Chapter 39: patay
Chapter 39: patay
Nagtanong ako sa information desk kung saan naka-check in si Lance.
“Ma’am bilin po kasi niya pag may nagtanong na babae sa rooftop nalang daw po kayo pumunta”
Rooftop?
“ilang floor ba to miss?”
“30 po” ooohhh
Ano naman kayang gagawin sa rooftop? May surprise nanaman ba siya saakin? Haha
Nagiging assuming na ako!
Kasi dati naman ganun siya eh.
Masurpresa siyang tao.
Pumunta na ako sa elevator at pinindot ang 30. Hanggang doon lang kasi. Siguro aakyat nalang sa hagdan pag nandun na.
May mga kasabay ako sa elevator na mga kano! XD
Ang kaso nung nasa 18th floor na kami biglang huminto nalang yung elevator.
“what happened?” tanong nung foreigner
Nagblink blink na din yung ilaw! Lagot! Bakit ang malas ko naman? ala horror lang yung pagblink ng ilaw >.<
30 minutes din bago Bumukas yung elevator. Inaayos na pala. Buti naman. Si Aki baka kung ano na ginawa ni Lance dun sa bata >3<
Lumabas na kami sa elevator para sana lumipat kaso ang problema sira din!
Ano ba yan!
“anong nangyari kuya? matagal pa ba yan maayos?” tanong ko kay manong.
“may nasirang blah blah blah” di ko siya naintindihan. Ang dami niyang sinabing terms eh hahaha. Well educated si manong! Naks.
“may isa pa naman pong gumagana. Ayun po” turo niya. kaya naman nagpunta ako doon sa tapat ng elevator.
Pero nagulat ako! ang dami naman nakasakay at lahat sila paakyat!!!
Anong meron sa hotel na ito at ang daming tao?
Hihintayin ko nalang na mawala yung tao sa elevator. Pero habang naghihintay ako tumawag na si Lance.
“nasan ka Lance?”
[rooftop. TITA I’M FLYING!!!] aray naman sa tenga si Aki >.<
[bilisan mo na. tatapon ko si Aki] pero naririnig kong tuwang tuwa si Aki sa kabilang linya.
“oo na! pero nasira kasi yung elevator.”
[hagdan] napanganga nalang ako sa suhestiyon nya! Papaakyatin niya ako sa hagdan?
“nasa 18th floor ako bah! Paakyatin mo ako sa hagdan? Grabe ka naman!”
[dali na!]
[Tito once more once more! Toss me more!] WHAT THE??? TOSS? ASDFGHJ!!!!
“Lance pag yan napilayan humanda ka sakin!!!”
[ihuhulog ko siya. bilisan mo] GRRR! KUNG MAKA UTOS!!!
Nginitian ko nalang si manong na nakikichismis pa sa usapan namin ni Lance. kala mo naman naririnig niya si Lance.
“manong nasan yung hagdan?” agad naman itunuro saakin ni manong yung daan.
Nagmadali akong umakyat.
Feeling ko hinihila ako sa paa!
Nakakapagod T^T
Nung nasa 26th floor na ako. I tried my luck. Sinubukan ko kung pwede na ba yung elevator. Pero hindi pa din!!!
Ano ba? Natatakot na ako dito! Walang katao tao!!!
Pagod na pagod na ako. tagaktak na yung pawis ko! masakit na din sa paa :’(
Pinaparusahan ba ako ni Lance? >:(
Habang nagpapahinga ako napatawag nanaman si Lance
[anong floor ka na?]
“26 na! pwede magpahinga? Nakakapagod eh!”
[ah tamang tama. Daan ka sa room 2624]
“hah? anong gagawin ko dun?”
[basta punta ka dun]
“oo na! kung maka-utos talaga!” naglalakad lakad ako habang kausap ko siya sa phone. Para naman di boring.
Pansin ko pa, panay ang tawa ni Aki.
[tito Lance! you’re a cool daddy!]
[really?] sige sila na mag-usap!
[yes! Yes! Will you be my dad number 2?]
[then who’ll be your mom number 2?]
[TITA WILL BE!!!! YEHEY! I GOT TWO DADDIES!!!] napangiti nalang ako doon.
Ang bilis naman kasi pumayag ni Lance at parang tuwang tuwa talaga siya sa pamangkin ko.
Noon, akala ko na ayaw ni Lance sa mga bata.
Pero nung naging kami, nalaman ko nga na gusto niya ng bata.
Soccer team lang naman ang gusto niyang anak diba? Grabe siya!
“kita ko na Lance. anong gagawin ko dito?” tanong ko nung nasa tapat na ako ng room.
[kuha ka ng jacket. Malamig] osige! INUTUSAN LANG PALA AKO!!! grabe siya ah >.<
“wala pala yung card Lance! paano ko bubuksan?”
[bukas yan] wow ah! Inexpect na dadaan talaga ako dito? Psh
Binuksan ko na yung pinto dahil katulad ng sabi niya, bukas nga ito.
Pagpasok na pagpasok ko palang. Isang nakatalikod na babae na ang nakita ko.
Teka? Mali ba ako ng pasok?
Unti-unti siyang humarap saakin.
Pero syempre joke lang yun! Imagination ko lang XDD
Ang boring kasi!
“Lance anong jacket ang kukunin ko dito?”
[yung pink]
“hahaha Lance nagsusuot ka ng pink? Yuck! Hahaha”
[sayo yan baliw. Malamig dito sa taas] >///<
Sabi ko nga! Concern siya saakin!
[kuha ka na din ng isang t-shirt dyan. para kay Aki. Alam ko may pambata akong binili kanina] naks naman!
“yes sir!’ ^^
Pero bakit di pa siya dumaan dito kanina?
[TITO! Toss me again please. Please please]
[mamamatay ka. Tama na] hahaha. Natawa naman ako kay Lance dun! Kung makapagbabala naman daw sa bata. Mamamatay talaga yung term?
[psh! Daya! I’ll jump here to there tito! Like superman!]
[he can fly. And you can’t]
[tito is mean! Daddy Lance is mean! >.<]
Pinapakinggan ko lang silang mag-usap. Ang kulit kasi.
Parang bata lang si Lance.
Sakto naman paglabas ko ng room ni Lance okay na yung elevator ^^
Kaya ginamit ko na ito para makaakyat hanggang sa 30th floor.
And then sa hagdan na ako paakyat sa rooftop.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko na medyo madaming tao.
Sila Lance?
“Lance?” tawag ko sa tao sa kabilang linya pero wala na pala. Binabaan na ako >.<
Bigla nalang nagtinginan saakin ang mga tao dito at nginitian ako.
Nginitian ko din naman sila.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid.
Maganda dito dahil may mga halaman, upuan at kung anu-ano pa.
“Miss para sayo” sabi ng lalaki ng lumapit saakin.
“h-hah? kasi baka magalit yung---“ bigla nalang niya binigay >__<
Baka magselos nanaman si Lance. lagot ako!
“Miss heto pa oh” pangalawang rosas na to.
Nagugulat naman daw ako sa nangyayari.
Isa isa silang lumalapit saakin at binibigyan ako ng rosas
Hanggang sa…
“mommy for you” ngiting ngiti si Aki habang binibigay niya saakin yung balloon na may nakataling rosas.
“look mommy I’m wearing nice clothes!”
“mommy! Look at those balloons oh!” turo niya sa mga taong may hawak ng balloons. Teka? Wala naman silang hawak kanina ah? >__<
Color blue sila tapos hugis rabbit
Grrr Lance >:(((
Nang-aasar ka pa!!!
“nasan si lance?” tanong ko kay Aki
“he jumped! Hahahaha” nahawa na siya kay Lance. di na siya matinong sumagot!!! Halaaa!
“do I look gwapo na tita? Pareho na ba kami ni tito rex? Gwapo na? *0*
“gwapo ka naman talaga aki!”
“yehey! Manliligaw na ako” nalaglag naman ang panga ko dun sa statement ni Aki
“no! bata ka pa!”
“hindi na tita. Weeeeeeee tito is here!!!” tuwang tuwa pa si aki habang nakatingin sa may likuran ko
Lumingon naman ako doon at nakita ko nga si Lance. wearing white tux pa talaga! Hahhaa
“what’s with the get up Lance?” ngumiti lang siya saakin and then biglang may naglapitan saakin na babae at may isinuot saakin na palda! Yung detachable pero para na akong nakasuot ng gown! Dagdag mo na kasi sleeveless lang ako >///<
“ayan perfect match na tayo” he said while smiling.
Naglabas pa siya ng panyo saka pinunasan yung pawis ko kanina.
“you still look beautiful kahit na pinaakyat na kita sa hagdan”
“pakana mo yun?”
“para maayos ko to. Ang aga mo kasi -___-“
“oh sorry na >.< excited ako”
Ngumiti lang siya saakin saka niya ako hinalikan sa noo.
“I missed you bah”
“sus! Di mo nga ako agad pinuntahan dito eh”
“ayaw mo ako papuntahin”
“kasi na kay JL ka parati!”
“psh. JL nanaman. Wala namang issue dun” paliwanag niya
“wala daw. Nagkiss nga kayo diba?” di na siya sumagot kasi hinalikan na niya ako >///<
Hinampas ko nga siya! nakikita kasi ni Aki >///<
“anu ka ba! May bata!” si AKi nakatakip lang ng mata. >__<
sumenyas lang si Lance sa isa sa mga tao doon at saka biglang nilayo si Aki saamin! Ano ba yan!
“oh ayan wala na!” sabi niya saka niya ulit ako hinalikan!
“ikaw! Ang pilyo mo talaga! Kainis t---“ ASDFGH!!!!! Ayan nanaman siya sa pagiging kissaholic niya!
“Lance naman eh!!!” dumistansya sya saakin bigla at saka inilabas niya yung tinatago niya sa likuran niya.
Tatlong piraso ng pink roses. Ang ganda at Ang cute!
“oh” inabot lang niya saakin yung tatlong rosas ng hindi nakatingin saakin. Psh! Pero cute namumula kasi siya haha.
Itinabi ko nga sakanya yung roses eh.
“yieee pareho na kayo ng kulay nung roses ko! kulay pink na! hahaha”
“hwag mo ko inaasar hahalikan kita sa harap ni Aki” he said
Sabi ko nga tatahimik na ako hehe.
Bigla nalang niya ako hinapit sa bewang tapos bigla nalang may tumugtog sa gilid! Aba!!!
“Lance! pinaghandaan mo ba to?” nagsasayaw na ami dito. nahihiya ako sa mga tao sa paligid namin. nakatingin lang sila at pinapanuod kami >///<
“hindi naman” yabang!
“wushuuu! Ganito mo ba ako namiss kaya---“
“gusto kong bumawi” seryoso lang ang tono ng boses niya.
“gusto ko ako lang ang nagpapasaya sayong lalaki.”
“gusto ko saakin lang mga ngiti mo”
“I’m sorry for being selfish Sharlot.” Bumuntong hininga lang siya.
Mas nilapit niya ako sakanya. Yung tipong sweet dance na.
“gusto ko akin ka lang” >///<
“sorry kung napapadalas ang pagsama ko kay JL”
“gustong gusto mo naman kasi!” I said
“nagseselos ka kasi”
“psh! Daya! Laging ako nalang yung nagseselos saating dalawa! Dapat ikaw din!”
ibinaon niya yung mukha niya sa leeg ko >///<
“kulang pa ba yun? Iniisip ko palang na nakatira ka ngayon sa bahay ng kumag na yun, gusto ko ng manuntok! Iisipin ko palang na siya ang parati mong kausap kumukulo na dugo ko. dagdag mo na din yung tatlong taon na di mo ako kasama pero si Jake kasama mo. kulang pa ba yun? Psh” lahat ng yun binubulong lang niya malapit sa tenga ko >///<
Yung tipong nakikiliti na ako sa pagbabanggit ng selos niya. sheeeees Lance Mariano ano bang pinakain mo sakin at kahit anong gawin mo kinikilig ako?
“basta hwag ka na sumama masyado kay JL ah. In love yun sayo eh”
“hindi yun”
“oo kaya! Ang obvious kaya niya! pero ikaw ang manhid manhid! May tiwala naman ako sayo. Pati na din naman sakanya. Pero kasi iniisip ko palang na kayo madalas magkasama noon, di mawala sa isip ko na baka baka nagkagusto ka sakanya”
“nagkagusto ako sakanya." sabi na nga ba eh
"Pero hanggang gusto lang. I love her but not how I am loving you. I love her like how I love ales and Xyla. Para ko siyang kapatid”
“pero hinalikan mo kapatid mo?”
“di ko matandaan yun” -___- “hwag na nga natin sila pag-usapan. Pakiss nalang ako” pakiss pakiss ka pa dyan!
“ayaw! Pero Lance ako lang ba talaga?”
Tinaasan niya ako ng kilay >__<
Saka ako tinapik sa noo waaaah!
“sama nito!”
“natural ikaw lang. kaya dapat ako lang din” tapos hinalikan niya ulit ako sa noo >///<
Then umakbay siya saakin.
“make a wish bah”
“bakit naman? Anong pakulo yan? Haha”
“bilis na! dapat rinig ko” ay okay? Walang privacy ang wish ko! hahaha
Pinikit ko yung mga mata ko at saka sinabi ang mga katagang: sana maging maayos na ang lahat. Sana mangyari na yung forever na wish namin dati. sana di siya magsawa sa pagiging sweet niya sakin tapos sana di na niya ako uutusan. Sana tigil tigilan na din niya yung pakikipaglandian niya kay JL.
wish daw pero wishes ang ginawa ko haha
Pagbukas ko ng mga mata ko. parang naiinis na si Lance hahaha.
Pero humawak lang siya sa kamay ko tapos pinalipad nung mga tao yung mga hawak hawak nilang balloon na hugis rabbit ^___^
“matutupad lahat ng yan. Ako bahala” napangiti nalang ako doon.
Sana nga.
Sana nga malaman na din nila kuya sa tamang panahon ^^
Siguro gabi na nung matapos ang so-called-date namin ni Lance. pinipilit ko siya kanina na ako nalang magcommute kasi baka mahuli kami pero nagpumilit pa din siyang ihatid ako.
He said na baka delikado daw.
“dito pala ah. Pasabugin ko tong bahay niya eh” -____-
“Lance naman eh!”
“tss. Di ako nagbibiro” waaah! Sabi ko nga seryoso ka!
“Lance ingat ka pauwi ah”
“opo bah”
Ayaw ko pa bumaba >.<
Saka isa pa hawak pa niya kamay ko
“tita are we home?”
“home? Tss” ayan nanaman si Lance.
“daddy will you come again?”
“just don’t call this house a home baby” ginulo pa niya yung buhok ni Aki
“nandeyo?”
“may monster dyan sa loob” paliwanag niya sa bata >.< sino namang monster dyan?
“woah? Really daddy?” feel na feel naman ni Aki ang pagtawag ng daddy kay Lance. at feel na feel din naman ni Lance. >///<
“okasan! May monster daw?”
“inaatake ng pagka abnormal ang daddy mo nak! Hahaha”
“psh”
“hahaha abnormal si daddy number 2!”
“bumaba na nga kayo! Iuwi ko kayo eh!”
“oo na po. ingat ka ah.” Hinalikan ko siya sa may cheek! Oo na ako na humalik >.<
ayaw ko pa sana bumaba kaso nauna ng bumaba si Aki. saakin.
"ingat ka pauwi bah ah."
"oo na po. tulog agad" paalala niya saakin ng nakangiti siya :"">
"opo"
lumabas na ako sa sasakyan niya.
Pero sa paglabas ko, nakita ko si Kuya Rex na nakatayo at nakatingin saamin
Patay ako. >__<
---------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro