Chapter 45: choosing
Chapter 45: choosing
Sharlot's POV
Mahirap din minsan ang mga ganitong sitwasyon.
Hindi naman natin alam kung anong mangyayari sa hinaharap.
Totoo naman lahat ng sinabi saakin ni Lance kahapon.
Nakakatawang isipin na ang unang araw naming magkasama sobrang saya! Gala dito gala dun. Wala kasing sasakyan na dala si Lance kaya sobrang gala kami! Nawala pa kaming pareho dahil di namin alam ang lugar pero worth it naman, masaya kasi siyang kasama! Naasar nga lang ako sa mga babaeng kerengkeng sa tabi-tabi >3<
Sinubukan pang landiin si Lance nung nag-cr ako! EEEHHH SABUNUTAN KO YUNG BABAENG LUMAPIT KAY LANCE EH! ITONG SI LANCE NAMAN KINAUSAP PA! NAGTANONG DAW NG DIREKSYON YUNG BABAE! HELLO? Anong mabibigay na direction ni Lance eh hindi naman kami tiga rito!
Pero ang boyfriend kong magaling kasi ayun at sinamahan pa ng kaunti ang ms. Malandi papunta sa may hindi ko alam pero sa may tabi lang din! At dun palang ako napansin. Ang saya diba?
Pero okay lang kasi hinalikan naman ako ni bah dun sa harap mismo nung babae! Kaya lumayas na yung babae. Kawawa naman siya hehe. Joke lang! XD
Eh naiinis pa kasi ako kay Lance nun. Nalagpas pala kami nung bus na sinakyan namin kaya medyo high blood ako sa kanya at siya naman medyo pa-good shot sa akin haha.
The rest of the day? Namasyal lang kami at nagpakasaya. Yung hindi iniisip ang about sa family namin!
Yung gabing yun naman natulog kami sa isang hotel yung dalawa ang bed.
We shopped clothes pa nga pala.
***
Hindi ko din alam kay Lance kung saan ba dapat niya ako dadalhin. Pag tinatanong ko naman siya ang lagi niya lang sagot ay: "who knows? Malay mo gusto talaga kitang itanan" which felt, I think, so true.
"Yung totoo kasi Lance? gusto mo ba talaga ako itanan?" alam ko kasing hindi pa siya tulog. Alam kong gising pa yan.
"I'm sure you don't want to" yan lang ang sagot niya.
Hindi ko alam Lance.
Kung sakali mang yayain kaya niya akong magtanan kagabi, sasama ba talaga ako?
"kung sinabi ko bang magtanan tayo kagabi, sumama ka kaya saakin ngayon? hindi naman diba?" aww. Mahina lang ang boses niya, saktong rinig ko lang din.
Naririnig ko din yung paghinga niya dahil na din sa tahimik ng paligid.
Siguro 2am na kaya wala halos akong naririnig na mga sasakyan sa labas.
Umupo ako kasi hindi talaga ako makatulog.
Pag ganitong hindi ako makatulog gusto kong kumanta. Kaso nahihiya ako kay Lance haha
"may kanta ako sayo Lance. sweet ako ngayon kaya makinig ka hah!" umupo din naman siya saka humarap saakin. Magkatabi lang din naman kasi halos yung kama namin.
"kanta ko sayo to, kasi naalala ko nung high school tayo. Wala tuwa lang ako! ang tagal na pala natin magkakilala" in fairness! Mahirap magsalita ng magsalita at ang kausap mo hindi nagsasalita haha. Sige na nga! Okay lang! si Lance naman yan!
I cleared my throat and started singing the first line "Can't sleep tonight, 'Cause you're on my mind." Ewan ko pero nahiya naman ako bigla! Kasi tumayo si Lance at lumapit sakin! >///<
"tuloy" nakangiti lang siya saakin
"I guess I'm in love once again" naalala ko lang bigla nung nagshift na yung feelings ko kay Lance.
"eeeh ayoko na! nahiya na ako sayo" inub-ob ko yung mukha ko sa pillow at agad din naman umupo ng matiwasay kasi hinila niya ako paupo! kasi naman kung tumitig kala mo perv! Syempre joke lang! nakakailang kasi yung titig niya.
"pwedeng mag-jump na?" tanong ko pa sakanya.
Humawak siya sa kamay ko saka ako sinungitan "ikaw ang kumakanta tapos ako ang tatanungin mo? Tss." Pinalo ko nga! Sama ah!
"eh bakit ang sungit mo? Edi di na ako kakanta!"
"ituloy mo na dali"
"ikaw ina-under mo ako! nakakahalata na ako!" reklamo ko. wala lang nantitrip lang naman ako haha
"hindi naman ah. Ako nga ang parang under tss" -___-
Eh buti nahahalata mo! hahaha. Kanina pa siya under saakin! Laging sinusunod gusto ko!
Dapat nga uuwi na kami. Kaso ayaw ko pa >3<
Naabutan kami ng ulan kaya dito nalang kami.
Saka gabi na baka mapahamak kami sa daan.
Bigla nalang siyang humiga sa lap ko >///<
"kanta na bah" udyok pa niya! pfft! Gagawin nanaman niya akong pampatulog!!!
"I can't help myself,
From falling in love,
With somebody like you,
'Cause your feelings are true."
"talaga?" eh pambara naman kasi tong si Lance! kumakanta ako eh!
"hwag ka ngang magulo! Matulog na!"
"sa tabi mo?" nakangiti pa siya
"HINDI! Dun ka sa kabila!" >__<
"sarcastic ba yan o totoo?" ang daming tanong waaaaaah!!!
"totoo kasi! dun ka sa kabila >3<"
"pa-cute ka nanaman tapos pag hahalikan kita magrereklamo ka tss. Hwag kang pacute ah" utos niya. bakit? Nagpout lang naman ako pa-cute na agad? T^T
Tumayo na siya at pumunta sa sarili niyang bed.
"ang dami mo ng kanta para sakin" ngayon na nasabi niyan, tama siya. ang dami na! samantalang siya tatlo palang!!!
Tatlo? Madmai na din yun! Hehe.
"neh Lance bakit mo ba talaga ako isinama?" humiga na din ako kasi nakahiga na din naman siya.
Magkaharapan kami. Yung right arm niya hinihigaan niya.
"maniniwala ka kaya?" he started. So I asked "why not?"
"sasama ka kaya?" paunti-unting tanong pero feeling ko alam ko na ang sasabihin niya
"sasama ka ba saakin kung tatanungin kitang sumama nalang saakin palayo sakanila?" I knew it.
Alam kong kanina pa din siyang bumebwelo.
Nagtatanong ako sakanya pero sa tuwing uumpisahan niya sa tanong na: sasama ka kaya? Kinakabahan ako nab aka hindi ko masagot.
Katulad ngayon.
"hindi ka naman sasama sakin"
"pero tinanong mo ako kagabi at agad mo din namang binawi" sagot ko nalang
"because I saw hesitation in you. Sharlot I know you" aww.
"pero di kita sinagot kagabi. Agad mo kasing binawi"
"Sharlot I don't wanna be rejected again, by you. Ikaw lang naman ang nakakatanggi sakin."
"kug tatanungin kita ngayon?" umupo siya ng maayos. As in yung paa niya abot na yung floor.
"sasama ka ba?" seryoso at nakatingin lang siya sakin. Yung feeling na gusto ko na itaklob sa mukha ko yung kumot.
Yung kagabi, ganito din siya nung sinabi niya ang mga katagang 'sumama ka sakin Sharlot'
Tanan?
Feeling ko ang iisipin lang ng mga tao saamin ay OA na. yung tipong against na lahat.
"di ka makasagot. I'm rejected again" eh? Pinagsasabi niya? >__<
"baliw! Di naman ah"
"sasama ka?" parang nabuhayan pa siya.
"h-hindi ko alam! Hwag mo nga ako pinepressure!" >__<
"pili ka. Ako o sila" eh? Nabigla ako sa tanong niya.
Bakit ganito si Lance ngayon? alam ko hindi niya ako tatanungin ng ganyan. Iba siya sa iba.
Hindi ganyan si Lance.
"hindi ka makasagot kasi hindi mo sila kayang iwan"
"kung ikaw? Kaya mong iwanan mga magulang mo? si Xyla?" binalik ko lang sakanya ang tanong
"there will be a time that we already need to move out. I was independent during college."
"so kaya mo?" ulit ko
"oo"
Kaya niyang iwanan ang pamilya niya?
Nababaliw ba siya?
"alam kong hindi mo kaya. Kaya nga hindi kita tinanong niyan kagabi."
"so ano to? Bakit mo ako sinama ngayon? I mean---"
"wala. Para mag-isip ka. Alam kong madami ka pang gustong gawin. May mga gusto ka pang abutin diba?" nakangiti siya. pero hindi ko mawari kung totoo ang ngiti niya.
"ang sama ko naman kung bigla kitang ipagdamot sa sarili mong pamilya. Tss. Ayaw pa naman nila sakin" huminga lang siya ng malalim
"ikaw ba?" ano bang pangarap mo Lance?
Ano bang gusto mong abutin?
Kasi ako? hindi ko alam
"madami akong gustong gawin. Hinayaan lang nila ako ngayon sa soccer kasi alam nilang gusto ko ang ginagawa ko. gusto ko din ang business. Gusto ko din ng car racing. Madami akong gustong gawin.
"last na tong soccer, pag nagchampion aalis na ulit ako. pero hanggat hindi pa kami champion dun lang ako. pero" bigla siyang tumigil
Hinihintay kong ituloy niya kaso bigla niyang binawi "hwag na nga"
"ihahatid na kita sainyo bukas" pagkasabi niya ng mga yan tumalikod na siya at tumahimik.
Pangarap.
Ang dami niyang gustong gawin.
Ako? ano ba talaga ang pangarap ko?
Ang daming simpleng bagay sa mundo. Ang daming mga simpleng salita kung bitiwan pero ang lalalim pala ng kahulugan. Tulad ng salitang pangarap. Madaling sabihin pero pag iniisip at gagawin mo na mahirap na. simpleang pagpili lang ng pangarap mahirap na.
Mga akala ng ibang tao napaka simpleng bagay pero hindi naman.
"bukas, sabihin mo saakin kung gusto mong umalis kasama ako" kinabahan ako bigla.
Tanan?
...
Kasama na namin sila JL ngayon.
As much as possible ayaw ko makarinig ng tanan.
Pero kanina pa nila bukambibig ang mga yan.
"bah ubusin mo na" pinapaubos ko nalang sakanya yung food ko ^o^
Bumili kami kanina ng phone. Pareho nga kami eh hehe
Pag-gising namin ni Lance hindi na namin napag-usapan yung kagabi.
Nakakailang.
Kaya nga pinabili ko muna si Lance ng tampon kanina para matagalan siya at para sumunod nalang siya.
Nag-iisip kasi ako kanina kaya kung anu-ano ang nasasabi ko. >3<
Joke lang talaga yung naghiwalay kami! Anuba! Si JL parang kanina pa ako gustong sabunutan
"Cr lang muna ako" paalam ni Lance.
Umalis na siya at iniwan kami
"hoy bessy! Hindi kayo ganyan ka-PDA ni Lance. anong nangyari sainyo? Sweet niyo yata? May kasalanan ka ba kay Lance? ikaw kasi ang unang move sa subuan thingy!"
"h-hah? wala akong kasalanan nuh!"
"buti naman kasi kung meron---"
"ano aagawin mo siya JL? ilang beses ko na yang narinig" >__< hindi naman ako ganito makipag-usap eh! Nagroll tuloy siya ng eyes
"may problema ba kayo?" tanong ni Ales saakin
"ang totoo niyan naguguluhan ako."
"sa alin bessy?" halatang nag-aalala na siya saakin
"ang daming arte! Dalian mo baka bumalik na yung si mariano" reklamo naman ni JL
>__<
"k-kung yayayain ba kayong magtanan. Sasama ba kayo?"
"aahhh yan lang pala. Akala ko naman kung ano!" sabi na eh! Ni hindi nga sila nagulat diba? Expected na talaga nila! Grabe naman sila!!!
"kung ako ang tatanungin mo? Hindi" si JL lang ang sumagot at tinanong lang siya nung dalawa ng "bakit" at talagang sabay pa
"bakit? Well on my perspective kasi, makakagulo lang yan. See? Hindi pa nga kayo nagtanan sa lagay na yan ang dami ng namromroblema sainyo. You've caused a lot or troubles already. And besides sirang sira na si Lance sa papa at kuya mo, sisirain niyo pa ba? And based on what I've heard from ales earlier kahapon lang nalaman ng parents ni Lance yung about sa 3 years ago issue. So duh! Choice niyo yan kung sisirain niyo ang tiwala ng mga tao sa paligid niyo at sisirain ang pangarap niyo o magpapakaselfish nalang kayo at lalayo saaming lahat?"
"in reality you can't always own two things at the same time so better choose than losing them both."
"well JL may mali sa sinabi mo, choosing is not always losing the other or both, there are times that you'll win the both things you wanna have. Basta nasa proseso" salungat ni bessy
"hwag lang magmadali Miyuki. Hindi ka naman iiwan ni Lance kung sakaling hindi ka sasama sakanya. I know my bestfriend. Cheer him up. Hindi kasi basta basta ang haharapin niya. papa mo yun at nasira na niya ang pangako niya dati sa papa mo.pero may reason si Lance and that was to save you, to protect you. Yan ang hindi alam ng tao sa paligid natin na sa tingin ko dapat ng ilahad. Hindi kasi pwedeng si Lance din ang laging nasisisi. He's my bestfriend, at sa ilang araw naming pag-uusap nakikilala ko na ulit ang bestfriend ko." nakangiti lang si Ales habang nagpapaliwanag saakin.
"o siya bye" tumayo na si JL at hinila yung dalawa pa >___<
"kayo ang mag-usap. Hwag kami. Sira ulo ka! Hindi yan simpleng bagay Miyuki. Importante yan. Marahil sa iba oo simple yan. Pero para sayo? Mahalaga yan. Mabigat na desisyon yan. Gaga nito tss" >___<
Napagalitan pa ako bago sila umalis.
Hinintay ko nalang si Lance na agad din naman nakabalik
"san sila?"
"umalis na" sheeemay! Bakit ako kinabahan bigla?
Heto ang kinakatakot ko! yung maiwan kaming dalawa!!!
Ngumiti lang si Lance saakin
Hala!!!
"ihahatid a kita sainyo so you don't need to answer." Eh?
b-bakit? Narinig ba niya mga pinag-usapan namin?
Pero ang layo ng cr!
"masama akong tao dahil pinapili kita. Alam kong mali yun kaya binabawi ko na. pero aaminin ko Sharlot"
Huminga siya ng malalim at bumwelo saka sinabing "gusto kong umalis na at lumayo kasama ka"
"pero I realized something, I don't want to make the same mistake again"
"I won't run again." Nakangiti lang siya saakin. Pero halata naman ang sinseredad sa mga mata niya
"its cause I don't want to lose you again bah" he kissed my forehead and led me all the way to my home.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro