Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41: when I woke up

Chapter 41: when I woke up

 

 

Celina’s POV

 

 

“Ate JL! akala ko ba tutulungan mo ako?”

“GOSH! Don’t call me ate. Yuck! Hwag ka ngang magulo. Wala na nga akong date ngayon. nandito ka pa!”

Ang sungit talaga ni ate JL. pero idol ko siya. ang ganda niya kasi. saka isa pa halatang may gusto siya kay Lance pero hindi man lang sya gumawa ng move para makuha si kuya Lance.

Mas gusto ko pa ata si ate JL kesa kay ate Miyuki.

Kasi naman ang sungit nung Haponesang yun saakin!

Parang aagawan ko naman siya.

Isa pa di pa ako ready magboyfriend.

“hanapin mo mag-isa yung Jake nay un kung gusto mo. Like I care kung magkita kayo o hindi!”

AH! Ang daya! Sabi niya tutulungan niya ako!

Plastic naman pala siya >3<

Sabi niya tutulungan niya ako nung nasa harapan pa kami ni Lance! tapos biglang hindi na?

“Ate JL naman eh!”

“YUCK! ATE? Kadiri! Mas itsurang bata pa ako sayo tapos kung maka-ate ka? Kadiri”

Lahat ng nandito ata sa café mga lovebirds kami lang ni ate JL ang walang lalaki dito haha

Kami ang date :)

“bakit kelangan hanapin mo pa ang fiancé mo? Bakit hindi nalang----“

“tumakas ako para hanapin siya. hindi dahil gustong gusto ko na siyang Makita ate”

“stop with the ate thingy. Gross” she then rolled her eyes.

Ang ganda niya talaga kahit ang sungit sungit niya *o*

“you looked fascinated by my beauty dear. Haha. Kulang nalang laway mo hahaha”

-___-

“kadiri ka ate JL!”

“just continue with your story”

“ang totoo niyan picture lang kasi ang meron ako nung si Jake. At first di ko pa alam ang name niya”

“and so?” di ba niya ako kayang patapusin? >3<

“so tumakas nga ako and accidentally si Lance ang unang nakita ko! totoong mag fracture ako that day, dahil nahulog ako sa hagdan. Nung una nagsinungaling pa ako pero nahuli naman niya ako kaya nagpatulong ako sakanya. luckily noong pinakita ko yung picture, kilala niya si Jake! So lagi ko siyang kinukulit. At sabi nga niya ayaw niyang Makita si Jake.”

Feeling ko nga ang bitter ng dating ni Lance noon haha.

Bakit nga kaya?

“hanggang ngayon ba naman bitter siya sa Jake na yun? Tss. Nakuha na niya si Miyuki bitter pa din siya? what’s with Miyuki ba? I look better than her!”

“hahaha ang bitter mo ate JL! hahaha”

“osige ilakas mo pa! yung tipong maririnig nila dun sa lugar nila ngayon! siguro Masaya silang nagdedate ngayon. duh! Sweet day ngayong araw na to ah. Ano bang meron sa feb 14? Ordinary day lang naman ah. Kadiri! -___-“

“mga cheapstake” dagdag pa niya

Hahaha ang bitter talaga niya

“anyway, you’ll see him today. So ciao.” Tumayo nalang siya bigla “dyan ka lang. hintayin mo siya” dagdag pa niya saka na siya tuluyang umalis

30 minutes na akong mag-isa dito at mukha na talaga akong kawawa >.<

“sabi niya nandito siya? baliw talaga yun” nagulat ako ng biglang may lalaking nagsalita sa likuran ko.

“miss may nakita ka bang babae na. pano ba idescribe? Yung maganda na mahaba yung buhok yung sexy na maputi?” nagulat ako nung paglingon ko sakanya para sana sagutin ang napaka general niyang tanong kasi siya si Jake.

“J-Jake?” halata din naman sakanya na nagulat siya.

“Teka, ikaw yung—“

“Celina Espiritu” pagpapakilala ko.

Umupo na siya ats aka parang nagtataka.

“akala ko nawawala ka daw. At saka---“

“actually I was looking for you. Nagpatulong ako kina Lance at ate JL”

“ex ng ex ko at ex ko pa pala ang hiningan mo ng tulong. Ang galing mo naman” saka pa siya tumawa.

Lakas pala ng apog niya. -___-

“bakit mo ako hinahanap?”

“hindi ako pinapakinggan ni papa kaya ikaw nalang ang pakikiusapan ko. please umurong ka sa kasal”

Miyuki’s POV

 

“p-papa” halos mautal-utal kong tawag sa papa ko.

Nakakatakot siya halos parang nanlilisik na yung mga mata niyang nakatingin saamin ni Lance.  Bakit siya nandito?

“Pa---“

“Miyuki uwi na” walang sabi-sabing pumunta na ako sa tabi ng papa ko. natatakot ako sakanya. nakakabigla kasi. Di pa ako handang sabihin kay papa.

Si Lance. paano si lance?

“Sir—“

“Mr. Lance Mariano. Tama ba? Ilang beses mo ba balak saktan ang anak ko? hindi pa ba sapat ang ginawa mo sakanya noon? I know I am being protective over my child but please stop bothering my daughter”

“pa hindi naman po niya ako---“

“Shut up Miyuki. Wala akong pakialam kung may utang na loob tayo sa pamilya nila. This is not work so I can do whatever I want.”

“Sir mahal ko si Sharlot” simple lang ang pagkakasabi ni Lance pero nakakatakot talaga ang papa ko.

Sinubukan lumapit ni Lance pero hinila na ako ng papa ko paalis.

Natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Baka paghiwalayin nanaman kami.

“SIR! ANG SABI KO MAHAL KO SI SHARLOT”

Huminto ang papa ko sa paglalakad na dahilan din ng pagkakahinto ko.

“Pa---“

“kung napatawad ka ng anak ko. then ibahin mo ako.”

“Pa naman!”

“tumahimik ka sabi! Ikaw Lance pinagkatiwala ko na sayo dati ang anak ko. pasensya ka na, pero hindi kita gusto para sa anak ko”

“Mahal ko po si Sharlot at papatunayan ko yan sainyo”

Tumalikod na ang papa ko at saka naglakad paalis. Hila hila pa din niya ako na parang bata.

Nahihiya ako kay Lance. pero at least sinabi niya kay papa na mahal niya ako. Natatakot lang talaga ako sa papa ko.  Isa pa baka bigla siyang atakihin dahil may sakit siya sa puso.

Umalis kami ng papa ko. agad naman akong nagtext kay Lance at humingi ng paumanhin.

Nakakabigla kasi ang pagdating ni papa kanina. Hindi ko yun inasahan.

Ngayon nasa sasakyan lang kami. And I think pabalik na kamisa venue nung sa kasal.

“hiwalayan mo siya”

“What? Pa naman! Hindi ba pwedeng maging Masaya nalang kayo samin? Okay naman na kami ni Lance and isa pa---“

“kayo okay. Ako? hindi ko siya tanggap. Hindi ko siya gusto para sayo”

“Pa naman! Mabait si Lance!” I insisted.

“I heard that before. Pinayagan ko kayo dati. Lance and I made a deal. Remember?”

Deal?

Na kung sasaktan niya ako, si lance ang malalagot?

“Pa! hwag mong sabihi---“

Hindi ko namamalayan na nakabalik na pala kami.

Bago kami pumasok sa loob kinuha na muna niya ang cellphone ko.

Labag man saakin pero binigay ko pa din.

Mabait naman si Lance ah. Ano bang problema nila sakanya?

“ano bang ayaw niyo kay Lance pa?”

“maaring mabait nga siya sayo Miyuki, pero isipin mo naman ang sarili mo. Ilang beses ka ng nasaktan ng dahil sakanya. tama na”

Hindi na niya ulit ako kinausap pagpasok namin doon.

Lahat sila Masaya maliban saakin.

“princess?”

“kuya.” naiiyak na ako. “Kuya Rex, paano nalaman ni papa? Si-sina---“

Umupo siya sa tabi ko at saka pinat ang ulo ko.

“hindi ko sinabi Princess. Tahan na. sayang naman ang ganda ng prinsesa namin kung iiyak lang.”

“pero kasi si papa” bigla nalang akong napaiyak kay kuya. ang hirap kasi ng ganito. Yung tipong okay naman kami ni Lance pero di siya tanggap ng pamilya ko.

Lalo pa ng magulang ko :(

Nauna na kaming umalis ni kuya Rex pati na din si Aki para umuwi. Si kuya Lavi hindi ko pa din nakikita.

Di kalaunan nang makarating kami sa bahay nila steven tumawag si papa para sabihin na umuwi na kami sa bahay namin.

Kahit gabi na umuwi na kami nila kuya Rex at Aki.

“tita why are you lonely? May nan-away sayo tita? Tell me? I’m gonna punch him >__<” pinunasan pa niya yung luha ko. palibhasa kalong kalong ko siya.

“don’t cry mommy.” Napangiti nalang ako sa itinawag niya saakin. Si kuya naman halatang nagulat.

“don’t cry.”

Kung nabuhay kaya ang anak ko, ganito din siya?

Kung nabuhay kaya ang anak ko, Masaya na kaya kami ni Lance ngayon?

Madaling araw na nung makarating kami sa bahay.

“how’s Aki?” salubong saamin ni Seiji.

Di ko nalang pinansin si Seiji. Wala ako sa mood and besides buhat buhat ngayon ni kuya Rex si Aki.

Kinabukasan, pinangaralan lang naman ako ni papa at ni kuya.

Si mama naman nanahimik lang.

Grounded ako.

Para akong teenager.

No cellphone.

Buti nalang nakakapag net pa ako >.<

Nag-pm lang ako kay Lance na bawal akong lumabas.

Hindi naman siya online kaya natulog nalang ako.

Ang boring talaga. Buong araw lang yata kami naglaro ni Aki.

Maaga nalang din akong natulog ng kinagabihan. Wala din naman akong ginagawa.

Pero madaling araw nagising ako dahil sa kaluskus >__<

Nakakatakot.

“s-sino yan?”

“sssshhh quiet” OMG.

“L-lance? what are you doing here?”

Nagulat talaga ako sakanya. paano siya nakapasok dito?

May lahi na ba siyang magnanakaw ngayon?

Agad akong tumayo sa kama ko at niyakap ko sya.

“Lance umalis ka na baka Makita ka pa nila dito” >__<

“not unless you tell’em”

“a-ano bang gingawa mo dito? Baka mamaya---“ kahit na madalim nakita ko ang mukha niyang nakangiti dahil na din sa liwanag ng buwan.

Inilahad niya ang kangyang kanang kamay saka siya nagbitiw ng mga salitang hindi ko talaga inaasahan.

Nakakabigla pero parang nakakaexcite.

“sumama ka sakin Sharlot”

 ***********************************************************************************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: