Chapter 20: Please?
Chapter 20: Please?
“sus ginoo! Feeling ka naman! Mahilig lang ako magtanong! Selos selos ka dyan! umbagan kita ng suntok eh! Kahit na maghapon pa kayo dun bukas at kung magkadevelopan man kayo. Wala akong pakialam. Ang kapal talaga ng mukha!”
“selos ka! Aminin mo!”
“BALIW! hwag ang ngumingiti-ngiti dyan Lance! kadiri! Selos? Haha may boyfriend ako!”
“single ka sabi ni Gail”
“nagsisinungaling siya”
“hindi”
“kadiri talaga. Basta hindi ako nagseselos. In your face!” pagkasabi ko ng mga yan sakanya umalis na ako sa harap niya at pumasok na. feeling ko naman bahay ko ito hehe.
Kinabukasan, okay na yung sasakyan ko kaya ayun umuwi na ako. yung damit ni Claire ay ibabalik ko nalang pag bumalik pa ako dyan haha.
“Miyuki!” bigla ba naman akong yakapin ni Seiji haha
“I know you miss me so much b-but I can’t breathe” pag-OA ko lang kaya binitiwan na niya ako haha.
“I was so bored here!”
“para yun lang. sana lumabas ka kasi haha”
“what?”
“nothing Seiji” pumasok na ako sa loob at saka nagpahinga na muna.
masyado ba akong obvious? Pero hindi naman ako nagseselos eh. Kahit na maghapon pa sila dun wala naman akong pakialam. Celina? Okay naman siya maganda naman siya at mas bata haha
nagseselos nga ba ako? amg babaw naman nun hahaha. Isa pa ang laki ng kasalanan saakin ni Lance. mababaw siya! saka isa pa humihingi siya saakin ng chance tapos heto ang gagawin nya? Aba! Ano siya? sinuswerte?
Buong araw ata akong nakahilata lang sa kama ko. pinagmamasdan ang aking kisame at nag-iisip isip. Bibigyan ko pa ba yun ng chance? Kinuha ko si Dwayne na kanina pang nakatitig saakin.
“Dwayne bakit ba Dwayne ang pangalan mo? Worth it pa ba yung nagbigay sayo sakin? I mean pagbibigyan ko pa ba siya?”
“sana Talking blue rabbit ka nuh? Para may kausap ako. kaso nakakatakot naman kung bigla ka magsalita dyan haha” nababaliw na ako! bakit ko ba kinakausap ang rabbit na ito?
*riing riing*
Sinagot ko agad yung cellphone para wala ng maingay.
“yes hello?”
[ah Sharlot] napaupo ako bigla nung marinig ko yung boses niya.
“bakit?”
[are you free tonight?]
“why?”
[pwede ka bang yayain magdinner?] wow! Mas confident na siya ngayon compared last time ah. I mean din a siya nauutal.
“ayoko nga”
[bakit? Are you busy?]
“hindi naman ayoko lang. by---“
[I’ll wait]
“hah? –anong pinagsasabi mo dyan? hindi nga ako payag eh”
[I’ll wait. Sa Garden Palace, 6pm] Garden Palace? Yung dating pinupuntahan namin?
“hwag ka na maghintay wala ka naman hihintayin Lance. sige bye” I hanged-up. Ang lakas ng loob na yayain ako magdinner! Sa Celina siya magpasama. Para ayos hehe.
4pm na din naman kaya nakakatamad na. lumabas na muna ako ng kwarto ko. si ate Aj nandito.
“hello” bati niya saakin with sweet smile pa. she’s pretty
“wala pa si kuya Shizu” I said
“no it’s okay I’ll wait. Alam kong busy naman siya. saka kasama ko naman si Seiji”
Tumabi ako sakanya saka nag-usap muna kami ng mga bagay-bagay hanggang sa matanong ko siya about sa relasyon nila ni kuya.
“actually, hindi ko kasi alam kung kami talaga? Pero sabi niya kasi feel free na pumunta lang ako dito kasi somehow natutuwa daw siya pag nandito ako. pero diba ayaw niya ng madaldal pag pagod siya? kay anga hindi ako nagsasalita kapagka ganun saka pinapatigil lang din naman niya ako magsalita” nakita ko siyang nagblush. Parang I smell something fishy about sa pinapatigil magsalita hehe
Magtatanong pa sana ako kaso bigla naman may tumawag saakin.
“hello?”
[Bessy! Puntahan mo ako dito! Ayoko na! bahay ko nga to nakakatakot naman!]
“anong nangyari ba?”
[si ate Roxan kasi! Pinapahirapan ako! alam mo naman na di ako masyadong magaling magluto diba? Turuan mo nga ako magbake!] ay ang labo ni bessy haha. Magluto daw pero magbake.
“osige punta na ako dyan ah”
So dahil nga kinakailangan niya ang aking tulong pumunta naman ako agad doon. At nakita ko yung si ate Roxan. >.< sungit ng itsura! Ipalapa ko siya kay lolong eh hahaha. Mean Miyuki!
Nagpapalinis pa nga siya ng nail nung dumating ako. feeling niya kanila yung bahay na ito! Bahay naman nila bessy ito eh. Amp siya! wala siyang karapatan pahirapan ang bessy ko >.<
“kumusta kayo ni Lance?” ewan ko pero yan ang bigla niyang tanong saakin pagkaakyat namin sa kwarto niiya
“ayos naman” kinukulikot ko yung mga stufftoy niya naghahanap ako kung may rabbit haha.
“walang rabbit dyan girl. Bilhan nalang kita” sabi niya na para bang nabas aniya ang nasa utak ko hahaha.
“bessy hwag na! meron naman ako”
“sus yung dati pang bigay ni Lance? nasan na pala yun?”
“kasama nung iba kong stufftoy. Naglalaro sila tuwing gabi. Lumilipad hahaha” tinatakot ko lang si Gail kasi matatakutin yan kagaya ko haha.
“hindi na ako pupunta sainyo!” bulyaw niya hahaha. See? Takot yan eh XD
“dapat lagi mo kasama si Seb! Para naman hwag ka matakot. Haha”
“parang ikaw hindi takot ah! Teka bessy 8pm na pala. Pupuntahan ko nap ala si Seb, may pupuntahan kasi kami eh. Ano sabay ka na?”
“osige” ^__^
Sumabay na ako sakanya kasi madadaanan naman niya yung condo namin. Pero habang nasa daan kami napansin ko yung way papunta dun sa may garden.
“ah Gail! D-dito nalang pala ako” nandun pa kaya yun?
“hah? malayo pa yung sainyo ah. Sure ka?”
“oo may bibilhin pa kasi ako”
“samahan na kita hindi naman ako nagmamadali eh”
“h-hindi na bessy! Naku baka malate ka pa dun sa pupuntahan niyo ni Seb nakakahiya naman. Saka car ni Seb ito diba?”
“o-okay sabi mo eh” hininto na niya sa may gilid ng daan yung car niya tapos binilin pa niya ako na kapag daw may problema tawag daw ako agad sakanya. Ganun hehe.
Nandun pa kaya si Lance? grabe ang ginaw pala! Sana hindi na ako bumabasa sa sasakyan kanina >.<
Naglalakad ako habang hawak-hawak ko ang braso ko! maginaw kasi!
8:30 na eh. Feeling ko wala na yung si Lance dun. Pero hindi naman masamang i-check? Nakakakonsensya din kasi. Lalo na maginaw kasi. Baka magkasakit pa >.<
Kasalanan ko pa kung magkataon man! Pumara na ako ng taxi at nagpunta doon. Pagbaba ko parang wala naman bakas ng isang Lance Mariano dito? Pero kahit di ko naman siya Makita ayos lang. tutal nandito na din naman ako. pumunta na ako dun sa lagi naming pinupuntahan. Medyo madilim na pero may mga dim light pa naman doon.
“wow!” ang ganda pa din nitong lugar! Buhay na buhay pa din ang mga halaman at maganda kasi nagkalat yung mga bulaklak! I mean petals pala haha.
Lumapit ako sa fence at laking gulat ko nung Makita ko yung dagat! Ang ganda niya! kasi may mga lumulutang na kandila! Ang ganda talaga!
Heto kaya ang ginawa ni Lance? okay lang na wala siya dito. Nakita ko naman. Pero mas maganda sana kung naghintay siya.
Tumingin ako sa watch ko. at 9:19 na pala. Dapat na yata akong umuwi. Baka mag-alala pa ang kuya ko saakin.
Paalis na ako nung may marinig akong nag-uusap sa may baba. Dun sa may dagat. Kaya lumapit ako sa fence kasi familiar ang boses at hindi nga ako nagkamali. Si Lance.
“mukhang sayang effort natin hijo.”
“hindi naman siguro. Saka Okay lang” sagot naman ni Lance
Patuloy lang akong nakikinig. Ayokong magpakita baka isipin niya sinipot ko siya. teka? Sinipot ko nga! Dahil concern ako sa health niya! tama yung health kasi niya sakitin pa naman yan.
“sayang yung fireworks na pinahanda mo” parang nanghihinayang pa yung matanda nung sinabi yun.
“hindi yan sayang. Mapapanuod mo naman manong haha”
“aba eh! Sisindihan ko na ba ito hijo?”
“o-osige po” ewan ko. bigla ako napangiti doon. Kasi hindi siya nabadtrip dahil akala niya hindi ako sumipot.
Si manong sinenyasan niya yung nasa kabilang side. Sa may gilid nila. Gamit ang isang ilaw na iwinawagayway! At pagkatapos umupo si Lance sa may malaking bato at sinamahan naman siya ni manong.
Kita ko sila dahil nandito ako sa taas. Mga ilang sandal pa biglang lumiwanag ang kalangitan. Ang ganda niya. tuloy tuloy lang ang pagsabog ng makukulay na paputok sa kalangitan. Pero sa kalagitnaan ng panunuod ko may tumatawag saakin. Agad ko naman itong kinuha at sa pagmamadali kong pindutin ito NAHULOG SIYA sa baba! Dun sa baba talaga sa kinaroroonan nila Lance!!!
“CELLPHONE KO!” oops! Agad kong tinakpan yung bibig ko at umupo para hindi Makita.
Patay ako. baka nakita niya ako! napansin ko siyang lumingon.
Lagot ako!
Tumayo ulit ako para umalis na pero maglalakad palang ako nung biglang nandito na siya sa harap ko pawis na pawis at hingal na hingal.
“y-you came” he said na may tuwa talaga sa mukha niya.
Nabigla ako nung bigla niya ako niyakap. Hindi ako agad nakareact!
“akala ko di ka pupunta.”
“L-Lance layo ka” pero hindi niya ako pinapakinggan! Nakayakap pa din siya saakin.
Ang higpit ng yakap niya. “c-chansing ka na ah!” pero still hindi niya ako pinapansin.
“naaalala mo ba kung anong meron ngayon?” hah?
“a-anong pinagsasabi mo dyan?” hindi pa rin niya tinatanggal yung yakap niya saakin. Feeling ko nagblblush na ako sa ginagawa niya! umiinit kasi yung mukha ko.
“tanda mo pa ba nung naging tayo pero not really official?” oohh yung tinulungan niya ako? yung naging boyfriend ko siya pero hindi talaga boyfriend?
“ngayon kasi yun” he whispered. “I know what I am doing right now is really nothing to you. B-but at least---“ nilayo ko siya saakin.
Magsasalita palang sana ako nung bigla siyang ngumiti.
“okay lang kung ayaw mo nitong ginawa ko. natutuwa lang ako na pumunta ka. I was desperate kaya naman pati pagwish sa fireworks pinatulan ko” he uttered na parang nahihiya pa siya.
“kung hindi mo pa nahulog ang cellphone mo hindi ko alam na pumunta ka pala. Thank you”
Aww. Nagpapasalamat siya kasi pumunta ako? samantalang dapat nagsosorry ako kasi late ako. like when we we’re in college and supposedly we’ll date pero naudlot dahil nalate ako at pinaghintay ko siya ng 6 hours noon. At kahit ilang sorry ang sabihin ko hindi niya ako pinansin kasi may sakit siya noon.
Ngayon nababaliktad na. Nagbago talaga siya.
“Sharlot I love you”
“Lance alam mo namang---“
“then can we be friends? Sharlot please?”
“t-teka? Anong ginagawa mo? Tumayo ka” bigla kasi siyang lumuhod sa harapan ko.
“Lance tumayo ka sabi”
“ayoko gusto ko maging friends tayo”
“Lance naman!”
“please?” hwag kang magpacute! Tumatalab! Benta kasi yung mukha hahaha.
“sige na please? Kahit sungitan mo pa ako araw-araw basta lagi kita makausap. Kahit utusan mo ako araw-araw basta lagi kita Makita” hala baliw na isya! Paano yung trabaho nila diba? Yung Celina niya? pati na din ang JL niya? ang other friends niya kung araw-araw siyang tatabi saakin?
“Sharlot? Di ako tatayo dito”
“bahala ka!” sagot ko saknaya at saka tumalikod then maya-maya bigla siyang humalik sa pisngi ko.
“LANCE!”
“bahala ako eh” what the? Déjà vu?
Feeling ko pinapaalala niya saakin yung mga pinagdaanan namin dati.
“friends na tayo ah”
“oo nga! Hwag ka lang makulit!”
“YES! Hahaha”
“hoy Lance! Friends lang! hindi girlfriend! Kung maka-yes ka naman!”
“ganun na din yun! I LOVE YOU!” >///< sige sigaw ka pa! mamaos ka sana! Friends lang kasi! Kung makasigaw naman kasi ng YES
“baliw ka akala mo naman! Friends lang hindi tayo close friends!” pambabara ko pa
“pareho na din! Basta may friend!”
Baliw baliw! Baliw si Lance! basta may friend. girlfriend? Baliw talaga! Hwag siya magpahiwatig! Kukurutin ko siya ng pinong-pino! Pero in fairness naman daw ngayon lang siya nagpacute haha.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro