Chapter 2: 3 years ago
Chapter 2: 3 years ago
JL’s POV
“Lance we should go now” baka di kami makauwi nito dahil baka malasing nanaman siya at ako nanaman magbabayad ng taxi.
Everytime na nalalasing siya ng sobra iniiwan nalang namin sasakyan niya. But I will not tolerate that this time.
“JL tell me was that Sharlot?”
“no” sagot ko nalang. She’s wearing a mask! How would I know? At hindi lang basta basta mask. Almost three forth ang natatakpan sa mukha niya. Like duh? Nag-iisip ba tong si Lance?
Nauna na siyang naglakad. He look disappointed sa sagot ko. He even took off his mask. Yung mga babae tuloy tinitignan siya. Err like hello? High school palang pinagtitinginan na siya noon. Di pa ba ako sanay? Naglalakad na kami palabas.
Sa three years ang daming nagbago. I don’t know how we got close. Basta after that mess naging close na kami.
I pity him. really.
But I also admire him for his loyalty to Miyuki. Maybe? Or maybe not?
Hindi ko alam kung may naging past relationship ba siya or whatsoever.
I don’t effin’ care about his boring life but well I guess i care but not that much.
He can walk straight pa naman. He went inside his car kaya naman pati ako na din. Sayang ang dress.
JL JL JL, lagi naman! Di pa ba ako sanay? Gosh! This guy!
“you think hindi talaga siya yun?” halatang kinakabahan siya while asking me.
“yeah, hindi siya yun. And oh well! Sasabihin naman ni Gail kung uuwi si Miyuki and besides close sila ng kababata mong si Kysler right?” tumango nalang siya then pinaandar na niya yung sasakyan niya.
Natatandaan ko pa yung noon.
Nung araw na umalis si Miyuki.
I was on my way to see her off to tell her that I’m glad that I met her. That she should at least come back here alive and still the same Miyuki I know.
I was in the cab when I saw his motorcycle parked at the vacant lot.
At first nag-alinlangan pa ako kung bababa nalang ako. but when we passed that place I saw him there lying and bloods were everywhere. What I mean is that stains were everywhere!!!
Kaya naman napababa ako noon and went closer to confirm kung siya nga.
And no doubt siya nga talaga yun nun.
Halata naman na napaaway siya.
‘Pero bakit ngayon pa?’ I asked myself.
I called his attention; he opened his eyes, smiled and said something “JL I’m a pathetic loser”
Tinignan ko lang siya and told him “get up Lance, puntahan natin si Miyuki”
Tumayo nga siya noon, pero too late. kahit na sobrang lapit na namin. Too late.
Tumingin ako sa watch ko
“nakaalis na siya” he said
“it’s 2pm already, paalis na siya” habang nakatingin siya sa itaas.
Masasabi kong iyon ang unang beses kong nakita siyang umiyak sa harapan ko.
Wala naman akong magawa noon kundi lapitan lang siya at punasan ang dugo sa mukha niya.
In the first place wala akong sapat na dahilan para awayin siya and ‘di ko din naman alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. And why did he do that to Miyuki.
We were too close and yet hindi kami nakapunta para magpaalam o Makita lang sana si Miyuki bago siya umalis.
***
“JL!!!” sigaw ni Lance saakin. Nasa school kami ngayon.
“ano? Kumusta na katawan mo? HAHA ang pathetic mo talaga!” kumunot lang yung noo niya at tinaasan pa ako ng kilay.
Gosh! Below the belt na ba?
“yeah” sagot niya
Kaso yung mukha niya may Band-Aid pa. ilang araw pa lang na wala si Miyuki.
“nuod ka sa game namin”
Crazy -___-
Wait? Ano daw???
I gave him a what-the-heck look! Kasi naman why did he asked me to watch him ayt? Creepy Lance
“great, anong nangyayari sayo?” direct to the point kong tanong.
“look Lance wala akong oras na manuod ng game mo. DUH! Lance! idadawit mo pa ang sa mga kahibangan mo. Look what you just did to Miyuki! Hinayaan mo siyang umalis. And now what? Lahat sila and yeah idamay mo na din ako. lahat kami naghihintay ng reason mo. Hindi nga siguro halata but I do have care to Miyuki.”
“can I trust you?” yun lang ang nasagot niya sa hinaba-haba ng sinabi ko. and note! He asked me if he can trust me?
“why? Sasabihin mo?” I crossed my arms.
“after the game.”
Weird.
***
Napatingin ako ngayon kay Lance. He’s driving. Di na din siya nangahas na magtanong pa.
About sa babaeng naka red kanina. She looked gorgeous. But I think he just made a mistake.
“what?” tanong niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sakanya
“nothing” I lied. Naalala ko lang kasi yung mga nangyari noon. Mula nung umalis na si Miyuki.
“liar” he mumbled.
Alam kong alam niyang nag-aalala ako.
Pero matagal na yun. Wala na yun.
Okay na kahit nandito na si Miyuki.
“Lance okay lang yan”
***
Kalagitnaan na ng game. Bakit ganun?
“nakakainis naman yung mga kalaban nila!!!” sigaw nung babae sa likod ko
“NUMBER TEN!!! GALINGAN MO NAMAN NGAYON!! ILANG GAME NA PINATALO NIYO!!!” sigaw pa niya
Number ten? That’s Lance.
Napatingin ako sakanila. They are all acting weird. Last time I watched them hindi sila ganito.
Lance WAS so amazing and so his teammates.
Then ngayon magkakalat sila?
Halatang inis na inis na sila. Hindi sila naglalaro eh!
Nagkakalat lang sila! Nakakainis. Kaya ba niya ako pinapunta dito para manuod ay para makita ko siyang magkalat sa field? Is he insane? Nakakairita!
Naiinis na talaga ako dito. Tumayo na ako at bumaba sa kinauupuan ko. I can’t take this. THAT GUY IS NOT LANCE MARIANO! HE’S NOT MY CLASSMATE!!! YANG LALAKING YAN AY ISANG MORON! ISANG PATHETIC! ISANG NAKAKAINIS!
I went to the game announcer’s place and took the mic by force.
“Hey damn pathetic moron! What do you think you’re doing!” halatang nagulat silang lahat saakin. Lalo naman yung announcer
“oi miss, ano ba---“ I cut him off and continue “Lance! ano ba! Pinapunta mo ba ako para dyan? for what? To see and watch a loser like you? Gosh Lance! I told you I do----“ fck it! Inagaw nalang nung announcer yung mic saakin
“miss bawal yan.” Saka niya ako tinitigan ng matalim.
“fine!” saka na ako umalis. Lahat sila nakatingin saakin.
Haist Lance Mariano nakakainis ka! Nasisira ako lalo ng dahil sayo!
***
Nakatingin lang ako ngayon sa labas ng kotse.
Si Lance. sa tutuusin naawa talaga ako sakanya.
He loves Miyuki so much.
“buti ka pa” wow? Nagsalita na siya
“bakit naman?” nakatingin pa din ako sa labas. Umaambon na.
“you’re done with him right?”
Ah. Yun pala
“yeah, naka move on na ako haha. Para nga akong tanga na naghabol sa wala noon. Natatawa nalang ako pag naalala ko yun” nakakatawa pag naalala ko ang mga araw na hinahabol habol ko si Jake.
Kahit na lagi ko siyang kasama noon. Wala naman siyang ibang bukambibig kundi MIYUKI. Dapat nga galit ako dito kay Lance dahil pinakawalan niya si Miyuki. Pero life must go on.
Ano ba si Jake para isipin ko pa?
“Lance dapat gayahin mo ako haha”
“yeah right tss”
***
Buti at kahit gumawa ako ng iskandalo hindi naman ako pinalayas o pinakaladkad sa mga guard.
Lahat sila umayos na. kumbaga I hit them al!!! Lahat sila sa team.
After ko kasi dumada doon nag-usap usap sila. And there. Don’t know kaya naman pala nila tapos nag iinarte sila.
Natapos ang game at natalo ang kalaban nila.
Pero si Lance hindi pa din Masaya.
Naiintindihan ko naman because wala nga si Miyuki sa tabi niya
Nang matapos na ang game hinihintay ko nalang siya. Pagkatapos nila maligong lahat, sama sama na silang lumabas. Ang bigat ng feeling. Hindi ba dapat Masaya sila? Bakit sila ganito ngayon?
They won right? Then what’s up with mood? Kairita ah!
“hey anong nangyari sainyo?” I asked Lance
“That was our last game” he said firmly then napansin ko na he closed his fist
Hah?
Napatingin ako sakanilang lahat.
“hey are you kidding?”
“why would I JL?”
Hinila ko si Lance palayo.
But then bago pa kami makalayo. May mga humarang na saamin.
Ang dami nila. At yung iba pa ay mga kalaban nila sa game kanina.
Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Basta bigla nalang nagkagulo.
I can’t help myself but to scream and cry. I even tried to stop them but I failed.
***
Hindi ko alam kung bakit ko naalala ang mga kaganapan na yan.
Bigla bigla nalang nagflash ulit ang mga yan ng dahil sa sinabi ni Lance kanina.
‘she looks like her’
Napangiti nalang ako.
Imposible. Kung siya nga yun mamumukhaan niya ako at pati na din si Lance.
Ng dahil sa isang salita lang ni Lance ng ‘Sharlot’ naaalala ko nanaman ang mga nangyari.
Mga gulo na kelan man hindi pinaalam ni Lance sa mga malalapit sakanya.
Gulong gusto niya siya lang ang lumutas mag-isa.
Pero gayon pa man.
Kung ako ang nasa katayuan ni Miyuki. Mas gugutuhin ko pang kalimutan si Lance at wag ng alamin ang dahilan niya.
Dahil maiinis lang ako.
Maiinis lang ako kasi bakit gusto niya siya lang? bakit gusto niya siya lang ang lumulutas at nagsasakripisyo?
Kaya kung ako si Miyuki kakalimutan ko na siya at hinding hindi na babalik pa dito.
--------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro