aba! Parang sinabi na din niyang ayaw niya saamin ah! Malditang ‘to talaga! Naku!
Di na siya nagbago! Matarayan kaya niya si Miyuki mamaya?
Or not?
Will Sharlot consider her as a rival? Or not?
Ghad!
“hoy pasok muna kayo. Kain muna” tawag ko sakanila.
Kasi naman akala ko papasok na sila kanina tapos biglang hindi pa.
“anong pagkain? Masarap ba?” kumikinang pa ang mga mata ni Dennis
“ano ka ba! Luto yan ni sweety kaya masarap!” naku nambola pa!
“buti pala hindi si Maw nagluto! Kung hindi baka di niyo ma-sik-mu-ra” slow motion na sabi ni Kysler kasi si Ales dito hinahanda na yung kamao niya. Ewan ko ba bigla siyang lumitaw sa likuran ko at nag pro-produce pa ng black aura haha.
“Joke lang naman syempre! Masarap kaya magluto si Maw HAHAHA” sus! Pinagpapawisan na siya ng malamig na pawis eh ahahaha matatakutin masyado.
“tara” simpleng sabi lang ni Lance kay JL
Psh
Ayoko si JL dito >__<
Sa table mga lalaki lang maingay except kay Lance na di gaano nagsasalita. Yung tatlo lang. at talagang tinatawag pa nilang master itong si Seb? Pag umpugin ko kaya silang tatlo? -___-
“pigilan mo ko Gail ah. Napupuno na ako kay Kysler” bulong saakin ni Ales
“haha di na kita pipigilan isama mo na din yung katabi niya!” katabi kasi niya si Seb
“o-sure yun lang pala eh” saka siya ngumiti ng nakakatakot kaya naman nanahimik na si Kysler hahaha
Nakukuha pala siya sa isang ngiti sana si Seb din^^
Napatingin ako sa may pintuan and nagulat ako.
Napatayo ako.
“hi Bessy” masigla niyang bati
Napatingin silang lahat sa direksyon kung saan galing ang boses.
“wow kumpleto ah” lumapit pa siya saamin
“Hi Ales. How are you?” saka pa niya bineso beso. Halata naman kay Ales ang pagkagulat
Si Dennis naman kulang nalang malaglag ang nginunguya niya.
“MIYUKI!!!” sabay turo ni Dennis sakanya
“yup ako nga. wow Dennis! Wala kang pagbabago!” saka pa niya pinat ang ulo ni Dennis na para bang bata lang ang kausap.
“bessy bakit di mo siabi na nandito ka na pala? Sana naman nasalubong kita dyan sa labas” nilapitan ko siya at saka niyakap
“ah yeah. Sorry nalate ako. may ginawa lang kasi ako kanina”
“grabe parang wala kang pinagbago!” said Kysler
“haha I’m still me!” natutuwang sagot ni Sharlot sakanya
And then napatingin siya kay Lance
“Hi Lance? musta na?”’ bati niya na para bang normal lang. kumbaga parang sinabi lang niya na ‘hello long time no see’ sa dating kaklase!
Halata sa lahat ang pagkagulat.
As in gulat talaga maliban lang kay Lance.
Kung saan lahat ng mata namin ngayon nakatingin sakanya
At tenga na nag-aabang sa isasagot niya.
“okay lang ganun pa din”
Ngumiti lang si Sharlot sakanya
“hi JL. Hindi kita nakausap kagabi. Umalis kasi kayo kaagad ni Lance sa party”
Grabe. Parang ewan! Ako yung kinakabahan! Ang tahimik lang namin at tanging sila lang yung naririnig ngayon.
Nakakabinging usapan.
Na nakakakaba.
>.<
Isa lang masasabi ko ngayon.
Kulang nalang pasukan ng langaw ang mga nakaawang naming bibig >__<
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro