Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46: pangarap?



Chapter 46: pangarap?

 

 

 

 

Nandito lang kami sa tapat ng bahay.

Walang sasakyan na dala si Lance. di bale konting lakad lang naman niya tapos may sasakyan na siya pauwi.

“p-pasok na ako ah” paalam ko kasi malamang twenty minutes na kami ditong nakatayo lang.

“samahan na kita” eh?

“t-teka baka kasi” waaaaaah >__<

“para hindi sila magalit sayo” natuwa ako sa sinabi niyang yun kaya hindi ko mapigiang hindi ngumiti.

“Lance okay lang. promise.” Itinaas ko pa yung kamay ko para naman maassure siya na magiging okay lang talaga ako “Umuwi ka na sainyo” dagdag ko pa habang nakalagay ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya.

“sasamahan nga kita sa loob” pagpupumilit niya saka tinanggal ang kamay ko sa pisngi niya para hawakan.

Pero baka lalo naman silang magalit kay Lance?

“Lance baka lalo naman sila sayong magalit kasi---“

“di ka lang sadista pesismista ka pa” sabay binatukan pa ako! masakit ah! Psh

Hinimas ko nalang yung binatukan niya

Ikaw nga diyan ang sadista! Sinasaktan mo ako physically! Masakit eh

“uwi na Lance. ako ng bahala sa sarili ko. baka kasi hinahanap ka na din sainyo”

“psh di na ako bata”  isinuksok lang niya yung dalawa niyang kamay sakanyang magkabilang bulsa.

“p-pasok na ako ah. Uwi ka na din”

“sige” tapos may binulong pa siya kaya hindi ko narinig

Feeling masama loob niya saakin >__<

Pero kasi galit pa sakanya si papa saka si kuya >__<

Natatakot ako.

Bago ako pumasok tinignan ko pa ulit si Lance. nakatingin lang siya sakin, hinihintay niya akong pumasok.

Kinakabahan ako.

Pagpasok ko wala naman sila sa sala.

Buti nalang >__<

Kinakabahan kasi talaga ako.

Maliwanag naman ang bahay namin. Sign na may tao dito ngayon.

“hahaha tama tol! Hahaha” nagtatawanan sila? Akala ko pa man din hinanap ako! hindi pala! -__-

Pumunta ako sa may kusina dahil pakiramdam ko nandun silang lahat.

“Princess! Anak ng tokwa! Saan ba kayo nagpunta?” si kuya Rex ang agad na nakapansin saakin. Agad niya akong sinalubong ng yakap “pinag-alala mo kami, hwag ka na ulit aalis ng hindi nagpapaalam”

“s-sorry kuya” >__<

Nakatayo lang si kuya Lavi ngayon

“pasalamat ka wala si papa.” Yan lang ang sinabi niya saka na siya umalis

“ang sungit ng kuya mong yun. Saan ka ba nagpunta princess? Loko yung Lance nay un! Akala ko bumibista lang! kayak o nga pinayagan tapos bigla ka nalang itinakas”

“hala! Hwag kang magagalit sakanya kuya >___<” pagtingin ko sa likuran ni kuya nandun din si Steven

“S-steven? Kumusta?”

“okay naman, nalaman ko lang kasi na nawawala daw kayo kaya nandito ako para sana tumulong lang.”

“hindi naman ako nawawala, may pinuntahan lang kami ni Lance” paliwanag ko sakanila.

Alam ko namang hindi kapanipaniwala yung may pinuntahan kasi nga dalawang araw din kaming wala ni Lance.

“Princess alam mo naman ang limitasyon mo hindi ba? Oo pumayag ako sainyo ni Lance pero sana naman---“

“Kuya naiintindihan mo naman ako diba? Hindi kami nagtanan ni Lance. and besides wala namang nangyari saakin na masama. Isa pa dapat uuwi din kami kaagad kahapon kaso biglang umulan kuya. walang sasakyan na dala si Lance kaya kahit gusto na niya akong ihatid pauwi, nagstay nalang kami doon sa lugar nay un” paliwanag ko.

Huminga lang siya ng malalim saka tumingin kay Steven “Steven, makakauwi ka na muna. Pagpasensyahan mo nalang ulit si papa. Nabibigla lang yun”

“ah, opo. Sige aalis na ako” a-anong sinasabi ni kuya Rex?

“neh nii-san! Ano yun?” tanong ko nung makaalis na si Steven, hinatid naman namin siya hanggang sa labas.

Wala na din pala si Lance doon.

Nag-expect ba ako na nandyan pa din siya? >__<

Di ko kasi maiwasan tumingin sa labas.

“alam mo naman si papa minsan padalos dalos. Pero ayos na ang lahat princess hwag kang mag-alala”

“a-ano ba yun?” bigla tuloy akong kinabahan.

“pumunta si papa sa mga Mariano kahapon. Ewan ko kung pati ba kanina. Basta ang alam ko nag-uusap ang mga magulang ni Lance patio na din si papa”

“eh si mama?” kinakabahan tuloy ako!

Anong mga pinag-uusapan nila? Baka paghiwalayan nanaman kami? Hindi na ako papayag!

“nii-san! Si kuya Lavi bag alit saakin?” umupo kami ni kuya rex sa may sofa.

“kumain ka na ba?” pag-iiba niya sa usapan

Tumango lang ako at siya naman ay bumuntong hininga lang.

“akala talaga namin nagtanan na kayo ni Lance. hayaan mo si Lavi, hindi yun galit sayo”

“si kuya Shizu at si Seiji?”

“nah, okay lang naman sila sainyo ni Lance.”

“si Aki ba?”

“ayos naman siya hwag kang mag-alala”

“si papa?” ang kulit ko na yata >__<

“ayun baka di ka muna niya makakausap. Galit yun sayo ngayon” sabi ko na eh.

Galit si papa sa ginawa ko.

Kasi for the nth time! Sinuway ko nanaman siya.

Sa Japan pa nga lang naging pasaway na ako.

Mas lalo pa ngayon. pero sinubukan ko naman sundin ang mga gusto nila ah.

Actually against siya sa pagbalik ko noon dito. Pero wala naman siyang magagawa. Kailangan daw ako ni Seiji. Pero wala naman akong naitulong sakanya. nangsabotahe lang nga ako eh!

“matulog ka na princess”

“pero kuya kasi”

“sige na. magpahinga ka na”

Wala na akong magawa kundi sundin nalang siya.

Si papa, galit siya saakin.

Feeling ko ang sama sama ko ng anak.

 

 

 

 

Xyla’s POV

 

Natakot ako kay mommy! Bigla nalang niyang sinampal si kuya nung pagpasok palang ni kuya sa loob >__<

Waaah! Kawawa naman si Kuya!

“what was that for?” nakatingin lang ng diretso sa mata ni mommy si kuya

“for not telling me your problem back then” hala! Si mommy! Bigla nalang umiyak si mommy!

Si kuya naman nakayuko lang.

“sorry” natigil ang paglalaro ko ng dance central dahil sa pag-iyak ni mommy! TToTT

Si kuya din feeling ko naiiyak na.

“sorry for not telling you that”

“sorry for being an immature son”

“Lance” waaaaaaaaaaaaah TToTT niyakap ni mommy si kuya.

Gusto ko din yumakap sakanila ngayon. pero baka sabihin nila nakikisali ako!

Saka isa pa baka masampal din ako ni mommy!

Alam ko kasi yun! Baka sabihin niya nagtago din ako ng sikreto sakanya! ayoko masampal! Masakit yun! Naalala ko pa nung nagsampalan kami ni Lina! Masakit eh T___T

Pero parang mas masakit sampal ni mommy! Ang lutong kasi kanina! Rinig na rinig! Kulang nalang mag-echo sa lakas ng pagkakasampal!

“you should have told me! I’m your mom. And you know what? I like Sharlot for you, puntahan natin ang dad mo sa taas. Talk to him. I know maiintindihan ka niya” sumunod nalang si kuya kay mommy.

Tumingin pa saakin si kuya tapos bineletan pa ako! edi NIBELATAN KO DIN SIYA! hoho

Pagkaakyat niya ayun naglaro na ulit ako *___*

Sharlot’s POV

 

 

HINDI AKO MAKATULOG! >____<

Lumabas ako ng kwarto ko.

Late na. mga 12:30am na siguro.

Nagtext ako kay Lance kanina pero hindi siya nagrereply.

Pumunta ako sa may lawn para magpahangin.

Nakatingala lang ako at pinagmamasdan ang mga bituin.

“ang daya, kelan ba natin papanuorin ang stars ng magkasama?”

Habang pinagmamasdan ko ang mga bituin sa kalangitan napaisip ako bigla.

Ano nga bang pangarap ko?

Si Lance madami siyang gustong gawin.

Kung sabagay mga bata pa kami.

graduating na nga din pala si Lance.

parang hindi na nga din ata siya pumapasok? At yun ay dahil saakin.

Ako kaya? Ano nga bang gusto kong gawin?

Tahimik lang ang paligid nang bigla akong tawagin ni kuya “Hime” tumabi saakin si kuya Lavi

Kinabahan ako bigla >__<

“kuya” umayos ako ng upo.

“nasasakal ka na ba saamin?” hala! >__<

“alam ko naman na pinapahalagahan niyo lang ako. pero mahal ko kasi talaga si Lance. tatlong taon din akong nagtiis na hindi magpakita sakanya. tatlong taon din akong nagsisinungaling sa sarili ko na ayaw ko siyang Makita. Tatlong taon ko din kayong sinunod pero kasi kuya sa mga taon na yun parang lalo ko lang siyang minahal. Kumbaga kahit na hindi ko pa alam ang rason niya alam kong may rason siya. at alam kong valid ito”

“nalaman ko nga kay Steven kanina” tumayo nalang siya bigla.

Si steven?

“buti pa kay Steven nasasabi mo ang lahat. Saaming mga kuya mo hindi” hala >__<

“kuya galit ka ba?”

“hindi naman maiiwasan. Pero oo na! okay na. sige na. gawin mo na ang gusto mo” nagulat ako sa pahayag niyang yun! Ano daw? Gawin ko na daw ang gusto ko?

You mean?

“KUYA! payag ka na samin ni Lance?” naeexcite ako!

“wala naman akong magagawa diba? Kausapin mo si papa bukas. Kayo ang magtuos. Basta sabihin mo nalang lahat kay papa. Isa pa. parang si Steven ang nagugustuhan niya para sayo. Patay kang bata ka”

 Ano daw si Steven? Gusto ni papa para sakin?

HAH?

Natulog akong madaming katanungan sa isip.

Baka i-fixed marriage nanaman ako! hwag naman sana!

Gusto ko si Lance lang :(

Kinabukasan, as expected hindi ako kinikibo ni papa. Si mama naman kaninang pagkakita niya saakin sobrang niyakap niya ako.

Hindi naman ako missing, sumama naman ako.

Nagpaliwanag na din ako kay mama. Hindi naman sobrang nagalit si mama. Pinagsabihan lang niya ako.

Pero at least kahit papaano alam kong hindi naman tutol si mama kay Lance.

***

Nakatayo ako ngayon dito sa harapan niya.

Ipinatawag kasi ako ni papa sa office niya.

Kinakabahan ako sa sasabihin ni papa.

“umupo ka Miyuki”

Sinunod ko lamang siya.

“nakausap ko ang mga magulang ni Lance.” hindi na ako nagulat dahil na din sa mga sinabi nila kuya sakin kagabi

“a-ano pong sabi?” kinakabahan ako magtanong pero nagtanong pa din ako.

“hindi sila tutol sainyo” medyo ilang beses nagpaulit-ulit yan sa utak ko bago mag-sink in talaga!

“T-TALAGA PO?” ewan! hindi ko mapigilang hindi matuwa! Nagagalak talaga ako sa narinig ko!

“hwag kang magsaya” >__< sabi ko nga. Iba pala si papa. Ayaw nga pala niya kay Lance

“sumang-ayon man ako o hindi sa relasyon niyo, sayo pa din yan masusukat kung sasaya ka talaga”

“po?”

“narinig kong aalis siya ng pilipinas pagkatapos niyang grumaduate. Matagal na yung naset, hindi ka pa nakakabalik ng Pilipinas planado na ang lahat. Aalis siya papuntang Germany. Ngayon Miyuki, hindi ko kayo pipigilan ni Lance. Pero sasaya ka pa ba sakanya kung parati naman siyang mawawala sa tabi mo?

Aalis nanaman siya?

“may pangarap ang kasintahan mo. tatanungin kita, ano ba talaga ang gusto mo? hihintayin mo lang ba siya at tutunganga sa isang tabi?”

“malaki ka na anak. Alam ko yun. Pero hindi ka pa masyadong matured kumpara kay Lance. Kumbaga isa siyang tahimik na ilog pero malalim pala. Na kahit tahimik siya ang dami pala niyang naiisip gawin, Na kahit wala ka nangangarap pa din siya. madami akong nalaman tungkol sakanya. Alam mo bang aalis siya?”

</3

Wala akong alam ni isa.

Pangarap?

Ano bang pangarap ko?

Ano bang gusto ko?

Kung aalis si Lance anong gagawin ko?

--------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: