Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: After that Nightmare

Chapter 17: After that Nightmare

 

 

 

Pagkatapos nung scene namin sa dalampasigan kanina napag-isip-isip ko na ang timang ko. why? Kasi sabi ko depende pa kung bibigyan ko siya ng chance. Pero parang binigyan ko na siya kasi gusto kong patunayan niya sarili niya? buti hindi siya nakahalata? Nabobo na kaya siya? pwede naman yun. Baka nga bobo na siya. Mali! Bobo na pala siya dati pa. nung hinayaan niya ako naging bobo siya.

We’re still watching. Pareho kaming hindi makatulog. Kanina nakahiga na ako doon sa kama. Ready to sleep na nga! Kaso hindi ako makatulog. Nababanas ako! iniisip ko palang na kasama ko siya dito naiinis na ako. amp! Pero natutuwa ako sakanya kaninang sumusunod siya sakin. Kasi wala! Nakakatawa siya at tingin ko nakakatawa din ako! timang ako pero MAS naman siya. aish.

Nilipat ko yung channel ng hindi siya tinatanong kung pwede ba ilipat. Pakialam ko ba sakanya kung ayaw niya yung palabas. Hindi naman yan palanuod ng TV or movies.

Napansin kong napatingin siya sakin. Hinayaan ko lang siyang tumitig. As if naman maiilang ako. so then, nanuod lang ako at hindi ko siya pinapansin kahit na parang ang tagal na niyang nakatitig sa akin.

Parang gusto naman akong tunawin nito! Twenty minutes na akong nanunuod ng cartoons at talagang nakatitig pa siya saakin! Anubayan!

“anong problema mo hah?” nakaharap ako sakanya. Ni hindi man lang natinag kahit pinandilatan ko na siya.

“wala nilipat mo kasi yung channel”

“and so?”

“kaya ikaw yung pinapanuod ko” ako daw pinapanuod niya? siguro kung tayo pa at di ako naiinis sayo siguro kikiligin ako. kaso hindi talab.

“bumanat ka nalang next time”

“bakit?”

“walang epekto” sabi ko

“I see. Dahil sa sinabi mo yang lumakas ng konti yung loob ko” he said. Wow makata na siya! HAHA

“bakit nanaman?” sabay tingin ko ulit sa TV

“at least alam kong gusto mo ulit akong makita. Dahil may Next Time sabagay may next time talaga” nakita ko yun! Napangiti siya! baliw na siya. baliw baliw! Nakakainis! Tumayo nalang ako saka ko initcha yung remote sakanya!

“matutulog na ako bahala ka dyan!” sabi ko. nakakainis! Naiinis ako. hindi sakanya! Sa sarili ko! baliw kasi siya! ‘may next time talaga’ kaasar! Muntik na ko ngumiti dun. Matutulog na lang ako.

Pero nakailang ikot na yata ako sa kama di pa din ako nakatulog! Kaya pinagbuntungan ko nanaman si Lance.

“patayin mo nga yang TV! Di ako makatulog!” at sinunod naman niya pero hindi na siya nagsalita.

Hours later di pa din ako makatulog. Hindi ko alam kung anong oras na. tapos maya maya narinig kong naglalakad si Lance. papalapit ata siya saakin? Nakapikit lang ako. baka sakaling makatulog. Ramdam kong nakatayo siya ngayon sa gilid ng kama.

“ano bang gagawin ko?” kausapin daw ba ang tulog? Mali! Gising nga pala ako na akala niya ay tulog.

“natotorpe talaga ako pag sa harap mo” weh? Hahaha bago talaga yun. Straightforward ka eh!

Then, umupo siya. ramdam ko yung mga titig niya. gusto ko nga siya itulak ngayon pero akala kasi niya tulog ako. kaya paninindigan ko nalang na tulog ako. baka may malaman pa ako pag kinausap niya ulit akong tulog. Haha.

“bah” nagulat ako sa mahina at malambing niyang boses. Parang tinaasan ako ng balahibo. P-parang baliw siya! parang nung sinabi niyang ‘merry Christmas bah!’ ganun yung feeling. Pero this time kasi yung boses niya. hindi kasi siya lasing like the last time he called me with that endearment.

“di ko mabigay sayo ‘to kanina. I know you will love this.” Aba sosyal! Love daw ah? Ano ba yung sinasabi niyang ibigay?

“Dwayne pakabait ka! Ibibigay na kita. Ang tagal mo na din sa akin” ano yun? Sino yung Dwayne? Yun ba yung ibibigay niya? para namang tatanggapin ko yan. Unless----

“bah. Di mo naman siguro ‘to tatanggihan diba? Blue rabbit naman ‘to. May pangalan na nga. Kaso sigurado iibahin mo pangalan niya. kaya ikaw Dwayne tanggapin mo ibibigay niyang pangalan ah” para siyang bata. Natuwa naman ako dun sa pagkausap niya sa stufftoy. Sigurado na akong stufftoy yun. Nangongolekta kasi ako ng blue rabbit. Di lang halata >.<

Gusto ko Makita yan!!! Pwede ko na ba imulat mata ko? ang daya! Hwag naman dapat gumamit ng weakness diba? Ang daya talaga. Then after I-don’t-know-how-many seconds I felt his lips on my forehead.

Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. hindi ko alam na kaya pa din pala niya ‘to pabilisin parang dati.

“sorry Sharlot hah. sorry for not trying to get you there. sorry dahil binigo kita. Sorry kasi hindi kita nilapitan. You know how much I love you bah. Nakakatawa naman ako. one sided love na lang ba talaga to? Sleepwell bah”

*** ** ** **

“mama” Huh? Isang bata

“ang galing mo talaga hime!” naririnig ko silang lahat. Lahat ng mga papuri ng mga kuya ko. Pero bakit walang tao sa paligid? Bakit sarili ko lang nakikita ko?

“please hwag mo ko iwan… please?” tumatakbo ako na parang may hinahabol. Pero itim ang paligid.

Naririnig ko lang yung sarili ko. umiiyak ako. basag ang boses ko at nagmamakaawa.

“ma! Ayoko magtransfer! Ayokong mahiwalay sa mga kaibigan ko!” alam kong ako yan. Bakit naririnig ko ang mga nangayari dati pa? Bakit nakakasikip ng dibdib?

“bakit niyo ko iniiwasan? Mae! Inah! Bakit???” Bakit lagi akong iniiwan?

“Jake no… please” hindi ko kaya.

“bessy? Aalis ka?”

Then everything shifted. Iba nanaman. Ang dami kong naririnig na boses pero boses ko pa din ang nangibabaw “darating si Lance.” bakit ko ba naririnig ang mga ‘to? Bakit?

“Mama”

Nagising akong humahagulgol. Kinikilabutan ako. isang batang lalaki ang tumawag sakin ng mama.

“ssshhh tahan na bah.” Akap akap ako ni Lance.

“tahan na” he was patting my head. Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya. Ayokong iwanan ako ulit.  Natatakot ako sa mga mangyayari pa.

I heard him humming. I know he was trying to make me sleep again in his own gentle way. Somehow I felt that I’m at peace that he won’t leave me again.

‘mama’ alam kong lumuluha pa din ako noong nakatulog ako at nung nagising ako nakayakap pa din ako kay Lance. tumayo ako na para bang walang nangyari at dahil sa gumalaw ako nagising siya.

“o-okay ka na ba?” he asked.

“Bakit mo ko niyakap? Bakit dyan ka natulog! Sinabi ko bang matulog ka dyan?” kasalanan mo kaya ako nanaginip ng ganun!

“nanaginip ka kas---nevermind” then tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kama.

Nakita ko yung stufftoy na nasa tabi ng mga unan. Kinuha ko ‘to.

“akin ba ‘to?” pagmamaang-maangan ko. ngumiti lang siya bilang sagot.

“pwede ko ba siyang bigyan ng pangalan?” tanong ko pa ulit. Alam ko namang may pangalan na siya. natatandaan ko lahat mga narinig ko kagabi.

“s-sure” there was a hesitation on his answer. Siguro ayaw niyang palitan ang pangalan nung stufftoy na ‘to. Malaki siya, fluffy at cute talaga!

Tumayo na muna ako at saka naligo. Inalala ko yung panaginip ko.

Nakakatakot. Ayoko nang iwanan ako. lagi nalang nawawala sa akin mga minamahal ko. ano bang meron at lagi nila akong iniiwan?

Pag-off ko nung shower naalala ko ang boses ng batang lalaki “mama” kinilabutan ako. nalulungkot ako. natatakot na baka next time may mang-iwan nanaman saakin. Ayoko na. lalo kung walang kasiguraduhan. Lumabas ako sa banyo. Nakita kong nilalaro ni Lance yung bigay niya. para siyang bata.

“may naisip ka na bang pangalan?” he asked. Siguro ayaw talaga niyang palitan pangalan niya. nakakatawa naman siya. kahit papaano nababawasan yung iniisip ko. nakakatakot kasi.

“babae ba siya o lalaki?”

“lalaki”

“suggest ka ng pangalan. Tutal ikaw naman nagbigay sa akin niyan” humarap na muna ako sa salamin at saka nagsuklay. Ang haba nap ala ng buhok ko. magpagupit kaya ako?

“p-pwede?”

“ay hindi Lance. kaya nga sabi ko magsuggest ka kasi hindi mo pwedeng bigyan ng pangalan yan” umirap ako. natutuwa talaga ako sa kanya ngayon. somehow iba siya sa dati. Ganito din kaya siya around everyone? Nauutal?

“gusto ko Dwayne” sabi na. ayaw niyang palitan ang pangalan niya.

“okay. Simula ngayon siya na si Dwayne” ewan ko pero bigla akong ngumiti sa kanya. Para bang may sariling isip yung mga labi ko para ngitian siya >__<

Nakita ko tuloy na ngumiti din siya! kaasar. Hwag siyang ngingiti.

“ngumingiti ka nanaman dyan” sabi ko na lang

“wala. Mas maganda ka pa din kasi pag natural yung ngiti mo” pagkatapos niyang sabihin yun pumasok na siya sa banyo.

“baliw talaga. Oo na! gwapo ka pa din kapag nakangiti din” syempre bulong lang yan! Baka sabihin niya may pag-asa na siya. pffft. Lumapit ako sa stuffed toy gusto ko sana suntukin si Dwayne kaso ayoko kasi rabbit siya tapos blue pa >.<

“yung nagbigay sayo. Baliw masyado. Baliw sakin” pangiti ngiti nalang. Pahihirapan ko siya. akala niya

-___-

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: