Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43: say what?

Chapter 43: say what?

 

 

 

 

JL’s POV

 

 

 

“guess what?” bungad ng bestfriend ni Lance saamin ng bestfriend ni Miyuki.

Tumingin ako sa wristwatch ko. 2pm na! may date pa ako mamayang 4pm.

Mag-aayos pa ako.

I’ll curl my hair and will change my clothes pa!

“ano namang tema mo at nagtawag ka dyan ng biglaan?” naiinip kong tanong. Ang dami kasing pasuspense! Hindi ba nila alam na mahal ang oras ko? gosh!

“eh kasi! tutal close tayong tatlo sa dalawa” ang dami talagang patagal ni Ales

“ano ba? Hello? Ano ako dito sampid? Sinong dalawa? Mariano and Miyuki? Eh kayo nga dyan ang mga bestfriend nila. Bakit ba ako nandito?”

“oh puso mo! Ganyan ba ang nag-momove on nagiging masungit? Haha” nang-asar pa tong si Gail

“sige lang Alyana Gail mang-asar ka pa. kung ayaw mong i-seduce ko ang asawa mo. Ang alam ko marupok siya. kayang kaya ko siyang agawin sayo” matakot ka!

“HEP! Substitute bestfriend ka naman eh! Pag may hindi sila masabi saamin saiyo nila sinasabi! UNFAIR!” Ales ranted

“Duh! Ang busy niyo kasi with your boyfriends oh! asawa nga pala yung isa. Well anyway, continue please may date pa ako mamaya”

“as I was saying about kay Lance ang Miyuki kasi” she started. Si Gail naman tumatango-tango lang.

Dapat sila nalang nag-uusap. Bakit ba nila ako sinama sama pa dito?

“galing ako sa bahay nila Lance. and then---“

“then?” medyo naiinip na din si Gail

“they eloped” ASDFGHJ!!!

“WHAT? THEY WHAT?” di ako makapaniwala.

What the heck!

“T-A-N-A-N” at habang sinasabi niya yan bakas na bakas sa mukha niya ang tuwa.

Hindi ba nila alam na makakagulo lang yan?

“ang sabi saakin ni Xyla pangalawang araw na daw to. Kahapon kasi pumunta daw ang dad ni Miyuki sa bahay nila Lance”

“Ghaad! No way? Pumunta talaga dun si tito? eh yung kuya ni Sharly?” asked Gail

“aba ewan! naku sila tita Lian nga nagulat sa revelations kahapon! Hindi kasi nila alam yung nangyari nung mga nakaraang taon. You know yung muntik ng mamatay thingy. Ang alam lang kasi nila tita naghiwalay si Miyuki and Lance. I thought alam nga ni tita pero di pala. I’m so irresponsible bestfriend” sisi pa ni Ales sa sarili niya

Dalawang araw na silang wala?

Ano namang ginawa ng dalawang yun?

“ano palang reaction ng mommy ni Lance and daddy niya?” si Gail ang nagtanong saka pa siya sumubo sa cake niya. tumataba si Gail. In fairness gusto ko yung color ng nails niya. sexy lang sa kamay ng Red.

Magpa-manicure na kaya ako?

Gusto ko ng beige mukhang maganda sa nails ko. or pink kaya? Hmmm. Or yung may deisgn nalang yung parang may crack.

“hey nakikinig ka ba? Nakatingin ka lang sa kuko mo eh”

“oh sorry Gail. Naisip ko lang kasi, anong maganda beige or pink?”

“pink nalang para kita” suhestiyon niya.

Okay. Pink nalang.

“ano ba! Kayong dalawa! Serious matter ito”

“Claudette. Ayos na ba kayo ng boyfriend mo? I saw your commercial pala. Maganda lalo na yung hinalikan ka nung guy sa pisngi. Tiyak nagseselos na yung boyfriend mo at nagpapakasasa sa kanyang bar”

“ayos na kami nuh! Medyo di lang nag-uusap! Pero okay naman kami ah”

“nakausap niyo na ba yung dalawa?” binalik ko lang yung topic tutal ako din ang dahilan kaya kung saan-saan napupunta ang usapan

“di ko macontact si Lance.” nakapout pa si Ales while saying that

“walang cellphone si Sharly”

Where in the world are those two?

 

 

Celina’s POV

 

 

Kasama ko ngayon si Mr. Jake de Vera

Kinakabahan nga ako eh

“sorry nga pala kung naudlot yung usapan natin nun. Alam mo na busy” sabi niya.

“okay lang.”

“ano na nga kasi yung sinabi mo dati?”

Di nga pala niya ako pinapakinggan nung sinabi kong hwag ng ituloy yung kasal.

Ewan ko sakanya.

“alam mo kasi bata pa ako. hinanap pa talaga kita para sabihin na ayaw kong magpakasal sayo.”

“ah sabi nga din ng papa mo” HINDI MAN LANG SIYA NAGULAT?

“pero di naman kita mamadaliin. For now, pwede naman tayong mag-date”

“sabi ko ayaw kong magpaksal sayo. Bata pa ako! mag-aaral pa ako!”

“hindi naman kita pakakasalan bukas.” Bakit ang kalmado sumagot?

“nabanggit mo yung ex ng ex mo at ex mo diba? Sinu-sino mga yun? Naguluhan ako nun eh”

“selos ka?” ASDFGHJH!!!! May award ban g hari ng kayabangan? Ng kahanginan at ng kung anu-ano pa? ang lakas din mantrip nitong si mr. Jake eh!

“nga pala Celina. Umalis kasi ang dad mo papuntang Mexico at nasabi ko naman sakanya na nagkita tayo nung nakaraan kaya ibinilin ka muna niya saakin”

“hindi na ako bata and besides tinutulungan naman ako ni ate JL!” kumunot lang yung noo ni Jake.

Bakit? >3<

“bakit ka ba nagpapatulong sa ex ko?” ex? Ex niya si ate JL?

“edii kay Lance!”

“sa ex ng ex ko?”

“ex ni ate JL si kuya Lance?”

“ni Miyuki”

“hahaha sila na! Nagtanan pa nga eh!” nagulat siya sa nasabi ko.

Nasasaktan ba siya?

Bakit di siya umiimik?

“p-okay ka lang?”

“yeah I’m fine” ngumiti na ulit siya.

“mahal mo si Miyuki?” I asked. Nagbabakasakali lang naman pero ngumiti lang siya saakin.

Anong meron kay Miyuki? Hindi naman siya mukhang perpekto dahil kumpara kay ate JL mas gusto ko si ate JL >.<

Bakit ang daming nagkakagusto kay Miyuki?

Dahil ba maganda siya?

Ang maldita nga niya saakin eh!

Hwag niyang sasabihing nagseselos siya saakin eh wala naman akong ginagawa!

“mahal mo?” tanong ko ulit pero winawala na niya yung topic.

Mahal niya si Miyuki. Psh! Tas magpapakasal siya saakin?

Gawin ba akong rebound?

Ayoko nga.

JL’s POV

 

 

I was preoccupied with stuffs.

Kaya I think I ruined my date!

Masyadong mabait si Lance with a T para saakin.

Kasama ko siya actually and kasama ko din yung dalawang bestfried at nandito pa din kami sa coffee shop-___-

KAYA SIRANG SIRA ANG DATE KO!

Imbes na date heto kami at nag-uusap usap nung about kina Miyuki!

What the hell ayt?

Well anyway, sabi ni Ales na hindi niya daw alam kung anong gagawin ng parents ni Lance.

Nag-uusap usap lang kami when Gail suddenly excused herself “labas lang ako” she explained and went out.

“si Miyuki ba yun?” Lance pointed outside. Napatingin naman kaming bigla ni Ales. And yeah siya nga!

“langya! Akala ko ba nakipagtanan na yan?” naiinis naman ako! nasira ang date ko ng dahil sakanila! Tapos nandyan lang pala!

Kanina pa pala to nacocontact ni Gail hindi man lang nagsasabi! Kainis!

Kaya naman pala lumabas at kaya naman pala tahimik!

Aish!

Lumabas nalang din kami at halata naman kay Miyuki na nagulat siya.

“did you not expect this?” naiinis kong tanong

Pero ayun binigyan lang niya ako ng nakakabwisit na ngiti!

“omy! Akala ko di na kayo babalik ni Lance! nagtanan kayo?” asked ales. Di nalang niya gayahin si Gail tahimik pa din.

“duh! May nagtatanan bang bumalik agad?”

“meron duh! Mga di nakayanan!” sagot pa ni Ales

Nakalimutan ko bawal akong pumatol sa bata! -____-

“si Lance? namiss ko na siya eh! Saan ba kayo nagpunta?”  tanong ko

Tumingin siya saakin at ngumiti. “about that, we decided na magiwalay muna” ang casual ng pagkakasabi. :O

“say what?” baka mali ang pagkakarinig ko.

“ang sabi ko break muna kami! Kelangan inuulit? tss”

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N HWAG NIYO KO KAKALBUHIN! >.<

ah basta! hindi ko pa din alam kung saan sila nagpunta at anong ginawa! di ko din alam ang napag-usapan nila! DI KO PA DIN ALAM ANG RASON NG HIWALAYAN NILA! hahahaha

don't kalbo kalbo me!!! XDDD

vote and comment??? hahhaa

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: