Chapter 36: love you too
Chapter 36: love you too
Kelangan na niyang bumalik.
Nakakainis kasi.
Bumabalik nanaman yata ako sa pagiging sulutera!
Mas gusto ko kasi yung mga lalaking may girlfriend.
Kasama ko si Lance ngayon. nagpasama ako sakanya sa mall.
Bored din naman daw siya sa buhay niya ngayon dahil wala si Miyuki.
Edi yayain siya lumabas -___-.
“you think she’ll like this?” ewan ko! natatawa ako sakanya. Bakit ba mga stufftoy ang binibigay niya kay Miyuki? Ang babaw naman ni Miyuki pag natuwa siya dyan.
“pacute naman ng dating ng stufftoy na yan. How ‘bout that one?” turo ko sa grim reaper.
“funny JL.” haha nabadtrip yata siya.
Lumabas tuloy siya ng shop.
“miss I’ll buy this” nandun siya sa may labas at hinihintay ako.
Psh. “oh! bigay mo sakanya. Matutuwa yun. Mababaw pa naman yun”
Tinignan niya ako with curiosity painted on his face.
“kunin mo na! halata namang gusto mo ibigay sakanya yan.” Naalala ko tuloy si Jake nung high school kami.
Nagpatulong siyang pumili ng ireregalo kay Miyuki dahil birthday niya. how sweet -___-
Ngayon naman kahit hindi sinasabi ni Lance parang ganun din ang dating sakin.
“sabing kunin mo na eh”
“oo na!” kinuha nalang niya yung binili ko dun. “oh bayad mo? 3500 din yan” saka ko pa inilahad yung palad ko para singilin siya.
Naglabas naman siya ng 4k.
“okay akin na yung sukli” at halata namang wala siyang pakialam. Ayos dapat pala ganun parati ang ginagawa ko. may kita pa akong 500. How nice.
Wala naman masyadong ginawa. Actually tigabitbit ko siya ng mga pinamili kong damit and shoes!
Shopaholic ako. dati pa naman siya na nagbibitbit ng mga binili ko.
“iwan na muna natin yan sa baggage” I said.
“grocery?” he asked
“yup. Naks si Marino di pa din nakakalimot!” ako ang nag gro-grocery. Wala naman kasi akong ibang kasama sa bahay ngayon kundi ako lang at ang maid. Hiwalay ang parents ko. minsan si dad ang kasama ko minsan si mama naman.
At least madami akong pera. Ang dami nilang pinapadala sakin. Tss.
So happy -___-
..
Nakakatawa ang mga tao dito. Akala yata nila couple kami ni Lance. tuwang tuwa naman daw silang nakikitang binabalik lahat ni Lance ang mga pinapamili ko -____-
“anong tema mo?” binalik ko ulit sa cart ko yung mga binalik niyang kinuha ko.
“di ka naman kumakain niyan” kinuha niya ulit yung snacks ko.
“marunong ka pa sakin!”
“maanghang yan oh! heto kasi” wow! Tinignan ko yung kinuha ko. maanghang nga.
“heto na iibalik na kasi.” Tss.
Teka? Wala naman akong sinabing ayaw ko ng maanghang?
Shet! Miyuki bumalikka na nga! Naainlab ako lalo kay mariano. Psh.
Nauna na akong pumunta sa may cashier!
“hoy paano mo nalaman na ayaw ko ng maanghang?” tanong ko nung nakapila na kami
Di niya ako sinagot.
“hoy tinatanong kita!”
“h-hah? sorry” he said habang nakatingin sa cellphone niya.
“Miyuki?” I asked
“yeah”
“hindi kaya magselos yun?” tanong ko pa
“alam niyang kasama kita”
“oh. I see. Sabihin mo aagawin na kita sakanya kaya bumalik na siya dito”
Ngumiti lang si Lance. parang timang lang.
“akin na nga! AKO NA MAGREREPLY!”
Nagtype na ako then clicked send.
“sira ka talaga. Akin na nga” para kaming baliw na nakapila dito sa may cashier.
..
Pabalik na kami sa bahay ko.
Usual na saamin ang scene na ganito.
Yung tahimik at walang umiimik.
“hey di ka ba nagseselos? May kasama siyang lalaki?” curious lang.
“how’d you know?” napatingin pa siya saakin.
“I was eavesdropping last time”
Well it has been 2 weeks after Miyuki Left.
“hindi mo ba siya namimiss?”
“I missed her. But she said---“
“that was what she said. Ano ka ba! Madaming keme lang yung babaeng yun. Kung ako sayo pupuntahan ko na siya”
Dapat ikaw nalang umalis para kahit di bumalik si Miyuki keri lang -___-
“di naman ibig sabihin na kapag pumunta ka dun makikita mo din mga kuya niya. hello! Ang daming pwedeng lugar Lance. ang dami!”
“nga pala ako na bahala kay Celina. Ako na din cocontact kay Jake para magkita sila”
“ganun ba kadami ang narinig mo habang kausap ko si Sharlot?”
“hahahaha. Yeah! I heard everything. Ako na din bahala sa bestfriend mo while you’re not around. Gosh! para akong mag-aalaga ng dalawang bata! Di pa din ayos ang bestfriend mo at ang boyfriend niya”
“ales and kysler” he said
“oo na! alam kong may pangalan sila.”
Di ko namamalayan nandito na kami sa harap ng bahay ko.
Bababa na sana siya para kuhanin mga pinamili ko pero pinigilan ko siya.
“hwag na ako na. baka pag pumasok ko dyan hindi na kita palabasin hahaha”
At talagang nagtaka pa siya sa sinabi ko.
Manhid ang baliw.
“o-okay?” naguguluan niyang sagot.
“just go at Miyuki’s side now. I’m sure miss na miss ka na niya. Madami lang arte yun.”
Ngumiti ulit siya saakin at inabot ang isang paper bag.
“bakit mo binibigay sakin yan! Bigay mo kay Miyuki yan!”
“sayo nalang. Thank you” he said
Di na ako nagrespond kinuha ko nalang lahat ng pinamili ko pati na din yung inaabot niya at bumaba sa sasakyan niya.
“text mo ko pag nagkita kayo hah. bye Lance.” paalam ko sakanya.
“I love you” pabiro kong sabi pero deep in me, I mean it.
“bye love you too.” Natatawa naman niyang sagot.
Gees! Totohanin ko yan eh!
“pupuntahan ko siya. thank you”
Tama na yang thank you na yan . di ako sanay baka maagaw pa kita.
Pinaharurot na niya yung sasakyan niya.
“psh seryoso kasi ako sa sinabi ko! love you too daw. Agawin kita sa girlfriend mo eh” pasalamat ka mahal kita at ayaw ko ng Makita kang pariwara. Psh.
Makapunta nga muna sa apartment ni Lance with a T.
---------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro