Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22: a Jealous bestfriend!

Chapter 22: a Jealous bestfriend!

 

 

JL’s POV

 

 

“yeah and so?” Gosh! Ano ba ‘tong pinasok ko? kahit na alam kong kapatid niya tong ever kinaiinisan kong babae na ‘to pumayag ako sa dating stage na ‘to!

“desperada ka! Pati kapatid ko?” >.< halatang may galit naman ‘to sakin

“hahaha baliw! Hindi ako katulad mo na pinagsisiksikan ang sarili mo! Adik ka na siguro? Kapatid mo ang nag-aya saakin! Kapatid mo ang may gusto saakin!”

“MALANDI KA!” ang ayaw ko sa lahat ang tinatawag akong malandi! Baka mamaya totohanin ko

“what’s up with you? Ang laki ng galit mo sakin ah! Dahil ba hindi mo nakuha si Nathan Lance Mariano hah?”

“siguro gusto mo siya nuh? Siguro---“

“paano kung gusto ko nga? May magagawa ka ba?”

“KITA MO NA! MALANDI KA MALANDI KA!!!”

“hoy! kanina pa kayo nag-aaway ah. Di pa ba kayo tapos?” singit nitong Erick.

“baliw na yang kapatid mo. Mana yata sayo! Isa ka pa eh. Kanina pa ako inaaway ng kapatid mo tapos hinahayaan mo lang. baka mamaya masabunutan ko pa yang kapatid mo” pagbabanta ko kaya naman lumayo ng konti saakin si Eris HAHAHA

“kuya nakakainis ka! Bakit siya pa? bakit siya???” wala naman ibang ginawa ‘tong Erick na ;to kundi panuorin kaming mag-away. Gandang trip lang ah.

“alam mo Erick bagay ang kapatid mo sa isang kaibigan ni Miyuki. Si Dennis pareho kasi silang Loser hahaha. Sige aalis na ako. see you again Loser. Bye” lumabas na ako sa tinitirahan nilang apartment. Gosh lang yung kapatid ni Erick. Hindi ko akalain na ang laki ng galit niya saakin hahaha. I don’t know pero nag-eenjoy akong bwisitin ‘tong Loisa na ‘to haha. It’s freaking awesome!

Pag-alis ko sakanila, well obviously di na ko magpapahatid kay Erick. Dun siya sa kakambal niyang possessive haha. As if aagawin ko ang Erick na yun! Kahit sila pa ang magpakasal. So then, I went to my favorite bar! I’ll drink and dance tonight and will find my one and only for this night! Just for this night though.

Pagpasok ko, I saw Lance. ano naman ginagawa nito dito?

“problem?” I asked pagkaupong pagkaupo ko sa tabi niya

“don’t know” then ininom niya yung hawang niyang shot glass.

“Miyuki” I guessed

“JL nagseselos ako”

“what? Hahaha. Hindi nga kayo tapos nagseselos ka? Poor you Lance” I teased. Napakamanhid naman ni Lance para hindi mahalatang mahal pa siya ni Miyuki. My gosh.

Nag-order na din ako ng iinumin ko. nas amay counter lang kasi kami.

“wow nandito ka din” nilingon ko kung sino yung nagsalita. Si Ales lang pala.

Feeling ko talaga may galit sakin to -____-

Alesana’s POV

 

 

Eeeehhh! What’s this? Bakit magkasa sila? Akala ko ako lang ang tinawagan ni Lance! bakit nandito si JL? :(

Tumabi ako kay Lance. nalungkot naman ako. napalitan na ba ako? hindi na kaya ako ang bestfriend ni Lance? insecure tuloy ako kay JL. dahil ba mas maganda siya saakin? Pero maganda din naman ako! mas fierce nga lang si JL saakin. Personality palang and the way she looks. :(

“so am I a nuisance here?” tanong ni JL saamin. Hindi naman ako makasagot kahit na saakin siya nakatingin >.<. makaramdam ka nalang!!!

“great. Bye” tumayo siya at saka lumapit sa ibang table. Grabe siya! nagawa pa niyang makipag-flirt!

“tss” uminom lang si Lance. wala ba siyang balak sabihin saakin ang pinoproblema niya?

“anong problema mo?” tanong ko sakanya.

“ikaw may problema ka ba?” pagbabalik niya nung tanong saakin.

“wala selos ako >.<” sabi ko sakanya

“ah ganun din ako. iba nga lang” hah? ano daw? Selos din siya pero iba nga lang? @___@

“sabihin mo kung may galit ka sakin. After all we’re bestfriends” he said

Sasabihin ko ba? Na kahit papaano nagagalit ako sakanya? Kasi parang kinalimutan na niya ako. :(

“naiinis kasi ako sayo Lance. parang simula nung nawala si Miyuki sayo parang wala ka ng tiwala saakin. Never ka na nagsabi ng mga problema saakin. Pumupunta nga ako sa bahay niyo kaso lagi ka lang nagkukulong o kaya naman busy o kaya malala pag wala ka dun at kelangan ka pa namin hanapin tapos malalaman namin na nandun ka lang pala sa tabi-tabi!”

“ano pa?” bakit ba? Pinapunta niya ba ako dito para ako ang maglabas ng sama ng loob? akala ko ba siya? >___<

“nakakainis ka!!! Naiinis ako sayo kasi parang si JL na ang bestfriend mo! Ano na pala role ko sayo? Parang inagawan niya ako! nakakainis lang kasi hindi lang pala boyfriend ang kaya niyang sulutin! Pati pala bestfriend! Pero hindi ko naman sinasabi na masama siya ang akin lang nakakagalit kayong dalawa! Nagsosolo kayo. Di niyo ko sinasama! Ano ba ako? diba bestfriend mo ako?” T____T

“ano pa?”

>_______<

“tapos pagbalik ni Miyuki, laging sa new found bestfriend mo ikaw at saka sa ex mo! Diba ex o din naman ako? bestfriend mo din naman ako? pero bakit di ka saakin nagsasabi ng problema! Oo okay lang saakin na pinupuntahan mo si Miyuki syempre mahal mo yung tao. Pero diba din a kasi kita maintindihan simula nung inilalayo mo sarili mo! You kept on blaming yourself kasi noon!”

“I see” uminom lang siya ulit. Tapos nakita ko siyang ngumiti. Pagkatapos ko sabihin lajat ng ranting ko ngingiti lang siya dyan?

“wanna know something?” tumango lang ako bilang sagot na gusto ko malaman ang sasabihin niya.

“don’t tell anyone about this. Pumunta ako ng Japan”

“alam ko na yan eh!”

“di ko siya nilapitan”

“alam ko na din yan!” ngumiti lang siya sakin. Akala ko ba may sasabihin siya? yun na yun?

“sinabihan ako ng mga kuya niya na layuan ko si Sharlot. Hwag ko muna kausapin. Kung hindi, hindi niyo na siya makikita. Ayoko maging makasarili. Hindi ko pagmamay-ari si Sharlot para magdecide kaagad. Inisip ko kayong mga kaibigan niya. naalala ko ang sinabi saakin ni dad noon, nung kinausap niya ako” he paused. Siguro inaalala nanaman niya.

“hwag maging makasarili. Sinabi niya yan sakin nun, nag-away pa kami ni daddy ng dahil dyan sa hwag maging makasarili na yan. Nandun pa si Sharlot nun”  @___@

“pinapashift ako ni dad ng course, sabi ko ayoko pero nagalit siya. hindi daw ako nag-iisip. Hindi ko man lang daw ba inisip yung mga nagtatrabaho saamin? Madaming mawawalan ng trabaho pag wala na sila dad. Pag walang magpapatakbo nung kompanya” ng dahil du nag-away sila ng dad niya? yun ba yung sinabi saakin ni Xyla na nagsigawan ang dad niya at si Lance sa harapan nila kahit nandun siSharlot. Yung parang Think daw ang natatandaan lang ni Xyla doon eh! Magkukwento nalang siya di pa detalyado >.<

“kaya nga ngayon heto ako, nag-aaral pa ulit. Ganun din naman ginawa ko samin ni Sharlot. Inisip ko lang kayo. Ayoko maging madamot. Natatakot ako nab aka hindi ko siya Makita. Natatakot lang ako nab aka magalit kayo lalo saakin pag nawala siya sainyo ng dahil sakin. Okay lang siguro kung ako lang, basta hwag kayo.” Aww

“pero may choice ka naman sabihin samin Lance”

“pero diko pinaalam” eh?

“bakit hindi mo sinabi? Bakit kasi nanahimik ka at tinanggap lahat ng panghuhusga?”

“wala, gusto ko patunayan sa mga kapatid niya na may paninindigan ako. mahal ko pa din naman si Sharlot. I just don’t know how to prove that but on the second thought I don’t need to prove myself. Alam ko namang hindi lang sapat na mahal ko siya.”

“at di din sapat na may tiwala ang isa sainyo. Dapat pareho kayo” tuloy ko. napangiti naman siya dun.

“Lance mahal mo siya, may tiwala ka sakanya. Pero para maging successful ang isang relationship, para saakin, kailangan mahal niyo isa’t isa diba? Dapat may tiwala diba? pero sa case niyo hindi lang sapat yun kasi dapat pati ang mga taong mahahalaga sainyo tanggap kung anong meron kayo. Mahirap yan lalo pag ang sumasalungat ang pamilya na niya. hindi mo sila masisisi Lance. nasaktan ang bunso nila. Siguro ganyan ka din naman kung mangyayari sa kapatid mo yan, n asana hwag naman.”

“I know. Ang akin lang, I want to earn her trust first. Kahit hindi na niya ako mahalin ulit. Pero ang gago ko kasi. Hindi pa nga kami kung umasta na ako para niya akong boyfriend. Sht. Ales! Nagseselos kasi ako kaya kita pinapunta dito!”

“hah???” ano daw? Ang haba ng kwentuhan namin tapos iba pala ang gusto niyang topic?? Aba loko to ah!!!

“may kilala ka bang aki? May nabanggit ba si Gail o---“

“aki? Sino yun? Boyfriend ni Miyuki?” may boyfriend ba si miyuki? Ang alam ko kasi wala >.<

“she said special someone daw niya. sht! Ales paano kung may mahal na siyang iba? Paano ku---“

“BALIW! Tingin mo madali kang kalimutan pagkatapos ng mga ginawa mo sakanya? Tanga ka ba Lance? kahit galit pa ang nararamdaman sayo ni Sharlot ngayon at least ikaw pa din ang iniisip niya! pag may galit siya sayo ibig sabihin mahal ka niya! kung pinapahirapan ka man ni Miyuki ngayon then Endure! Hwag ka nga papadala sa emotions mo! Grabe ah! Ngayon lang kita nakitang ganyan hahaha. Nabaliktad ang mundo! Dati si Yuki ang ganyan. Wow! Ang taray ni Miyuki ah! Isang Lance Mariano ang napaparanoid dito sa bar kakaisip kung sino si Aki? Grabe! Ang dami natin intro ang daming kadramahan tapos heto lang pala ang gusto mong sabihin HAHAHAHA”

Uminom nalang siya ulit at namumula na siya hahaa. Mahal na mahal niya talaga si Miyuki.

Nagtext ako kay miyuki kung sino si Aki. And then heto ang reply niya: HAHA nagseselos ba si Lance? ddon’t tell him. haha Aki is my nephew. Sobrang cute nya. Just tell him boyfriend ko tong si Aki. Hayaan mo siya dyan! kapal niya para nakawan ako ng kiss sa pisngi! Aba! Ano siya swerte? Bahala siya dyan!

GRABE!!! Tumawa nalang ako dito ng tumawa! Kasi naman eh! BATA NAMAN PALA ANG PINAGSESELOSAN NG UNGAS NA TO!!! HAHAHAHA

“oh? tawa ka dyan?”

“wala! Si Kysler kasi tinatawag na ako! hahahaha. Bye bye”

“what? Iiwan mo ko dito?” naguguluhan niyang tanong sakin.

“yup. Haha. Kaya mo nay an! Matanda ka na! hahahaha.”

“tss. Oo na.” tumayo na ako pero bago ako umalis nagsalita muna ulit ako. “ako ang bestfriend mo hah. hwag kang magkakamaling sabihan muna ang iba bago ako!. dapat ako muna bago sila! Maliwanag? Kung si JL ang pagsasabihan mo ng problema magtatampo na talaga ako sayo! Selos na selos na nga ang Mal ko ng dahil sayo! Sabi niya saakin ano daw ba kita? Parang ikaw pa daw ang boyfriend ko eh hahaha. Sige hah. magagalit na real boyfriend ko. sige ka suntukin ka pa niya. Basta Lance hah!”

“oo na sabi. Alamin mo kung sino si Aki ah!”

“oo na hahaha. Grabe ka hahaha”

“tss tawa pa. kaya ayoko sabihin sayo” -_____-

“wala! Dapat sakin mo sasabihin mga yan!”

“oo na. hwag lang makakarating yan sa iba. Kundi kukutusan kita” hahaha nagbanta pa talaga siya.

Naglakad na ako then nilapitan ko muna si JL.

“JL pabantayan si Lance ah. Puntahan ko muna boyfriend ko. may date kasi kami nun ngayon.”

“ano ako ni Lance? yaya?”

“tanggap ko na JL. ika wang second bestfriend niya! kaya dapat magkasundo tayo!”

“bestfriend? Heck no! lalandiin ko nalang siya! sige na! sulutin ko boyfriend mo eh!”

“baliw! Basta paalagaan si Lance ah”

“I’m not his nanny. Bahala siya dyan. tawagan mo yung Miyuki niya.”

“as basta! Sayo dapat! Sayo ko pinagkakatiwala ang pagiging second bestfriend ni Lance! pero dapat saakin muna magsabi si Lance ng problem bago sayo! Nagseselos kasi ako sayo!. MALIWANAG?”

“daming satsat umalis ka na nga” itaboy ba ako!

Wala naman kasi ako magagawa kung magaan loob ni Lance kay JL. may aura kasi si JL na mapagkakatiwalaan mo naman despite sa mga nagawa niya noon. At least yung kanina, parang pinapunta lang din ako ni Lance dito para liwanagin na ako ang bestfriend niya. kasi sinabi niya saakin yung about sa Japan. Inisip lang niya kami. At ayaw niyang maging makasarili, marahil ayaw lang niyang mawala si Miyuki ng tuluyan saaamin ng dahil sakanya. Dahil baka ilayo siya pati saamin pag hindi niya sinunod ang mg akapatid ni miyuki :(.

Dapat hwag maging makasarili, isipin din ang mga taong nasa paligid.

Kaya bilang bestfriend ni Lance, kelangan ko din tanggapin na may mga iba pa siyang malapit na kaibigan kesa saakin. Na hindi na lang ako lagi, kasi may mga bagay din akong hindi kayang intindihin sa mga panahon tulad noon. May pagkukulang ako na makikita naman sa iba kaya dapat hwag maging selfish. Dapat isa alang-alang ko din ang mga taong nakapaligid saamin.

**********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: