Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23.5: pasaway

Chapter 23.5: pasaway

 

 

Miyuki’s POV

 

 

 Naglalakad lang kami ni Aki at halata kong sinusundan ako ni Lance!!!

“Lance pwede hwag mo nga kami sundan!”

“di ko naman kayo sinusundan” hindi daw! Grabe ah!

“hello! Sinusundan mo kaya ako!”

“pareho lang tayo ng pupuntahan” palusot niya

“talaga? Saan ka naman papunta?”

“sa isa mo pang pamangkin” what the hell??? Isa pang pamangkin??? Natigilan ako dun.

“tita he’s good! He bought me an ice cream *O*. I want him to be my tito hihihi” lokong bata ‘to! Matchmaker na din ba siya? may patakip takip pa siya ng bibig habang humahagikgik.

“Aki este Akira! That’s rude. Hindi natin yan kilala. So don’t just link us okay?”

“no tita! He’s good! He helped me. He also bought me a toy! Sabi ni tito don’t cry kasi we’ll find you kaya niya ko binilhan ng toy!” -___-

“that’s bribery Lance!” I retorted angrily! Kainis

“hindi ko naman alam na kasama mo siya. isa pa naiinis ako dahil Aki ang sinabi niyang pangalan niya” tapos I saw him grinning >____<

“Aki you’re tita is a liar. Hwag mo gagayahin” ginulo pa niya ang buhok nito

“hai hai Tito weeeee. Gimme my toy! Haha” anakngpalaka anong toy?

“here.” Inabot niya yung laruang robot kay Aki at saka ako hinarap “oh tara puntahan na natin yung isa pang Aki na pamangkin mo din dahil kuya niya yun” kaasar!

“bakit? Sinabi ko bang kapatid niya? di naman ah!” palusot ko pa “hindi porket kuya niya ang sinabi ko kapatid na niya! pwede namang nag-aalaga sakanya o kaya naman trip ko lang tawagin na kuya niya!”

“magpapalusot ka na lang yug halata pa. tss.”

“Tito! Lets play!” hinila ni Aki si Lance at saka sila pumunta sa may arcade. Anak ng tokneneng naman ih!

Paano nangyaring mas close siya kay Lance? ngayon palang sila nagkita!

“you know what tito! I missed you!” ANO DAW?

“t-teka anong meron? Anong miss miss ang sinasabi niyan?”

“bakit ka curious?” -___-

Binuhat niya si Aki at saka sila naglaro nung sa shooting game! Yung basketball. Amp.

“Lance answer me!”

“don’t know. Namiss daw ako” kasi naman! Ano daw eeerrr! Ang cold ng loko na ‘to!

“Aki tara na nga hayaan mo na siya” sinubukan kong kuhanin siya kaso tinapik ni Lance yung kamay ko >___<

“LANCE SOBRA KA AH!” napalakas yata yung boses ko kaya napatingin yung iba saakin.

“anak nila yun? Cute nila ah! Kaso parang ang bata naman yata” sige lang pagchismisan niyo pa kami. Amp!

“Lance hwag tayo dito. Madaming tao. Napagkakamalan tayo-----“ but before I could finish my sentence ayan na naman si Lance “hayaan mo. Bagay naman tayo”

“yey! Bagay si tita kay tito” GEES!!! Humanda talaga ang Lance na ‘to sakin! Bakit kasi nag-eenjoy si Aki sakanya!

“hindi ko alam na pamangkin mo pala tong batang ‘to. I played with him once. But that was when I was in Japan. Matalino ang batang ‘to natatandaan ako eh” tapos tumingin si Lance saakin. Si Aki naman shoot lang ng shoot ng bola. Nakatayo nga siya sa mismong game machine eh.

“so siya si Aki? Tss. Uminom inom pa ako kagabi para lang sa batang ‘to? Tss. Ibang klase ka din mantrip” I rolled my eyes. Bahala siya dyan. parang siya pa may gana mainis ah!

“Aki let’s go? Magdidilim na baby”

“yada yo! Tito and I will play!”

“tito let’s pay that one!!!” hinila nanaman niya si Lance papunta sa isang game. Yung pambata. Ewan ko kung ano yun. Basta ikot sila ng ikot. Lro lang sila ng laro! Parang hindi nila ako kasama. Actually sampid si Lance dito! Kami dapat ni Aki yun!

“ang cute nung guy na may dalang bata nuh! Anak kaya niya yun?” napatingin naman ako sa chismosa

“tingin ko hindi! Hello ang bata naman niyan!” said chismosa number 2!

Kung sabihin ko kaya sakanilang muntik na kami magkaanak? Na dapat 2 years old na :(

Lumapit na ako kina Lance at Aki dahil napagkakamalan na silang mag-ama. Dapat mabawi ko na tong pamangkin ko.

“Lance uuwi na kami ni Aki.”

“okay. Aki pakabait”

“ayaw ko pa! tito play pa!”

“aki busy si Lance kaya we need to go home na”

“YADA YADA!!!” bigla siyang umupo saka sahig at saka nag-iiyak dun! Ayan na yung nakakatakot niyang tantrums! >.<

“Aki will you please stop? Hindi na! sige na! maglaro na kayo dyan!”

“YEY! Tito piggyback!!!” itinaas pa niya yung kamay niya para magpabuhat kay Lance. at talagang binuhat naman siya ni Lance sa likuran. “lets go there!!!” turo ni Aki sa kainan.

Itong si Lance naman go na go.

Nauuna silang naglalakad pero biglang huminto si Lance at humarap sakin. “dito ka nga sa tabi ko”

“ayoko nga! Bakit naman kita tatabihan?”

“para magmukha tayong mag-asawa! Lika na!”

“engot! Ayoko nga! S-sino naman tatabi sayo nuh! Mukha kang tatay dyan!”

“kaya nga tabihan mo ko para mukhang may nanay naman tong anak ko” -____- at feeling naman niya anak niya si Aki? At may pangiti ngiti pa siya?

“oh” sabay abot niya sa kamay niya

“anong meron dyan?” I crossed my arms. Para mataray effect.

“hawakan mo para di ka mawala”

“ano ako? bata? Hwag na. dito lang ako sa likod niyo.”

“sabi mo eh” i-iskor ka pa sakin! Kala mo naman! Hmmp

Kanina pa kami lakad ng lakad. Ang sakit na ng paa ko :(

“oi dito nalang ako. hintayin ko nalang kayo dito hangagng magsawa si Aki sa kakapasyal” umupo ako sa bench.

“ayos ka lang?” lumapit siya saakin habang nasa balikat pa din niya si Aki.

“napagod lang. just play”

“okay”

Umalis na silang dalawa. At ako? naiwan ditong nakaupo. Tinignan ko yung paa ko. aray. :(

Napaltos yung paa ko. amp. Sabi na nga ba dapat hindi ito yung ginamit ko eh. Lagi akong napapaltos dito! Amp.

“Hi” may tumabi saakin. Mabango. Amoy pabango ng lalaki. Tatayo na sana ako kayo yung paa ko masakit na T^T

“wala kang kasama?” hindi ko siya pinansin. Kinuha ko nalang yung cellphone ko para magbasa ng unread messages.

“so I guess wala ka ngang kasama?” ang kulit nito ah! Upakan ko na kaya? Ah alam ko na!

Tinawagan ko si Lance pero hindi ko syempre pinakita na tinatawagan ko siya. patago lang para kunwari nakasilent yung cellphone ko haha

Nung nakita ko ng naka in call. Saka ko palang nilagay sa tenga ko yung cellphone

[oh bakit?]

“bah! Buti tumawag ka! Nasan ka na ba? Ang tagal mo naman bumili ng band-aid! Bilisan mo! Masakit paa ko oh napaltos!”

[h-hah? anong sinasabi mo---tito! Is that tita?]

“bilis na! yung anak natin hwag mo iwawala ah! Pag wala pa kayo dito ng within 2 minutes manlalalaki ako! pakibilisan bah. Thank you.” Saka ko na binaba.

“ayus din trip mo miss ano?”

“hah? hindi yun trip” sagot ko ng nakatingin sa lalaki. May itsura siya. okay na. pero kumpara sa mga lalaking nakapalibot saakin? Siguro nasa level siya ni Dennis! Pacute lang pero hindi gwapo.

“pwede ko ba kunin number mo miss?”

“kapal mo din eh! Hindi mo nga ako kilala tapos---“ bigla nalang may humila saakin patayo. Nakaramdam ako ng kaba. Iba eh. Ewan ko! >///<

“ma! Who’s that guy?” ma? Ano daw? Anong pinagsasabi ni Aki?

“umalis lang kami saglit nitong anak natin may lalaki na agad sa tabi mo. At talagang kinausap mo pa!” binaba na niya si Aki.

“ikaw! Layuan mo nga asawa ko” eh??? >///< asawa daw.

“mukha lang yang bata pero 29 na yan! Kaya layuan mo na” agad naman tumayo yung lalaki at saka mabilis naglakad palayo.

“at ikaw!” bigla niya ako inupo ulit. Natakot naman ako bigla kaya nanahimik nalang ako “bakit di mo naman sinabing napaltos pala yang paa mo! Tss” bigla siyang umupo at pagkatapos---“t-teka! Yung paa ko! hwag na! ako na” bigla naman kasi niya tanggalin yung doll shoes ko at saka inilagay yung band-aid

“yieeeeeee kayo ah!” eh? “G-gail?” agad kong binawi yug mga paa kong nakakalong pa kay Lance! nakakahiya!

“ikaw bestfriend hindi mo sinasbai sakin na nagkabalikan kayo ni Lance!”

“hah? t-teka! Mali ka ng inaakala! Accident lang na nagkita kami dito!”

“weh? Ano yung asawa dyan? at naglaro pa kayo ng bahay bahayan dito sa mall! Hahaha” patawa tawa pa siya habang tinatapik tapik si Seb sa tabi niya >///<

“sweety naman! Hwag mo naman akong paluin kung kinikilig ka sakanila! Baka malagot ka pa sakin mamaya!” ayan nanaman mga banat ni Seb na may double meaning eh!

“basta hindi kami ni Lance! natuwa lang yung pamangkin ko sakanya!”

“sus! Oo na sige na! hindi na namin narinig ni Seb yung BAH kanina dun sa tawag mo! Hahahha. Saka di namin narinig yung asawa at kunwaring anak niyo! Hahaha” OMG! Pati yun narinig nila? Nakakahiya! Napahawak ako sa mukha ko. umiinit kasi bigla dito T^T

“a-ano ba! Syempre may lalaking lumapit sakin kanina! S-syempre gagawa ako ng paraan!”

“sus palusot mo bessy! Ang daming pwedeng gawin! Pwede mo naman sampalin yung lalaki kanina!”

“honey hindi niya pwedeng gawin yun! Baka maturn-on pa yung lalaki sakanya”

“oh? may ganun ba?” parang ang sarap pag-untugin ng mag-asawang ‘to ah! Halata sakanila na kakagaling lang nila sa university. May dala pa kasing books si Seb. Siya nagdadala nung gamit ni Gail. Tapos si Gail hindi nakasuot ng contacts, nakasalamin siya.

“bahala nga kayo dyan! magdate nalang kayo. Aki lets go home na. your dad is waiting. Baka mapagalitan tayo” 8pm na din naman kasi.

“okieee” masigla niyang sagot. “tito bye bye. lets play again. Visit me at my tita’s house”

“sure I will” ngumiti pa tong si Lance! jusko! Subukan niyang pumunta sa bahay uupakan ko siya!

“promise tito? You’ll play with me there? promise???” inaabot pa niya yung pinky finger niya para magpromise sila. Jusko!!

“okay” at ganun din si Lance! ayan na sealed na yung promise

“LETS PLAY TOMORROW!” si Gail naman matawa tawa na sa nangyayari. Nakakainis naman. Kasi naman botong boto pa din siya kay Lance. feeling ko napagtaksilan ako ng bestfriend ko!

“tama na nga yan! Alis na tayo Aki.”

“okay tita” humawak na siya saakin. Nagpaalan na ako kay Gail at kay Seb except kay Lance. bahala siya dyan!

“Bessy! Alam ko na. nasabi na saakin ni JL when I confronted her.” Bulong niya saakin nung nagbeso beso ako sakanya.

“HAH?”

“don’ be too obvious bessy hahaha.”

“b-baliw! Hwag mo nga ko pinagti-tripan!” naglakad na kami ni Aki papalayo sakanila when I heard Lance’s voice

“Shalot may naiwan ka!”

Humarap ako sakanya at tinanong siya “ano?”

“yung puso ko! hahaha”

“b-baliw! Magsama nga kayo dyang tatlo!”

“kung ihatid nalang kaya kita? Tutal asawa naman kita!”

“LANCE UUPAKAN KITA! Tumahimik ka!”

“yieeee tita and tito together.” Isa pa tong batang to!!! Ano bang pinakain ni Lance sa batang ‘to?

“tito said kanina na tawagin kitang mama pag sa harap ng ibang guy para daw magmukha tayong family!” shemay!!! Kaya naman pala tinawag akong MA nitong batang ‘to kanina!

Hindi na ako tumigil ulit sa paglalakad pero mula dito siguro tanaw pa din yung tatlo.

“SHARLOT!” sige sigaw pa! nakakahiya ka Lance. akala mo wala kami sa mall eh >///<

“I LOVE YOU! BASTA WALA KANG BOYFRIEND MAY PAG-ASA PA AKO!”

“TSEEE MANAHIMIK KA DYAN NAKAKAHIYA KA!”

“yieeeeeeeeeee” anakng! May payiiiieeeee yieee pa yung mga tao dito sa mall!

“SHARLOT MAHAL NA MAHAL TALAGA KITA!”

“OO NA MAHAL MO NA AKO! WALA NA BANG IBA DYAN? DI TUMATALAB!”

“yieeeeeeeeeee sagutin na yan!” ay leche!!! Bakit ko ba kasi pinapatulan yang pagsigaw sigaw niya dyan! nakakahiya!

“HIHINTAYIN KITA BUKAS SA MAY RESORT! MAGDATE NAMAN TAYO!”

This time tumigil ako sa paglalakad. Ewan ko. hindi ako naiinis. Kahit na nakakahiya yung mga pinaggagagawa niya ngayon! in fact napapangiti ako kasi ang normal na tao hindi ito gagawin. Knowing Lance. kaya niya talaga! Kasi ABNORMAL YAN! Daig pa ang babae sa mood swings! Kaya niya gawin lahat ang magsungit, magpakabait, mag-ingay basta lahat pag tinopak siya! kahit na mg anakakahiyang bagay gagawin niya mapatawad ko lang. ganun siya. alam kong he’s trying his best.

Pero kasi hindi naman ganun kadali eh. Ano ngayon kung mahal ko pa siya? wala din naman saysay kung ayaw sakanya ng pamilya ko.

“BAHALA KA! Wala kang hihintayin dun” pahina ng pahina ang pagkakasabi ko niyan.

“I’LL TAKE THAT AS A YES!”

“ewan ko.” lagi naman siyang ganan. Kahit hindi ako pumayag sigurado pupunta pa din siya dun. Amp. Resort? Yung malapit siguro kina tita niya.

“BASTA HIHINTAYIN KITA AH! MAY HINANDA AKO DUN!”

“EWAN KO BAHALA KA!” kahit anaman anong sagot ko tiyak nandun ka. Pasaway ka kasi. Bakit ba mahal na mahal mo ako?

Nakakainis tuloy. Kahit akala ko nakalimutan na kita noon, hindi talaga kasi pagkakita ko palang sayo, wala na. nakalimutan ko ng nakalimutan kita. Isa pa kasing pasaway tong puso ko. laging ikaw hinahanap! Pasaway talaga.

“tita! I’ll go there too!”

“hwag na. date ko yun para masolo ko naman siya” anakngAMP! Ano tong sinasabi ko???

 ************************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: